Betrayal 13 Jade’s POV “Seryoso?” gulat na tanong ko sa kanya. Pinisil niya ang ilong ko, saka mahinang sinampal ang mukha ko. “Joke lang yun, wag kang adik. Umalis ka na, shooo…” sabi pa niya sa ka niya ako pinagtulakan palabas ng kotse niya. May kakaiba akong nararamdaman sa lalakeng ito, wag niyang sabihin gusto niya ako? Haha feelingera ka rin Jade no? wala na atang mas yayabang pa sa lalakeng ito. At isa pa, mukhang hindi ata siya seryoso, sa iyo o sa lahat ng mga ginagawa niya. He’s a playboy, and playboy is always a playboy. Muli akong bumalik sa café, at sa pagbabalik ko. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko, at kasama pa niya ang bestfriend ko. Kaagad na lumapit si Jessy sa akin at niyakap ako ng mahigpit, kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Naiiyak pa si

