Chapter 1

1757 Words
"Hibang ka na ba Ismael?!" Singhal ng kaniyang inang si Lindzy habang nakapamewang at masanang nakatitig sa kaniya. "At talagang sa opisina mo pa? Sa mesa?!" Napasintido ito habang si Ismael ay nanatiling walang kibo. Wala na namang bago at aminado naman siyang kasalanan niya, but it's his mother's fault too. Hindi ito nagsabing pupunga ito, edi sana hindi siya nagpadala sa tukso. Speaking of tukso, ang sekretarya niya ay nawalan na ng trabaho. Bukod sa sinisante ito ng kaniyang ina sa sarili niyang kompanya, ay nakatanggap din ito ng walang katapusang sermon kagaya niya. "Nakikinig ka ba?!" Singhal nito hinampas pa ang bago niyang mesa. Oo, bago. Ipinasunog ng kaniyang ina ang mesang kani-kanina lamang ay inupoan ni Rita, kesyo mayroon na raw iyong bacteria. "Oo," Walang gana niyang tugon, pinagtuonan ng atensyon ang folders na kanina lang ay nakakalat. Ngunit siya ay napatingala ng iyon ay hablutin ng kaniyang ina. "Hindi pa ako tapos magsalita Ismael," Mariing pagtawag nito sa kaniyang pangalan kaya naman siya ay napabuntong hininga. "Hindi kita pinalaking ganiyan—" "Hindi mo naman talaga ako pinalaki," Pagputol ni Ismael sa sasabihin ng ina, na siyang kinatigalgal nito. Gulat sa naging kaniyang kasagotan. "A-Anong sinabi mo?" Mahina ngunit hindi makapaniwalang saad nito. Bumuntong hininga si Ismael, sumandal sa bago niyang swivel chair at mata sa matang tiningnan ang inang tila nawalan ng enerhiya nang dahil sa binitawan niyang salita. "Ang sabi ko, hindi mo ako pinalaki." Seryosong pag-ulit ni Ismael, tila walang pakialam sa magiging reaksyon at mararamdaman ng ina. "Bakit ka nga ba nandito? Hindi ba't sinabi ko na tumawag ka muna o kaya naman magtext kung pupunta ka? Bakit? May problema ka na naman ba sa bago mong kalaguyo? 'Ma, please cut the drama. Idinamay mo pa ang sekretarya kong si Rita," Hindi maitago ang irita sa boses ni Ismael. Iritado siya hindi lang dahil sa siya ay nabitin, kundi dahil din sa ina niyang walang ibang ginawa kundi guluhin ang masaya at mapayapa niyang buhay. Ang relasyon nilang mag-ina ay fifty-fifty. Minsan masaya sila, magkasundo, at nagtatawanan, pero mas madalas silang nag-aaway at nagkakasagotan kagaya na lang ngayon. "How dare you Ismael!" Gigit ngiping singhal ng ina. "Pinangangaralan lang kita! Hindi ka na bata para sa mga ganitong bagay—" "Bakit ikaw?" Muling pagputol niya sa sasbihin nito at tumayo. "Hindi ba't gano'n ka rin naman?" Ngumisi si Ismael at nilapitan ang inang tensyonado. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang ina. Maganda ito, walang duda. "Hindi ba't mas bata pa nga kaysa sa akin ang mga nagiging karelasyon mo?" Pagak pa siyang natawa na siyang kinasigaw naman nito. "Ismael!" "Ano?!" Matapang niyang sigaw na kinaigtad nito, ngunit agaran din naman siyang kumalma at napasabunot sa sariling buhok. "Sorry 'Ma," Paghingi niya ng pasensiya at naupo sa kulay itim na sofa't mariing napapikit. Ismael and his anger issue. Got it from his grandfather, may his soul rest in peace. Nakarinig siya ng mga pagyabag at kalaunan ay may gumalaw sa tabi niya, tanda na naupo rin ang kaniyang ina na kagaya niya ay kalmado na. Nakaramdam siya ng mainit na bagay sa kamay kaya siya ay napadilat at iyon ay tiningnan. It's his mother's hand, holding his. "I'm sorry for bragging in without informing you my son..." Malumanay nitong saad, marahan pang pinisil ang kaniyang kamay. "May hindi lang kami pinagkakaunawaan ni Marcus." Imporma pa nito, boses ay may bahid ng lungkot na siyang kaniyang kinaibgos. Tingnan