Chapter 2

1513 Words
HINDI PA RIN AKO makapaniwala na kasal na ako sa isang bilyonaryo na si Caius Monterevallo at hindi man lang ako nakatanggi dahil na rin sa matinding pangangailangan ko. Sa wakas, makukuha ko na si Gian sa tita kong mukhang pera. Walang magarbong kasal, walang bisita at walang handaan ang naganap kahapon kundi isang dokumento na inilapag sa harapan ko kasama ng isang singsing na katumbas ng limang taon kong kita sa bakeshop. Hindi ito ang kasal na pinagarap ko para sa sarili ko, pero ito ang magliligtas sa akin at sa kapatid ko. Ang kailangan niya lang naman ay ang katotohanan, katotohanan na hindi ko rin naman alam paano ko ibibigay sa kaniya dahil hindi naman niya sinabi. Basta na lamang niya akong inalok ng kasal. Napabuntong-hininga ako at pumasok sa isang pinto sa loob ng mansyon ni Caius habang nasa likuran ko naman siya. “Ito ang kwarto ko? Mas malaki pa 'to sa apartment ko e,” namamangha kong sabi. Kulay puti at wood and desenyo at may sariling balcony rin na kitang-kita ang paligid. “This is temporary,” sagot ni Caius na nakatayo sa may bandang pintuan. “Temporary?” “You will soon transfer to our room once it is fully renovated,” sagot niya. Napalunok ako ng laway nang ma-realize kong gusto niya na magtabi kami sa iisang kama. Virgin ako at hindi pa ako handa na ibigay ang aking bandera dahil hindi naman kami nagmamahalan para mag-s*x. At saka kahit na matagal kong naka-relasyon si Jude noon ay hanggang halik at yakap lang ang nangyari sa aming dalawa. “Bakit kailangan tabi tayong matulog?” patawa-tawa kong tanong pero ang totoo ay medyo nakakaramdam ako ng kaba. “Because you're my contract wife. If we're going to convince everyone that this marriage is real, separate room won't help.” Tumango-tango na lamang ako dahil seryoso ang mukha ni Caius. Ibig sabihin, kailangan kong paghandaan ang s*x namin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid ng kwarto. “Teka, may kasama ba ako dito sa bahay mo? At saka anong gagawin ko dito? Gusto kong magtrabaho.” “May limang katulong dito, isang driver at si Dory, the one who usually manages everything in my house. I will assign one maid, para maging alalay mo,” aniya na nakapamulsa. “And about your work, no. Hindi ka magtatrabaho—” “Pero Caius! Mababaliw ako dito at saka—” “Then, be crazy, because every billionaire's wife lives in luxury. Your way of living reflects on me, so I refuse to make you look like an ordinary woman.” nakataas ang kilay niyang sabi. “And one more thing.” “Ano na naman?” I pouted. “I have three f*****g rule, Gabrielle,” he said while staring at my face with his cold deep eyes. “Ano?” “One, don't meddle with any of my business,” he said lifting one of his fingers. “You don't ask about my companies. You don't question my men. And you never... ever involve yourself in anything about the Monterevallo family, except me.” Tumango ako at itinaas naman niya ang pangalawa niyang daliri. “Two being my wife means being a display wife.” Mataman siyang nakatitig sa akin. “In every event, every negotiations, every family gatherings, you stand beside me. You wear my diamond, carry my name. When people look at you, they should exactly know whose wife they're looking at.” “And three,” he paused, walking a little closer to me. “Three, don't fall in love with me? Ganun? Alam ko 'yan, Caius Monterevallo. Gasgas na 'yan sa drama,” nakangiwi kong singit pero hindi natinag ang ngisi niya. He even raised his one eyebrow. “And three, you will make my bed warm every time I want,” sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Sabi na e! “A-Ano?” bulalas ko at niyakap ang aking sarili. “I don't care if you fall in love with me. Hindi ko na problema iyon.” “Teka lang ha? Wala sa usapan yan, yung s*x s*x na 'yan.” He lowered his face to level mine. “Listen, you are my wife, on paper, in public and in bed. And I will f**k you every time I want.” His voice sounds so lethal and dangerous. “Parte yan ng pagiging mag-asawa natin.” ”P-Paano kung... kung ayaw ko?” ”I don't force myself to every woman, Gabrielle.” He smirked. ”They surrender and offer themselves.” Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya ng tuwid at tumalikod habang ako ay nag-iinit ang dalawang pisngi dahil sa sinabi niya. Nagbuga naman ako ng hininga dahil para akong lalagutan nang magkalapit ang mukha namin kanina. Tumikhim ako upang makuha ang kaniyang atensyon na agad kong nagawa dahil bumagal ang kaniyang lakad. “Pa'no kung ikaw ang nagkagusto sa akin?” Nakapameywang kong tanong sa kaniya. He turned his head to me. “Then prepare yourself, because I will gouge every eye who stares at you, cut every hand who touches you and burns alive who dares to flirt with you, that is how crazy I can be,” aniya na blanko ang ekspresyon. “Do you want that, Gabrielle?” Dahan-dahan ko namang inalis ang mga kamay ko sa aking bewang dahil bigla akong nakaramdam ng kaba.Tumikhim ako at nanatiling nakatayo dahil pakiramdam ko pulang-pula ang aking pisngi. “I guess you do,” aniya nang hindi ako makasagot at tuluyan ng lumabas ng kwarto Nanghihina akong napaupo sa dulo ng kama at napahawak sa aking dibdib. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bilyonaryo ang pinakasalan ko o isang mayamang pycho. Paano ko ngayon haharapin ang lalaking iyon kung bulgaran niyang sinabi na aangkinin niya ako kahit kelan niya gusto? “Baliw ba siya?”nakangiwi kong tanong sa aking sarili dahil hindi ako makapaniwala. Napaigtad naman ako nang may kumatok sa pinto at nang bumukas iyon ay isang may edad na babae ang pumasok kasama ang isang dalaga na sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon. “Hi, Madam, ako si Dory, mayordoma dito,” wika ng babae at tinuro ang kasama. “Siya si Tali, magiging personal maid mo.” “O-Okay,”naiilang kong sabi. Tumango ang matandang babae at lumabas na. Naiwan naman si Tali na nakangiti na lumapit sa akin. “Hello, Madam! Ako si Thalia Gustavo, or call me, Tali,” pakilala niya. “May kailangan ka ba, Madam?” “Kailangan ko ng pahinga,” saad ko at nahiga. ”Gusto mo ba ng masahe? Juice? O kaya ng hot bath—” ”Wala, Tali—” ”Sorry po, Madam. Sabi kasi sa akin, pagsilbihan ang asawa ni Sir. Pinag-aagawan nga po ang posisyon ko ngayon e.” I chuckled at how weird it can be. ”Bakit naman?” “Dahil kapag maging personal maid ka ng isang may bahay ng mga Monterevallo, ibig sabihin mataas ang tiwala sa 'yo. Kaya pagsisilbihan kita at na sa 'yo ang loyalty ko, Madam!” “Cute niyo naman,” komento ko habang nakangiti. Pero hindi pa man nag-iinit ang likod sa malambot ma higaan ay muling bumukas ang pinto ng kwarto. Kumunot ang noo ko at napaupo ulit. Ang nakatayo ngayon sa hamba ng pinto ay si Caius. Iba na ang damit nito at may kasama siyang isang lalaki na sa tingin ko ay driver niya o personal assistant. “Get up, we're leaving.” His voice carried authority. “Saan tayo pupunta?” “Tomorrow, I will introduce you to everyone as my wife. You need formal dresses.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “Ha?!” “What do you expect?” Bakas sa mukha niya ang inis. “Teka, bukas agad?” Tumayo ako at lumapit sa kaniya habang nakasunod si Tali na nakangiti. “Hindi ba p'wedeng next day?” “No.” “Hindi pa ako handa...” “So?”He showed me his fingers with a wedding ring. “I'm your husband.” Dumako ang tingin ko sa singsing sa daliri niya at sa kaniyang gwapong mukha. “E anong gagawin ko?” Natatakot kong wika dahil hindi basta-basta ang makakaharap ko bukas. His expression softened. “Just stand beside me,” aniya na gumala ang mga mata sa kabuuan ng mukha ko. “Be beautiful.” He smirked. “And let me handle everything.” Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang saglit kong nakalimutan na contract wife ako. Matapos niya sabihin iyon ay tumalikod na siya habang ang kaniyang assistant ay nauna nang lumabas. “Eeee, nakakakilig si Sir!” wika ni Tali kaya napangiwi ako. “Paano kung... paano kung ayaw nila sa akin...” I admit, my voice sounds worried. He stopped and he looked at me with his eyes dangerously cold. “Then, they'll have a problem with me..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD