Chapter 5

3020 Words
NYXX POV "Mahal, pahinga ka na muna doon sa loob. Ayokong napapagod ka." Nagkatinginan sila ng ibang tauhan na naroon at hindi napigilang mapangisi sa kasweetan ni Domeng sa asawa. "Okay lang ako no. Maghapon akong natulog kanina kaya wag ka nang mag-alala pa." Napalingon siya sa paligid ng may mapansin. Nasaan ang babaeng yun? Hindi niya makita ang anino ng babae. Tumayo siya at nagpaalam na aalis sandali. "Sige lang Seniorito. Kami na muna dito ang bahala. Pahinga na muna kayo." Pumasok na siya sa loob ngunit hindi niya nakita ang babae sa kusina kaya dumiretso siya sa opisina nito. Napailing siya nang makita itong nakasalampak sa maliit na sofa at mahimbing na natutulog. "Ang tigas talaga ng ulo mo." "Hmm..." nilalamig ata ito. Pinagmasdan niya ang pwesto ng babae, hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at nakita na lang ang sariling inaaayos ang pagkakahiga nito para magkasya silang dalawa sa sofa. Hinayaan niyang umunan ito sa kaniyang braso at otomatiko namang pumulupot ang braso ni Azul sa kaniyang katawan. He smiled while watching Azul's cute face while sleeping. Mariin niyang pinikit ang mga mata. He can feel her soft skin into his. Siguradong malalagot siya pag nagising ito at nakita ang pwesto nila. Pagod din siya at walang pwedeng pagpahingahan dito sa loob. Aalis din siya, isang oras lang na pahinga. Isa lang. AZUL POV Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at agad na nailibot ang tingin sa paligid. Mula sa kinauupuan, kita niya ang pagpasok ng liwanag sa opisina mula sa bintana. "Anong oras na?" Hinanap niya ang cellphone at nanlaki ang mga mata ng makitang alas dyes na ng umaga. "I overslept!" Daling inayos niya ang sarili at lumabas ng opisina. Nagkagulatan pa sila ni Tarah na papasok rin sana sa loob. "Ma'am Azul! Mabuti't gising na kayo!" nakangiting bati nito sa kaniya. Iba na ang ayos ng babae kaya't sigurado siyang nakauwi na ito at nakabihis. Nahihiyang umatras siya. "I'm sorry, I overslept. Tapos na ba sila?" "Patapos na rin naman. Yung iba pinauwi na muna ni Seniorito kanina para makapagpahinga." Tumango siya. "Si Nyxx?" hanap niya sa lalaki. Magpapaalam lang siyang uuwi muna. "Naku, umalis na ho kanina pa e. Masama daw pakiramdam. Nabigla ata ang katawan." Pati siya nakaramdam ng pag-alala sa lalaki. "Ganun ba?" "Pero binilin ka niya kanina na kung magising ka, umuwi ka na lang daw muna at magpahinga. Si Domeng na raw bahala dito." "Naku, ang haba na ng pinahinga ko. Uuwi na muna ako saglit mag aayos lang saka babalik din ako agad." "Pero-" Pinigilan niya ang babae. "It's okay." Napasulyap siya sa relo. "Anyway, I gotta go. Thank you Tarah." Hinalikan niya ito sa pisngi at tumalikod na. Nang makauwi ay agad na sinalubong siya ng mama niya. Hinanda na niya ang sariling mapagalitan pero nagtaka siya ng nakangiti pa ito. "O anak, kumusta ang overtime niyo? Natapos niyo na ba?" "A, patapos na ho. Pero may kailangan pa akong gawin sa opisina kaya babalik din ako agad. Maliligo lang ako." "Ganun ba, sige bilisan mo na." itinulak pa siya nito paakyat ng hagdan pero nagpapigil siya. "Hindi ho ba naghanap si Papa kasi tinanghali na ako?" takang tanong niya. "Hindi. Tumawag naman kasi si Seniorito Nyxx sa kaniya na nakatulog ka doon at baka tanghaliin na dahil sa pagod kaya wala nang dapat ipag-alala pa." Si Nyxx? Kelan pa sila naging kacall ni Papa? Tumango na lamang siya sa mama niya saka nagpatuloy na sa pag-akyat. Pababa na sana siya ng hagdan, matapos makapag ayos ng biglang tumunog ang cellphone niya sa bag. Nang silipin niya kung sino ang tumatawag ay napakunot-noo siya. "Si Tita Claire to ah?" Agad na sinagot niya ang tawag ng mabasang ang Mommy ni Nyxx iyon. "Hello Tita?" "Azul iha." isang malambing na boses ang narinig niya sa kabilang linya. "Yes Tita? Napatawag kayo?" sa naaalala niya wala naman siyang nagawang kasalanan. "Did I disturbed you?" Umiling siya na parang nasa harap lang ang kausap. "Hindi naman po. Pabalik ho ako sa Ukitan." "O, really? I actually have a favor to asked." Napahinto siya. "Anything Tita." "It's about Nyxx. Tumawag kasi ako kanina sa kaniya and I found out that he is sick. I am so worried baka walang nag-aalaga sa kaniya ngayon. Nasa Maynila kasi kaming lahat to see Czarina's new born baby. Kaya kung hindi nakakadisturbo sayo Azul, will you please check if he's alright? Kung nakainom ba siya ng gamot or anything. Ang sabi kasi ng mga maid ayaw magpacheck ng batang yun sa doctor. He's been lying in his room until now." puno ng pag-aalalang sabi ng babae. "Naiintindihan ko po Tita. Sige po pupuntahan ko siya sa mansyon." "Thank you so much Azul." "Wala pong problema, Tita." "Okay. Uuwi din kami agad bukas. I'm looking forward seeing you." "Okay po Tita." "I'll hang up now. Thank you again, Azul." "You're welcome, Tita." Hinintay niya na ito mismo ang pumatay ng tawag bago nagtungo sa kusina para magsandok ng sabaw na ulam nila kanina. "Para kanino naman yan Azul?" muntik na niyang mabitiwan ang lalagyan ng biglang sumulpot ang ina sa harap niya. "Ma! Wag kayong sumusulpot lang na parang kabuti! Muntikan na tuloy ako!" Pinagtaasan siya nito ng kilay at namewang pa. "Aba! Para kanino ba kasi yan? Ikaw nga Azul umamin sa akin, may nobyo ka na ba?" masungit nitong tanong. "Mama!" saway niya dito. "O bakit?" "Wag nga po kayong gumawa ng istorya dyan! Para kay Seniorito Nyxx to. Tumawag si Tita Claire kanina nakikiusap na tingnan yung anak niya kasi may sakit daw." Sa isang iglap nagbago ang reaksyon ng mukha nito. "Si Seniorito Nyxx? Naku, malala ba? Dalhin mo na lang din tong natirang pagkain para sa kaniya o kaya iluto mo doon ng lugaw saka painumin ng gamot! Uso pa naman ngayon ang trangkaso." "Kaya nga. Nasa Maynila kasi ang buong pamilya. Kaya ako na lang ang pinakiusapan ni Tita." "O siya sige na bilisan mo na diyan at humayo ka na. Baka ano nang nangyari sa batang yun! Kagabi lang tumawag ah!" "Nabigla ho ata ang katawan alam niyo naman yun, hindi sanay sa trabaho sa Ukitan." "Oo nga. Sige na." Tinulungan na siya nito sa pagbabalot at ikinuha na rin ng masasakyan para madali siya. Nang makarating sa mansyon ay agad na sinalubong siya ng mga katulong at mayordoma na si manang Lanie. Mukhang inaasahan na ng mga ito ang pagdating niya siguro ay naitawag ni Mam Claire na darating siya. Ibinilin niya ang dalang pagkain. “Ako nang bahala nito iha. Iaakyat ko na lang ito sa itaas mamaya.” Tumango siya at inakyat na ang hagdan. Alam na niya ang kwarto ng lalaki dahil doon siya gumagawa ng project nila dati habang nanonood lang ito o di kaya ay natutulog. Nag aantay lang na matapos siya sa paggawa. Nang makita ang kwarto, kumatok siya ng tatlong beses pero walang sumagot kaya pumasok na lamang siya. “Tulog ba siya?” Upon entering his dark room, it brought a lot of memories to her kahit wala namang kaespe-espesyal na nangyari doon. Still, she can't help not to smile for inspite of the years that have past, she's still here, together with her unrequited feelings for Nyxx. Nothing changed. Not even a glimpse. Pero dagling napahinto siya ng makitang hindi nag-iisa ang lalaki sa loob. There is this skinny blonde hair woman sitting next to him. Gising na ang lalaki at nakasandal sa headrest ng kama pero makikita paring mahina ito. Hindi ata nito napansing naroon siya at patuloy lang sa pag-asikaso sa lalaki. Pinanood niya kung paano ngumite ang lalaki sa mga haplos na ginagawa nito sa pisngi. “You shouldn't work too much.” malambing na tinig nito. “I need to.” Naihakbang niya ang paa paatras. Mukhang hindi dapat siya nandun. Baka makadisturbo pa siya. “Nyxx—” “Cindy, I am okay. Kanina ka pa nandito hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?” Natigilan siya. Did she heard it right? Iisang Cindy lang ang kilala niyang involved sa lalaki noon. It's no other than Cindy Dela Quesa. “Alam ni Dad na nandito ako.” It's really her. Pinakinggan niya ng mabuti ang boses at doon niya nasigurado. She shouldn't be here. Bakit pa siya tinawagan ng Mama ni Nyxx kung may girlfriend naman ang lalake na handang alagaan ito. Hindi na pala siya kailangan pa dito. Inihakbang niya ang paa paalis at akmang pipihitin ang pinto ng bigla itong bumukas at mag-ingay si Manang Lanie. Para tuloy siyang batang nahuli na gumawa ng kasalanan. “Oh, Azul saan ka pupunta?” Napapikit siya. “Manang Lanie? Sino hong nandyan?” Hindi niya alam ang gagawin ng marinig ang papalapit na tunog ng heels ng babae. Pagtataka ang nasa mukha ng matanda. Alanganin siyang ngumiti dito at nakitang dala dala nito ang soup na galing sa kaniya. “B-Bubuksan ko sana kayo ng pintuan. Baka kasi mahirapan kayo, may kasama pala kayo.” rason niya. Sinulyapaj niya ang kasama nitong katulong. “Ganun ba? O siya, nagkita na ba kayo ni Ma'am Cindy?” “Azul?” Napilitan siyang lingunin ang babae. “C-Cindy. Kumusta.” hilaw niyang bati sa babae. Hindi din niya napigilang pagmasdan ang anyo nito. Her physical appearance changed a lot. Tumangkad ito at lumaki ang dapat lumaki. Nang makalagpas sa kanila ang mga katulong, agad na tumaas ang kilay ng babae sa kaniya. Napailing siya. Well, Cindy won't be Cindy kung hindi masama ang ugali nito. “At ano namang ginagawa mo dito?” mataray nito siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “...trying to take advantage of Nyxx sickness?” Mahina nitong sabi na silang dalawa lang ang nakakarinig. She scoffed. Plastic! “Hay, Cindy. Hindi ka parin nagbabago.” pag-iling niya. “Ano?!” medyo napalakas ang boses nito kaya nakuha nun ang atensyon ng lalaki. “Cindy? Anong nangyayari dyan?” Sa isang iglap biglang umamo ang mukha ng babae at ngumite sa kaniya. Nagulat din siya ng hawakan siya nito sa braso na parang close sila noon pa. “Nyxx, hindi mo man lang sinabing magkatrabaho parin pala kayo ni Azul. It's been a long time! I missed her.” Psh. Gusto niyang masuka sa pinagsasabi ng babae. “Azul. May problema ba sa Ukitan?” Pasimpleng inalis niya ang sarili sa babae at hinarap ang lalaki na may pagtataka sa mukha. Pinilit niya ang sariling wag mapadako ang tingin niya sa hubad na katawan nito. “Wala naman. Tumawag kasi si Tita, pinakiusapan niya akong daanan ka dahil may sakit ka nga raw.” “Ganun ba?” Tumango siya. “Dinalhan din kita ng sabaw para mainitan ka. Pagkatapos mong kumain uminom ka agad ng gamot.” itinuro niya ang pagkaing dala. Hindi nakaligtas sa kaniya ang mga prutas na naroon. Pwedeng pwede mo ibuhos sa katabi mo kung ayaw mo na. “Wag kang mag-alala Azul. Ako nang mag-aalaga sa kaniya. You should go back to Ukitan walang mamamahala dun.” Ang epal na Cindy dali-daling lumapit sa tabi ng lalaki at hindi niya napigilang sundan kung paano nito kuhanin ang kamay ng lalaki saka masuyo iyong hinaplos. Napairap siya sa kawalan. Hinarap niya ang babae. “Wag kang mag-alala Cindy. Dumaan lang naman talaga ako. Wala din naman akong balak magtagal. I am just doing what Tita asked me to do.” Kung gusto mo solohin mo na siya. “Aalis na ko. Magpahinga ka na lang muna dyan at ako ng bahala sa Ukitan.” she glanced at Nyxx way. “Tawagan mo ako pag may problema.” Tumango lang siya. Muli niyang sinulyapan ang lalaki at nagpaalam na na aalis. Nilagpasan niya lang si Cindy at dire-diretsong lumabas ng kwarto ng lalaki. Bagsak ang balikat niya ng makalabas nang makalabas. Siya parin ang talunan na Azul dati. Ayaw niyang tumagal sa loob dahil habang tumatagal na nakikita niya si Cindy doon, lalong naninikip ang dibdib niya. “Iha.” nagulat pa siya ng makitang nag-aantay sa labas si Manang Lanie. “Manang.” she smiled at her. Inabot nito sa kaniya ang malinis na lalagyan ng sabaw na dala niya kanina. Kinuha niya iyon sa mga kamay nito. “Pasensya na hindi ko naipaalam kanina na nandito din yung anak ni attorney. Biglaan din kasi ang pagbisita niyan. Wag kang mag-alala, babantayan ko ang galaw at baka may kung anong gawin kay Seniorito.” Natawa siya sa sinabi nito. “Ano ba kayo manang. Nobya niya naman yun kaya wala kayong dapat ipag-alala.” “Pero wala din namang nabanggit si seniorito tungkol dyan.” “Siguro gusto muna nila nang pribadong relasyon. Uhm, salamat nga ho pala dito.” tukoy niya sa baunan. “Ipahahatid na kita sa Ukitan para di ka na mahirapan. Nasa baba na ang sasakyan.” “Naku. Nag-abala pa kayo.” Sabay silang bumaba ng matanda. Nag-aantay na nga ang sasakyan sa labas. Nagpaalala siya sa matanda tungkol sa kalagayan ni Nyxx bago nagpaalalam na umalis. “Itext niyo po ako kung hindi parin umo-okay ang pakiramdam niya.” “Sige, iha. Ako nang bahala. Maraming salamat sa pagpunta.” Tumango siya bago pumasok na sa loob ng sasakyan. Maghapon na nagkulong siya sa loob ng opisina para iabala ang sarili at wag isipin ang nangyari kanina. Tamad na hinalo niya ang kape. Are they still together? Pero matagal na ring hindi niya nakikita ang babae kaya akala niya wala na ang mga ito. Nagtext kanina si Mang Lanie, at sinabing bumaba na ang lagnat ng lalake at medyo okay na ang pakiramdam nito. Now he's taking a rest alone. Cindy left an hour after she left the house too. Then why did Tita call her instead of Cindy?Napa-buntunghininga siya. “Ang bigat naman nun.” Napaangat ang tingin niya at nakitang nasa harap na niya pala si Tarah na may bitbit na baso rin. Pinapanood siya nito. “A, ikaw pala Tarah.” nakangiti niyang sabi. “May problema ka ba?” tanong nito habang butbit ang baso sa lababo. She deeply sighed. Tutal alam naman ni Tarah na may gusto siya sa lalaki. Okay lang naman sigurong magkwento siya dito. “Minsan ba, nakaramdam ka ng selos pag may kasamang iba si Domeng, Tarah?” Rumihestro ang gulat sa mukha nito na tila hindi nito inaasahan ang tanong niyang iyon pero napalitan din agad ng ngiti. Hindi ba marunong magalit tong babaeng to? “Syempre naman. Hindi naman naiiwasan yun lalo na kung may kagandahan ang babae na lumalapit sa asawa ko. Pero pinapaintindi naman sakin ni Domeng yun at saka nilalawakan ko na lang din yung pang-unawa ko. Kasi, tayo yung babae dapat tayo yung umunawa talaga.” Naks. Domeng. “May babae ba si Seniorito?” Namula siya sa diretsa nitong tanong. “H-Huh?” “Tungkol ba to sa kaniya?” Nahihiyang tumango siya. “A... Nakakahiya man sabihin. Alam ko namang wala akong karapatan sa kaniya kasi wala namang kami. Pero ang sakit parin talaga. Alam kong wala akong pag-asa—” Napahinto siyang makitang umiling ito. “Wag mo sabihing wala kang pag-asa kasi hindi mo pa naman sinusubukan.” “Alam ko pero nakikita mo naman diba? For him, we only have an employee and employer relationship. Wala nang iba.” “Paano mo naman nasabi?” “Ha?” naguguluhan niyang tanong. “Alam mo, ang pinaka ayaw ng mga lalaki yung pinapangunahan sila. Kaya wag mong sabihing wala siyang nararamdaman din sa iyo kasi hindi mo naman hawak ang puso niya.” Natahimik siya sa sinabi nito kapagkuwan ay sumimangot. “Pinapagaan mo lang ang loob ko e no?” Pareho silang natawa ng babae. “Syempre hindi. We, women should trust ourselves. Yun dapat ang pundasyon natin.” Nangingiting tumango siya. “Ang gwapo din kasi ni Seniorito, marami talagang maghahabol sa kaniya.” “Nasa lahi nila. Kita mo naman yung mga ibang pinsan niya. Habulin din. Lahat may ibibuga.” “Naku, yung iba yung mukha at yaman ng mga Monteagudo lang talaga ang habol. Mabuti na lang wise yung magpi-pinsan. Tingnan mo si seniorito Kaius.” Nagtawanan sila at napunta na ang usapan sa magpi-pinsan. Kaius Monteagudo, cousin of Nyxx is a flirt. Pero wala silang naririnig na naghabol sa lalaki at sabihing buntis ito. Maingat ito sa bagay na iyon. Ilang sandali pa narinig na nila ang tinig ni Domeng na hinahanap ang babae sa labas. “O, hinahanap ka na ng asawa mo. Out mo na diba?” Napatingin siya sa relo at nakumpirmang tama siya. “Oo. Gusto mo bang sumama sa amin? Pag usapan natin ang problema mo. Makikinig ako kesa naman dalhin mo yan. Ano?” Saglit na nag-isip siya. Wala din naman siyang gagawin sa kanila kaya imbes na ubusin ang oras sa kakausap sa sarili, ilalabas na lang niya ang hinanakit sa babae. “Okay lang ba kay Domeng?” alanganin niyang tanong. “Oo naman no. Tara na. Sama ka a. Antayin kita sa labas. Doon ka na samin maghapunan.” Masaya nitong sabi saka nagmadaling lumabas para kausapin ang asawa. Niligpit muna niya ang gamit bago muling pumasok ng opisina para kunin ang bag saka sinigurong sarado na ang lahat bago lumabas na. Nadatnan niyang nag-aabang ang dalawa at ilang trabahador sa labas, kapwa papauwi na rin. “Azul!” nakangiting kumaway sa kaniya si Tarah. Mabilis na lumapit siya sa mga ito. “Okay na ba ang lahat?” tukoy niya sa mga pintuan. “Wag ho kayong mag-alala Ma'am Azul. All checked na.” ani ni Domeng saka inabot sa kaniya ang susi. “Salamat sa lahat.” yumuko siya para pasalamat sa lahat na naroon. “Wala ho yun Ma'am Azul.” Gelo. “Azul na lang Gelo. Tapos na din naman ang trabaho natin.” Isa pa kaedad niya lang ang lalake. Napakamot sa ulo si Gelo pero tumango rin. “Ikaw ang bahala.” “Sinabi ho sa amin ni Tarah na pupunta kayo sa kanila. Magkakalapit lang ho kami ng bahay kaya naisipan naming sabay sabay na lang tayong maghapunan. Kwentuhan din tayo minsan tutal wala naman hong trabaho bukas kasi linggo.” ani ni Lisa na asawa ni Luie. “Pwede naman!” masaya niya ring pahayag. “Yun oh!” “Inuman na~” pakantang sabi ng mga lalaki. Napaghagikgik sila. “Oh tara na. At baka gabihin tayo sa daan.” si Domeng na inakay na ang lahat sa pag alis. Nakangiti niyang pinagmasdan ang lahat na sinundo ng mga asawa. Ito yung pangarap niya — yung simpleng buhay. Na kahit mahirap lang nakakangiti parin at ineenjoy ang buhay. Nakangiting sumabay siya sa lahat at masayang nakipagkwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD