PAGDATING nila sa bahay nina Nanay Cora, tuwang-tuwa ito na sumalubong sa kanila. Kinarga nito agad si Lemuel nang makita nito. “Sino siya, iha?” usisa ni Nanay Cora nang makita nito si Jak na ibinababa ang mga maleta nila. Sasagot na sana si Lyla ngunit naunang nagsalita si Jak na hindi namalayang nakalapit na pala sa kanila. “Magandang hapon po. Ako po si Jak, ang tatay ni Lemuel.” Inabot ni Jak ang kamay nito kay Nanay Cora. Tumaas ang kilay ng matanda habang tinititigan si Jak. Seryoso ang mukha nito ngunit tinanggap pa rin nito ang kamay ng asawa niya. “Oh! Ikaw pala ang naging asawa ni Lyla. Mabuti at nandito ka ngayon. Mabuti naman at naalala mo palang may pamilya kang dapat na asikasuhin. Anong nangyari at ngayon ka lang nagpakita? Ay! huwag mo na palang sagutin dahil alam k

