Chapter 3

3046 Words
Kiss Nagising siya sa nakaka-disturbong tunog ng makina ng kotse. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. “Anong nangyari?” agad na nilingon niya ang paligid at nakitang malapit na sila kina Mr. Quanco pero heto at hindi sila makaalis. “f**k!” hinampas ni Nyxx ang manibela sa inis. Mukhang lumubog ang tire ng kotse sa putik dahil na rin sa patuloy na pag-ulan. “See? I told you hindi kaya ng kotse mo.” paninisi niya. He sighed. Sinulyapan niya ang pambisig na relo. Baka malate na sila pag tumagal pa sila doon. Masyadong time conscious pa naman ang customer nila na si Mr. Quanco. “We will be late. Kailangan na nating dumiretso. Malapit na lang din naman dito iyon. Lakarin na lang natin.” Inayos niya ang sarili saka inilabas ang payong saka ibinitbit ang gamit. Lumabas na siya sa kotse at umikot sa kabilang pinto kung saan si Nyxx. “Azul! Umuulan! Can't you see?” sigaw ng lalaki nang ibaba nito ang bintana ng kotse. “I know kaya halika na. Wala nang pag-asa yan. We need to go or we will lose Mr. Quanco?” “Tangina!” Hindi niya pinansin ang reklamo at mura nito. Inilapit niya ang payong sa lalaki at hinayaang sumukob ito. Isinara nito ang kotse saka nila sinalubong ang ulan. Kinuha nito sa kamay niya ang payong at ito na mismo ang humawak nun. Nagulat pa siya ng akbayan siya nito saka hinila palapit dito. Ramdam niya ang pag-akyat ng init sa pisngi. She can feel his hot body against her. Amoy na amoy din niya ang signature na pabango nito na ilang taon na nitong gamit. Lumayo siya ng konti dito dahil mamamatay ata siya dahil sa pagpipigil ng hininga at sa malakas na t***k ng puso. “Stay still. Mababasa ka.” masungit nitong sinabi. “O-okay.” Hindi niya naiwasang pagmasdan ang lalaki. Binaybay ng mata niya ang tubig na tumutulo mula sa gilid ng ulo nito pababa sa leeg nito kung saan nakaumbok ang adams apple nitong nakakaakit dahil sa paggalaw nun. She can also see through his muscled arm dahil na rin sa basa nitong polong puti. Napalunok siya. Hiwaga ng panahon akbay ng ambon Sa pyesta ng dahon Ako'y sumilong Daan daang larawan Ang nagdaraan sa aking paningin Tara na ang nakaraa'y Ibinabalik ng simoy ng hangin Tatawa na lamang O ba't hihikbi? Ang aking damdamin Pinaglalaruan ng baliw at ng... Ulan... Sinong di mapapasayaw sa Ulan Sinong di mababaliw sa ulan? A familiar song kept playing inside her head while watching Nyxx an inch away. Kinipkip niya ang folder sa dibdib dahil sa lakas at sunod sunod na pagtibok nun. For all those years, ang lalaki parin talaga ang tinitibok ng puso niya. Akala niya noon simpleng pagkakagusto lang ang nararamdaman niya sa kay Nyxx pero hindi pala. “Is this the right way?” pinagmasdan niya ang paggalaw ng ulo nito. “Azul?” Napakurap-kurap siya saka agad na inalis ang tingin sa lalaki. “Ha? A, doon ang daan. Ayun ang bahay ni Mr. Quanco. ” tarantang itinuro niya ang tamang daan at ang may di kalakihang bahay na gawa sa kahoy lahat pero mapapansin mo ang magandang disenyo sa paggawa nun. “Are you okay?” may pag-aalala na tanong nito. “O-Oo. Wag mo akong intindihin.” Mabilis na tinungo nila iyon at kinatok ang pintuan ng bahay. Nang walang tumugon ay muli siyang kumatok na sinabayan ng pagtawag. “Mr. Quanco?” malakas niyang pagtawag. “Nandyan ho ba kayo?” Napayakap siya sa katawan ng makaramdam ng lamig ng biglang pagdaan ng hangin. Nabasa kasi ng konti ang kabilang braso niya. “I think we should go back. The weather is not good.” Bumuntung-hininga siya pero tumango na rin ng makalipas ang ilang sandali na pagtawag. Ngunit bago pa man sila makatalikod ay bumukas ang pintuan sa harap nila. Lumitaw ang sadya nila sa likod nun. “Mr. Quanco!” nakahinga siya ng malalim. Nginitian niya ang matanda. “Ang buong akala ko hindi na kayo makakarating.” masungit na sabi ng matanda. “We won't waste our time travelling despite of the weather if—” Agad na pinutol niya ang sasabihin ni Nyxx. Baliw na ba ito? Siguradong pagsasarhan sila ng matanda pag itinuloy nito ang sasabihin. Pinandilatan niya ito ng mga mata saka nakangiting nilingon ang matanda. “Of course hindi namin kayo iindiyanin Mr. Quanco. Kita niyo naman sinuong namin ang ulan para lang po makausap kayo.” “Tss.” Nyxx. “Sino ba yan?” tanong ng matanda habang nakatingin kay Nyxx. “A, si Seniorito Nyxx Monteagudo ho. Siya ang boss ko sa Ukitan. Busy ho kasi siya last time kaya hindi kayo nagkakilala.” Tumagal ang tingin nito sa katabi pero kapagkuwan ay tumango ang matanda. “How long will we stay here?” bulong ni Nyxx. Mabilis na siniko niya ang lalaki. Bakit ba napaka-reklamador nito? Tumikhim ang matanda at binuksan ng malaki ang pintuan para makapasok sila. It wasn't her first time inside his house pero namamangha parin siya sa magandang desenyo ng nasa loob. Simple pero kakaiba ang dating nun. Halatang mahilig sa wood furnitures ang matanda. Saglit na nawala ang matanda at ng makabalik ay may dala na itong tuwalya. Inabot nito iyon sa kanila pareho. Umusal siya ng pasasalamat. “Ipagtitimpla ko kayo ng kape. Diyan na muna kayo.” Hindi sila tumanggi dahil mukhang kailangan nila iyon dahil sa malamig na panahon. When they were all settled, agad na inilabas niya ang mga sample pictures ng mga design ng produkto nila. Inilahad niya iyon sa mesa. Mabuti na lang at hindi iyon nabasa kanina sa ulan. “These are some of our sample wood furnitures Mr. Quanco pwede kayong pumili at pwede rin sarili niyong designs ang gagawin namin kung gusto niyo.” He scanned the folder. “I already saw some of your works.” She nodded. “We have new ones. Please check it at the back.” boss na boss na utos ni Nyxx. Nang sumulyap ang matanda sa kaniya ay agad na ngumiti siya dito at tumango. Inilipat naman ng matanda ang pahina tulad ng sinabi ni Nyxx. For clarification, kung ano yung ukitan. Isa lang ito sa mga business na pinapatakbo ng pamilya Monteagudo. They manufactured furnitures made in rattan, hard wood, bamboo and metal. At si Nyxx ang naatasang mamahala nun. “Hmm. I like this one. Magbubukas kasi ng isang branch ang business ko at mukhang bagay to doon.” Lumapit siya at tiningnan ang tinuro ng matanda. “But I want it to have a taste of this one.” May kinuha ito sa isang folder at ibinigay sa kanila. Napahanga siya sa nakitang litrato. “Gusto ko ang sandalan niya ay ganito and the rest will be this one. Kaya niyo ba?” may paghahamon sa tinig ng matanda. Nagkatinginan sila ni Nyxx. Kaya ba nila? Medyo may kaartehan at kahirapan iyon at mukhang padadaliin iyon ng matanda dahil sa opening na iyon kailangan. Though they have men to do the work, tinitimbang parin niya kung kakayanin ba. “When is your opening?” Nyxx seriously asked. “On 23rd of this Month.” Napasinghap siya. They only have two weeks! Hindi siya sigurado kung matatapos agad iyon nila lalo pa at may iba pa din silang tinatapos na furnitures. “And how many of this do you need?” hinayaan niya na ang lalaki na ang magsalita. “Just forty.” “Deal.” inangat nito ang braso for handshake. Nabigla siya sa naging tugon ng lalaki. Sigurado ba ito? “Good. It's a deal then.” Napatayo na lang din siya at napilitang makipagkamay din sa matanda. “Expect the payment tomorrow morning.” Mr. Cuanco. “Alright.” Tumunog ang telepono ng matanda kaya umalis muna ito. Agad na hinarap niya ang lalaki na ngayon ay tinitingnan ang binugay ng matanda kanina. “Are you sure that we could finish it right away? May mga ongoing pa tayo.” “Yes.” “Alam mong masisira ang pangalan ng Ukitan oras na hindi natin mameet ang deadline!” “I know. Wala ka bang tiwala sa tauhan natin?” tinaasan siya nito ng kilay. She deeply sighed. Hindi naman sa ganun. “Bahala ka nga diyan.” inis niyang sabi saka pabagsak na umupo sa sofa. Badtrip pa rin siya ng makabalik ang matanda kaya pinili na lamang niyang manahimik sa sulok. “Malakas parin ang ulan sa labas. I don't think you can go home in this situation. Mabuti pa dumito muna kayo hanggang tumila.” sulyap nito sa bintana. Mukhang hindi na siya matutuloy sa isang lakad dahil alas kuwatro na. Nagpadala na lamang siya ng text sa imemeet sana niya bilang paumanhin. Inabutan sila ng matanda ng mga damit at ilang gamit. Guess this will be a long night. Ang mainit na hininga na tumatama sa leeg niya at paghigpit ng yakap sa kaniyang bewang ang nagpagising kay Azul. Dahan-dahang binuksan niya ang mga mata at nagulat sa nakita. Balot siya ng kumot at hindi na rin siya nilalamig pa. Pero hindi iyon ang nagpakaba sa kaniya kundi ang taong nasa likod niya na nagbibigay init sa kaniyang katawan. Nakagat niya ang labi at napasapo sa noo. What did she do last night? Siya ba ang lumapit sa lalaki? Ginapang ba niya ito? Anong katangahan to Azul? Ano na lang ang sasabihin ng lalaki oras na makita ang pwesto nila? Pero teka, nasa sariling pwesto naman siya at ang lalaki ang nasa mismong higaan niya at nakikishare! Pero nakakahiya namang sabihin na ito ang gumapang sa kaniya. Baka pagtawanan lang siya ng lalake. Aaminin niyang gusto niya ang nangyayari ngayon, pero malaking kahihiyan pag nagising ito o makita sila ng matanda. Kailangan niyang makawala bago pa magising si Mr. Quanco at ano pa ang isipin. Dahan-dahang hinawakan niya ang pala-pulsuhan ng lalaki na nasa bandang tiyan niya at akmang aalisin iyon ng marinig niyang magsalita ito sa kaniyang likuran. "Stop it. Let's stay like this for a while." he huskily said saka lalo pa siyang hinila papalapit. She stiffened. Ramdam kasi niya ang katawan nito sa likod. Hinabol niya ang hininga. "N-Nyxx..." Namula siya ng umungol ito at nanlaki ang mga mata nang maramdaman ang labi nito sa leeg niya na pinapatakan ng mumunting halik. Nanindig ang balahibo niya sa leeg. Lahat ata ng senses niya nakafocus sa oras na yun sa labi nito. Mariing napapikit siya. Susmaryosep mahabagin! Anong ginagawa nito? She bite her lips and stop herself from moaning. What the hell Azul? Nakahinga siya ng maluwag nang itigil nito ang ginagawa pero napatili naman sa nagulat nang bigla itong lumipat sa itaas niya. Ginamit nitong pangsuporta ang siko sa bandang ulo niya at tinitigan siya ng mariin. His sleepy eyes watched her face intently. Napaawang ang labi niya at ramdam ang pag-iinit ng pisngi. Ano bang ginagawa niya? Their faces were inches apart. At grabeng pagkokontrol niya sa sarili na wag sulyapan ang labi nito. Her heart was pounding so fast. Kinakapos siya ng paghinga nang bumaba ang ulo nito sa kaniya. Hahalikan ba siya nito? Pinikit niya ang mata at hinintay ang labi nito na lumapat sa kaniya pero isang malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ni Nyxx saka ito umalis sa itaas niya. Napamulat siya. "f**k. Have you seen your face? It was so epic! Tangina, ang sakit ng tiyan ko!" Her jaw dropped. Seriously? Akala ba nito nakakatuwa yun? Ang tanda niya na para sa ganoong biro. "Baliw ka ba? Bakit mo ginawa yun!" bumangon siya at sinamaan ito ng tingin. "I can tell you don't have experience doing it with someone, Azul." patuloy parin ito sa pagtawa. Habang siya pulang pula ang mukha sa kahihiyan at hindi makapagsalita. Hindi dapat nito ginagawang biro ang bagay na iyon! Paano na lang kung hindi niya napigilan ang sarili kanina? Gusto niyang lamunin ng lupa ng oras na iyon buti na lamang at lumitaw si Mr. Cuanco na siyang nag-aya na magkape sila at kumain. “Pinakuha ko na ang sasakyan niyo kanina dahil kagabi pa pala nakabara sa daan.” “Thank you.” Buong oras tahimik lang siya at mukhang napansin naman iyon ng lalaki dahilan para itigil nito ang nakakalokong ngisi. Nagpasalamat sila sa matanda sa lahat bago nagpaalam. Dumating na rin kasi ang sasakyan nila na pinakuha kanina ng matanda kaya pwede na silang makaalis. Tumikhim ang lalaki, hindi niya ito pinansin. Inabala niya ang sarili sa pagtetext sa kung sino para lang wag lang itong kausapin mabuti na nga lang din at dala niya ang headset. Ramdam niya ang ilang beses na pagsulyap ng lalaki sa kaniya kanina pa, pero hindi parin niya ito pinapansin. Minsan natikman ang init ng iyong halik Magdusa ka! "Kumain muna tayo bago dumiretso ng Ukitan." basag nito sa katahimikan. Akala ko narating ko na Ang ulap sa langit, “Busog pa ako. Ikaw na lang." she coldly said. Sa aking pagpikit Ang tanging naisip, "Azul-" Ikaw na sa hanggang wakas Ang aking pag-ibig, Ipinikit niya ang mata. Pero napamulat ulit ng maramdamang huminto ang sasakyan. Ba't sila huminto? Ngunit biglang nagbago ka Hindi na madama, May pagtatakang nilingon niya ito pero nagulat siya ng salubungin siya ng labi nito at mariin siya hinalikan. Kapag kapiling na kita Nanlalamig kana, Gulat na gulat siya at hindi nakahanda sa ginawa nito. Ramdam niya ang paglapat ng kamay nito sa likod ng leeg niya, holding and pushing it to deepened the kiss. Bakit ganiyan ang iyong pag-ibig? Na ang akala ko ay langit? Her first kiss. Nilaro laro mo lamang Ang pusong naiidlip, Nagsimulang gumalaw ang labi nito. He nibbled her lowerlip and softly bite it that made her gasped. Napakapit siya sa braso nito. Sa yakap mo ay nagayuma Pag-iwas ay di ko nakaya Limang segundo pa bago nito pinakawalan ang kaniyang labi. Hindi ito lumayo hawak parin siya nito ng magsalita ito. Hanggang ngayon hinahanap parin, "I've been dying to taste this sweet lips of yours earlier, Azul. And I will never be sorry for getting your first kiss." Ang lason mong... Nagtama ang mga mata nila ng lalaki. All she can see were adoration and something that is not familiar to her. Magsalita ka Azul! Bakit hindi ako makapagsalita? I should have slapped him hard earlier! Pero deep inside nagustuhan niya ang halik. Isa pa sa lalaki din naman gusto niyang ibigay iyon kaya bakit pa siya mananakit? Inilayo ng lalaki ang sarili. Halik... "Now, we're going to eat. Whether you like it or not." He said with finality. "Azul? Hey, wake up!" Magkasunod na tampal sa pisngi niya ang nagpagising sa kaniya. Inilibot niya ang tingin. What was that? Panaginip lang ba iyon? Napahilamos siya sa pisngi. Hindi siya makapaniwala na napanaginipan niya ang eksenang iyon. Pero bakit parang totoo? "Anong nangyayari sayo?" tanong ng lalaki sa kaniya ng mapansing wala siya sa sarili. "Nasaan na ba tayo?" pag-iiba niya. "Nasa Ukitan na. Nakatulog ka kanina habang nasa biyahe papauwi. I'm sorry for what happened earlier." Alin doon ang hinihingan nito ng paumanhin? Tanga. Alangan naman yung panaginip mo? She just sighed and went out of the car. "It's okay." kinuha niya ang gamit na nasa dashboard. Tinalikuran na niya ito at nauna na sa paglalakad papasok ng Ukitan. Narinig pa niyang kinausap nito ang ilang tauhan habang siya naman ay dumiretso na sa sariling opisina at nagkulong. Right. Ano pa bang ineexpect niya sa lalaki? Saka sa kaniya lang naman big deal yun kasi parang dito kalokohan lang yung ginawa nito sa bahay ni Mr. Quanco. Buong maghapon na iginugol niya ang atensyon sa trabaho para lang makalimutan ang panaginip. Kasalukuyan siyang nagkakape at ipinapahinga ang mata ng tumunog ang cellphone niya at nakita ang text ng kaibigan niyang si Giselle. From Giselle: ["Hey. I gave your number to Klei. Nangungulit e."] To Giselle: “Ba't mo naman binigay? Alam mong wala akong time para dyan.” tipa niya. From Giselle: [“Replayan mo lang. Mabait naman yun. At saka anong walang time? Text text lang naman, pag umaya then it's up to you if you will go.”] From Giselle: [“Hindi ka na bumabata no. Find a guy. Date him.”] Napabuga siya ng hangin. Right. Ganun na ba talaga siya kaloveless at pati kaibigan niya nag-aalala na sa kaniya. Maybe it's the right time para magliwaliw naman siya. Tama ang lalaki, wala na nga talaga siyang social life. Ilang sandali pa nakatanggap siya ng mensahe galing sa unknown number na tingin niya ay si Klei. Unknown: ["Hey, it's Klei. Got your number from Giselle."] From Klei [“Azul right?”] From Klei: [“You busy?”] Fine. Itatry niyang makipag date and gain experiences para naman wag siyang pagtawanan ng boss niya. Agad na nireplayan niya ang lalaki. To Unknown: "Hi Klei." Should I put a smiley emoticon? Napailing siya sa sarili. Ano ba, napaghahalataan siyang wala talagang experience sa ganitong bagay e. She just let herself exchanged messages naturally with Klei. Ayaw niyang ibang Azul ang makilala nito. Nasa kalagitnaan sila ng meeting ng biglang umilaw ang cellphone niya. Dahil akala niya isa sa mga kliyente nila ay agad na binasa niya iyon. "Hi. Uhm, you free today?" Napapailing na nireplayan niya ang lalaki saka muling ibinalik ang tingin sa harap kung saan nagsasalita si Nyxx tungkol sa project na gagawin kay Mr. Cuanco. To Klei: "Bakit?” "He suggested this one. Medyo minamadali siya kaya naisip ko na full force muna tayo dito but we will not stop working with the other orders. Dadagdagan lang yung tao sa kabila." Nyxx From Klei: ["Wanna have lunch with you."] "... Naisip ko na ilagay na lang muna ang team ni Banjo dun sa dating tinatrabaho while the team of Hugo will work with this dahil sila yung may alam sa naunang design." Napasulyap siya sa suot na relo. Magiisa't kalahating oras na rin silang nagmemeeting at siguradong matatapos na rin iyon maya-maya dahil palunch break na rin. Kakayanin naman siguro ng oras niya? Kakain lang naman sila ng lalaki. To Kei: "Okay." Mabilis itong nakareply. From Kei: ["Really? Then, I'll fetch you. I'll text you when I'm outside."] Napangisi siya ng mabasa ang text nito. She can sense some excitement coming from his text. Malakas na pagsiko sa kaniyang tagiliran ang nagpabalik sa kaniya. Nagtatakang nilingon niya si Tarah na mabilis na ngumuso paharap. Kuno't noong sinundan niya ang tinuturo nito. Agad na naitago niya ang cellphone ng makita ang magkasalubong na kilay ng kaniyang boss habang nakatingin sa kaniya at sa kaniyang cellphone. Nasa kaniya na rin ang atensyon ng ibang kasamahan. Lagot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD