AYEKA'S POV
"Queen Please h'wag "- nagmamakaawang sabit nito sa akin
"Hahahahhaha ako maaawa sa isang katulad mo wala sa bokabularyo ko ang salitang maawa"- sabi ko dito habang dahan dahan akong palapit sa kanya.
"Plsss Queen, Sorry kung kinalaban kita Sorry plsss"- sabay luhod nito sa harapan ko.
"Sorry tumatanggap ba ako niyang salitang yan, hahah asa ka"- biglang putok ko ng baril sa noo niya.
Walang awa akong pumapaslang sa mga taong walang silbi sa mundo lalo na kapag binabangga ako.
"Ayeka!!!"- tawag sa akin ni Mommy habang kumakatok sa pinto ko.
"Po Mommy"- sabi ko dito
"Dinalhan kita ng breakfast mo dyan ka na lang kumain, kumain na kami ng daddy mo
"Sge Mom, come in"- sabi ko dito
"Tanghali ka nanaman gumising ano bang ginawa mo kagabi at parang puyat na puyat ka"- sabi nito sa akin
"Ah wala Mom, nag f*******: lang ako kagabi hindi ko na malayan ang oras kanina 4:00 A.M. na pala "- pagdadahilan ko dito.
Hindi nila alam na ang isa sa mga anak nila ay isang MAFIA QUEEN, ayoko muna sa kanilang sabihin at baka rin madamay sila sa pinag gagawa ko, alam kong magagalit sila dahil masama ang pumatay ng kapwa tao pero iba ako ganito na ako noong sinilang pa lang ako ganito na ako at hindi na magbabago yun.
"Ah sge tapusin muna yan baba muna ako saglit paki akikaso si Ayeka Manang huh"- sabi ni Mommy nito sa isang kasambahay namin.
By the way isa kami sa mayayaman na negosyante dito sa Pilipinas. Isa rin akong model sa mga magazine. Maraming gustong kumuha sa akin para daw bumenta ang kanilang produkto kaso kunti na lang tinanggap ko dahil busy rin ako sa pag aaral ko. Baka mastress lang ang kagandahan ko tssskkkk.
"Ayeka tapos kana ba dyan?" Bungad sa akin ni Mommy
"Oo Mom"- ikling sagot ko dito
"Atska nga pla malapit nanaman ang school year doon ka pa rin ba papasok ?"- pagtatanong sa akin ni Mommy
"Oo Mom doon pa rin para hindi rin ako pagkaguluhan ng mga fans ko"- sabi ko dito.
Ang school na pinapasukan ko ay halos puro artista at model ang pumapasok roon kaya walang lumalabas na kahit picture namin sa social media na pumapasok kami sa school na yun dahil isa na rin yun sa rules na school na yun. Hindi rin naman malalamang ng mga nakakalaban ko ang pinapasukan ko dahil puro nakamask lang ako tuwing lalabas ako o kaya makikipaglaban ako sa tournament ng mga gangster at mafia may Tatak itong QUEEN A.
"Good kung ganon"- sabi Mommy
"Opo "- sagot ko na lang dito
"Sige na baba na kami ni Manang para makapag pahinga ka pa ng maayos"- sabi ni Mommy
Ngumiti na lang ako At humiga ulit ako pagbukas ko ng cellphone ko ay may nakita akong mensahe sa isang numero na hindi naka save sa phonebook ko kaya inopen ko ito.
"Mamayang 10 maglaban tayo from unknown"
"Nakakaexciting nanaman ang laro ko mamaya"- sabi ko sa sarili ko
Tuwing makikipaglaban ako ay halos laruin ko lang ito dahil minsan walang ka gana gana ang mga nakakalaban ko kaya tinatapos ko ng walang kahirap hirap ang pakikipaglaban ko tssskkk mahihinang nilalalang.
Maya mya ay tumunog ang cellphone ko.
~CHRISTELLE ANNE CALLING~
"Heyyyyyy besssyyyyyy!!!"- nakakarinding bungad sa akin nito tssskkkk nakatapat pa naman sa tenga ko.
" Oh anu nanaman?- sagot ko dito
12 years na kaming magkaibigan halos magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa nito halos mapagkamalan na kaming magkamukha nito dahil araw araw ko itong kasama noon pa ,symepre mas maganda ako kaysa sa kanya. Siya ang number one kong supporter pagdating sa pagmomodel ko halos isigaw niya sa buong mundo ang pangalan ko at nakakatouch dahil may isa akong kaibigan na katulad niya na wala na halos makapapantay sa kanya kaysa sa mga nakakasama ko sa tournament, may gustong makipagkaibigan sa akin doon sa mundong yun kasi gusto nila may maging takot rin sa knila dahil nga daw kaibigan ako tssskkkkk wala pa sa kalingkingan ng bestfriend ko ang pag uugali nila halos lahat doon ay demonyo ang ugali syempre kasama rin ako doon pero may mabuting puso pa rin naman ako sa mga taong karapatdapat tulungan .
"Bessy nakikinig ka ba sakin"- sabi nito sa akin.
"Sorry ano nga ulit yun"- pagdadahilan ko dito
"Aysssttttt wag na nga lang marami ka atang iniisip sa career mo"- sabi nito
"Wala naman akong iniisip atska hello!! Nakakabawas ng ganda yun"- pabirong sabi dito
"Ganun ba yun kaya ang pangit ko kasi iniisip ko ang mga problema dito sa bahay alam muna hindi ako katulad mong RICH KID"- sabi nito sa akin.
Mahirap lang ang bestfriend ko pero kapag wala siyang pera ako na ang bumibili ng pangangailangan nila. Tinutulungan ko silang makaahon rin sa hirap ang kaso lang ay mahiyain itong bestfriend ko kahit ilang years na kaming magkasama 2 beses pa lang siyang humihingi sa akin ng tulong wala daw silang pangkain, minsan ay hindi na niya tinatanggap ang mga binibigay ko dahil hiyang hiya na daw siya sa akin paaral siya ng magulang ko dahil sobrang talino nito at oo minsan talo ako nito pero hindi yun naghandang sa pagkakaibigan namin kahit mahirap siya atleast tunay siya at hindi niya ako ginagamit para lang may pangkain sila dahil kusa naman akong nagbibigay sa kanya.
"Anu bang problema ng bessy kung yan"- sabi ko dito habang ngumiti
"Ah wala mababaw na dahilan lang bessy"- pagbubulaan nito sa akin na alam ko ang totoo
"Anu nga kasi sige ka magtatampo ako"- pabirito ko itong sabi
"An-no ka-kasi diba malapit nanaman ang pasukan alam muna wala nanaman akong pambili ng gamit"- sabi nito , kahit nasa tawag lang ay alam kong malungkot ito dahil na rin sa tono ng boses nito .
"Ah yan lang ba sge ako na ang sasagot ng lahat ng gamit mo"- sabi ko dito
"Hindi ba nakakahiya"- sabi nito sa akin
"Ano ka ba diba sabi ko sayo mag sasabi ka lang kapag may problema ka "- sabi ko dito
"Hayssttt oo na dahil makulit ka rin at hindi mko tatantanan kapag once na hindi ko yan tinanggap yang offer mo pero sobrang thankful ako dahil may isang bestfriend akong katulad mo model na , mayaman pa at mabait pa"- mahabang sabi nito
Napangiti naman ako sa sinabi niya dito dahil sa kabila ng kasamaan ko sa mundong kasamaan ay may kabuti rin naman akong kalooban
"Sige na bessy may gagawin pa ako thank you ng marami, bye i love you"- sweet na sabi nito.
"Cge bye i love you too"- sabi ko dito sabay binaba ko na ang cellphone ko.
Na pa isip ako kung paano isang araw ay malaman niyang pumapatay ako ng tao na halos walang awa kung pumaslang matatanggap pa kaya ako nito? Pagtatanung ko sa sarili ko. Hindi ko na inisip yun at paghahandaan ko na lang ang pakikipaglaban ko mamayang gabi sa mga mahinang nilalang na yun. Nilabas ko ang box na malaki at binuksan ko ito bumungad agad sa akin ang sinusuot ko tuwing makikipaglaban ako kumpleto ito may pana, katakana, espada at marami pang iba. At tiningnan ko ang mask ko na may nakaukit na QUEEN A. Halos silang lahat ay hindi nila ako makilala ako dahil pinoprotektahan ako ng mask na ito kaya sobrang thankful ako dito at natatago ko ang tunay na ako gamit ang mga ito.
~ Tok -tok ~
"Sino yan?- gulat na sabi ko at tinabi ko na ang box na yun na hindu nila nakikita.
"Mommy mo"- sabi nito
"Oh Mom, come in"- sabi ko dito
"Anak gusto mo bang sumama sa amin ng Daddy mo? mamasyal kami dyan sa mall kasama ng mga kapatid mo "- sabi nito sa akin.
Dumating na pala si daddy ng hindi ko pa nkikita kanina pang umaga tuwing hapon o kya minsan ay gabi na sya umuuwi dahil sa pagttrabho niya sa company namin, may ilang mall kaming may mamay ari isa na rito yung pupuntahan namin, sa Cebu, sa Mindanao , at isa rito sa Luzon. Pinakamalaki ang nandito sa Luzon ang Mall namin kaya nga minsan nagtataka ako kung bakit kilangan pa ni daddy mag babad sa trabaho kahit na pumapasok na sa amin yung pera ng hindi na kami napapagod kaso kilangan daw sabi niya kaya inuunawa ko na lang.
"Sge Mom, hintayin ninyo na lang ako ni Dad sa baba"- sabi ko dito at umalis na rin si Mommy
Anu kayang susuotin ko baka makita ako ng fans ko doon kaya dapat maganda ang susuotin ko nag sukat lang ako ng damit tapos naligo na pagtapos ay sinuot ko na ang napili kong dress na fitted sa akin at kitang kita ang pagkakakurba ng katawan ko.
"Sexy ko talaga"- sabi ko sarili ko
At nag heels lang ako ng silver at kinuha ko ang mamahalin kong bag. Nag make up lang ako ng natural at hindi na ako nagpuyod sa makintab at malambot kong buhok kaya nag pasya na akong bumaba. Pagkakababa ko ay namangha ang mga na roon sa mansyon namin parang kakadebut lang ang eksena ko.
"Wow ganda naman talaga ng anak natin Hon"- sabi ni Mommy kay Daddy.
Nagkiss muna ako sa kila mommy at daddy.
" Ako rin naman Mommy maganda rin naman ako katulad ni ate "- sabi ng nakakabata kong kapatid
Tatlong kaming nagkakapatid si Kuya Angelo Drylle Sy ang panganay at siya ang nakakaalam na isa akong MAFIA QUEEN, tuwing makikipaglaban rin siya ay Nakatakip rin ang kanyang mukha para hindi rin siya makikilala at iba rin ang ginagamit niyang pangalan pagdating sa tournament namin A. Inisyal name nya lang palagi ang pinapangalan niya magaling rin naman si kuya pero hindi niya ako malalamang hehehe. Si Angelie Mitch Naman ang bunso namin sobrang maganda niya at isa rin siyang model bata pa lang siya ay kinuha agad siya dahil sa angking ganda nito. Kaya maya maya ay bumalik ako sa reyalidad.
"Let's go "- sabi ni Dad
"Yehey " sabi ni Angelie
Pagdating namin sa binaba kami ng driver namin sa tapat mismo ng mall kaya pagbaba namin ay pinagkakaguluhan agad kami ng mga tao nag suot na lang ako ng shades. Buti na lang at may body guards kaming kasama, kaya naproteksyonan kami sa mga fans ko, iba tlaga kapag maganda hehhhehe sabi ko sa isip ko
Naglakad kami ng family ko halos dumatabi sila daan ng dinadaanan namin at nagyuyukuan ang mga empleyado sa amin at syempre bigay galang na rin sa amin. Pagdating namin sa mga mamahaling bag ay agad akong pumili at binili ko kaagad ito hinayaan lang kami nila Mommy at Daddy kung anung gusto namin. Minsan kapag pupunta kami ay may nagpapapicture sa akin dito ngunit ngayon ay wala wala ata sila sa mood. Pumasok naman kami sa isang store at agad may nag papicture sa akin at syempre bawal ko itong sungitan at deadmahin lang sila kasi ang nagpapasaya sa akin. Pagkatapos namin mamili ay kumain kami sa fastfood na kain dahil hindi porket mayaman kami sa mamahalin na kami kumakain, iba kami mas pinipili pa namin dito kaysa sa mamahalin hindi dahil kuripot dahil dito kami sinanay ng magulang namin pero hindi kami dito nagsasawa. Nag order na si Daddy ng kakainin namin at pagkadating ng inorder namin ay kumain na kami kaagad dahil dumarami na ang mga tao at ang daming nag pipicture sa amin habang kumakain.at may naririnig pa akong mga bulungan. Bulungan na kinig rin naman.
"Sobrang ganda talaga ni Ayeka ohh "- sabi nung unang lalaki
"Oo nga tapos sobrang sexy pa- sabi nung pangalawang lalaki
"Myyyghaaddd!! Sobrang gwapo ni Angelo"- sabi nung isang babae
"Oo nga sobrang swerte naman ng magiging girlfriend niya "- sabi nung isang babae na sobrang kilig na kilig.
"Sobrang ganda rin ni Angelie nu kaso bata pa pero hihintayin ko yan lumaki"- sabi nung lalaking mahitsura pero hindi ako tumtingin atska nasa kabilang lamesa lang sya
"Oo nga ehh"- sambit nung isa pa
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa maubos ko itong pagkain kahit maraming pagkain ay hindi lumalaki ang tiyan ko kaya ok lang sa akin ang maraming pagkain. Pagkatapos namin ay umuwi na kami dahil rumarami na ang tao at mag 7 na.
Pagdating namin sa bahay pa ay binuksan ko kaagad yung bag ko sobrang tuwa ko sa bag na yun sobrang ganda kaya nilagay ko ito sa lagayan ko ng mga bags. Pagtapos noon ay nagbihis na ako at na isip ko ang mamayang laban ko.
Sino kaya ang makakalaban ko?
Lalaki kaya o babae?
Mga tanong sa isip ko kapag babae ay madali lang sa akin yun at kapag lalaki naman ay nahihirapan ako minsan , minsan nga lang.
Sana po magustuhan ninyo ☺️