Chapter 6

3019 Words
Drunk confession Kakainom lang ng gamot ni Nyxx, bumaba siya kanina sa kusina para kumain. At heto nga at kasalukuyang kausap niya si Manang Lanie habang patuloy ito sa pagbibilin sa kaniya, pumasok ang isang katulong hawak ang telepono nila sa sala. Okay na ang pakiramdam niya talagang nabigla lang siguro ang katawan niya sa biglaang mabigat na trabaho kaya siguro bigla siyang nilagnat. “Seniorito, may tawag ho kayo.” she went directly to him. “Sino daw?” If its one of his family member, they will call him using his personal number. “Ang tatay ho ni Ma'am Azul. Tinatanong kung nandito parin daw ba ito kasi hindi pa raw ho nakakauwi. Nag-aalala daw po sila.” “What?” salubong ang kilay na nagtinginan sila ni Manang na katulad niyang nagtataka din. “Aba, kanina pa siya tanghali umalis Iho. Ang sabi kanina babalik na ng Ukitan.” “Give me that.” inabot niya ang telepono sa nakaangat na kamay ng katulong at sinagot iyon. “Magandang gabi ho, Mang Nante.” “Seniorito. Pasensya na kung nadisturbo ko ang pagpapahinga niyo.” “Okay lang ho. Ano po bang meron?” “Wala daw diyan ang anak ko? Ang sabi kasi ng asawa ko pumunta daw riyan kaninang tanghali.” diretsong tanong ng ama ni Azul. “Dumaan lang naman ho siya at bumalik din agad ng Ukitan. Hindi pa ho ba nakakauwi?” “Hindi pa nga e. Nag-aalala na rin kami dine hindi naman sumasagot sa tawag. Nang papuntahan ko sa kapatid niya sa Ukitan wala na daw tao doon.” puno ng pag-alala na sabi ng matanda. He massaged the bridge of his nose. Where did she go in this time? Without even texting her parents. “Sandali Mang Nante at tatawagan ko si Domeng. Tatawagan ko ho kayo ulit.” “O'sige sige. Maraming salamat Seniorito.” Nagmamadaling ibinalik niya iyon sa kamay ng katulong at dali-daling lumabas ng kusina para umakyat ng kaniyang kwarto. “Iho, hindi ka pa magaling! Iutos mo na lang sa tauhan yan. Baka mas mabinat ka lalo.” Sinundan siya ng matanda hanggang kwarto. Dinampot niya ang susi ng kotse at kumuha na rin ng jacket sa cabinet. “Seniorito—” Hindi niya pinansin ang matanda nilagpasan lang niya ito. Habang pababa ng hagdan sinubukan niyang tawagan ang babae pero hindi nito iyon sinasagot. “f**k. Where the hell are you?” Agad na pumasok siya sa kotse at pinasibat iyon papalayo ng mansyon. Inis na ipinatong niya iyon sa dashboard saka idinial ulit. Baka naman kasama ito nung Klei na nakadate nito at kung saan dinala. Pasulyap sulyap siya sa cellphone. Mabilis na inapakan niya ang break nang makitang sinagot iyon ng babae. Iniloud speaker niya iyon. “Azul? Hello?” “Ano ba? Ang ingay!” Napatitig siya sa cellphone ng matagal, kakaiba ang tinig nito. Saka medyo maingay ang background. “Are you drunk?” Inis niyang tanong. “Nasaan ka?” muling pinatakbo niya ang kotse. “Ano?” narinig niya ang sunod-sunod na pagtawa nito. “Hala, bakit ganiyan yan?” His brows forrowed. Who is she talking? “Ah!” tumili ito ng malakas. “f**k it! Tell me where the hell are you right now!” “Ang pangit ng katawan mo, Raol!” “Aww. Ansakit sa tenga ng boses mo! Jooy Gelo! Hoy!” Gelo? Is he talking to Gelo? Ilang kaluskos ang narinig niya at nasundan ng lalaking boses na hindi niya maintindihan ang sinasabi. It was followed by a loud cheer. “Hmm.?” “Ikaw na kaushap ditow. Ayoko. Ayoko ng call—mate. No. Tarah—.” Inis na pinatay niya ang tawag at iniliko ang sasakyan. Tinunton niya ang daan papunta kina Domeng. Malayo pa lang ay kita na niya ang bonfire na nasa labas ng bahay nito may nakikita din siyang mga tao na naroon. Mga trabahante niya sa ukitan. Agad na bumaba siya ng kotse at inilibot ang tingin sa mesang naroon. Puro bote ng alak at ilang tsi-chirya ang nandoon. Nandoon ang ilang trabahador maging ang asawa ng mga ito ay nakatulog na sa kalasingan. Ang iba'y nakita niyang inaakay na ng mga asawa papauwi dahil sa nag-uumpisang pagpatak ng ulan. Pero hindi niya mahanap ang babae sa labas. Saktong lumabas si Domeng sa bahay ng mga ito kaya agad niya itong nilapitan. “Domeng!” Pinaningkitan siya nito ng mata na tila inaaninag. “Seniorito?” mukhang nakainom din ata ito ng konti kasi maayos pa naman itong nakakapaglakad. Namumula lang ang mukha. “Nandito ba si Azul?” Tumango ito. “A, nasa loob ho. Ipinasok ko na kasi lasing na rin e. Ayaw nilang maghiwalay ni Tarah.” Wala na siyang pakialam kung bastos mang pumasok siya ng basta basta sa tahanan nito. Nilibot niya ang mata sa loob, nakita niya si Azul na tulog na tulog sa upuang kahoy katabi si Tarah na parehong lasing din. Napamura siya ng makitang nakabukas na ang tatlong butones ng damit ng three fourth na suot ng babae. Nasisilip niya mula doon ang manipis na pangloob. “Tsk.” Agad na nilapitan niya ito at niyogyog. “Azul!” _ Malakas na pagyugyog sa kaniyang balikat ang nagpamulat sa kaniyang mabibigat na mga mata. Naiirita siya dahil nadadagdagan ang hilo niya sa ginagawa ng kung sino man ngayon. “Ano ba?! Nahihilo ako.” Tinampal niya ang brasong nakahawak sa kaniyang braso. “Hey. Tumayo ka na diyan. I will take you home.” The voice seems familiar. Hindi niya ito mamukhaan dahil domoble ata ang tingin niya. “Nohw...” “Tsk. Iinom inom hindi naman kaya.” A strong arms encircled to her waist and pulled her up until her body crash to a hard wall. Napaungol siya ng maamoy ang napaka-pamilyar na amoy na nanuot sa ilong niya sa mga oras na iyon. “Hmm. Ang bango mo. Kaamoy mo yung b-boss kong babaero.” Mas lalo niyang inilapit ang mukha sa kung saan. She can hear heavy breathing coming from the man. “Tss. Stop smelling me.” Ilang sandali pa naramdaman niya ang paglutang ng sarili sa hangin at sinundan ng paggalaw sa kung saan. Automatik na kumapit ang braso niya sa leeg nito. “Seniorito.” “We will go now. Thank you Domeng.” “Pasensya na rin seniorito. Mag ingat kayo. Umuulan na sa labas.” Seniorito? Nananaginip na naman ba siya? Ipinilig niya ang ulo at minulat ang mga mata sinubukang ifocus ang tingin sa mukha na nasa harapan. Doon niya napagtantong ito nga ang lalaki. Tumawa siya kaya napalingon ito sa kaniya. “Ikaw nga. Ang boss kong malandi!” tinusok tusok niya ang pisngi nito. His brows forrowed. “Akala mo ba gusto kita? Hindi. Hindi na kita gusto.” “Anong bang sinasabi mo diyan?” Something warm covered her body pero dahil naiinis siya ay inalis niya iyon. “What the heck, Azul! Umuulan kaya wag mong tanggalin! And will you please stop wiggling? Pag ikaw nahulog ngayon iiwan kita dito.” “Shinishigawan mo ba ako? Nakakainis ka talaga!” Pinagsusuntok niya ang lalaki hanggang sa naramdaman niya ang pagod. Inaantok na rin siya idagdag pa ang nakakaantok na amoy nito. “Nyxx...” “Ano?” inadjust nito ang pagkakabuhat sa kaniya. “Tsk. Ang bigat mo pala.” “Nyxx...” bulong niya. Bumuntung-hininga ito. “Ano nga?" “Gusto kita.” she murmured. That was the last thing she said before drifting to sleep. _ Masakit ang ulo niya. Hangover. Yun ang unang naramdaman niya sa oras na magising siya kinabukasan. Hindi iyon ang first time niyang uminom saka mababa talaga ang tolerance niya sa alcohol kaya bagsak agad siya. Hinila niya ang magulong buhok. Bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok doon ang kapatid niyang si Red na nakataas pa ang parehong kilay. Sinimangutan at inirapan niya ito. “O ngayon, masarap ba ang hangover?” pang-iinis nito. “Wag mo akong unahan Pula!” Sumimangot ito saka may itinapon sa mukha niya na maliit na bagay. Mabilis na sinamaan niya ito ng tingin. “Ikaw na—” He cut her off. “Hayan gamot! Inumin mo ng mawala yang saltik mo sa ulo. Iinom inom di naman pala kaya. Pinag-alala mo na sila Mama at Papa saka ang laki mo pang perwisyo kay Seniorito Nyxx! Nakakahiya kang kapatid.” Bumagsak ang panga niya habang pinoproseso ang sinasabi ng kapatid. “Hoy sobra ka ha!” Inabot niya ang unan at itinapon iyon dito. “Huh! Kung nakita mo lang sarili mo kagabi! Saka mo sabihing hindi ka nakakahiya! Bumangon ka na diyan anong oras na! Feeling boss ka ba?” Aba kung makagalit naman to sobra pa sa Mama niya. “Inumin mo yan ha!” Saka ito naiiling na lumabas ng kwarto niya. Yung totoo? Kapatid ba niya ang kausap niya kani-kanina lang? Kung maka bulyaw parang ito ang panganay. Saka, ano bang pinanggagawa niya kagabi? Bakit nasali si Nyxx e hindi niya naman ito kasama kagab— “Gusto kita.” Natigilan siya. What was that? Napanganga siya. Ilang sandali pa napahawak sa ulo hanggang sa sumabunot na iyon nang tuluyan sa kaniyang buhok. What the freaking hell! Kanino niya sinabi iyon? Kay Nyxx ba? Lalo atang sumakit ang ulo niya. “ATE!” Isa pa tong si Pula. Bwiset na ininom niya ang gamot saka nagtungo na sa banyo para maligo habang iniisip parin ang nangyari kagabi. As expected, late na siya nang makarating sa Ukitan. Wala rin siya sa mood dahil napuno ang tenga niya sa Mama niya kanina sa hapag. Puro pangaral na umabot pa sa pagbabalik tanaw sa nakaraan nito at ng tatay niya. Humihikab na bumaba siya sa tricycle. Sandali siyang nagtaka nung makakita ng hindi pamilyar sa kaniyang pulang kotse na nakaparada. May bago ba silang kliyente? Nagmadali siya sa paglalakad. Bumungad sa kaniya ang mga trabahador na pinangu-ngunahan ni Domeng na may kung anong sinisilip sa loob ng opisina. Kaya sila napapagalitan nung Seniorito nila e. Mukhang hindi siya ng mga ito napapansin kaya tumingkayad siya at nakisilip din sa bintana pero ang tataas ng mga ito kaya wala siyang makita. “Anong meron?” bulong niya. “Shh! Hinaan mo lang ang boses mo at baka marinig tayo ni Seniorito.” Sagot ni Tomas na hindi man lang siya nililingon. Huh? Sino bang kasama ni Nyxx? “Sino bang nasa loob?” takang tanong niya. “Mukhang girlfriend ata ni Seniorito. Ang ganda e.” “Girlfriend?” Tumango ito saka siya nilingon, kita niya ang paglaki ng mga mata nito sa gulat at napaatras pa ng makita siya. “Maam Azul!” Sa lakas ng sigaw nito ay napunta na rin sa kaniya ang tingin ng iba. They looked like a child that was caught in an act. “Patay nandiyan pala siya.” “N-Naku Ma'am Azul nandito ka na pala. Doon na muna tayo sa bodega may ipapakita nga pala ako sayo.” Heto talagang si Domeng pati kasama nila dito sa ukitan dinadamay sa pagiging chismoso. May balak pa atang magtayo ng grupo. Kalalakeng tao. Tarantang hinila siya ni Domeng paalis sana pero agad na hinila niya ang braso pabalik. “Mamaya na Domeng, papasok muna ako sandali.” “P-Pero may kausap kasi si Seniorito at mukhang pribado kasi sinabihan kami nung babae na wag munang disturbuhin sila at mamaya na lang. Isa pa, importante din kasi yung ipapakita ko sayo.” he smiled at her, a nervous one. Tumaas ang kilay niya. Babae? “Hindi. Mamaya na Domeng saka hindi naman ako mangdi-disturbo. Opisina ko din yang nasa loob at gaano kapribado ang pag-uusapan ng kung sino dyan para hindi ako pwedeng pumasok? Assistant manager ako dito kaya may karapatan ako. Ikaw din.” turo niya sa lalake. “Pero—” Hindi niya ito pinansin at basta na lang pinihit ang pintuan pabukas saka dire-diretsong pumasok. “Lagot na.” “Bakit di mo pinigilan!” “Siraulo! Ano sa tingin mo ang ginawa ko ha?” Rinig pa niyang sabi ng isa. Parehong napalingon sa kaniya ang dalawang taong nasa loob. Hindi siya nagkamali sa hula niya kung sino ang kasama ng lalaki. It was no other than Cindy. Ito lang naman ang babaeng alam niyang makapal ang mukha na makapag utos sa tauhan nila. “Hi! Pasensya na sa disturb—” “Hindi ka ba sinabihan ng mga tao sa labas na, we want some privacy?” Mataray na sabi nito habang nakakandong kay Nyxx na as usual masungit parin ang mukha. Ang aga magkalat ha. “Nasabihan naman.” balewalang sagot niya dito habang nilalapag ang bag sa sariling mesa. “Then, bakit ka pumasok? Are you that stupid para hindi maintindihan yun?” Lalo atang sumakit ang ulo niya sa tinis ng boses ng babae. “Well, as far as I am concerned, opisina ko rin to. O-PI-SI-NA gets? Hindi to hotel o motel na pwede nyong gawing privacy niyo, diba Sir?” puno ng sarkastiko niyang sabi bago tapunan ng tingin si Nyxx na nakayuko. “How dare you! You're just an assistant! Boss mo si Nyxx kaya siya parin ang masusunod!” “Cindy—” he was cutted off by the brat. “What Nyxx? I can't believe na may ganitong klase kang empleyado. Ang bastos! You should fire her. Hindi siya maganda para sa business niyo.” Kumibit balikat lang siya. Pakialam ba niya dito. She can rant all she wants hindi naman ito ang nagpapasweldo sa kaniya. “Yes, matagal na siya dito at magkaibigan kayo. But if she ain't good in your business, you should terminate her.” She smirked. “Sad to say, hindi ikaw ang boss ko. And FYI ilang taon na ako dito at wala naman kaming natatanggap na masamang feedback sa akin. At para sabihin ko sayo, naaatraso ang trabaho namin dahil sayo MA'AM.” pagdidiin niya. “Hindi namin matapos tapos ang trabaho dahil sa pag-upo mo diyan sa hita ng boss namin. Alam mo yun? Ang dami kasi naming hinahabol. Hindi kasi ikaw ang maaapektuhan oras na hindi namin mameet yung deadline ng mga costumers. Pero kung mapilit kayo, pwede ko namang kausapin si Don na magsara muna para ibigay ang privacy na hinihingi niyo.” Nanlilisik ang mga mata nito sa sinabi niya doon lang din niya napansin na hindi na ito nakaupo sa kandungan ng lalake. “You—!” “Enough.” pagalit na sabi ni Nyxx. Hindi na ata ito nakatiis pa. Tumayo na ito at kita niya ang paghila nito sa aangal pa sanang babae pero hanggang masamang tingin na lang sa kaniya dahil mahigpit ang kapit ni Nyxx sa kaniya hanggang palabas. Umirap siya saka umupo sa upuan at tamad na pinahinga ang ulo sa sandalan nun. Nakakastress. Siya pa tong may ganang magalit. Hindi parin talaga nagbabago. Kung ibang babae pa sana ang naabutan niya, magiging mabait pa sana siya pero si Cindy? Ha! Alam niya ang likaw ng bituka nun. Ilang sandali pa, lumabas siya para pabalikin na sa trabaho ang mga trabahador nang salubungin siya ng mga ito ng palakpakan at kantyaw. “Ang galing Ma'am Azul! Napaalis niyo talaga.” palakpak ni Tupi. “Syempre naman no. Azul lang malakas.” ani ni Domeng saka nakipag apiran sa kasamahan. Ano bang sinasabi ng mga chismosong to? Nagulat siya ng akbayan siya ni Gio. “Wag kang mag-alala Ma'am Azul, sayo naman kami boto e.” Ha? Boto? Para saan ang butohan? “Teka nga, teka! Ano bang pinagsasabi niyo?” tinanggal niya ang braso nito sa balikat niya. Naguguluhan niyang tanong. Nagkatinginan ang mga ito saka sabay na nagtawanan na tila may alam ang mga ito na kung ano sa kaniya. Ano bang nangyayari sa mga taong to? Ganito ba ang epekto ng hangover sa kanila? Para tuloy siyang tanga sa harap ng mga ito. Clueless. “Baliw na ba kayo?” “Baka kayo Ma'am, baliw kay Seniorito Nyxx! Uy...” She gasped left at awe. Namula ang mukha niya sa sinabi nito. Paanong? Sinabi ba ni Tarah sa kanila? Pero hindi magagawa yun ng babae! Pinukol niya ng masamang tingin si Domeng na siyang may pinakamalakas na tawa. Mabilis na kinurot ni Tarah ang asawa. Mukhang kararating lang nito. “U-Uy Ma'am Azul! Wag kayong ganiyan! Alam ko ang tingin na yan e. Hindi ako ang nagsabi sa kanila na may gusto ka kay Seniorito. Ikaw mismo kagabi habang nag-iinuman tayo.” Ano? Umakyat na ata lahat ng dugo niya sa katawan sa narinig. Sinabi niya yun? Bakit tandang tanda nila habang siya ni walang naaalala. O baka hinuhuli lang siya ng mga ito? Hindi. Paano naman ng mga ito malalaman ang bagay na iyon diba? Gusto kita, Seniorito... Oh my God. Mabilis na naitakip niya ang kamay sa mukha sa kahihiyan na nararamdaman sa mga oras na yun. Anong katangahan na naman to Azul?! Nakakahiya ka, jusko! “Itigil niyo nga yan. Kita niyo ngang nahihiya na si Azul. Ikaw, pinangunahan mo pa ang pang-aasar!” muli nitong kinurot ang asawa. “Mahal naman.” “Bumalik ka na nga sa trabaho. Umatake na naman sa pagiging chismoso mo.” Napapakamot sa ulo si Domeng. “Nagrecruit ka pa ng makakasama.” “Mahal mo naman.” Napuno ulit ng tuksuan dahil sa sinabi ng lalake. Napapailing na lamang siya at hindi makasabay sa mga ito dahil pilit niyang inaaalala kung may sinabi pa ba siyang iba kay Nyxx kagabi. “Jowa mo yung si Cindy? Haha! Bagay naman kayo, sarap niyong pag-uuntugin.” bulong niya habang kinakabit ng lalake ang seatbelt niya. “Hindi ba pwedeng sakin... sakin ka na lang? Maganda naman ako...” hinila niya ang kwelyo nito. Kita niya ang sandaling paghinto ng lalake nung mapansin ang maliit na distansya ng mukha nila dahil sa paghila niya. Kumurap ito. “Wag kang magulo.” tinanggal nito ang kamay niya at umayos na ng upo sa driver seat. Umandar ang kotse at tinahak nila ang madilim at malubak na daan. Nakikita niya ang repleksyon sa salamin na nasa gilid niya kaya napangisi siya. Humarap siya sa lalake. “Kita mo to? Nagli-lipstick ako para sayo.” ngumuso siya sa harap nito at pinatunog ang labi. She saw him smirked. “Ampangit mo. Hindi kita gusto!” simangot niya. “But you just said you like me.” Umiling siya. “Ako? Hindi.” papikit pikit na winagayway niya ang kamay. “Hindi na.” “Aw. Nahihilo ako.” sapo niya nag ulo ng maramdaman ang hilo dahil sa lubak na daan. Her eyes are getting blurry and heavy too. “Just sleep, Azul. Bukas na tayo mag-usap.” “Hmm...” ungol niya bago hinayaan ang sariling mahulog sa kadiliman. “Ugh! Nakakahiya. Anong mukha ang ihaharap niya sa lalake? Inaway away pa niya ito kanina na parang walang nangyari.” gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa sa oras na iyon. Bakit bida bida kasi kanina. Inaway niya pa si Cindy. Baka kung anong isipin nun sa reaksyon niya kanina. My goodness. “Azul, gusto mo ng kape?” Right. Tumango siya. “Oo. Pahingi ako Tarah. Lagyan mo na rin ng pampalimot kung meron.” “Ha?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD