Chapter 1

1678 Words
“PUTANGINA MO! HAYOP KA TALAGA JUDE!” Galit na galit kong sigaw habang nakatingin sa email ng banko sa cellphone ko. Simot na simot ang savings ko na pinaglalaanan ko ng mas importanteng bagay. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa pinaghalo-halong emosyon. “Sorry, Gabby! Sorry talaga!” Matalim na tingin lamang ang binigay ko sa kaniya dahil sa galit. Ngayon ay hindi ko na rin maitutuloy ang renovation ng bakery ko na sarado na ng ilang araw kaya wala akong kita. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan, nakayuko at bagsak ang balikat dahil sa panlulumo. “Bakit Jude? Bakit mo naman tinaya lahat sa sugal!”sighal ko at napailing. “Two million! Jude! Two million ang tinalo mo?!” “Akala ko kasi mananalo pa ako. Malay ko bang talo lahat!” “Ano?! Baliw ka ba?! Alam mo ba kung para saan iyon? Para sa kapatid ko!” “Sorry—” “Sorry? Mababalik ba ng sorry mo yung nawala? Jude, bakit kasi hindi ka na lang magtarabaho—” “Maghiwalay na lang tayo, Gabby! Pagod na pagod na akong maliitin mo dahil lang may sarili kang negosyo!” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. “A-Ano? Kailan kita minaliit? Pangmamaliit ba ang i-pursue kang maghanap ng maayos na trabaho?” “Ayoko na!” Basta na lamang siyang lumabas ng bakery matapos niyang sabihin iyon. He left me with my bank account empty and had no one to ask for help. Napakurap ako at hinilot ang aking sintido dahil pakiramdam ko hihimatayin ako sa nangyayari. Huminga ako nang malalim at tumingin sa nakasaradong pinto. Jude was my boyfriend for five years. We were in college when he asked me to be his girlfriend. I said yes because I love him. I really do. Pero bakit naging ganito siya? Nalulong siya sa sugal na kahit trabaho inayawan na niya. At first, he was winning, not until the casino slowly swallowed him whole, burying him beneath a mountain of debt. “No! Hindi niya ako p'wedeng takasan!”I said to myself. I can't let him escape the responsibility to pay me back. Hindi ko lubos akalain na matapos ang limang taon namin bilang magkasintahan ay iiwanan niya ako na walang laman ang savings account. Simot na simot na wala man lang natira kahit pangbili ko ng candy. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na naglakad. I tried to call him several times but his number can't be reached anymore. Gusto ko mang isipin na panaginip lang ito dahil mahal ko ang kumag na iyon pero hindi. He scammed me, left and took all my money. Bago pa man ako nakalabas ng bakery ko ay may tatlong lalaki ang pumasok. Napaatras ako dahil bukod sa malalaki silang tao ay mukha silang nakakatakot. Napalunok ako ng laway at tumikhim. “Sino kayo?”kalmado kong tanong kahit ang totoo ay halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko dahil sa takot. “Ikaw ba si Gabrielle Escalante?” Tumango ako. “Ako nga.” “Kung ganoon, ikaw ang co-maker ni Jude Mariano. Hindi ko siya makontak kaya ikaw na lang ang sisingilin ko.” Natawa na lamang ako ng pagak at napailing dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. After stealing my money, he left me with a debt I didn't know I was part of. Para na akong sasabog dahil sa galit kay Jude. “Wala akong alam sa utang na 'yan. Siya ang singilin niyo,”sagot ko at nagtaas ng kilay. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na bakas sa mukha ang inis. Ang dalawa niyang kasama ay panay ang tingin sa paligid. Kahit hindi nila sabihin ay halatang mga loan sharks sila na pwersahan kung maningil sa mga tao. Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi dahil sa inis. Bukod kasi sa sinimot ni Jude ang savings namin ay nangutang pa siya nang malaking halaga sa mga taong 'to, at ngayon ay ako ang sinisingil nila. “Miss, alam mo ba ang ibig sabihin ng co-maker? ” “Pasensya na po kayo pero wala dito si Jude—” “Pasensya?! Pinagloloko mo ba ako, Miss? Ang sabi sa akin ni Jude Mariano ay ikaw ang magbabayad ng utang niya!” “H-Ha? Teka lang, wala akong naaalalang—” Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang ilapag ng lalaki ang isang dokumento sa itaas ng countertop. Lumalim ang kunot ng aking noo nang makita ang aking pirma. Pirma ko nga 'to... “May sasabihin ka pa?”wika nito na nakataas ang kilay. “H-Hindi ko alam 'yan. Wala akong pinipirmahan—ay!”Napatili ako nang itapon ng isang lalaki ang upuan. “Akin na ang bayad!” “W-Wala! Wala akong pera!” Napaupo ako sa aking kinatatayuan at tinakpan ang aking dalawang tainga nang basta na lamang nila pinagtatapon ang mga upuan. Tinaob ang lamesa at binasag ang mga glass container ng mga tinapay na kakabili ko lang. Pati ang monitor ng cash register ko ay binibit nila. “Hoy, Miss! Babalikan ka namin! Dapat may pera ka na!”anito at lumabas. Nakahinga naman ako nang maluwang nang umalis na ang mga ito. Para akong nanghihina na napasalampak sa lapag nang mapagtanto ko ang kalagayan ko ngayon. I lost millions. My bakeshop was destroyed. I'm drowning in debt that was never mine and I failed my brother who is waiting for me to redeem him from my greedy aunt. Sunod-sunod ang patak ng luha ko. “Gabby!” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Tumayo ako at nagpunas ng luha. It was my bestfriend. “Vien...” “Pucha! Anong nangyari dito?!”Agad niya akong niyakap. “Okay ka lang ba, girl?” “Si Jude...”I cried. “Iniwan niya ako! Kinuha niya yung pera ko at iniwanan ng malaking utang!” “Ano?! Putangina talaga! Sabi ko na e! Sabi ko na talaga! Mukha pa lang ng kumag na 'yon halatang scammer na e!” Vien warned me about Jude but I didn't believe her because I was so in love. “Anong gagawin ko, Vien? Paano ako magsisimula ulit?”umiiyak kong sabi sa kaibigan ko. “Alam mo, Gabby. Malakas ka pa rin kay Lord,”aniya na nagpakunot ng noo ko. “Kasi nandito ako para tulungan ka.” “Bakit ka pala nandito? At anong tulong? Kung pagpo-pokpok, pass ako,”wika ko at nagpunas ng luha. “Gaga, hindi! May favor kasi ako,”anito at ngumiti. “P'wede ka ba mag-bake ng cake? Yung ginawa mo dati ng buhay pa si Tita Lily.” Kumunot ang noo ko. “Alam mong hindi ko na ginagawa 'yon, Vien.” “Sige na, Gab! Promise, babayaran kita!” “Ayoko, Vien. Matagal ko ng kinalimutan yung recipe niya—” “Please, bff!”Pakiusap niya. “Kailangan lang ng boss ko ng kakaibang dessert para sa restaurant ng hotel.” “No. Final—” “Ten thousand—” “Anong size ng cake ba?”nakangiwi kong sabi. Napahagikhik si Vien samantalang nanlulumo naman ako sa lagay ng bakeshop ko. Kaya kailangan ko ng patulan ang ten thousand para sa cake kahit labag sa loob ko. Sana lang tama pa ang recipe na nasa utak ko... ALAS SAIS NA NG gabi pero nandito pa rin ako sa loob ng bakeshop. Inaayos ko pa rin kasi lahat ng nasira dahil kahapon ay hindi ko nagawa dahil ni-rush ako ni Vien sa cake. Dahil sa pagod ay napaupo ako sa lapag at napatitig sa aking daliri. “Bwisit talagang lalaki na 'to!”sigaw ko at binato ang singsing na bigay niya sa akin. Nanlaki naman ang aking mata nang may mga pumasok na dalawang lalaki at nasa likod nito ay isa pang lalaki rin. Kumpara sa nauna ay mas nangingibabaw ang angking kagawapuhan nito. Malinis at mukhang mabango rin siya. Ngunit ang mas kakaiba ay ang kaniyang mga mata na sobrang lamig kung tumingin. Tumayo ako at nagpagpag saka lumapit sa kanila. “Anong kailangan ninyo—” “Did you bake this?”wika ng poging lalaki at tinuro ang cake na hawak ng lalaki. Iyon din ang cake na gawa ko para kay Vien na binigay ko kaninang umaga. I nodded. “Ako nga—” “You learned this recipe from whom?”His voice was calm yet sounded accusing. “Sa mama ko—” “Liar,”aniya na tumalim ang tingin sa akin. “Baliw ka ba?”naiinis kong sabi pero wala akong natanggap na sagot. Tumikhim ako dahil para akong natutunaw sa paraan niya ng pagtitig. It was cold, scary and dangerous. His sharp features scream authority. “You'll marry me.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “Ay, teka lang ho! Maling tao ata ang nakaharap ninyo—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang ibigay sa akin ng isang lalaki ang folder. Binuksan ko iyon at nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ang loob ng dokumento. Napalunok ako ng laway at matamang tinitigan ang lalaking blanko ang ekspresyon na nakatitig pa rin sa akin. Debt notices, overdue utilities, medical records ng kapatid ko na nasa puder ni tita, hospital bills at kahit foreclosure documents ng bakery ay nandito. “P-Paanong?”takha kong tanong. “You owe more money than you'll earn in ten lifetimes.” Kinuyom ko ang kamao ko at tinitigan siya nang matalim. “Anong kailangan mo sa akin?” “I don't want you,”he smirked. “I want the truth.” “Hindi ko alam ang sinasabi mo!” “Really?”aniya at lumapit sa akin na halos ilang inches ang layo. Napatingala ako dahil di hamak na mas matangkad siya kaysa sa akin. “O-Oo.” “Prove it,”malamig ang boses niyang wika. “Paano?” “Marry me, and I don't take no for an answer, Gabrielle Escalante.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD