Chapter 2

3031 Words
Unrequited "Gago. Hindi ko yun type." Lumagpas ang tingin niya kay Sally na nagkukwento at napunta sa apat na lalaking papasok sa kanilang room. It was Nyxx with his three friends. "Hindi raw pero nakita ko kahapon sa talahiban." kantyaw ni Marcus. Nagtawanan ang mga ito saka may kung ano pang pinag usapan pero nakafocus lang ang tingin niya kay Nyxx na tahimik lang na nakasunod sa mga ito nakasablay ang bag sa isang balikat. Dahil sa malalakas na tawanan ay nakakuha ang mga ito ng pansin. Maya-maya pa ay may napansin siyang nagtutulakan na mga kaklaseng babae. Humarang ang isa sa mga ito kay Nyxx na kinahinto rin ng tatlo. "Hi, Nyxx." bati nung babae kay Nyxx. "What do you need?" bored na tanong nito na ikinangisi niya. "Kasi narinig ko na paborito mo raw ang adobo kaya dinalhan kita.” inangat nito ang isang baunan. “... I hope you like it." yumuko ito at nilagay ang ilang hibla ng buhok sa tenga. Napasimangot siya. Pero hindi niya iniwas ang tingin sa lalaki at pinanood niya ang magiging reaksyon nito. Nakatingin lang ito sa inaabot nung babae. Napansin ata nung babae na wala itong balak tanggapin iyon kaya lakas loob na inabot nito ang kamay ni Nyxx saka pinahawak iyon sa lalaki. "Just try it please." she plead saka tumalikod na at lumabas kasama ang alipores nito. "Wow. Nakakabilib din minsan ang charm mo Nyxx. Pati anak nung abogado nadali mo kahit wala ka namang ginagawa." nakangising inakbayan ni Hugo ang lalaki. "Tsk." inalis nito ang braso sa balikat. Umangat ito ng tingin at agad na nagtama ang tingin nila. Ngumite siya rito saka kumaway. He just nodded and walked straight to his chair. Hindi sila close pero dahil palagi silang nagkikita sa ransyo at minsan sa mansyon ng mga ito kaya medyo civil ang turing nito sa kaniya. "Alam mo minsan, naiingit ako sayo Azul." Nilingon niya si Jersey dahil sa narinig. Nanonood din pala ito kanina pa. "Huh? Bakit naman?" "Kasi kahit papaano napapansin ka ni Nyxx! Saka madalas din kayo ang magkasama lalo na kapag pairing sa project. Mas gusto ka niyang kasama kesa sa iba." Tama ito pero alam naman niya sa sarili kung bakit siya palagi ang partner ng lalaki. Kasi tamad talaga itong gumawa ng kahit na ano. Ayaw nitong makarating sa ama at lolo na hindi ito nag aaral ng mabuti kaya siya ang palagi nitong kinukuhang partner kasi alam nito hindi niya ito isusumbong dahil sa utang na loob. "Kung alam niyo lang." bulong niya. "Ha?" takang tanong ng mga ito. She deeply sighed and collected all her things. "Wala. Labas na muna ako kukunin ko lang yung baon sa kapatid ko." Tumango ang dalawa kaya tumayo na siya at lumabas ng kanilang room saka tinungo ang ibabang palapag ng building. Sa labas pa lang nakita na niya ang kapatid kausap ang ilang kaklase. Nang makita siya'y mabilis na pumasok ito sa loob ng room at kinuha ang baon niya. Nag antay siya sa labas at inabala na lang ang sarili sa panonoood sa ibaba. Dahil lunch break ay pakalat kalat lang ang mga estudyante sa labas. "Ate, oh." Mabilis na nilingon niya ang kapatid. "Sa susunod wag kang magmamadali. Ang bata mo pa pero makalilimutin kana." Nakangusong kinurot niya ang kapatid sa pisngi saka kinuha ang baon. "Opo di na mauulit." "Ate naman! Wag mo nga akong bine-baby. Nakakahiya." lumayo ito sa kaniya at lumingon lingon sa mga estudyanteng naroon. Natawa siya dito. "Sus. Sige na nga alis na ako. Salamat sa pagdala." Paalam niya dito saka bumalik na sa kanilang room. Konti na lang ang estudyanteng naiwan nang dumating siya. Hindi na rin niya makita sila Nyxx mukhang bumaba rin ang mga ito. Malayo pa lang napansin na niya ang pamilyar na bagay na ngayon ay nakapatong sa kaniyang upuan. Nagtatakang tiningnan niya iyon at nakumpirmang tama ang hinala ng makita sa malapitan. "Ba't nandito to?" kinuha niya ang baunan na binigay ng babae kanina kay Nyxx. "Obviously para sayo." lumapit si Jersey sa kaniya. "Sakin? Hindi ba para kay Nyxx to? Bakit nandito to sa upuan ko?" "Nilagay nga niya diyan nung umalis ka. Ayaw sigurong kainin at binigay na lang sayo." "Sayang naman ang effort nung babae." Sally "Sus. E ang effort nun mag abot lang. Alam naman nating pinaluto lang yan sa katulong." Jersey. "Nag-iingat lang din siguro si Nyxx baka may gayumang nilagay." Bumungisngis ang mga ito habang siya naman kinuha ang nakitang maliit na sulat na nakakaipit sa ilalim ng baunan. "Eat." -N. Hindi niya alam kung maaapreciate niya ang kabutihan ng lalaki matapos niyang makita mismo kung saan at kanino nanggaling iyon. That girl's effort just got wasted. Dapat kasi mas kinikilala muna ng mga naglalakas loob na mga kaklase niya ang lalaki para kahit sa pagkain man lang may alam ang mga ito sa gusto at hindi gusto ng lalaki. Nyxx actually love adobo pero tanging luto lang ng Mama at Manang Lanie, ang cook ng mga ito ang tanging kinakain ng lalake. Masyado itong maarte sa pagkain. Hindi naman niya maatim na masayang ang effort ng babae kaya siya na lang ang kakain nito tutal kusang binigay naman ito ng lalaki sa kaniya kaya siguro okay lang. Kesa naman mapanis. "Pasensya ka na saka salamat na rin." Saka niya inumpisahang kainin ang pagkain. Kipkip ang payong, binaybay niya ang field para sana makauwi na nang harangin siya ng tatlong pamilyar na mga babae. Agad na napaatras siya ng makita ang galit na mukha ng nasa gitna. Naalala niya na ito yung babaeng nagbigay ng pagkain kanina kay Nyxx. "Nasaan na?" inilahad ng babae ang kamay na tila may gustong kunin. "H-ha?" "Wag ka nang magmaang-maangan pa. Nasaan na ang pagkain na binigay ko para kay Nyxx?" mariin nitong sabi. Napalunok siya at wala sa sariling napahawak sa bag kung saan nasa loob ang tinutukoy nito. "W-wala akong alam. Baka nasa kaniya." Pasimple niyang inilibot ang tingin nagbabakasakaling makakita ng kakilala. Pero dahil hapon at umuulan pa wala ng dumadaan doon. "Wag kang maniwala diyan Cindy. Usap usapan na kinain niya yun!" sabat ng nasa kaliwang babae na masama ang tingin sa kaniya. "Binigay naman sakin yun ni Nyxx!" "b***h! Ibinigay? Nino ni Nyxx? Ha! Wag mo nga kaming pinagloloko. Ang lakas ng loob mong mahirap ka. Wala na ba kayong pagkain sa bahay niyo at nagnanakaw na kayo dito mismo sa school? People like you should'nt be here." Sumaltik ang tenga niya sa narinig. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung dinadown siya at ng pamilya niya. Kahit na mahirap lang sila hindi sila magnanakaw! Sobra na ito, kung magsalita. "Ah, ito ba?" inilabas niya ang baunan mula sa bag saka itinapon sa harap nito. Dahil umuulan, nabasa ito ng tubig na nasa lupa. Natalsikan din ang mamahaling sapatos at puting puti na medyas ng tatlo. She heard gasped coming from the three. Napaatras ang mga ito. "How dare you!" galit na sigaw nung Cindy. Matapang niya itong tiningnan. "Kahit mahirap kami, ni isa walang nagparatang sa aming magnanakaw. May dignidad kami hindi tulad niyo na halos ipaglandakan niyo ang sarili sa lalaki. Mas nakakahiya yun." "You!" Sinenyasan nito ang kasama na agad namang lumapit sa kaniya at sapilitang inagaw ang bag niya saka binuhos ang laman nun sa tubig at inapak apakan. Kitang kita niya kung paano lamunin ng maruming tubig at lupa ang mga notebook niya at ibang gamit. “Wag!” "Yan ang bagay sa mga katulad mo. Ulitin mo pang nakawin ang binibigay ko kay Nyxx hindi lang yan ang aabutin mo!" dinuro nito ang ulo niya. Naiwan siyang nakatulala sa gamit. Nanlulumong napaupo siya at kinuha ang ilang gamit na pwede pa. Hanggang kelan ba siya mapapahamak dahil sa lalaki? "Maam Azul? Maam?" Napakurap siya ng marinig ang boses ni Domeng. Kita niya ang pagtataka sa mukha nito kaya dagli siyang ngumite rito. "A-Ano iyon?" Alanganin itong napapakamot sa ulo. "Mukhang malalim po ang iniisip niyo Maam? Kanina pa kayo tulala mula nung pumasok kayo. May problema po ba kayo?" Mabilis na umiling siya. "Wala naman. May naalala lang ako. Ikaw Domeng napaka-maobserba mong tao." Tumawa ang lalaki. "Nagtaka lang po ako kasi ngayon ko lang ho kayo nakitang tuliro." "Wala lang yun. Ano nga palang kelangan mo?" Isinara niya ang folder na kaharap saka ibinalik sa cabinet. "Pinapakuha ni Seniorito ang listahan ng kliyente ngayong buwan Maam, for delivery na lang kasi yung kay Mrs. Quanco." Tinapunan niya ng tingin ang labas ng opisina, doon nakita niya ang lalaki na kausap ang ilang trabahador. Simula kaninang umaga hindi pa sila nag-uusap ng lalaki kahit na alam nitong bumalik na siya sa Ukitan. Inabot niya ang isang folder sa cabinet at saka tumayo. "Ako na maghahatid nito. Kailangan ko rin kasi siyang kausapin." "O'sige po Maam." Sumenyas itong mauuna na sa paglabas na agad naman niyang tinanguhan. Nginitian niya ang nakakasalubong na tauhan sa ukitan bago hinanap ang sadya. Nakita niya ang lalaki na nasa isang bakanteng mesa may kalayuan sa nagtatrabaho at may kaharap na papel. Simula kanina nung pumasok siya hindi sila nito nagkausap dahil abala ito sa ginagawa at ganun din siya. Umubo siya ng sadya para makuha ang atensyon nito. "What is it?" Napasimangot siya ng hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Nang tingnan niya kung anong pinagkakaabalahan nito, agad na tumaas ang kilay niya. Those were the files in their Ukitan. This isn't the Nyxx she know. Ang kilala niyang Nyxx ay hindi kailan man tumatagal ng ilang oras sa Ukitan at hinahayaan siyang gumawa ng dapat ay gagawin nito kaya nakapagtataka at hindi niya ito nakitang umalis sa araw na iyon. "Anong nakain mo?" Kita niya ang paghinto nito sa kung ano mang ginagawa at magkasalubong ang kilay na tiningnan siya na parang may mali sa tanong niya. "I mean, this isn't you. Pinagalitan ka ba ng Papa o ng Lolo mo kaya ka nagpapakasubsob sa trabaho?" "I have no time for this Azul. Bumalik ka na lang sa trabaho mo." pagsusungit nito. Hmm, mukhang tama ang isip niya. "Wala na nga akong trabaho kasi tinrabaho mo na. Kung ganiyan ka sana kacompetitive na boss dati siguradong hindi tayo kulang sa tauhan ngayon." tukso niya. "Just leave me alone." Napasinghap siya saka umaktong nabigla dito. Kita naman niya ang pag-iba agad nito ng expression. He then massage the bridge of his nose. "I'm sorry." Bumuga ito ng hangin. "But please, I'm concentrating here and I have a lot of papers to work with. Stay in your office and rest kung wala ka nang trabaho." She sighed and hand the papers he needed. "Okay. Hindi na ako mangugulo basta tawagin mo lang ako pag may katanungan ka tungkol dito." Tumango naman ito saka tinanggap ang papeles. Tumalikod na siya dito saka muling bumalik sa opisina kasabay naman nun ang pagtunog ng telepono na nasa table niya. Mabilis na inabot niya iyon dahil baka isa iyon sa mga suppliers nila na kanina pa niya inaantay na tumawag. "Monteagudo Furnitures-" "Azul, iha." Napaupo siya ng diretso ng marinig ang tinig ng matandang Monteagudo. "Don Nicolo! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Rinig niya ang mahinang pagtawa ng matanda sa kabilang linya. "Wala naman Iha. Gusto ko lang kumustahin ang apo ko kung nandiyan ba." "A, si Nyxx po ba. Ayun ho focus na focus sa trabaho. Ni ayaw na nga ho akong bigyan ng trabaho. Feeling ko nga po wala na akong silbi dito kasi nakaupo na lang din naman ako."biro niya. Muling humalakhak ang matanda. "Naku, mabuti naman at natuto ang batang yan. Just let him do the works at para naman maisip nito ang hirap na ginawa mo for all the years." "Naku, wala naman po yun. I just do what I was tasked to do po." "And I was thankful for that Iha. Imagine, for all those years hindi ka man lang napagod at naisipang iwanan ang ukitan para magtrabaho sa iba." Napangiti siya sa sinabi ng matanda. Well, muntik na ho kung wala lang akong utang na babayaran. "Don Niccolo, my loyalty will stay on your side. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo at sa pamilya niyo kaya kahit man lang dito makabawi ako." "Nah, you've done enough Azul. Kaya kung pagod kana sa trabaho mo at gusto mo sa iba na magtrabaho, just tell me. I will understand." Gusto niyang humikbi sa sinabi nito. Iniisip pa lang niyang ipagpalit ang Ukitan para nang mabibiak ang puso niya. "I will never leave Ukitan, Don Niccolo. Buhay ko na po ang pagtatrabaho kasama ang tauhan dito." "I'm glad to know that. Wag kang mag-alala at padadagdagan ko ang sweldo mo kay Nyxx." Agad na nataranta siya. Baka anung isipin ng lalaki pag nangyari yun. "Naku Don Niccolo hindi po yun kailangan. Ang laki na nga ho ng sahod ko as Assistant Manager." "No worries. We all know naman na you deserved it." "E..." "Anyway, i need to go. Kinamusta ko lang talaga ang apo ko. Hope to see you soon iha. Minsan nga dumalaw ka dito at makapag-usap tayo ng matagal." "Pwedeng pwede ho Don Niccolo." masaya niyang sabi. "Alright bye." "Bye po." Inantay niyang ito ang unang magbaba bago siya. She sighed. Napahawak siya sa tiyan ng bigla yung tumunog. Napasulyap siya sa pambisig na relo at nanlaki ang mga mata ng makitang mag aalauna na pala. Kaya pala nagkakagulo na ang alaga niya sa tiyan. Tumayo siya at dumiretso sa kitchen naabutan niyang may nakahain na pagkain doon. Mabilis na umupo siya at naghanda na para kumain. Naisip niyang pagdalhan ang lalaki sa labas pero baka magalit naman ito kaya wag na lang. Tutal alam naman nitong may pagkain sa loob. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng biglang pumasok ang lalaki. "Azul, I need you-" Agad na nabilaukan siya sa narinig. Hinampas niya ang dibdib. Ano daw? Napalapit naman ang lalaki sa kaniya at inalok siya ng tubig. "Are you okay?" Nang makahinga ay tumango siya. Napakamot sa likod ng tenga ang lalaki. "I'm sorry." "It's okay, nagulat lang ako." "Ang ibig kong sabihin kanina, kelangan kita mamaya. Imemeet natin si Mr. Quanco. Ikaw ang nakausap niya last time so I need you there." "Okay. Mga anong oras ba? May meet up din kasi ako mamayang three." "Maya-maya na. Please prepare the files we will be needing." "Okay, walang problema." Nang aalis na ito ay agad na pinigilan niya ang lalaki. "Kumain ka na ba?" Umiling ito. "I have no time." Tumayo siya at nilapitan ito at sapilitang iniupo sa upuan. Hindi naman ito nagpapigil at hinayaan siya sa ginagawa. "We have time for everything. Kaya kumain ka na muna. Pwede mo namang tapusin yung paper works mamaya o bukas. Hindi naman yun minamadali diba?" He deeply sighed. Mukhang alam nitong hindi ito pwedeng tumanggi. Kumuha na rin ito ng plato at nag-umpisa nang kumain. "Continue eating." utos nito. Bumalik naman siya sa kaninang pwesto which is nasa harap nito saka pinagpatuloy ang pagkain. "Tumawag nga pala ang Lolo mo." pagbubukas niya ng usapan. "He's checking on me?" mukhang ineexpect na nito iyon. "Yup." "And what did you said?" "Na umalis ka. Nagliwaliw." pang-iinis niya. "What?" okay beast mode na naman ito. "Joke. Of course sinabi kong subsob ka sa trabaho at talagang pinangatawanan ang pagiging boss mo." Kita niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito saka napailing. "Good." Sinupil niya ang ngiti sa labi. “Magkokotse tayo?” tanong niya matapos makita ang nakaparada nitong kotse sa daan. “Yup. The truck is not available right now. May tatlong delivery tayo ngayon.” “Pero maulan at hindi maganda ang daan papunta kina Mr. Quanco. Sigurado ka bang kaya ng kotse mo?” “Mas okay na to kesa maglakad tayo.” Wala siyang naging choice kundi ang sundan na lang ito. Bahala na basta sinabihan na niya ito. “I think we should buy another truck to use. Mukhang hindi kakayanin ang sunod-sunod na delivery natin.” Sumang ayon naman siya sa suhestyon nito. Isa din yun sa concern niya buti at napansin ng lalaki. “Pwede naman. Atleast may reserved kahit papaano.” Silenced surrounds them. Tanging tunog lang ng makina ng kotse ang naririnig niya. Tumikhim ang lalaki kaya napatingin siya dito. “I'm glad you comeback.” “Kesa naman sampahan mo ako ng kaso.” simangot niya. Ngumisi ito. “Ginawa ko lang yun para bumalik ka sa Ukitan.” Babalik din naman siya. Gusto lang niyang maisip ng lalaki ang halaga niya na mukhang gumana naman. Her loyalty will always be with them. “I know.” “I'm sorry. I've been an asshole boss. At alam ko ring nahirapan kang pagsabayin ang trabaho sa Ukitan nung wala ako.” “Wala na nga akong social life e.” bulong niya pero narinig parin nito. “Mukha nga. Wala ka parin bang boyfriend?” Ibinaling niya ang mukha sa kabila at nagkunwaring tinitingnan ang dinaraanan para hindi nito mapansing pinamulahan siya. Social life hindi lovelife! “Wala akong oras.” Kasi nga ang gusto niyang lalaki napakamanhid. Saka hindi man lang nagpapakita sa Ukitan kaya paano siya magkakalove life. Gusto niyang isigaw dito. “Then I'll give you time to find one.” Inis na nilingon niya ito. “Bakit ka ba nakikialam sa social life ko?” “Well, concern lang naman ako. Ayoko namang maging dahilan ang Ukitan para maging matandang dalaga ka o loveless.” kibit balikat nito. It sounds like a mocked to her. She gritted her teeth. Hindi siya makapaniwalang sinasabi nito iyon sa kaniya. “Seriously?” “Wala kang mahahanap pag nakakulong ka lang sa opisina ng Ukitan.” “Will you please cut it out? I'm not that desperate! I'm just twenty...” napangiwi siya ng maalala ang edad. “Your only what, Azul?” panunuya nito sa kaniya. “Whatever!” He chuckled. “Your twenty four and no experience right?” “Anong wala?!” Tumaas ang kilay nito sa kaniya bago nilipat ang tingin sa harap. “Hmm?” “Paki mo ba?” inirapan niya ito saka iniharap ang kalahating katawan sa gilid. Tipong tinatalikuran na talaga niya ito para lang wag siya nitong kausapin. Umalingawngaw ang tawa nito sa kotse na nagpairita sa kaniya lalo. Ipinikit na lamang niya ang mata para iwasan ang lalaki. Bwiset. May araw ka rin sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD