Betrayal 17 Jade’s POV Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kotse ni Jarvis, at alam kong nahahalata niya ito. At panay din ang titig niya sa akin na may kasamang pagtataka. “Ano bang nangyayari sa iyo?” inihinto nito ang kotse at saka niya ako hinarap. Nagulat nalang ako noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko, dahilan para mapatitig ako sa kanya at doon sa kamay niya na nakahawak nga sa kamay ko. At dahil sa sobrang yung pagtitig ko sa kamay ko, narealize na niya siguro yung gusto kong ipahiwatig, kaya kaagad na niyang tinanggal yung kamay niya sa pagkakahawak nito sa akin. “Okay lang ako,” mahinang sagot ko sabay tingin ulit sa labas. “Okay ka lang? eh hindi ka nga mapakali diyan sa upuan mo. Tapos panay ang tingin mo sa cellphone mo na para bang may inaantay kang text o tawag

