CHAPTER 2

1449 Words
AYEKA'S POV Naghanda na ako para sa laban ko sinuot ko ang leather jacket ko na may tatak na QUEEN A. sa may kaliwang dibdib ko, naka ripped jeans ako para swabi rin ang galawan ko atsaka puro itim ang suot ko pero kitang kita ang nakasulat na QUEEN A. At hinding hindi ko rin makakalimutan ang mask ko pagkatapos kong magbihis ay dahan dahan akong bumaba na halos walang ingay na maririnig pagkalabas ko ng bahay ay umakyat na ako sa pader namin at doon ako hinihintay ng motor ko, nilibas ko na ito kaagad noong nagsabi ako kay Mommy na may titingnan lang ako sa labas kaya nakadiskarte agad ako. Regalo ito sa akin ni Daddy nung naging top 1 ako sa klase dahil yun ang usapan namin na kapag mataas ang grado ko ay bibilhan niya ako ng motor ko at pinatatakan ko ito QUEEN A. tinatago ko ito ng mabuti upang hindi ito makilala ng marami lalo na sa mga nakakalaban ko baka nila ito matuntun at madamay ang pamliya ko. Maya maya ay nagsuot na ako ng helmet ko at binatakbo ko ito ng mabilis upang makarating agad ako kung saan kami nag lalaban ng mga gangster at mafia. Paglakad ko sa loob ay nakayuko sila, pagbibigay galang nila sa akin. " Sobrang ganda ni QUEEN A. Kahit naka mask at sobrang sexy pa"- sabi nong isang babae na sobrang hangang hanga sa akin. Halos ng babae dito ay hangang hanga sa akin dahil sa aking galing ko sa pakikipaglaban at bilis na hindi nila kayang pantayan. "Magbigay galang sa MAFIA QUEEN"- sabi ng emcee Halos lahat sila ay nakayuko, nung nasa taas na ako ay saka lang sila tumayo ng tuwid , isa rin rules sa amin ang igalang ang nakakataas ang posisyon kaya halos lahat dito ay nagbibigay galang sa lahat ng nakakataas. "Goooooo QUEEN A. "- sigaw nilang lahat sa akin Nakatingin lang ako sa kanila habang hinihintay ko ang kalaban kong lumabas. Maya maya ay tinawag na ng emcee ang makakalaban ko. "Tawagin na natin ang makakalabn ni Queen A. Na si Poison Queen "- sabi ng emcee Walang kahirap hirap ko itong mapapatumba agad dahil babae lang ito. "Magsisimula na tayo Ready Queen A. At Poison Queen"- sabi ng emcee sa amin "Palagi akong naka ready tsskkk"- sabay ngisi ko sa emcee hindi nila ito na halata dahil naka mask ako. Hinubad ko ang leather jacket ko at nakasando lang ako ngayon na fitted sa katawan ko at kitang kita nanaman ang kurba ng katawan ko. "Oww witwiw"- sabay sipol ng mga manonood Maya maya ay nagsimula na at hinihintay ko lang umatake ang kalaban ko , ilang minuto lang ay hindi pa ito lumalapit at na inis na ako na ang sumugod sa kanya. Dadakotin ko sana ito ngunit umilag dito kaagad. "Aba may ibubuga"- sabi ko sa sarili ko Hindi siya sumusugod at palagi niya akong hinihintay sumugod, hindi siya masyadong gumagalaw upang hindi kaagad siya mapagod. Mautak na nilalang. Maya maya ay naglabas ako ng pana na may lason ngunit lahat ng iyon ay na ilagan niya. Tssskkkkk masyado akong pinahahanga ng isang ito Maya maya ay siya na sumugod at alam niyang pagod na ako at agad ko itong na iwasan na napunta ako sa likod niya at doon ko siya sinipa ng malakas.. Nakatama din sa wakas sabi ko sa sarili ko Na inis ito sa ginagawa ko at kita ko sa mga mata nito halos lahat kami ay puro nakamask kaya halos lahat dito ay hindi mo makikilala sa mata mo lang sila malalaman kung nakangisi ito, na iinis, at tuwang tuwa. Kaya laking ngisi ko na nakita ko siyang na inis sa ginawa ko. At dahil sa inis niya ay naglabas na din siya ng pana at mabilis ko itong na iwasan na kasing bilis ni Flash . At habang pinapana niya ako ay patuloy akong lumalakad papalapit sa kanya hangang hanga siya at kita ko sa mga mata niya. Ako lang ang kayang nakakagawa nun dito at walang nakakapantay dun. At bigla ko siyang sinipa sa mukha upang mawalan siya ng balance at tumumba ito. Hindi ko na siya sinugod upang hindi pa matapos agad ang laban at nag eenjoy ako sa pakikipaglaro sa kanya tsskkk bitch Maya maya ay nakabungon pa ito aba at matindi nakakabangon pa ,minsan ay kahit sipa ko lang ay wala ng nakakabangon. Isang hamak na babae lamang kayang kaya niya tssskkk dinaig pa niya ang mga lalaki pinapahanga ako ng isang ito. Bigla niya akong sinugod ng hindi ko namalayan sinipa niya ako sa tiyan at nawalan ako ng balance sa katawan ko tumumba ako at bigla akong tumayo agad. Na isahan ako ng isang ito ah. Kaya tudo tudo suntok sipa tadyak ang nagaganap sa aming dalawa pero hindi niya kayang tumabasan ang bilis ko. Kaya sa huli ay tumuba ulit ito ngunit nakatayo rin kaagad. Nakakahanga ang lakas ng loob ng babaeng ito sabi ko sa isip ko. Hindi siya sumusuko at kapag ako ang natatamaan niya ay nakangisi ito kahit hindi ko kita ay halata ko. Kaya doon ako na inis sa sobrang inis ko ay binilisan ko pa ng tudo ng sipa tadyak at suntok at ayun tulog. "Yohoyyyy, sobrang galing talaga ni QUEEN A."- isa sa mga narinig ko sa kanila. Halos lahat sila ay tumayo at nagpalakpakan sa pagkapanalo ko "Sobrang galing mo talaga"- sigaw ng isa sa mga taga hanga ko actually halos lahat sila ay hanga sa akin at ngayon pinakitaan ko nanaman sila ng malulupit na moves ko. "Sobrang galing mo wala ng makakapantay sayo"- sabi nung isa pa . Umalis na lang ako ng basta basta at sumakay kaagad ako ng motor ko at kung saan saan ako muna nag susuot upang walang makasunod sa akin Ngunit pagliko ko sa kanto ay may nakaabang na mga kalalakihan. Kung minamalas ka nga naman sabi ko sa isip ko. "Uyy Queen A. Saan ang punta mo?"- sabi nito sa akin Bumaba ako sa motor ko at sumandal dito. "Common sense naman diba syempre uuwi na"- pataray kong sabi sa matabang nag salita sa akin. "Ah ganun ba pwede ka munang makipag kwentohan sa amin"- sabi nung payatot na pangit "Hahhahaha ako mag kakatime sa inyo pwede ba dumabi kayo sa dadaanan ko!? Sabi ko mga ito. Ngunit ang mga walangya ay tuloy tuloy lapit sa akin tssskkk. "Wag naman masyadong masungit at tingnan mo kanina sobrang sexy mo pa "- sabi nito habang tumatawa sila "Pwede ka bang matikman Queen A. "- sabi nung pangit na panot Akmang lalapit ito sa akin ay na unahan ko na itong lumapit at bigla ko itong tiniik ng tiniik dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. At nawalan na ito ng hininga. Kaya sunod sunod na silang sumugod sa akin tudo sipa at tadyak lang ako bali 7 silang lalaki na halos nakabalibot sila akin ngayon at isa isa silang sumusugod sa akin kaya sinisipa ko silang sobrang lalakas at na tutumba sila ng agad. Halos hindi sila napapagod na kakasugod sa akin bawat tumba nila ay agad silang tumatayo doon ako na inis kaya sinipa ko sa mga tiyan at hindi na mga nakakabangon pa at sisiguraduhin ko na malulumpo sila. 4 pa ang natitira halos nag eenjoy ako sa mga walang kwentang pinag gagawa nila, tudo sipa, tadyak at suntok lang ako kaya ilang minuto ay na ubos ko na rin sa wakas hindi naman ako pinagpawisan sa mga ginawa nila. " Sa susunod na kalabanin ninyo ako mawawalan na kayo ng hininga"- sabi ko dito at umalis na ako ng tuloyan. Binilisan ko ang takbo at 1:00 A.M. nanaman ako makakauwi nito. Pagdating ko sa labas ng bahay ay pinasok ko ang motor ko ng walang kahirap hirap at ingay na ginagawa kaya pagpasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko si kuya andoon at naka sandal sa ref. "Congrats Ayeka, napanood ko ang laban mo sobrang swabe ka pa rin at walang kupas"- sabi nito at ginulo ang buhok ko. Ganito palagi sa akin si kuya kapag may laban ako hinihintay niya palagi ako para bumati sa pagkapanalo ko. "Sige na matulog kana at baka makita ka pa nila Mommy"- sabi nito at unang umakyat sa taas. Uminom muna ako ng tubig at sumusunod na ako kay Kuya. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga na muna ako sa kama ko. Sobrang pagod ako ngayon ngunit na isip ko na bawal ako matulog ng ganito ang suot ko. Nagpalit na muna ako ng damit ko at binalik ko na ulit sa lalagyan. Maya maya ay humiga na ako at hindi ko na malayan na unti unti na akong nilalamon ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD