Betrayal 19 Jade’s POV Nanlaban ako sa kanya, sinipa ko ang harapan niya. Napilipit siya sa sakit, I was about to run pero napahinto ako sa narinig kong sinabe niya. “Iiwan ko si Jessy para sa iyo,” hinarap kong muli si Ivo. “Ano?” singhal ko sa kanya. Baliw na talaga siya, anong pinagsasabi niyang iiwan niya si Jessy para sa akin. “You heard me right? Iiwanan ko si Jessy kapag iniwan mo ako,” parang naguguluhang sagot niya sa akin. “Baliw ka na talaga,” “Magagawa ko? Nainlove na ako sa iyo.” “Hindi inlove ang tawag diyan, alam mo na alam ko na wala tayong relasyon. Na tanging laman lang ng bawat isa ang kailangan natin, at pinag-sisisihan ko na ginawa ko iyon.” “Pwes ako hindi!” pagmamatigas pa niya. “Ivo, itigil mo na ito. Mahiya ka naman sa girlfriend mo,” “Paano kung malaman

