Sungit
“Azul?”
Napakurap siya.
“Sorry.” she spaced out. Ayaw maalis sa utak niya ang sinabi ni Nyxx kanina bago siya nito iwan at walang paalam na umalis.
“Hindi mo na ako kelangang ihatid pa. I'm sober now. I can drive safely. Pumasok ka na, it's kinda late.”
Binuksan nito ang kotse at aktong papasok na ng tawagin niya ito.
“Klei.”
“Hmm?”
“Yung sinabi mo kanina...”
Tuluyang humarap sa kaniya ang lalaki. Napayuko siya.
“Ang sagot ko...”
Parang may bato na bumabara sa lalamunan niya sa mga oras na iyon. Ang hirap nito.
“It's fine.”
“H-Ha?”
To her surprise, Klei smiled at her.
“Alam ko na ang magiging sagot mo kahit hindi pa dumating si Nyxx kanina. It's fine, Azul. Tanggap ko yun at masaya akong sinubukan ko.”
Nanginig ang labi niya at nag-umpisang nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ba't ang bait ng lalake? Nakakasama ng loob na hindi niya ito mabibigyan ng chance. But Klei's too good for her. He deserves someone better.
“I'm sorry, Klei.”
Lumapit ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.
“Shh. Tahan na.”
"Morning." Bati niya kay Tarah ng makasalubong niya ito kinaumagahan sa Ukitan.
"Magandang umaga! Akala ko nasa loob ka na kanina pa." sulyap nito sa nakasarang opisina.
"Pasensya na, tinanghali kasi ako ng gising e."
Hindi siya pinatulog dahil sa sinabi ng lalake kagabi. Umaga na ata ng dalawin siya ng antok idagdag pa na nahirapan siyang makahanap ng masasakyan papuntang Ukitan dahil sa lakas ng ulan. Inabot siya ng ilang minuto sa pag-aantay at maambon na ng makasakay siya.
"Sila Nyxx?" bulong niya.
Sigurado siyang nadoon na ang lalake.
"Nasa warehouse. Dadalhin ko nga itong mga meryenda sa kanila e." bahagya nitong itinaas ang tray na dala.
Tumango siya.
"Sige. Uhh... susunod na lang ako."
Nakangiieng tumango ang babae sa kaniya bago tumalikod. Pumasok naman siya sa loob ng opisina at tamad na isinandal ang likod sa upuan ng marating ang sariling mesa.
Anong sasabihin niya sa lalake oras na magkita sila? Galit ba siya?
"Hay, bahala na nga."
Inayos na niya ang sarili, kinuha ang clipboard at sandaling nilingon ang calendar, medyo maluwag ang trabaho nila ngayong araw, isang delivery lang ngayon dahil kahapon nakaschedule ang iba pwedeng pwede niyang kausapin ang lalake.
Pagpasok niya sa warehouse ay agad na napansin siya ng ibang trabahador na nandoon sa isang sulok at nagmemeryenda.
"Ma'am, meryenda ka muna." anyaya ng isa.
Mabilis na tinanggihan niya ito. "Kakaalmusal ko lang." usal niya saka pasimpleng inilibot ang mga mata sa loob.
Di kalayuan sa kanila, nakita niya ang hinahanap kasama ito ni Domeng at seryosong nag-aasist sa huli sa pagsukat sa kahoy na nakahiga sa mesa. Ilang sandali pa nakita niyang tumango si Domeng bago tinalikuran si Nyxx at tinungo ang direksyon nila.
Ito na ang chance niya pero kinakabahan siya.
"Mahal, hindi ba magme-meryenda si Seniorito?" rinig niyang tanong ni Tarah sa asawa ng abutan niya ito ng pagkain.
"Hahatiran ko na lang siguro doon. Wala atang balak magpunta dito e. Medyo bad mood."
"Ganun ba? Hahatiran ko na lang-"
Naging mabilis ang galaw niya. Agad na naagaw niya ang tray sa mga kamay ng babae na siyang nagulat pa dahil sa biglaan niyang paglitaw.
"A-Azul? May problema ba?"
Alanganing ngumite siya sa babae. Alam niya naweirduhan ito sa kaniya ngayon lalo na si Domeng. The couple is giving her weird expression.
"Ako na nito Tarah."
"Ha? Okay lang naman, Azul. Ako nang bahala."
"Hindi. Ako na, ako na magbibigay nito kay Nyxx. Asikasuhin mo na lang si Domeng."
“Sige.”
Walang nagawa ang babae kundi ang ibigay ang tray sa kaniya. Nagpasalamat siya dito na siyang tumango lang. Bumuga siya ng hangin dahil kinakabahan siya.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa lalake at huminto sa harap nito. Nang mapansin nitong may nakamasid ay nag-angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. Automatic na napalunok siya.
He looked at her coldly ngunit ilang segundo lang ay umiwas din agad ito at nagpatuloy sa ginagawa.
Sungit.
"M-Magmeryenda ka muna."
Hindi ito sumagot. She pursed her lips. Hindi niya ito titigilan.
"Nyxx, yung tungkol kagabi-"
"Put it there and leave. Kakainin ko yan mamaya." supladong sabi nito. Hindi man lang nag-angat ng tingin.
Ang hirap naman nitong suyuin!
“S-Sige.”
Bagsak ang balikat na sinunod niya ang lalake. Itinabi niya doon ang pagkain nito saka nakasimangot na umalis na.
Malayo pa lang kita na niya ang malaking ngisi ni Domeng.
"Nag-away kayo? Kaya pala."
Inirapan niya ito at padabog na binigay dito ang tray na wala ng laman.
“Oh, Paul? Nadalaw ka?”
Magkasabay na napabaling sila sa pintuan nang may marinig na yabag at hiyaw ng kabayo. Isang lalakeng nakabota at sumbrero ang bumaba doon.
“Si Seniorito?”
“Nasa loob. May problema ba?”
Hindi na siya magtataka pa ng itanong iyon ng kasamahan nila. May iba sa expression ng lalake. Nakakapanibago din na napunta ang lalake dito sa Ukitan. Hindi ito sa Ukitan nagtatrabaho, isa ito sa mga bantay sa dulong bahagi ng lupain ng mga Monteagudo kung saan makikita ang boundary ng lupain ng mga ito.
“What is it?”
Hindi niya napansing nakalapit na pala si Nyxx. Tinanggal ni Paul ang sumbrero at yumuko bilang pagbati.
“May problema ho seniorito. Yung truck niyong palabas ng ransyo aksidente hong natumba sa daan dala na siguro sa maputik at mabigat ang dala nito.”
Napaawang ang bibig niya. Bakas din ang gulat sa mukha ng iba.
“Tangina. Anong truck yung lumabas? Yun bang idedeliver kay Mr. Quanco?” tanong ni Domeng na agad lumapit sa white board kung saan nakalagay ang schedule ng mga delivery.
“A-Ang driver? At kasama niya? Kumusta sila?” nag-aalalang tanong niya.
“Maayos naman ho namin silang nailabas. Ang problema nga lang yung laman nung truck. Umalis ako saglit para magpunta dito habang sinusubukan nilang itayo ulit ang sasakyan.”
Tumango si Nyxx bago nilingon si Domeng. “We'll go and check the damages. Magsama ka ng ibang tauhan na tutulong sa paglilipat ng mga gamit. Use the other truck.” kalmadong utos ng lalake.
“Sige ho.”
“Dala ko ho iyong kabayo niyo. Pinadaanan ko sa kwadra kanina bago dumiretso dito.” he motioned the black horse waiting outside.
“Good.” Nang makita niyang hahakbang na paalis ang lalake ay agad na pinigilan niya ito. Nauna na si Paul para bigyan sila ng privacy.
Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakakapit sa damit nito.
“S-Sasama ako.” nag-aalala din siya. Gusto niyang masigurong maayos nga ang kasamahan niya.
“No.”
Sinundan niya ito papalabas.
“Hindi naman gaanong abala dito. Isama mo na ako Nyxx!”
“I said no, Azul! Wag ngang matigas ang ulo mo.” singhal nito.
“Pero—”
Hinarap siya ng lalake na puno ng iritasyon sa mukha. “Sige nga Azul, tingin mo ba makakatulong ka doon? Can you lift some heavy furnitures? Makakatulong ka ba sa pagpapatayo nung natumbang truck sa putikan?”
Natigilan siya. He's right hindi nga niya magagawa yun pero...
“Edi tutulong ako sa pag check kung may mga damages! Saka siguradong nasaktan ang nasa loob ng truck. May first aid tayo dito ako nang tutulong sa kanila.” balik niya dito.
“Tsk.”
“Sige na naman, Nyxx.”
“Seniorito! Mauuna na ba kami?” sigaw ni Domeng mula sa sasakyan. Nandoon na ang ibang kasama nito sa isang sasakyan.
“Please... Alam kung galit ka pero kailangan nila ng tulong.” lakas loob niyang sabi.
He looked stunned for a moment. Pero bumalik din ang kasungitan nito. “Tss. Fine. Kunin mo na ang Kit.”
Lumawak ang ngiti niya sa narinig. Mabilis na tumango siya at nilingon sila Domeng na mistulang nanonood ng pelikula.
“Domeng! Antayin niyo ako. Kukunin ko lang ang First aid kit!” sigaw niya bago nagmamadaling tinakbo ang opisina.
Agad na nahanap niya iyon. Hindi na niya kailangan pang icheck iyon dahil every week chinicheck iyon ni Tarah kung may kulang o may dapat bang palitan dun. Gamit na gamit kasi yun sa kanila lalo na sa trabaho.
“Ha? Teka!”
Napatakbo siya palabas ng marinig ang pag-ugong ng papalayong sasakyan. Habol niya ang hininga kakamadali.
Hindi ba narinig ni Domeng ang sabi niyang antayin siya nito?! Wala pa siyang limang minuto sa loob!
“Domeng!” gusto niyang ibato ang box pero pinigilan lang niya ang sarili dahil sa inis.
“Tss. Para kang bata. Halika na nga.”
Napakunot ang noo niya ng makitang nandoon parin si Nyxx katabi ng kabayo nito. He's now on his boots and wearing his cowboy hat.
“Ha?”
Tinapunan siya nito ng tingin.
“I don't like repeating myself, Azul.” kelan ba to hihinto sa kakasungit?
“Pinaiwan mo ba ako? Nandito ka pero hindi mo man lang sinabihan si Domeng na antayin ako—Nyxx!”
Napasinghap siya sa gulat nang bigla siya nitong hawakan sa bewang at iangat. Napakapit siya ng mahigpit sa braso ng lalake sa takot na mahulog ng isampa siya nito sa likod ng itim nitong kabayo.
“Ang daming sinasabi.”
Sinamaan niya ito ng tingin dahil kahit bulong lang ay hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya. Nakaramdam siya ng pag-alarma ng gumalaw ang kabayo. Hindi siya marunong mangabayo pero hindi iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakasakay siya nun. Kaya labis ang kaba niya sa sandaling iyon.
“H-Hindi ako marunong mangabayo!” feeling niya anumang oras mabubuwal siya. Mahigpit na kumapit siya sa tali.
“Mas mabuti.”
Ano?
Ngunit bago pa man siya makapag-react ay mabilis na ring nakasampa si Nyxx sa likod niya at hinawakan ang renda ng kabayo.
“Hindi ko din namang sinabi na ikaw ang mangangabayo.”
Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa tenga niya. Ibang kaba tuloy ang naramdaman niya nang maramdaman ang matipunong katawan nito sa likuran niya. Umabante siya para bigyan ng espasyo ang pagitan nilang dalawa.
Pinapasalamat niyang walang taong nanonood sa kanila ngayon dahil alam niyang sobrang pula na ng mukha niya. Lumilipad ang utak niya kaya hindi siya nakahanap ng kakapitan ng bigla nitong patakbuhin ang kabayo.
Hawak niya sa isang kamay ang kit kaya ang isang kamay niya na lamang ang napakapit sa braso ng lalake. Napapapikit siya sa kahihiyan pero hindi niya bibitawan iyon. Mas nakakahiya pag nahulog siya sa kabayo at makipag-kumustahan sa putikan.
She can hear his breath behind her ears and it gives her chills. Dumagdag iyon sa malamig na hanging sinasalubong nila sa oras na yun. Dahil sa pagtalon at galaw ng kabayo ay nakain nun ang distansyang ibinigay niya kanina para hindi magdikit ang katawan nila.
He can smell his manly scent and his perfume!
Sinubukan niyang umabante ulit pero nagulat siya at tila nabato ng maramdaman niya ang kamay ng lalake sa tiyan niya na mahigpit na kumapit at hinila siya padikit sa katawan nito.
“N-Nyxx.” kinakapos ang tinig na tawag niya dito.
“Stop moving o mahuhulog ka.”
Matagal na!
“Sorry.” nilingon niya ito ng bahagyang tiningala na agad din niyang pinagsisihan dahil ang lapit ng mukha nilang dalawa! Nagsusumigaw ang matangos nitong ilong.
Yumuko ito dahil napansin ata nitong pagkakatulala niya and it was an inch! An inch! Iyon ang layo ng labi nilang dalawa. Muntikan na silang maghalikan kung hindi siya mabilis na yumuko!
Nag-init ang magkabilang pisngi niya. She close her eyes and bite her lips and feel the familiar warmth that she is feeling right now.
Ang kaninang malayong agwat nila ay ngayon ay dikit na dikit na. Hindi na rin inalis ng lalake ang braso nito sa bewang niya. Kulang na lang sumandal siya sa malapad na katawan ng lalake. Masarap mangabayo pag may ganto kagwapong sasandalan ka. My God Azul!
Nanlumo siya ng makitang narating na nila ang lugar kung saan natumba ang truck. Ang bilis naman ata. Nandoon na sila Domeng at iilang trabahador. Inunang ilabas ng mga ito ang gamit sa loob para magaan na lang pag itatayo na ang truck.
Gaya ng nangyari, hinawakan siya ng lalake sa bewang at ibinaba sa maputik na lupa. Umusal siya ng pasasalamat sa lalake at maingat na hinakbang ang paa.
Mabilis na nilibot niya ang tingin. Agad na nahanap niya sa tabi di kalayuan sa truck sila Gelo at ang dalawa niyang kasama pa. Nagpaalam siya sa lalake at agad na nilapitan ang tatlo.
“Gelo! Ayos lang ba kayo?” pinasadahan niya ng tingin ang tatlo. Mukhang hindi naman malala ang nangyari talaga. Kokonting galos lang ang nakikita niya na lihim niyang pinagsalamat.
“Maam Azul. Oho. Nasugatan lang ho ng konti.” pakamot kamot sa likod ng ulong sabi ni Gelo.
“Malambot yung lupa saka madulas. Hindi namin natansya. Pasensya na Ma'am. Prolema na naman.”
Binuksan niya ang box at inilabas ang ilang gamot. Nagkaroon ng sugat ang gilid ng noo ni Gelo dahil sa pagtama nun sa bintana ng sasakyan nung tumagilid ito.
“Ano ba kayo, madideliver pa naman yan. Ang importante hindi malala ang nabgyari sa inyo.”
Ito ang driver at sa side nito ang tumagilid. Wala namang naging problema ang dalawa pa. Nahilo lang daw ang mga ito at gusto sanang tumulong sa mga kasama pero ayon sa mga ito ayaw silang payagan at magpahinga na lang daw.
“Pasensya na ho talaga. Naunsumi na naman ang delivery at siguradong makakatikim kami kay Seniorito oras na may damage na nangyari.”
“Ano ba kayo! Ba't yan agad ang iniisip niyo. Hindi niyo naman kasalanan ang nangyari. Saka naiintindihan niya naman ang nangyari. Ang nega niyo ha.”
Malaki nga ang porsyentong may maaaksidente sa bahaging iyon ng daan. Masyadong malambot at mababa na nag lupa dito kaya kahit pa anong kontrol at ingat sa pagmamaneho kung ganun ang resulta, mangyayari at mangyayari ito.
“Sabi nila kami daw ang ikatlong naaksidente diyan ngayong araw.” pinanood nila ang pagtutulungan ng mga tauhan na maitayo ang truck.
“Isa, dalawa, tatlo!”
“Hindi na nga safe tong side na to.”
“Doon na muna siguro tayo sa harap. Kahit malayo, atleast hindi magka-kaproblema.”
Nang maayos na malinis ang sugat ni Gelo ay tumulong na siya sa pagchecheck ng mga furnitures. Mabuti na lamang at bilang lang sa kamay ang nakitaan nila ng pagkasira at pawang gasgas lang iyon at isang putol na paa ng silya ang nakita nilang problema.
Agad na tinawagan niya si Tarah para sabihan ang kasamahang magdala ng iilan nun sa kanila. “Sige, ipapakarga ko agad sa kanila. Yun lang ba?”
Sa tuwing gumagawa kasi sila, may iniiwan silang tapos na na product para sa ganitong pagkakataon. “Oo. Kung pwede sana ngayon na agad. Nag-aantay kasi si Nyxx.”
“O'sige. Ako nang bahala.”
“Maraming salamat, Tarah.”
“Tumawag ka lang pag may iba ka pang kailangan.”
“Sige.”
“Kami na ang magdedeliver. Ikaw na ang bahalang mag-uwi nito sa Ukitan, Domeng.” tukoy ni Nyxx sa truck na matagumpay na naitayo makalipas ang ilang oras.
“Sige ho Seniorito.”
“Let's go, Azul.”
Agad na tumalima siya at sumunod kay Nyxx. Pinakuha nito ang kotse nito kanina at ipinamaneho sa iba ang truck. Gusto kasi nitong personal na humingi ng dispensa kay Mr. Quanco dahil sa pag antala ng delivery na naintindihan naman ng matanda. Mas concern nga nito ang mga nasaktan nilang kasamahan.
Hindi ito gaanong naputikan kaya madali silang nakaalis. Nagpalit lang ito ng maruming bota.
Pauwi na sila ng ihinto ng lalake ang sasakyan sa isang pamilyar na restaurant sa bayan. Saan nga ba niya narinig o nabasa ang pangalan nito?
“Kumain na muna tayo.”
Atubiling tumango siya at sumunod dito ng makalabas ng kotse. Pasado alas dose na iyon ng tanghali at kanina pa siya nakakaramdam ng gutom pero hindi siya nagsasabi dahil hindi naman siya kinikibo ng kasama mula pa kanina. Pag may importante lang itong sasabihin, yun lang siya nito kakausapin.
“Good afternoon sir—Oh! Kayo po pala!”
Dahil nasa likuran siya ni Nyxx at natatakpan ay sumilip pa siya para makita ang waiter na naka abang. Magkakilala ba ang dalawa?
“Table for two, please.”
Mula kay Nyxx ay nalipat ang tingin sa kaniya nung waiter. Medyo nagulat siya nang ngumite ito ng malaki. Uh?
“Dito po tayo sir, maam.” itinuro nito ang daan at iginaya sila sa kanilang mesa.
Medyo nawiwirduhan siya sa waiter. Pasulyap sulyap ito sa kaniya tapos pag mahuhuli niya ay ngingiti ito ng malaki. Hindi naman ngiting manyak o ano, but there's something in his smile na parang may alam ito na hindi niya alam.
“Ano pong order niyo?”
“Please serve us what I ordered last time.”
Nagsalubong ang kilay niya. Last time? Regular ba ito dito?
“Copy sir.” dinampot nito ang menu at nagpaalam ito sa kanila.
“Regular ka dito?”
“No.”
Hindi niya mapigilang manliit. Medyo hindi kasi akma ang suot nila sa lugar na ito. The place screams luxury. Err. Hindi niya sigurado kung magkano ang pagkain dito. Pwede naman sanang sa simpleng kainan lang sila diyan sa tabi tabi pero baka sungitan lang siya ng kasama kaya di na siya nagreklamo pa kanina.
“Uhh... Tatawagan ko lang ang mga kasama natin.”
“Don't bother. I already ordered foods for them.”
Natahimik siya. Iyon siguro ang dahilan bakit tumawag si Tarah kanina sa lalake at sinabing nandoon na ang pagkain.
Dinampot niya ang baso ng tubig at uminom doon ng kaunti. Ano pang hinihintay mo Azul? Ito na ang oras para kausapin ito!
Kinabahan siya.
“Mag c-cr lang ako.” agad siyang tumayo at hindi hinintay ang sagot nito. Ni hindi niya alam kung tama ba ang direksyon niya. Pero nang makita ang waiter kanina ay agad niya itong nilapitan.
“Excuse me.”
May dala itong tray at papunta sanang counter ng mapahinto nung tawagin niya.
“Kayo po pala Miss Lamonel. May kailangan po ba kayo?”
Uhh. Paano nito nalaman ang apilyido niya?
“Itatanong ko lang kung saan banda yung comfort room niyo?”
“A, diretso lang po kayo mam. Nasa right side.” he motioned the way.
Agad na nagpasalamat siya. “Salamat.”
“Wala pong anuman. Siguro busy ho kayo kagabi kaya hindi kayo nakapunta dito. Medyo matagal din pong nag-antay si Sir.”
“Huh?” naguluhan siya sa sinabi ng lalake. Hindi niya ito masundan.
“Diba ho may dinner date kayo kagabi ni Sir? Nagpareserve po siya Miss Lamonel. Nag-antay ho siya ng ilang oras dito.”
Napakurap siya. Date? Sila?