“THIS, THIS AND THIS,” sunod-sunod na wika ni Caius habang binibigay isa-isa kay Tali ang mga nakahanger na mamahaling dresses sa isang boutique.
Marahan akong tinulak ni Tali sa loob ng fitting room at nakangisi na tumango. Sinabit ko ang mga dresses na kinuha ni Caius at sinukat ang isa doon. Napasinghap ako sa presyo dahil mas mahal pa 'yon sa sahod ng minimum wager. Laglag panga akong nakatingin sa salamin habang nakatitig sa aking sariling repleksyon.
“Ang ganda...”saad ko dahil ngayon lang ako nakasout ng ganito. “Ang ganda ko, shet!”
Kulay off-white iyon na kurbang-kurba sa aking katawan. Hindi ako masyadong maputi pero lumalabas ang maganda kong kulay. Medyo revealing lang ng kaunti sa dibdib na parte pero keri ko na i-awra. Umikot-ikot ako at nag-pose saka nakangiti na lumabas.
“Wow! Ang ganda mo, madam!”ani Tali na patalon-talon pa.
Dumako ang tingin ko kay Caius na nakatitig sa akin. Blanko at tila wala siyang pakialam sa itsura ko. Umiling lang siya, senyales na ayaw niya ng sout ko kaya nakanguso akong tumalikod at bumalik sa loob ng fitting room. Sinukat ko naman ang isa at kulay itim iyon. Kumpara sa nauna ay mukhang mas elegante iyon dahil may kumikinang-kinang pa. May slit sa hita pero hindi masyadong kita sa dibdib. Nakangiti akong lumabas muli pero walang Caius na nakaupo doon.
“Nasaan na 'yon?”tanong ko sa sarili ko. “Pati si Tali, nasaan na?”
“Lumabas si Sir, may kausap sa cellphone at si Tali ay inutusan niya,”sagot ng isang sales lady sa akin.
Tumango ako at akmang papasok ulit sa fitting room nang may marinig akong mga boses ng babae palapit sa akin. Natigilan ako nang makaharap ang dalawang babae na matamang nakatitig sa akin. Ang isa ay pamilyar ang mukha dahil madalas ko ata siyang nakikita sa TV.
“Ma'am Chantal! Ma'am Heidi!”masiglang salubong ng Sales lady pero hindi siya pinansin ng mga ito.
“Who are you?”tanong nito na nagtaas ng kilay.
Tinuro ko naman ang sarili ko. “Ako?”
“Obviously,”anito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka muli akong tiningnan sa mukha. “You look normal...”
“Ako si Gabrielle—”
“I want that dress,” saad nito na nakaturo sa sout ko. “That is a limited edition dress from Hiraya Collections.”
“Ito?”wika ko at hinawakan ang dress na sout ko.
“That's mine. I want that.”
“Walang pangalan mo na nakasulat dito,” sagot ko at nakipagtitigan sa kaniya. Hindi naman p'wedeng magpapa-bully na lang ako basta.
“Don't try me, manang,”saad nito na namumula ang pisngi sa inis. “Baka nga hindi mo afford 'yan.”
“Hindi ako manang. At saka porke't kilala ka at may malaking billboard sa edsa, e kailangan ko ng sundin ang gusto mo,”sagot ko at nagtaas ng kilay. “At saka p'wede ba, makakapasok ba ako dito kung hindi ko afford? Think.”
Mas lalong namula ang pisngi nito sa inis. Marahas niyang nilingon ang sales lady na napaigtad pa dahil sa takot sa kaniya.
“Take it from her.”
“Pero, Ma'am—”
“No buts,”putol nito sa sinasabi ng sales lady na hindi inaalis ang mga mata sa akin. “Take it off or I'll undress you here.”
Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kilay. “Ayoko nga. Ako ang nauna sa dress na 'to.”
“Do you think I care?”anito at nakahalukipkip na naglakad palapit sa akin. “I am the next face of Hiraya Collections, kaya dapat akin ang dress na 'yan.”
“Chantal is right. Hubarin mo na kasi?”singit ng babaeng kulot na kasama nito.
“A.YO.KO,” simpleng sagot ko na pinagtawanan lang nila.
“Sales lady, are you going to obey me or I'll tell Simon to fire you?”muling utos ng Chantal na babae.
“Ma'am Chantal kasi... ano... asawa siya ni—”
“Listen, wala akong pakiala kung kaninong asawa ang manang na 'to,”anito na bakas sa mukha ang inis. “I want that dress.”
Napabuntonghininga naman ako dahil pati ang walang kamalay-malay na sales lady ay napapagalitan. Pumasok na lamang ako sa loob ng fitting room at hinubad ang dress para ibigay sa kanila dahil ayoko ng gulo. Baka magalit lang si Caius at i-divorce ako bigla, maglalaho ang pag-asa kong makalaya si Gian sa kamay ni Tita.
But they suddenly barge inside and one of them grabbed my hair from behind. Napangiwi ako sa sakit at nang bitawan ako ng kung sino ay agad akong tumayo at tinitigan sila nang masama.
Seryoso ba?
“Ano bang problema ninyo?!”galit kong sabi.
Pero sa halip na sumagot ay kinuhanan ako ng litrato ng babaeng kulot. Doon ko lang naalala na naka bra at panty lang pala ako dahil nga hinubad ko ang sout kong dress. Napayakap ako sa aking sarili at hinablot ang ano mang nakahanger para itabon sa aking kahubdan.
“Pinahirapan mo pa kami, huhubarin mo naman pala,”saad ng Chantal na kinuha ang dress.
“Ibibigay ko naman 'yan! Parang dress lang, mamatay ka na,”naiinis kong sabi at dinuro ang babaeng kulot. “Hoy! Burahin mo 'yan!”
“A.YO.KO,”sagot nito na ginaya ang tono ko.
Kagat labi lang akong nakatingin sa kanilang dalawa na pinagtatawan ang litrato ko sa cellphone na hawak ng kulot. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya at takot na baka maabutan ni Caius ang eksena na 'to... at hindi nga ako nagkamali. When the door of fitting room opened, I immediately saw Caius' serious face.
“What is happening here?”tanong niya na napalingon sa dalawa. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo. “Why are you wearing undies only?”
“At sino ka naman?”tanong ng Chantal at tumawa na para bang nang-aasar na may halong landi. “Don't tell me, ikaw ang husband ng manang na 'to?”
Dumako ang tingin ni Caius kay Chantal. “Chantal Reyes...”
“Oh! You know me? Sino ba ang hindi? I am famous—”
“You're a lowlife hooker who sell her body to directors, producer to get the role,”wika ni Caius na nagpaawang ng labi ni Chantal. “I bet you don't know me?”
“How dare you say those words!”sigaw ni Chantal.
“Mag-ingat ka sa mga salita mo! You're recorded!”sabat ng kulot na Heidi ata ang pangalan.
“Why? Which part of the truth did I get wrong?”Caius said with his face remains cold.
“Sino ka ba sa tingin mo ha!”
Caius' side of lips lifted.
“I am Caius Monterevallo,”pakilala niya. “I think, my name is enough for you to get the idea that you mess with a wrong woman.”
Napalingon sila sa akin na bahagyang namumutla ang mga mukha kahit na naka full face make up sila.
“I-Imposible! Caius Monterevallo is single—”
“I was,”Caius answered, giving me few glances. “Not until I marry the woman you just bully.”
“A-Alis na kami,”wika ng Heidi. “Chantal, let's go.”
“Delete my wife's photo, and I let you pass,” wika ni Caius kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
“What... What photo—”
“Your phone is worth... I think seventy five thousand, right. It's pretty expensive, but it will be not if I broke it into pieces.”
Nanlaki ang mata ni Heidi na agad binura ang mga litrato ko sa cellphone niya. Pinakita niya pa iyon kay Caius at lumabas na hila-hila si Chantal na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Kung ako 'yon, magugulat din ako dahil sino nga ba ako para maging asawa ni Caius.
His name is enough to make everyone fear him.
“Are you okay?”tanong niya at lumapit.
Tumango ako. “Oo”
Nahigit ko naman ang aking hininga nang kunin ni Caius ang dress na kinuha ko para takpan ang aking katawan. Nag-init ang pisngi ko nang gumala ang kaniyang tingin sa aking leeg pababa sa puno ng dibdib ko. Sinubukan kong itakip ang aking kamay sa aking cleavage pero pinigil niya ako.
“You have medium breast, perfect for my palm,”aniya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
His face shows different kind of emotion. Ano 'yon? Libog?
“H-Hoy! Bastos ka!”wika ko at tinulak siya nang kaunti.
He chuckled, and I froze, so is him. He looks like laughing is a rare moment for him. Tumikhim siya at tumalikod.
“Magsukat ka uli,” utos niya.
“Can I choose something simple lang?”nakangiwi kong sabi dahil ang nga natirang dresses ay magagarbo dahil nakuha ni Chantal ang isa.
Lumingon siya sa akin. Para akong nilalamig sa paraan niya ng pagtitig. He is so stiff and cold.
“You already have the face that makes people stare,”aniya at namulsa. “Simple or not, doesn't matter.
“So, parang sinasabi mong maganda ako,” nakangiti kong pang-aasar.
“No,”sagot niya at binigyan ako ng huling tingin bago tumalikod.
“That's my way of saying, you're distracting me.”