"Ah, m-may problema ba?" tanong niya at pasimpleng itinago ang cellphone. Saang parte na ba sila ng meeting?
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Azul?" tanong ni Nyxx.
"Mukhang lumalovelife na si Ma'am Azul seniorito, nakangiti na habang nagtetext e."
Pinamulahan siya ng mapuno ng tuksuhan ang opisina.
"Oo nga po. Nung isang araw nakita ko ring tulala yan e."
Pinandilatan niya ng mga mata si Domeng. Ang chismoso ng lalaking to!
"Ano ba kayo. Wala ito ano, kliyente ang katext ko."
"Sus wag na po kayong mahiya Ma'am Azul hindi naman po kami makikialam. Masaya lang ho kami dahil ngayon lang po namin kayo nakitang ganiyan. Gwapo po ba? Padalawin niyo naman dito minsan ng makilala naman namin."
Napangiwi siya. Eto na nga ba ang sinasabi niya e.
"Stop it. Let's get back to our business. And please Azul, stay focus in this meeting. I need your full attention."
Natahimik silang lahat nang marinig ang malamig at striktong boses ng lalaki.
"Pasensya na." paumanhin niya.
Hindi siya pinansin ng lalaki at ipinagpatuloy na ang pagsasalita sa harap pero naroon parin ang magkasalubong nitong kilay. Pansin din ang pagbabago ng mood nito at wala na kangiti ngiti itong nage-explain sa harap nila hanggang matapos ang meeting.
Is he mad?
Nang makalabas ang lahat, sila na lang dalawa ang naiwan ng lalaki sa loob lakas loob na nilapitan niya ito.
"Tungkol kanina, gusto ko lang humingi ng sorry ulit."
Itinigil ng lalaki ang pag-aayos ng gamit saka nilingon siya.
"It's alright. Just please focus next time."
Mabilis na tumango siya.
"It's lunch time. Let's go eat." utos nito.
"A..." Tinaasan siya nito ng kilay.
“What? You have other plans?”
"Ano kasi, hindi ako kakain dito. Lalabas ako kasama ang kaibigan ko." pagsisinungaling niya. Sadyang hindi niya binanggit ang pangalan.
Please pumayag ka.
"Lalabas kayo nina Jersey at Sally?"
Napakamot siya ng leeg. Paano niya ba sasabihing lalaki ang kasama niya? Napansin ata nito ang pananahimik niya.
"Lalake ba?"
Medyo nagulat siya ng makuha agad nito.Namumulang tumango siya.
"S-Sandali lang naman. Kakain lang kami."
"Kung ganun may date ka nga."
Hindi siya nakasagot. Date na ba yun? Kakain lang naman sila ni Klei.
Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin saka siya tunalikuran at nag-umpisa ng maglakad.
"Just don't forget that we have a lot of things to do. Bumalik ka agad."
Mabilis na tumango siya kahit hindi nito iyon nakikita.
"Oo!"
"Goodluck."
Napakurap siya at hindi alam kung paano re-react. A, basta pumayag siya.
“You mean, napilitan ka lang?”
Agad na umiling siya. Baka masamain nito ang ibig niyang sabihin.
“Hindi sa ganun, Klei. Kasi, wala talaga akong time para sa ganito. Pero yun nga, feeling ko masyado na akong nahuhuli kaya gusto ko maexperience yung ganitong bagay.”
Nahihiya niyang pag-amin. He chuckled. “Right. I get it.”
Napaangat siya ng tingin kay Klei. Nakuha nito?
“Ha?”
“I understand it. You're not into relationship. Thanks for clarifying. Gusto mo lang maexperience yung mga bagay na ginagawa ng couple para hindi ka pagtawanan ng boss mo. Gaya nung kinuwento mo kanina.”
She nodded. Nabanggit niya kasi sa lalaki ang huling nangyari sa kanila ni Nyxx. Hindi niya alam bakit basta niya na lang nasabi iyon kay Klei. Kahit na kakilala niya lang dito. Komportable na agad siya.
“I'm sorry. Alam ko para akong baliw sa naiisip.”
Winagayway nito ang kamay.
“No, it's okay. I will help you with those experiences.”
“Talaga?” masaya niyang tanong.
Natawa ang lalaki sa naging reaksyon niya. “Oo naman. Walang problema yun sakin. Sanay na din naman ako. ”
“Uh?” Mukhang may ibig sabihin ang huling sinabi nito. Hindi din nakaligtas sa kaniya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito pero agad ding nawala at napalitan din ng ngumite ito.
“Pasensya na. I didn't mean to let you feel like that. Pero okay lang naman kung ayaw mo. I can just find someone else for this. O di kaya wag na lang.” pag-aalo niya dito.
“Nope. I am willing to do it. Malay mo, mainlove ka sa akin during those time.” kumindat pa ito na ikinatawa niya.
“Hmm, pwede.” pagsabay niya sa biro nito. They both laughed.
“Pwede ngang magsimula na tayo ngayon kung gusto mo.”
“Talaga? Paano naman?”
Tumuon ang atensyon nito sa mesa na may nakalapag na pagkain. “This. Now that the food is served, we should practice the real date.”
Sinundan niya ng tingin ang paglipat nito ng upuan sa tabi niya at ang pag-serve nito sa kaniya ng pagkain.
“K-Kailangan bang magkatabi tayo?” medyo asiwa niyang sabi. Hindi kasi siya sanay.
“Ofcourse. Masanay ka na. Normal couples do this.”
Bumuntung-hininga siya at sinubukang pakalmahin ang sarili. “Okay, anong susunod?”
“One of the best ways to get a guy is to take care of him.” lecture nito sa kaniya. Tumango siya.
Inalis nito ang isang pinggan at pinagitna sa kanila ang kaniyang plato na nilagyan nito ng pagkain kanina.
“Then feed me.”
“Ha?” napaatras siya. Pero pinagtaasan lang siya ng lalaki ng kilay saka ininguso ang soup. Napipilitang napasandok siya doon at iniumang sa bibig nito. Ngunit umiling ito.
“Mainit pa. Hipan mo muna.”
“When you blow it, your mouth should be sexy. Like this.” mwinestra nito ang bibig. Natawa tuloy siya pero ginawa rin.
“Kelangan ba talaga yan?”
First time niyang gagawin yun kaya hindi niya alam ang gagawin. Ngumuso na lang siya na parang nakakaakit pero malakas na tawa ang natanggap niya kay Klei.
Pairap na ibinaba niya ang kutsara.
“Bakit ka natatawa?” Mali ba ang ginawa niya?
“I'm sorry. You can just let him feed himself.”
Napasimangot siya. Pwede naman pala yun pinahirapan pa siya ng nito.
“Sitting together is enough.”
“Hindi ba sexy?”
“It was scary.” pareho silang natawa sa sinabi nito. Naa-awkwardan kasi siya.
Nakakatawa siguro ang mukha niya kanina kaya pinigilan siya nito. Nagumpisa na rin siya sa pagkain habang patuloy na nagsasalita ito.
Napangiwi siya ng mahirapan siya sa pagkain ng crabs. Puro sea foods kasi ang inorder nila. Pareho kasi silang nagcrave ng ganito kanina.
Napasinghap siya nang muntikan ng lumipad ang crab paalis ng pinggan niya nang magkamali siya ng paggamit sa tinidor.
Narinig niya ang pagbuntunghininga ni Klei. Mukhang ito ang nahihirapan sa kaniya.
“Akin na nga. Kung hindi mo kaya, you should let your boyfriend do this. Its his duty to help you kaya wag kang mahihiyang mag-utos.”
Napangiti siya. She can see Klei as a boyfriend material kaya nakapagtataka at wala itong girlfriend ngayon. Gwapo naman ito at sweet kung hindi lang siya hulog kay Nyxx baka pwede pa sila. Ngayon pa lang sila nagkita ng lalake pero kasundong kasundo na niya ito. Hindi din kasi siya hinahayaan ng lalake na maging uncomfortable. He jokes a lot. Palatawa din ito.
“Naintindihan mo ba?” nilingon siya nito at nahuling nakangiti habang nakatitig sa kaniya.
“O ano, nahuhulog ka na ba?” he wiggled his brows. Napanguso siya.
“Asa. Pero sa totoo lang, ang gwapo mo.”
“Tsk. Alam ko na yan.” iniwas nito ang tingin.
“Pero wala kang girlfriend.”
“Ah, ganun. May pagbalik e no?”
She giggled. “Pero maraming salamat, Klei.” She sincerely said.
NYXX POV
Kanina pa siya patingin tingin sa suot na relo saka sa daan. What's taking her so long? Kumain lang naman kaya ang mga ito?
“Seniorito, may inaantay ho ba kayo?” biglang litaw ni Domeng.
Tumikhim siya at inilayo ang tingin sa daan.
“Wala pa ba si Azul? Aba, anong oras na. Kelangan ko na ang pirma niya para matapos na to.”
“E, hindi pa po naman natatapos ang lunch time. May sampung minuto pa po siya.”
Inis na tinapunan niya ng tingin ang tauhan. “Hindi ibig sabihin na ala una ang call time, sakto ala una ka rin pupuntang opisina! You should be advance and be here before one. That's how you follow the rules Domeng. Kaya hindi umaasenso ang Pinoy e.”
Kita niya ang pagngiwi ng lalaki at pagkamot sa ulo dahil sa pandadamay niya.
“N-Naintidihan ko po Seniorito. Antayin niyo na lang ho baka parating na rin yun.”
“Pero kung kailangan niyo po talaga ang pirma ni Ma'am Azul agad, may stamp naman po siya sa desk niya. Pwede niyo po iyong gamitin. Yun po kasi ang pinapagamit ni Mam Azul pag wala po siya at kelangan namin noon ang pirma niya.”
His brows forrowed. “No. I need her original signature here.”
“Kayo hong bahala Seniorito. Pag may kailangan kayo nandoon lang ako sa kabila.”
Tinanguhan niya lang ito para matapos na ang usapan nila. Domeng was Azul's right hand kaya marami itong alam sa ganung bagay. Mukhang natrain ng babae ng maayos ito.
Pero ano bang oras darating ito? Tawagan na kaya niya? No, Nyxx calm the f**k down baka sisihin pa siya nito pag nasira ang date kuno nito.
Ilang sandali pa, kita niya ang pagparada ng isang itim na kotse sa harap ng Ukitan. Iniluwa nun ang isang matangkad na lalaki na umikot para pagbuksan ng pintuan si Azul na may ngiti sa labi.
Napakunot ang noo niya nang hindi pa umaalis ang babae at may kung ano pang pinag-usapan ang dalawa.
What caught his attention was when Azul lean forward and kiss the guy in the cheeks before leaving.
“O, andyan na pala siya Seniorito!”
Imbes na salubungin, tinalikuran niya ang mga ito at pumasok na lamang sa sariling opisina. Pabagsak na umupo siya at napahilot sa ulo dahil biglang sumakit iyon.
Nakangiting tinanaw niya ang papaalis na sasakyan ni Klei. She was so thankful to the guy. She had learned a lot from him kahit first meeting pa lang nila iyon. Marami itong itinuro sa kaniya tulad ng pagiging sweet.
She's humming habang papasok ng salubungin siya ni Domeng.
“Yes, Domeng?” masaya niyang tanong.
“Saya natin Ma'am ah, iba ang nagagawa ng date?” tukso nito.
“Tumahimik ka Domeng. Akala mo ba nakalimutan ko ang panglalaglag mo sakin kanina sa meeting?” irap niya.
“Totoo naman Ma'am. Pero heto nga Ma'am kanina ka pa inaantay ni Seniorito. May papipirmahan ata sayo.”
Agad namang napatingin siya sa suot na relo. Is she late?
“Kanina pa? Late na ba ako? Hindi naman ah. I am five minutes early.”
“Kaya nga Ma'am e. Pero mukhang emergency kasi inaabangan kayo kanina pa.”
“Ganun ba? Nasaan na ba siya?” inilibot niya ang tingin pero hindi niya nakita ang lalaki.
“Nasa opisina na ho. Pasukin niyo na lang. Mukhang nagselos e.”
“Ano yun Domeng?” pag-uulit niya kasi hindi niya narinig ang huling sinabi nito.
“Wala Mam. Sige na ho.”
Napataas siya ng kilay kay Domeng dahil ang weird ng ngiti nito. Hindi na lamang niya ito pinansin at dumiretso na sa opisina ng lalaki.
“Nyxx?”
Walang sumagot ng katukin niya ang opisina pero ng subukan naman niyang pihitin ang seradura, hindi iyon nakalock kaya agad na pumasok siya.
Nakita niya ang lalaki na nakasandal sa swivel chair nito nakatingala at malalim ang iniisip.
Lumapit siya dito at malakas na tumikhim. “Uhm, nandito na ako.”
He stirred. “May papipirmahan ka raw sakin?”
Doon lang umayos ng pag-upo ang lalaki at walang imik na inabot sa kaniya ang ilang papeles. Sinilip niya iyon at nang makitang konte lang iyon doon na lamang niya pinirmahan mismo sa mesa nito.
“Okay ka lang ba?”
Pansin niya kasi parang may iniinda ito.
Nagtama ang mga mata nila ng lalaki mukhang may gusto itong sabihin sa kaniya pero pinili na lamang umiwas at itikom ang bibig.
“Wala. Bumalik ka na lang sa trabaho mo.”
“Okay.” kibit balikat niya.
Sa pagtalikod niya, ramdam niya ang pagtagos nang titig nito mula sa likuran.
“Azul.”
Huminto siya sa paglalakad at muling hinarap ito. “May kailangan ka pa?”
“Alam ba ng magulang mo na nakikipag date ka?”
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong nito. Bakit ngayon curious na ito sa lovelife niya? Damay pa magulang niya.
“Wala namang masama sa pakikipag date.”
“You did not answer my question. And who's the guy?” sa tono ng boses nito nagdedemand iyon na sagutin niya.
“Si Klei.” tanging sagot niya.
“Klei?” wari iniisip nito kung may kilala ba itong Klei.
Klei. Teka nakalimutan niyang itanong anong apilyedo ni Klei kanina.
“Hindi mo yun kilala. Ba't curious ka?”
"Because I'm your boss.”
Anong connect? Required ba na alamin nito ang pribadong bagay na yun?
Talaga Azul? Pribado?
“Anyway, dumating na ang design ni Genesis para kay Miss Trata na furnitures. Nasa mesa mo.” saka ito napahilot sa sentido.
Tumango na lamang siya
Seriously? What's with him today?
“Mam Azul, kayo ho pala.” bumungad sa kaniya ang asawa ni Domeng sa kusina ng makapasok siya.
“Hello Tarah.” balik niyang bati dito saka kumuha na ng tubig.
“Nagpapatimpla ba ng kape sila Domeng?”
“Opo. Mago-over time daw po kasi sila ngayon.”
Nagkasalubong ang kilay niya. Over time? Ba't di siya sinabihan ng lalaki o kaya ni Nyxx man lang?
“Nasa labas din ba si Nyxx?”
“Opo. Tinutulungan po sila Domeng.”
Tumango siya. Akala ko may sakit ang isang yun? “Tulungan na kita.” alok niya nang makitang hirap ang babae sa pagdala.
“Okay lang po ba?” alanganing tanong nito.
“Hay naku. Ano namang tingin mo sakin Tarah, seniorita? Taga timpla lang din ako ng kape sa bahay no.” simangot niya dito.
Kita niya ang pagngiti ng babae. “Kayo pong bahala.”
Tinulungan na lamang niya itong bitbitin ang mga baso at thermos. May ilang pagkain ding naroon. Dinala nila iyon sa labas. Bumungad sa kanila ang ingay at ang mga magulong gamit. May pumupokpok at gumagamit ng machine may kaniya kaniyang ginagawa ang trabahanteng naroon kaya hindi na niya ito dinisturbo.
“Dito na lang po Ma'am Azul.”
Lumapit siya sa mesa na nasa kalayuan yung hindi naaabot ng alikabok at ipinatong ang dala.
Inilibot niya ang tingin nagbabakasakaling makita si Nyxx. Pero wala ang lalaki sa paligid.
“Seniorito! Ako na ho.”
Nakuha nun ang atensyon niya. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Muntik na niyang mabuga ang iniinom na tubig nang bumungad ang hubad baro at pawisan na si Nyxx. May nakapatong sa balikat nito na kahoy.
Wala sa sariling napalunok siya. Damn those muscles and abs.
Hindi iyon ang unang beses niyang makita itong nakahubad dahil varsity ito sa swimming team sa school nila dati kaya palagi niya itong nakikitang hubad baro pero walanghiya! Mas lalo atang lumaki ang katawan nito ngayon at kumurba.
Gusto niyang paypayan ang sarili nang makaramdam ng init. “A, Ma'am Azul, yung kape po ninyo nabubuhos.”
“Ha?”
“Nababasa ho ang sahig. Baka madulas kayo.” tinuro nito ang sahig.
Nailayo niya ang tingin sa lalaki at dali-daling kumuha ng pangtrapo sa sahig.
“P-Pasensya na” paumanhin niya sa babae.
“Naku wala ho yun. Masarap ho ba?”
Masarap? Muli siyang napasulyap sa katawan ni Nyxx.
“O-oo masarap nga.”
Napakurap siya nang tumawa si Tarah ng malakas. Sa lakas nun, napapatingin na tuloy sa kanila ang lahat.
“Tarah? Bat ka tumatawa?”
“Kayo ho kasi. May gusto ho ba kayo kay Seniorito?” bulong nito.
Pinamulahan siya at umiwas ng tingin. “H-Huh? Ano bang tanong yan Tarah.”
Ngumiti sa kaniya ang babae. May kung ano sa pagkislap ng mga mata nito na parang may natuklasan ito.
“Ganiyan din ho kasi ako dati kay Domeng.”
“Tarah, baka marinig ka ng iba at ichismis pa ako. Wag na wag mong sasabihin yan sa asawa mo! Chismoso pa naman ang Domeng na yun” simangot niya.
“Pero may gusto talaga kayo kay—”
Agad niya itong nilapitan at tinakpan ang bibig. Hindi niya alam kung paano ito patatahimikin.
“Shh. Wala okay. N-Nagulat lang ako.”
“Sabi niyo po e.” nakangisi parin nitong tugon.
She face palmed. Nahawa na ata sa asawa ang babae paano na lang kaya kung magka-anak ang dalawang to. Baka maging chismosa pa!
Kasing edad niya lang si Tarah pero may asawa na ito at mukha namang handa na magkapamilya. Paano nga ba ito at si Domeng nagkakilala? Chinismis ba ito ni Domeng para mapansin? Hay, Domeng. Ang swerte mo wag ka lang magkakalat. Isip niya habang pinagmamasdan ang dalawa na naglalambingan.
“Ba't andito ka pa? You should go home now.”
Nasapo niya ang dibdib nang marinig ang boses ni Nyxx sa kaniyang tabi. Nagpupunas na ito ngayon ng pawis. Hindi tuloy niya napigilang pamulahan ng mag-isip na naman ang utak niya ng kung ano ano.
“Ahm. Mag-oovertime din ako.”
“Hindi. Tapos na ang trabaho mo.” lumagok ito ng kape.
“Anong tapos na? Magoovertime kayo kaya ako rin. Nakakahiya namang umalis e trabahante din naman ako dito no.”
“It's not safe for a woman like you to go home lalo na at gabi.”
“Bakit si Tarah nandito din naman ah!” angal niya
“Nandito si Domeng.”
“A, basta. Dito lang ako. Tumawag na ako kina mama kaya okay lang na bukas o gabihin na ako sa pag-uwi.”
“Ang tigas talaga ng ulo mo.” masungit nitong sabi sa kaniya.
“Matagal na kaya hindi mo ako mapipilit pa.” Inirapan niya ito saka lumayo na. Palayo sa temtasyon. Shoo.
Inubos na lang niya ang oras sa pagtingin sa mga ginagawa ng mga ito doon. Minsan nagpapaturo rin siya pero mukhang nakakaabala siya kaya itinigil na lang din niya.
Nang makaramdam ng antok ay pasimpleng pumasok siya ng opisina para umidlip. Wala naman talaga kasi siyang ginagawa. Tapos na rin ang tinatrabaho niya kanina.
Kausap naman niya si Tarah pero nakakaramdam na siya ng pagod sa maghapong trabaho kaya nagpaalam na lamang siya dito na iidlip muna.
Napaungol siya ng maramdaman ang malambot na sofa sa kaniyang likuran. She felt so sleepy. Isang oras lang na idlip okay na sa kaniya. Siguro naman hindi siya hahanapin ni Nyxx kundi lagot siya.
Pinikit niya ang mga mata at hinayaan niyang lamunin siya ng antok. Ilang minuto pa, hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari.
Naramdaman na lang niya ang paghigit ng isang braso papalapit sa kung saan mas lalong nagpakomportable sa kaniyang pagtulog.
“Hmm...”
“Ang tigas talaga ng ulo mo.” parang musikang naririnig niyang sabi ng isang tinig.
Mas lalo niyang inilapit ang sarili sa unan at hindi pa nakontento, ipinalibot niya ang braso doon.