Chapter 2

1748 Words
Pasado alas tres na ng madaling araw ng matapos si Ismael sa trabaho. Ang tagal hindi ba? Wala kasi siyang sekretarya, naipon ang mga gawain niya. Bukod pa ro'n, ilang board meetings din ng dinaluhan niya. May mga issues din siyang niresolba, at sinamahan niya rin ang kaniyang Ina na magpa-spa. Nasaan na nga ba ang Ina niya? Ayon, pinauwi niya na. Masyado kasi itong maingay at mapilit na mag-asawa na siya, na para bang required ang ganong sistema. Panay hingi ng apo, na para bang kendi lang ang gusto. Imbes na umuwi, dumiretso si Ismael sa isang kilala't sikat na bar na pagmamay-ari ng business partner niya, pero syempre nagbihis muna siya. Good thing pinagawan niya ng private space—room ang kaniyang opisina, na mayroong walk-in closet, bar counter, kompleto ang appliances, banyo, at syempre gym. "Inumaga ka yata Sir," Pansin ng gwardyang rumuronda sa parking lot ng Deogracias Global Holdings. Nginitian naman ito ni Ismael na sinabayan pa ng pagtango. "Nawalan na naman ho ako ng sekretarya kaya natagalan," Wika niya na kinatawa naman nito. "Iba talaga ang kamandag mo Sir," Tudyo nito habang tumatawa. "Nakatatlong sekretarya ka na agad ngayong buwan na ito, partida, wala pang isang linggo!" Singhal nito, aliw na aliw sa mga babaeng nagkukumahog sa kaniyang amo na si Ismael. "Tatlo na ba?" Maang na tanong ni Ismael. "Oho Sir," Tumango pa ang gwardya. Namaang si Ismael nang dahil doon. Nakatatlong sekretarya na pala siya? Hindi naman kasi siya interesado, bukod pa ro'n nanghihimasok ang kaniyang ina—sinisisante agad nito kapag nakikitang nilalandi siya, na para bang isa siyang birhen. "Bukas ho pang-apat na," Nakangising saad niya at pumasok sa kulay itim biyang McLaren sports car. Binuhay niya ang makina niyon at ibinaba ang bintana, bahagyang dinungaw ang gwardya at sinabing. "Mauuna na ho ako," "Ingat Sir," Nakangiting tugon nito sa kaniya, bahagya pang sumaludo. Nagsimula ng magmaneho si Ismael na walang gamit na waze o google map, sa kadahilanang alam na alam niya kung saan siya pupunta. Makahanap sana agad ng kapalit si Reina kay Rita. Ayaw niyang natatambakan ng gawain, nawawalan siya ng oras para magligalig at mag-aliw. Ni hindi nga niya nabisita ang monster truck niyang pinapacostumized, gagamitin niya pa iyon sa nararating niyang karera next month. Nangunot ang noo ni Ismael ng may makitang pumapara sa isang iskinitang hindi kalayuan sa Mall na pagmamay-ari ng kaniyang ama. Mukha bang pampasaherong sasakyan ang McLaren niya? "Anong oras na ah?" Bulong niya sa hangin, and without other choice—binagalan niya ang pagmamaneho at huminto sa tapat ng babaeng pumapara. Oo. Tama. Babae. Ibinaba ni Ismael ang bintana ng kotse at bahagyang dumungaw roon, pinasadahan niya pa ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa bago tuloyang magsalita. "Hindi 'to taxi miss," Aniya, may bahid ng inis sa boses. Lumapit ang mukhang disenteng babae sa kaniya at yumuko, dahilan para magkapantay ang kaniyang mga mukha. 'Puwede na,' Aniya sa sarili at lihim pang napangisi. Not his ideal, pero puwede ng pagtsagaan ika nga ng iba. "Alam ko pogi," Tugon nito, mapang-akit pang ngumiti. "Sinadya ko talagang parahin ka. Ilang gabi ko na rin 'tong ginagawa at pinagpaplanuhan, mabuti na lang at gumana. Dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko para masilayan ka." Umarko ang kilay ni Ismael nang dahil sa sinabi nito. Hindi nga nagkamali ang kaniyang hinuha, isa ito sa mga babaeng nais sa kaniyang magpakama. And if his memories serves him right, ito ng nag-eskandalo sa loob ng kompanya niya sa kadahilanang hindi ito natanggap bilang kaniyang sekretarya. "Sorry miss..." Seryosong panimula ni Ismael at muli itong pinasadahan ng tingin. And just one glance, he can tell na b-cup size thirty-eight ang babae. "I have high standards." Pero imbes na madismaya sa kaniyang sinabi, ngumisi pa ang babae. "Alam ko..." Malamyos na wika nito at humarap sa may kadilimang iskinita. "Open ka ba sa threesome?" Bahagya siya niyong tinanpunan ng tingin, at mula sa madilim na iskinita may lumabas na isang babae na siyang kinalawak ng ngisi ni Ismael. Ang bagong babae ay may balingkinitang katawan, abot bewang ang haba ng buhok—tuwid iyon at kulay blonde. May malaki itong dibdib—c-cup, at mahabang hita na ani mo ay isang modelo. "Hi Mr. Deogracias," Mapang-akit na bati sa kaniya ng bagong babae, dumungaw ito sa bintana ng kaniyang kotse dahilan para makita niya ang ut*ng nito. Oo, walang suot na bra ang babaeng bagong dating. "Ako nga pala si Missy," Pagpapakilala nito, iniipit pang bahagya ang ded*. "At ako naman si Pam," Wika naman ng isa at kinindatan pa siya. "Threesome aye?" Mahinang pag-ulit ni Ismael at inunlock ang pinto ng kotse. "Get in." Utos niya na kinatili ng dalawang babae. Si Missy ay nakaupo sa kaniyang tabi, samantalang si Pam naman ay nasa backseat. Nag-uusap ang dalawa at bahagya pang nagtatawanan habang si Ismael ay nakatutok lamang ang mata sa daan, mapupurnada ang pag babar niya ngayong madaling araw pero may nasungkit naman siya ng threesome. Ismael already explored it all. Iba't ibang posisyon, iba't ibang lahi, threesome, foursome, at kahit pa orgy. He's an explorer after all, lalong-lalo na sa s*x. Nagmaneho si Ismael patungo sa pinakamalapit na hotel. Take note, hotel. Ni minsan ay wala pa siyang dinala sa motel, kasi naniniwala siyang s*x feels much better in a good place and space. "Nandito na tayo," Pagkuha niya sa atensyon ng dalawang babaeng kanina pa haplos nang haplos sa katawan niya. "Woah, five star." Bulalas ni Missy ng makita ang hotel sa kanilang harapan. "Yes," Turan ni Ismael at ipinarada ang kotse. "Tama nga ang sabi nila. Hindi basta-basta ang isang Ismael Deogracias," Bakas sa boses ni Pam ang pagkamangha. Lumabas na si Ismael, na siyang sinundan naman agad nila Pam at Missy. Kapwang kumapit ito sa magkabilaan niyang braso na siyang hinayaan niya lang, at halos lahat ng makakasalubong nila mapa-staff man o guest ay nagbubulongan. He is Ismael Oh Deogracias after all. Kilala siya kahit saan man siya magpunta, at kaakibat na rin ng pangalan niya ang salitang 'babae'. A certified womanizer and a woman pleaser. "Good morning Sir," Pagbati sa kaniya ng babaeng receptionist na bahagya pang nagkagat labi, na siyang kaniyang kinangisi ng palihim. "May reservation po kayo?" Tanong nito, si Ismael ay umiling. "Wala," Aniya. "Walk in," Tumango ang receptionist at tiningnan ang system. "A room for?" "One—" "Ismael!" Sigaw ng kung sino na siyang pumutol sa kaniyang sasabihin. Iritado, hinarap niya iyon. Pero agad ding nawala ang kunot ng kaniyang noo ng makita ang kaibigan, ang may-ari nitong five star hotel. "Llyod," Bati ni Ismael pabalik, binalingan ng tingin ng dalawang babaeng nakakapit sa kaniyang braso at nagpaalam sandali. Narinig niya pa ang bahagyang pag-ungoy ni Missy at ang pagnguso ni Pam, mukhang hindi nasiyahan sa kaniyang ginawa pero maglalawa ang mga p*ke nila mamaya. Nilapitan niya ang nakapamulsa at may malawak na ngising kaibigan. They fist bump and give each other a brotherly hug. They've known each