mo nga naman ang ina niyang 'to, pagdating sa kaniya galit na galit tapos ngayon parang hindi na makabasag pinggan. "Oh? Anong gagawin ko?" Walang interes niyang tanong. "Wala," Bumuntong hininga ito at sumandal sa kaniyang balikat. "Ang laki-laki mo na anak. Parang dati lang uhogin ka pa, may luga, at panay iyak ng 'mama'. Pero ngayon? Ang tayog-tayog mo na anak," Mahina pa itong tumawa na siyang kinaismid naman ni Ismael. "Watch your mouth 'Ma," Suway niya rito. "Bakit?" Umayos ito ng pagkakaupo at sinapo ang pisngi niya. "Totoo naman ang sinabi ko ah? Na dati kang uhogin tapos iyakin," Nalukot ang mukha ni Ismael nang dahil sa pag-ulit nito. Mabuti na lang talaga at soundproof 'tong opisina niya, dahil kung hindi—malalaman ng lahat ang bagay na tinatago-tago niya. Tama naman ang kaniyang ina. Iyakin siya noong kabataan niya, pero ngayong trenta y dos na siya? Mga babae na ang umiiyak mapansin lang niya. Sino nga ba siya? Siya lang naman si Ismael Oh Deogracias, trenta y dos at ang may-ari ng Deogracias Global Holding—real estate, luxury resorts, and tech ventures. Kilalang babaero, pero hindi hubadero. Conservative siya 'no! Maniwala man kayo sa hindi. He came from nothing. Mayaman ang ama niya, pero hindi siya nanghingi ng tulong dito. Nagsumikap siya, at ang dating batang hamog—ngayon ay naging hambog. Hindi biro lang. "Pang ilang sekretarya mo na ba ang babaeng tinanggal ko kanina?" Tanong ng kaniyang ina na nagpabalik sa lumilipad niyang diwa. "Si Rita?" Aniya, muling bumalik sa isip ang naglalawang p*ke ng sekretarya. Sayang! 'Yon na e. Ipapasok na, naudlot pa. Masakit ang puson niya, pero mas masakit ang ginawang paghampas ng ina niya sa kaniya kanina. Pati na rin ang paghila ng buhok nito ni Rita. Poor thing. "Oo," Tugon nito, bahagya pang tumango. "Mas mukha pa siyang worker sa bar kaysa sekretarya ng kompanya mo sa totoo lang 'nak," Puna nito. "Hindi naman ah?" Aniya at dumikwatro. "She looked nice," Puri niya, nang maalala ang miniskirt with no panty na suot ni Rita kanina. "Lahat naman ng babae sa 'yo, nice." Inismiran siya nito. "Manang-mana ka sa pinagmanahan mo," Umiling ito na siyang kinabusagot naman niya. Seryosong tao si Ismael, pero tila nababahag ang buntot niya kapag sariling ina ang kausap at kasama. Wala e, magkaugali silang dalawa—at nakakadrain pala 'no? Interacting with a person with the same attitude as you. Nakakapikon. "Pang ilan nabang babaeng 'yon?" Muli nitong tanong. "Hindi ko alam," Tugon niya habang marahang kinukuyakoy ang kanang paa. "Ako, alam ko." Pagsingit ng kung sinuman sa usapan nilang mag-ina, nagmula iyon sa pintuan ng kaniyang opisina na siyang binalingan nila ng tingin. "Reina," Tawag niya sa HR Manager ng kompanya. "Anong kailangan mo?" Tanong pa ni Ismael at sininyasan itong lumapit, na siyang ginawa naman nito. "Good afternoon po Mrs. Oh," Pagbati ni Reina sa kaniyang ina, malawak pang nakangiti. "You look stunning today," "Good afternoon ija," Tila anghel namang tugon nito, at 'di na nagulat si Ismael doon. Sa kaniya lang naman dragon ang nanay niyang 'to. "You too," Women. At dahil naging hangin na siya sa pagitan ng dalawa, hinablot niya na lang ang hawak-hawak na folder ni Reina at muling tinungo ang office table niya. Doon, binuklat niya iyon, binasa at kalauna'y pinermahan. Si Reina, ang HR Manager ng kaniyang kompanya ay dati niyang kaklase noong siya ay nasa highschool hanggang college. Then eventually, they became friends at napangasawa pa nga nito ang isa sa mga kaibigan niya. Naging maingay sa loob ng opisina ni Ismael. Hindi dahil sa ungol at halinghing, kundi dahil sa kagikhik at tawa ng dalawang babaeng nasa kaniyang harapan. "Siya nga pala ija," Tumikhim ang kaniyang ina. "Po?" Rinig niyang tugon ni Reina. "Hiring ulit ang position for secretary ng anak ko," Wika ng kaniyang ina kaya dumako roon ang kaniyang atensyon. "Kung maaari sana lalaki ang kunin mo ng maiwasan ang mga bagay na dapat iwasan," Habilin pa nito at bahagya siyang tiningnan ng masama. "Huwag ka pong mag-alala Mrs. Oh," Wika ni Reina, hinawakan pa ang magkabilaang kamay ng kaniyang ina. "Ako na po ang bahala. This time I will double check their background and their intension." "Naniniwala ako sa kakayahan mo ija. Alam mo naman itong anak ko, habolin ng babae—at pumapatol naman. Kaya mas maigi pa talagang lalaki ang kunin mo, totoong lalaki ah?" Puno ng panunuya at pangangamba ang boses nito. "Anong akala mo sa 'kin 'Ma? Tigang?" Aniya na kinasinghap ng dalawa. "Bibig mo Ismael!" Tili ng ina, iwinagayway pa ang kamay sa hangin. "Hindi ka na nahiya kay Reina!" Dugtong pa nito at nanghingi nang tawad sa HR Manager. "Wala po 'yon Mrs. Oh," Umiling si Reina, nakangiti. "Sanay na po ako riyan sa anak niyo." Kinindatan pa siya nito na siyang kinaikot ng kaniyang mga mata. "Huwag mo akong nilalandi Reina. Isusumbong kita sa asawa mo," Pananakot niya at muling binuklat ang folder. "At isa pa 'Ma," Tawag niya sa pansin ng inang wala na namang humpay sa kakadaldal. "Ano?" Iritadong tanong nito. "Si Marcus ang alalahanin mo, huwag ako." Mariin niyang saad at hinayaan na ang mga ito. Sanay siyang mag-isa. Sanay siyang tahimik. Ngunit sanay rin siya sa ingay. Bago siya maging tanyag. Marami siyang ginawang kagagohan. Ilang beses na rin siyang naglabas pasok sa presinto, at ilang beses na rin siyang nagpapalit-palit ng abogado. But look at him? Nasaan siya ngayon? Nasa taas. Namamayagpag. Dahil hindi niya sinukoan ang pangarap niyang tanging bumunuhay sa kaniya noong siya ay bata pa. Meron siyang Ina. At meron din siyang Ama. Pero wala siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya, dahil may kaniya-kaniya itong mga pamilyang masaya—habang siya? Ulila. Ismael Oh Deogracias is his name. Babaero, patolero, hindi hubadero, at higit sa lahat—wala pa siyang kinakant*t, na nabuntis. At isa iyong flex, unlike his friends. Speaking of his friends. Nasaang lupalop ng mundo kaya ang mga 'yon? Ang tagal na rin nilang hindi nagkikita-kita. "Reina," Pagtawag niya, hindi ito tinapunan ng tingin. "Yes Boss?" Tugon nito. "Nasaan ang kaibigan ko? Na asawa mo?" Tanong niya, tinanggal ang reading glass na suot at nagsalin ng wine sa kupita. "Nasa bahay. Binabantayan ang anak namin," May bahid na saya ang boses nito na siyang kinalukot ng kaniyang mukha. "Under..." Bulong niya sa hangin. Kaya ayaw niyang magpatali e. Tamang tikim-tikim lang. Master niya na naman ang arts of withdrawal, tsaka marami siyang condom. Nagstock na siya, bihira lang magkaroon ng XL size sa pharma. "Pupunta ako sa inyo," Paalam niya kay Reina. "Gusto kong makita ang inaanak ko," Dugtong niya pa. Ano bang magandang regalo sa five years old na batang babae? Last time kasi na niregalohan niya ang inaanak, nagalit si Reina. What's wrong with house and lot? Magagamit naman iyon ng inaanak niya kapag tumungtong na ito sa huwastong edad, and his friend agreed with it pero sa huli, sa garahe ito natulog. "No gifts," Paalala nito at pinaningkitan pa siya ng mata. "Tsked." Tanging saad ni Ismael at tinapos na ang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD