Teaser

252 Words
TEASER "UY Sanya kanina pa nagsisigaw si Mamang sa dressing room hinahanap ka!" Napatigil ako sa pakikipaghalikan sa hot na bodyguard ng isa sa mga dirty old man na customer sa S Club. Panirang bakla! "Pabalik na kamo ako!" balik kong sigaw kay Joan na hindi na naman sinunod ang mga turo ko sa pagme-make up. Mukha na naman tuloy siyang multo sa kapal ng kolerete niya. Hinarap ko ang gwapong lalaki at pinunasan ko ang lipstick kong kumalat sa labi niya. "Pwede ko bang makuha ang number mo?" Ngumisi ako at dinukot ang cellphone ko sa bra ko. "Ako na lang kukuha ng number mo, anong pangalan mo?" "Yuan Timothy..." Natigil ako sa pagkalikot sa cellphone ko at agaran ko siyang tiningala. "Y-Yuan?" "Ganda ano? Tatay ko nagpangalan-" "Ang baho ng pangalan mo. Nagbago na isip ko wala pala akong number na maibibigay sa 'yo." Naiinsultong tumawa siya. "Niloloko mo ba ako?" Mapaklang tumawa ako at tinulak siya sa dibdib. "Hindi ko ugaling magloko. Bye. Salamat sa kiss." Tinalikuran ko na siya pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "Ano bang mali sa pangalan ko?" Walang emosyong nilingon ko siya at hinila ko ang braso ko sa kanya. "Hindi mapagkakatiwalaan ang pangalang meron ka. Iyon 'yon." Binilisan ko na ang lakad papasok sa bar hindi na pinansin ang pagsigaw niya sa akin. Ikinuyom ko ang kamao ko sa alaalang dumaloy sa isip ko dahil sa pangalan niya. Sayang gwapo na naging bato pa. Bakit kasi kapangalan mo ang hayop na 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD