Betrayal 18 Jarvis’s POV Kanina ko pa napapansin si Jade na parang wala siya sa sarili niya. Simula noong sinundo ko siya sa bahay nila ni Daniella at hanggang sa minutong katabi ko siya, feeling ko may problema siyang iniinda, hindi ko kasi mabasa ang takbo ng isip niya. At isa pa sa gumugulo sa isip ko ay, yung kakaibang tingin niya kay Ivo. Sa pagkakaalam ko hindi naman sila magkakilalang dalawa, bago pa lang silang magkaibigan ni Jessy at nagulat nga ito noong naitanong niya minsan sa akin kung magkakilala kaming dalawa ni Ivo, at hindi siya makapaniwala na magkakilala nga kami at hindi lang basta magkakilala, dahil magkaibigan pa ang aming mga kaibigan, at ganun din kaming dalawa. Kitang kita ko sa mga mata niya kung paano siya nagulat sa sinabe kong iyon. Simula noong oras na iyon