other for decade and half. "Balita ko nawalan ka na naman ng sekretarya ah?" Nakangising pang-aasar nito na kinailing niya. "Wala namang bago," Turan ni Ismael at naupo sa pinakamalapit na couch. "It's not my fault thou." Pagtanggol niya pa sa sarili. Natatawang naupo si Lloyd sa couch na nasa kaniyang harapan. "Talaga lang ah?" Nagtaas baba pa ang kilay nito kaya siya ay tumango. "Sila ang kumalapit sa 'kin," Aniya na parang wala lang. "I tried resisting, but they are persistent." Tumawa ito at bahagya pang pinilig ang ulo. "Hindi ka na talaga nagbago," Tinapunan nito ng tingin ang dalawang babae niyang kasama na ngayon ay nakaupo na rin, hindi kalayoan sa kanila. "Threesome?" Saad nitong muli, tumango naman siya. Umingos ang kaibigan niya at muling natawa. "Hindi na ako magugulat at magtataka, kung balang araw may kakatok sa pinto ng bahay mo at nagsasabing anak mo siya." Halos mabilaukan ng laway si Ismael nang dahil sa sinabi nito. "Tangina nakakakilabot!" Singhal niya, bahagya pang nanginig ang katawan upang ipakita ang disgusto at kahit mukha niya ay hindi na rin maipinta. "Sinasabi ko talaga sa 'yo Ismael," Sumeryoso ito. "Hindi na tayo pabata, tamanna ang paglalaro ng apoy." Bilin nito na siyang kinaarko ng kilay ni Ismael. "Sabi ng lalaking kakatapos lang makipag-orgy," Umingos siya at bahagya pang umikot ang mata. "Tsaka mo na sa 'kin sabihin 'yan kung matino ka na. E meron ka pa ngang lipstick smudge sa pisngi at tainga," Mabilis namang hinawakan iyon ni Llyod at bahagya pang nanlaki ang mata. "Ano?" Mapanghamong saad niya. "Siraulo!" Singhal nito at binato pa siya ng mansanas na mabilis niya namang nasalo. Saan nga ba nanggaling ang mansanas na ito? Hindi niya rin alam. "Pero seryoso..." Nawala ang mapaglarong aura nito. "Ano?" "Hindi ka ba nagsasawa sa mga ginagawa mo?" Muli nitong binalingan sila Missy at Pam. "Babae rito, babae do'n. Kasi ako, minsan, nagsasawa na. Minsan napapaisip ako, ano kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng long term relationship—nang asawa, kagaya ng kaibigan nating si Von." Mahabag damdamin nitong wika. Nagpakawala ng malalim na hininga si Ismael at panandaliang nanahimik. Hindi pa sumagi sa isip niya ang bagay na iyon, sa ngayon ang nais niya lang ay mag-enjoy at mag-focus sa kaniyang business sa kadahilanang naniniwala siya na hindi naman siya mauubosan ng babae. Isa pa, hindi ba't dagdag lang sa isipin niya kung mag-asawa at anak na siya? Hindi rin kasi maganda ang kinagisnan niyang pamilya, and he is afraid na hindi siya magiging mabuting ama. "Not on my watch man," Aniya sa kaibigan at tumayo. "Can't let my ladies wait," Dugtong niya pa, tinalikuran ito at nilapitan ang dalawang babaeng inip na inip na. "Bakit ang tagal mo?" Nakangusong saad ni Missy, muling yumapos sa kaniyang braso. "Kaya nga!" Saad naman ni Pam na ang kamay ay humihimas sa kaniyang dibdib. "Mas lalo mo lang kaming pinapasabik sa 'yo..." Pinaglaroan pa nito ang kuwelyo ng polong suot. Isang mapaglarong ngisi ng gumuhit sa labi ni Ismael at pabirong pinalo ang pang-upo ng mga ito, dahilan para ito'y mapatili. "Gosh!" "Ismael!" Tili ng dalawang dilag na sinabayan pa ng paghagikhik. "You can scream as loud as you like kapag nasa kama na tayo," Muli, sinapo niya ang pang-upo nila Missy at Pam na sinabayan ng mariing pagpisil. Ipapamukha niya kay Llyod na hindi mangyayari ang iniisip nito. Walang kakatok sa pinto ng kaniyang bahay, claiming him as his or her father. Over his dead eight inched d*ck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD