PAGDATING ni Jak sa Bachelor’s Place, kumpleto na ang tropa. Siya na lang ang hinihintay. “Uy! Sa wakas, dumating na rin si Havoc!” wika ni Chris nang lumapit siya sa mesa ng mga kaibigan niya. “Pasensiya na. Nag-dinner pa ako sa restaurant ni Levi,” paliwanag ni Jak bago siya umupo sa tabi ni Melvin. “Dinner date ba, bro?” usisa ni Andrei. “Oo. Kasama ko iyong business partner ni papa.” “Naks! Mabuti naman at hindi ka galing sa mansion ninyo. Ligtas kami ngayon,” patutsada ni Josh. Tiningnan ni Jaka nang masama si Josh. “Ano naman ang ibig mong sabihin niyan?” “Nag-aalala lang si Josh na baka may dala ka na namang special na inumin. Lagot kami sa mga misis namin kapag nagkataon,” ani Melvin. Napailing-iling naman si Enzo na tahimik lang at nakikinig sa usapan nila. “Huh? Nagbago

