bc

Unrequited

book_age18+
357
FOLLOW
1K
READ
playboy
arrogant
goodgirl
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
childhood crush
first love
assistant
like
intro-logo
Blurb

Azul Lamonel had been inlove with Nyxx Monteagudo for almost half of her life, but Nyxx only sees her as an employee and someone to tease because of her lack of experience in love. He is completely oblivious of her feelings not until Azul confessed.

Then everything change.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nyxx Monteagudo "Naku, Maam Azul nandito lang po pala kayo." Agad na napabangon siya mula sa pagkakahiga sa duyan ng marinig ang pagtawag sa kaniya ni Domeng, isa sa trabahador nila sa ransyo. "A, nagpahinga lang ako saglit. Bakit, may problema ba?" Kinusot niya ang mata saka sinuklay ang nagulong buhok. "Si Seniorito Nyxx ho kasi dumating. Galit na galit po nang makita ang materyales na kakagawa lang." kabadong sabi ng lalaki. Agad na tumayo siya at sinuot ang sapin sa paa. "Galit?" napaisip siya. Wala naman siyang nakitang mali kanina ng umalis siya sandali sa ukitan. Kaya anong kinagagalit nito? "Oho. Mukhang mainit po ang ulo e." "A, sige susunod ako." kinuha niya ang clipboard at ilang papeles na nasa katabing mesa na binabasa niya kanina saka sumunod na sa tauhan. "Ano naman kayang nakain ng baliw na yun at dumalaw dito para maggalit-galitan lang?" Tahimik na tinahak niya ang daan pabalik sa Ukitan. Nasa likod lang naman siya kaya madali lang siyang nakarating doon. Malayo pa ay rinig na niya ang galit na boses ni Nyxx sa loob. "Bakit inuna niyo to? Hindi ba sabi ko yung kay Mr. Geraldo ang unahin! Sayang ang mga materyales! Saka bakit lima lang kayo? Asan si Tupi?" "U-umuwi ho saglit para-" Napapikit siya ng pabagsak na tinapon nito ang gamit sa mesa. "Hindi ko siya binabayaran para magliwaliw! May hinahabol tayong deadline kaya kung gusto niyang tumagal dito, gawin niya ang parte niya. " kapwa nagyukuan ang lahat sa sinabi nito. Kumunot ang noo niya. Ba’t na naman kaya dito to nagkakalat? "Nasaan na ba si Azul?" Kita niya nag paglingon sa kaniya ni Domeng. Tumango siya at bumuga ng hangin bago lumapit. "Anong problema Nyxx?" tinapunan niya ng tingin ang trabahador na naroon saka sinenyasan na bumalik na sa trabaho na siyang agad na tumalima naman. Salubong ang kilay na nilingon siya nito. "Isa ka pa. San ka ba nagpupunta at puro na lang kapalpakan tong ginawa nila?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Nagpahinga lang ako saglit. At anong sinasabi mong mali dito?" Mariin siya nitong tiningnan saka sumulyap sa pambisig na relo. Break time niya pa kaya hindi nito mararason na tinatakbuhan niya ang trabaho. "Saan ang mali? Lahat to. Sinabihan na kitang unahin mo ang inorder ni Mr. Geraldo dahil sa biyernes na ang delivery nun." Lihim na umirap siya at iniwas ang tingin sa pisngi ng lalake kung saan lumalabas ang biloy nito. "Oo nga. Hindi mo ba nakita ang mga tapos na sa kabila?" tukoy niya ang kabilang kwarto kung saan nakalagay ang finished products. "We need to meet the deadline Azul. Kaya gusto ko tapos na lahat." "Alam mong mahirap yung mga design na pinapagawa ni Mr. Geraldo kaya natural na matagal." Napahilamos ito sa mukha. "Azul, kaya ka nilagay ni Papa dito kasi alam niyang kaya mong pamunuan to Ukitan pero sa nakikita ko ngayon parang wala na e. Si Tupi, wala na naman. Paano matatapos to kung kulang tayo sa tauhan? Puro kasi kayo pahinga!" galit nitong sabi. Nagpanting iyon sa tenga niya. Bawal bang magpahinga? Anong gusto ng isang to, magpakamatay sila kakatrabaho? "Are you saying I'm being incompetent?" masama ang loob niyang tanong. Hindi ito sumagot pero kita niya sa mukha nito ang sagot sa tanong niya. Nagumpisang mag-init ang sulok ng mga mata niya kaya bago pa mapansin ng lalake iyon ay inis na binagsak niya ang bitbit na mga papeles saka ang ID niya na nakakabit sa bandang dibdib bilang Assistant Manager sa Ukitan. "Tutal incompetent ako, then ikaw magtrabaho. I quit." Kita niya ang paglingon nito sa kaniya saka ng ilang trabahador na siyang nahinto sa ginagawa ng marinig ang sinabi niya pero hindi niya ang mga ito nilingon. Nagpaalam siya sa mga tauhan bago tumalikod at umalis. "Incompetent, huh?” sinipa niya ang batong nakita. "Ako pa talaga? Bakit siya manager wala ngang ginawa kundi magliwaliw hindi ko naman siya pinapakialaman tapos ngayon pupunta punta dito na mainit ang ulo at sabihan akong incompetent? Ako? Wow!" Napasuklay siya sa buhok sa inis. "Ngayon ikaw ang magtrabaho. Tingnan natin ang galing mo." pumasok siya sa opisina nila at kinuha ang bag at ilang gamit niya. Tatlo lamang silang nago-opisina nila Domeng doon at dahil tambak ang trabaho, wala ni isang naroon sa mga oras na iyon. Umuwi siya sa bahay nila ng maaga na agad na kinapagtaka ng nanay niya. "Oh, akala ko ba gagabihin ka kasi may hinahabol na deadline ang Ukitan?" hinainan siya nito ng pagkain sa mesa. "Dumating ho si Sir Nyxx." tamad niyang sagot. Ayaw niyang sabihin na umalis na siya sa trabaho kaya tumahimik na lamang siya. Kelangan pa niyang mag submit ng resignation letter bukas. "Abay mabuti ng makatulong naman siya." "Sana nga makatulong." bulong niya. Natigil sa pagsandok ang Mama niya at nilingon siya. "Ha? May sinasabi ka Azul?" Mabilis na umiling siya saka ngumite ng peke sa ina. "O siya kumain kana at magpahinga. Siguradong bukas overtime naman kayo." Kung alam niyo lang Ma, wala na ho akong trabaho sa ransyo. She deeply sighed saka nagumpisa nang kumain. Mukhang kailangan niyang humanap ng bagong trabaho bukas. Sa Montalban kaya? Sunod sunod na katok sa pintuan ng kaniyang kwarto ang nagpagising kay Azul. "Azul? Azul!" tinig iyon ng mama niya. "Bakit? Wala po akong trabaho ngayon." inaantok niyang sabi habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Tumawag si Don Niccolo. Umalis ka na pala sa Ukitan! Ikaw na bata ka hindi ka nagsasabi sa amin! Anong nangyari ha?" patuloy ang pagkatok ng nanay niya sa pinto. Nyxx happened. "Mahal, nagpapahinga ang anak mo. Bukas mo na lang kausapin. Pagod yan saka siguradong may rason kung bakit siya umalis. Tanungin at kausapin na lang natin bukas." gusto niyang pasalamatan ang ama sa oras na iyon. "Kausap ko yan kanina. Hindi man lang sinabi sa akin ang pag alis sa Ukitan. Nakakahiya kay Don Niccolo tumawag pa para kausapin yang anak mo." tinakpan niya ng unan ang tenga. "Hayaan mong magkausap sila bukas. Matulog na muna tayo. Gabing gabi na." Wala siyang narinig na sagot mula sa Mama niya kaya baka umalis na nga ang mga ito. Doon pa lamang siya bumangon. Nang sinulyapan niya ang orasan at nakitang alas dyes pa lang pala ng gabi. Napakamot siya. Ilang oras pa lang ang naitulog niya. Hinanap niya ang cellphone sa kama at noon pa lang niya binuksan iyon. Pinatay niya kasi yun kanina. Sunod sunod ang datingan ng mensahe at tawag mula sa katrabaho niya at kay Don Niccolo, ang lolo ni Nyxx. [ Iha, umalis ka raw sa Ukitan? May naging problema ba?] Ang anak ho ninyo ang problema, senyor. Napahinto siya sa pagscroll ng makitang may text na natanggap galing kay Nyxx. [ I'm sorry about earlier. I didn't mean what I’ve said.] [ Hey. ] [Azul.] She scoffed. Pinindot niya ang block saka muling pinatay iyon at muling humiga sa kama. "Bahala ka." NYXX POV "Seniorito, ready na ang delivery." inangat niya ang tingin sa trabahador saka tinanguhan ito. "Good." pinagpatuloy niya ang ginagawa na pagcheck sa materyales. "A, sino hong sasama?" Nangunot ang noo niya sa tanong nito. Muli niya itong nilingon. "Ikaw na. Kaya mo na yan. Siguraduhin mo lang na maayos na maipadala saka ang papeles na pipirmahan. May tinatapos ako. " Buong akala niya aalis na ito. "Naku. Baka magkaproblema tayo seniorito. Baka kasi may mga tanong si Mr. Geraldo patungkol sa produkto at mahirapan ako. Asan ho ba si Mam Azul? Absent ho ba? Siya ho kasi ang kumakausap sa kliyente palagi para walang tanong." Inis na hininto niya ang pagtatally. Mukhang wala ito nung nagdiklara ang babae naaalis na sa trabaho. "Ako na ang sasama." Tinawag niya si Domeng saka binilin na muna dito ang Ukitan. Habang papuntang sasakyan, tinawagan niya ang numero ni Azul pero hindi niya ito makontak. Inis na pinasok niya iyon sa bulsa. Nung isang araw pa niya tinitext ang babae pero wala itong naging tugon sa kaniyang mensahe na kinainis niya lalo. Wala naman siyang naging problema sa papeles sa Ukitan dahil organisadong magtrabaho ang babae kahit wala siya. Nagkakaproblema lang siya sa delivery at sa ilang transaksyon. Ang babae kasi ang gumagawa nun kaya may ilang buyers silang ito ang gustong makausap at hindi siya. Dalawa sa kanilang buyers ang gusto nang umatras dahil hindi niya makuha ang gusto ng mga ito na nagbibigay stress sa kaniya sa ngayon. Kaya nga gusto niyang makausap muli ang babae bago pa mawala lahat ng kliyente nila dahil sa katarantaduhan niya. Naalala niya ang naging pag uusap nila ng kaniyang Papa. "Dalawang araw pa lang ang nakalipas Nyxx, puro reklamo na ang nakukuha natin!" "I'm sorry Pa." "If you can't handle this small problem, paano na lang kung ang buong ransyo na mismo ang pamamahalaan mo? Baka malugi tayo." "I won't let that happen, Pa." seryoso niyang sabi. "Of course! Kaya kausapin mo na si Azul at humingi ka ng tawad bago bumagsak ang Ukitan natin." "Puro ka kasi init ng ulo at pagliliwaliw kaya wala kang alam sa trabaho sa Ukitan. Ni trabahador nagrereklamo na rin sa sobrang higpit mo. Wala naman akong naririnig nung nandyan pa si Azul a?" umalingawngaw ang tinig ng Papa niya sa loob ng library nila. He keep his mouth shut. "You're the manager pero ikaw pa ang walang alam. Ayusin mo to bago ko maisipang tanggalin ka sa pwesto." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng ama. Hindi pwede yun. "Aayusin ko ho ito Papa. Just give me some time." His father sighed and massage his head. “You should.” sumenyas na itong umalis siya kaya agad siyang tumalima. "Seniorito, hindi ba si Mam Azul yun?" bumalik siya sa katinuan ng marinig ang sinabi ng lalaki habang nagmamaneho. "Ha?" "Ayun ho, di po ba si Mam Azul yun?" tinuro ng lalaki ang nasa harapan. Mula roon, kita niya si Azul na nasa daan at may kausap sa loob ng kotseng itim na nakahinto sa tabi nito. Tama. Si Azul nga. "Kilala ko ang sasakyan na yan a, sasakyan yan ng mga Montalban, seniorito." Agad na kumunot ang noo niya ng marinig ang apilyedo na yun. Montalban was their long time business rival. Bakit kausap ito ng babae? "Mukhang ginagapang kayo Seniorito a." He gasped. "Itigil mo ang sasakyan." Matigas na utos niya sa lalaki. Nang maigilid ng maayos ang sasakyan ay dali-daling lumabas siya doon. Ang kapal ng mukha ng mga Montalban na to para gapangin ang empleyado niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng inis ng makita ang nakangiting mukha ni Azul habang kausap ang binatang Montalban. "Azul!" tawag niya dito pero hindi ata siya nito narinig o sadyang nagbibingi-bingihan lang? "Azul!!" sumigaw na siya kahit ang lapit na niya sa babae. Doon nakuha niya ang atensyon nito. AZUL POV “Azul!” “Pag-isipan mo ang offer ko Miss Lamonel.” “I will Mr. Montalban. Tawagan ko na lang ho kayo.” nagsuklian sila ng ngiti ng lalaki. “Azul!” Bago pa man siya mapalingon ay nakaramdam na siya ng isang marahas na paghila mula kay sino. “Aray! Ano ba?” mas lalo siyang nainis ng makitang si Nyxx ang may gawa nun. “Miss Lamonel!” agad na nataranta siya ng makitang aktong lalabas sa kotse si Hermes Montalban. Mukhang pareho silang nagulat sa naging aksyon ni Nyxx. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng lalaki sa kaniya. “O-okay lang po ako. Mukhang may emergency sa ransyo. I'll just contact you.” magalang niyang sabi. May nakita pa siyang pagtutol mula sa mga mata nito. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Montalban? Trying to snach my own employee? Naghihirap ba ang ransyo niyo?” Nyxx. Sa pagkakataong yun, siya naman ang humila sa lalaki palayo. Pero dahil malaki ito, nahirapan siyang gawin iyon. “Nyxx!” “I'm sorry to say this Mr. Monteagudo pero wala namang mali kung kunin ko siya bilang empleyado ko. Kalat na sa buong lugar ang pag-alis ni Miss Lamonte sa Ukitan niyo. And I am here to offer her a better job.” Napasinghap siya sa tahasang pag amin ng lalaki dito. Kita niya ang pagpula ng buong mukha ng lalaki dahil sa pagpipigil ng galit. “Better job?” puno ng pait na sabi ni Nyxx. “Yup. With better boss.”nakangisi nitong sabi. Nalintikan na. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa. “E tarantado ka pala e! Sinasabi mo bang wala akong silbing boss ha!?” napatili siya ng nawala sa kontrol ang lalaki at sinugod nito si Hermes sa loob ng kotse. Buti na lang at mabilis ang isa at naisara ang pinto kaya hindi ito naabot ni Nyxx. “Ikaw ang nagsabi niyan.” kibit balikat nito bago sumulyap sa suot na relo. “Anyway, I'm looking forward seeing you in my ranch Miss Lamonte. I do love to talk to you more but I need to attend an urgent meeting. Alam mo na, mahirap maging better boss.” kumaway pa ito na may halong pang uuyam sa labi. Pekeng nginitian niya na lang din ito. “Have a great day, Monteagudo.” Sumara na ang bintana at tanging alikabok na lang ang naiwan sa kanilang dalawa. Tanging malalakas na buntunghininga ang naririnig niya mula sa lalaki. Paano ba napunta ang isang to dito? Nilibot niya ang tingin at ng makita ang delivery truck ay naintintihan ang lahat. “Bumalik ka na doon sa truck. Baka madelay ang delivery niyo mapagalitan pa kayo.” tanging nasabi niya rito saka niya pinulot ang nahulog na pinamili at tinalikuran na ang lalaki. “What are you planning to do Azul?” napahinto siya ng marinig ang tanong ng lalaki. “Wala ka na dun Nyxx.” ipagpapatuloy sana niya ang paglalakad ng mahawakan siya nito sa braso. “Ano ba Nyxx! Naiinis na ko a!” singhal niya sa lalaki. Ang kaninang pigil niyang galit napugto na sa kakulitan ng lalaki. “Mas nakakainis ka Azul! Ano, iiwan mo na talaga ang Ukitan at magtatrabaho sa Montalban na yun? Hindi ako papayag na gawin mo yun.” “Hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko Nyxx. Boss lang kita.” “Right. Boss mo ko at hindi ko tatangapin ang pagreresign mo.” sabdali iting natigilan “Ah! Naalala ko nga pala, kakapirma mo palang nung nakaraang buwan sa bago mong kontrata diba? Hindi mo pwedeng suwayin iyon. I could file a case against you breaching a contract.” “Tinatakot mo ba ako?” “Hindi naman. I'm just reminding you. Baka kasi nakalimutan mo.” Ang kaninang galit nitong boses ay napalitan ng malumanay na para bang ang lahat ng sinabi nito ay tama. Napakuyom siya. “Hindi na ako babalik ng Ukitan! Babayaran ko ang mga damages, mag antay ka lang!” Galit siya. Alam niyang hindi niya kayang bayaran ang lahat ng iyon. Oo may ipon siya pero hindi iyon kasya para mabayaran agad yun ng buo. “Okay! Then, ipapadala ko ang listahan bukas na bukas din.” nakangisi nitong sabi saka inunahan siyang talikuran. Nakita niyang sumenyas ito sa driver na lumapit. She watched Nyxx opened the truck's door. Ang animal, bumusina pa sa kaniya bago umalis. Nang makitang nakalayo na ang sasakyan, nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa kalsada. “Ah!” ginulo niya ang buhok sa sobrang inis. Wala naman talaga siyang balak na magtrabaho sa kabilang ransyo. Naging mabait lang siya sa lalaki kanina dahil sa magandang offer nito sa kaniya pero wala talaga siyang balak. Ngayon, ano nang gagawin niya? “Azul anak, wala ka na ba talagang plano na bumalik sa Ukitan?” nasa gitna sila ng hapagkainan ng buksan na naman ng Mama niya ang topic na iyon. Muli siyang napabuga ng hangin. Ilang araw na siyang kinukulit nito at hindi lumilipas ang isang araw na hindi siya nito natatanong sa bagay na iyon. “Oo nga ate. Akala ko nung una biro mo lang yun kasi sa ilang taon mo nang nagtatrabaho sa ransyo hindi ka talaga umalis. Pwede ka na ngang maawardan ng loyalty award.” Tama ito. Simula kasi nung nag college siya, tumutulong na siya sa ransyo. Balik utang loob na rin sa pagpaaaral sa kaniya ng lolo ni Nyxx. Kaya nung maka graduate siya sa kurso ay mas pinili niyang doon na mismo magtrabaho kahit na may nakukuha naman siyang offer mula sa ibang lugar. Isa pa sa naging rason kung bakit hanggang ngayon nandoon parin siya ay dahil na rin kay Nyxx. Nakakahiya mang aminin, pero matagal na niyang gusto ang lalaki kaya nagsusumikap siyang tulungan ito sa pagpapatakbo ng Ukitan para maappreciate man lang siya ng lalaki pero ano ang natanggap niya? Incompetent. Sanay naman siya sa ugali nito pero sumobra na ata ito para sabihan siya ng ganun. E kung tutuusin nababagay ang salitang yun sa lalaki mismo. “Balita ko nga may umalis na ilang kliyente. Hayun, stress na stress si Nyxx.” Magsasalita sana siya ng may tumawag mula sa labas ng kanilang pamamahay. Mabilis na lumabas ang Mama niya saka hinarap ang tao. Ilang sandali pa bumalik ito na na may bitbit na papel. “Sinong dumating ma?” kapatid niya “Si Domeng. May pinabibigay daw si Nyxx kay Azul e.” Inilapag nito ang envelope sa mesa. Ano naman kaya ito? Saglit na binundol ng kaba ang dibdib niya. Napalunok siya. She already has a hint kung anong laman nun. Binuksan niya ang envelope saka inilabas ang ilan sa papel. Napaubo siya ng makitang listahan iyon ng kaniyang bayarin. At talagang tinotoo nito ang sinabi. “Ang baliw na yun.” nanggagalaiti niyang sabi matapos uminom ng tubig. “Ano ba yan ate? Love letter?” sumilip ang kapatid niya sa papel. Agad na inilayo niya iyon at saka muling ipinasok sa envelope. “Hindi. Wala ho to. Listahan ng mga materyales na bibilhin sa bayan.” “O, akala ko ba umalis kana?” “H-hindi ho. Nagpahinga lang ako saglit. Sa totoo nga po ngayon ang balik ko sa Ukitan.” mabilis niyang tinapos ang pagkain saka nagmamadaling tumayo na at umakyat sa kwarto para lang makaiwas sa mga tanong ng pamilya. Nang makarating sa kwarto, muli niyang inilabas ang mga papeles. At talagang pinadala pa sa kaniya ng lalaki ang kopya ng pinirmahan niyang kontrata. Napahilot siya sa sintido. Wala siyang magagawa kundi ang bumalik na lamang sa Ukitan kesa naman malubog siya sa utang at mapahiya ang buo niyang pamilya sa kanayon nila. Ang hirap maging mahirap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.4K
bc

OSCAR

read
248.4K
bc

Unwanted

read
532.1K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
582.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook