bc

Taming the Vixen R-18

book_age18+
6.4K
FOLLOW
50.2K
READ
billionaire
revenge
forbidden
escape while being pregnant
kickass heroine
drama
comedy
bxg
sassy
seductive
like
intro-logo
Blurb

ISLA DEL FUEGO #2

Handang-handa na si Sanya na kumawala sa buhay sa club at mamuhay bilang donya sa pamamagitan ng pagtanggap ng alok na kasal ni Lim Godongwei nang may nagbalik sa buhay niyang ibinaon niya na sa limot. Ang lalaking yumurak at nanakit sa bata niyang puso--si Yuan Lee.

***

Excerpt:

“Anong room natin?”

Hinarap niya ako at kinunutan ng noo. “Anong room pinagsasabi mo?”

“Room kung saan tayo maglalaro ng apoy, Mister. Bilis-bilisan mo at inaantok ako. Sinasabi ko sa ‘yo hanggang second round lang—”

“Sanya Dimabuyu!” sigaw niyang buo sa pangalan ko kaya sa gulat ko’y napapitlag pa ako.

“Problema mo?!” balik-sigaw ko sa kanya.

“I’m not going to have s*x with you.”

Ayan na naman ang epal kong damdamin na na-hurt na naman!

Kailan ka pa naging balat-sibuyas, Sanya Dimabuyu?!

“Bakit? Takot ka? Malinis ako uy—”

“Isa pang salita mo at hahalikan kita nang makita mo ang hinahanap mo.”

Ngumiwi ako. “Ay, feeling mo nasa palabas tayo? Akala mo naman matatakot ako sa kiss mo. Chuserong ghoster na ‘to.”

“Ghoster?”

Inismiran ko lang siya at iniwanan na. “Bilisan mo na. Kung anong trip mo, go. Pero siguraduhin mong walang labis walang kulang ang bayad mo sa akin.”

Natigil ako sa paglalakad nang humarang na naman siya sa lalakaran ko. Napatingin ako nang hawakan niya ang takong ng stiletto ko at putulin iyon. Ganoon din ang ginawa niya sa isa. Tangkang luluhod na siya nang agawin ko ang instant sandals kong kagagawan niya.

“Sabi ko sa ‘yo wala tayo sa palabas lalo na sa fairytale. Hindi ako si snow white na kailangan pang suotan ng duwende para magising lang,” saad ko’t sinuot na ang sapin ko sa paa.

Pagtingin ko ay napapailing siya. “Sweetheart, are you referring to Cinderella or Sleeping Beauty?”

Sinimangutan ko siya sa narinig kong itinawag niya sa akin. “Sweetheart mo mukha mo! Wala akong pake kay Cinderella o sleeping beauty. Huwag mo akong i-correct at hindi naman kita teacher! Kung anong sinabi ko ‘yun ‘yon! My choice, my music!”

Bakit ba kapag kinakabahan ako kung anu-anong walang kwentang salita ang lumalabas sa matabil kong dila?

Tinabig ko siya para itago ang pagkapahiya at nagpatuloy na sa pag-alis kahit hindi ko alam kung saan ang gusto niyang puntahan namin.

Gusto kong sampalin ang sarili para magising ako at hindi mawala ang pag-iinit ng mukha ko, papabilis na t***k ng puso ko at ang panlalambot ng tuhod ko.

Si Yuan lang ‘yan ghorl! Kumalma ka! Ex lang ‘yan!

At kapag ex na meaning niyan isa siyang malaking ekis sa buhay mo. Isang pagkakamali kaya tantanan mo ang pag-aarte mo, Sanya.

***

chap-preview
Free preview
Teaser
TEASER "UY Sanya kanina pa nagsisigaw si Mamang sa dressing room hinahanap ka!" Napatigil ako sa pakikipaghalikan sa hot na bodyguard ng isa sa mga dirty old man na customer sa S Club. Panirang bakla! "Pabalik na kamo ako!" balik kong sigaw kay Joan na hindi na naman sinunod ang mga turo ko sa pagme-make up. Mukha na naman tuloy siyang multo sa kapal ng kolerete niya. Hinarap ko ang gwapong lalaki at pinunasan ko ang lipstick kong kumalat sa labi niya. "Pwede ko bang makuha ang number mo?" Ngumisi ako at dinukot ang cellphone ko sa bra ko. "Ako na lang kukuha ng number mo, anong pangalan mo?" "Yuan Timothy..." Natigil ako sa pagkalikot sa cellphone ko at agaran ko siyang tiningala. "Y-Yuan?" "Ganda ano? Tatay ko nagpangalan-" "Ang baho ng pangalan mo. Nagbago na isip ko wala pala akong number na maibibigay sa 'yo." Naiinsultong tumawa siya. "Niloloko mo ba ako?" Mapaklang tumawa ako at tinulak siya sa dibdib. "Hindi ko ugaling magloko. Bye. Salamat sa kiss." Tinalikuran ko na siya pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "Ano bang mali sa pangalan ko?" Walang emosyong nilingon ko siya at hinila ko ang braso ko sa kanya. "Hindi mapagkakatiwalaan ang pangalang meron ka. Iyon 'yon." Binilisan ko na ang lakad papasok sa bar hindi na pinansin ang pagsigaw niya sa akin. Ikinuyom ko ang kamao ko sa alaalang dumaloy sa isip ko dahil sa pangalan niya. Sayang gwapo na naging bato pa. Bakit kasi kapangalan mo ang hayop na 'yon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook