Betrayal 12 Jade’s POV “Surprise!!!” malakas na sigaw ang narinig ko noong umagang iyon, at noong iminulat ko ang aking mata ay nasa harapan ko na si… “Ikaw?” gulat na tanong ko sambit ko ng minutong iyon. Kinislot ko pa ang aking mga mata upang tiyaking hindi ko nagkakamali sa nakikita ko. Akala ko ba isang linggo siya doon sa Cambodia para sa meeting nila with some investors? Anogn ginagawa niya rito ngayon? Tumayo ako at hinawakan siya. “Totoo nga,” sabi ko. “Anong totoo nga!” pagtataka pa niya. “Hala.. nagsasalita pa siya, ang galing!” natatawang sabi ko pero pinipilit ko talagang tumawa. “Anong pinagsasabi mo?” kumunot na ang noo niya. Ang cute niya talagang mainis. “Ikaw ba talaga yan Hubby?” “Hubby? Saan naman nanggaling yun?” mas lumapit pa ako ng husto sa kanya at niyakap

