Flirt
Nasa malalim parin siyang pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi ng may narinig siyang mga yabag na papalapit. Tarantang umayos siya ng upo at nagkunwaring abala sa mga papeles na nasa mesa niya para makaiwas kay Nyxx na siyang pumasok. Mabilisang pagsulyap ang ginawa niya at nakitang kasama nito ang isa sa mga kaibigan nito.
"Hi, Azul!" bati ni Lorenzo sa kaniya.
Ngumite siya sa lalake kahit na pinipigilan ang sariling sulyapan ang katabi nitong abala sa papel na binabasa. Matagal na niyang kilala ang lalake at miminsang dumadalaw ito sa Ukitan para makausap si Nyxx. Ang alam niya may business ang dalawa at iba pa nitong mga kaibigan sa Maynila at sa bayan nila pero wala siyang alam kung ano ang mga ito.
"Hi, kumusta. Mukhang bilyonaryo na tayo ah!" biro niya dito.
Humalakhak ito at lumapit sa kaniyang mesa. Ibinaba niya ang salamin para matingnan ito ng maayos. Malaki ang pinagbago ng lalake, tulad ni Nyxx nagbago din ang katawan nito at lalong gumwapo na siyang kinahuhumalingan ng kababaihan sa bayan nila.
"Hindi ko na nga alam kung paano gagastusin ang pera ko sa dami. Grabe. Pwede mo kong tulungan mabawasan yun."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "Hmm. At paano naman aber?" pakikisabay niya.
"Magdinner tayo." swabe nitong alok.
Smooth.
Napailing siya.
"Dinner lang naman Azul. Sige na naman."
"Enzo." tawag ni Nyxx sa lalake.
Kita niya ang pagsimangot ng lalake ng tawagin ito ni Nyxx. Pero hindi parin nito nililingon ang lalake at ang tingin parin ay nakapako sa kaniya.
"Pasensya na, busy ako. For sure yung iba mong babae free sila. Sila na lang ayain mo."
"Ayoko sa kanila, ikaw ang gusto ko."
"Gusto kita Seniorito..."
Nag-init ang mukha niya hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil muling nagreplay sa utak niya ang pag-amin niya kagabi kay Nyxx.
"LORENZO."
This time madiin at malamig na ang pagkakatawag ni Nyxx sa lalake.
"Damn, you blushed!" Mabilis na tinakpan niya ang mukha sa hiya. Ang lalake naman ay hindi makapaniwala.
"Dude look! I just made her blushed. Tangina, akala ko wala ng epekto ang karisma ko sa kaniya-"
"Ang sabi ko lumapit ka dito." masungit na putol ng lalake.
"Sandali lang."
"Gusto mo bang hindi ko to aprubahan? You choose."
"Heto na nga papunta na." Napasunod ang mata niya sa kamay nito ng damputin nito ang ballpen niya at nagsulat sa sticky note niya na nasa mesa. Nang mabasa kung ano iyon ay napangiwi siya. It was his number.
Err. Mali ata ito ng pagkakaintindi.
Inilapit iyon sa kaniya ng lalake bago binalikan si Nyxx.
"Oh, napirmahan mo na pala." rinig niyang sabi nito ng makuha ang folder.
"Yes, now leave."
Binigay nito ang folder sa lalake at tinulak papuntang pintuan ng opisina nila.
"Teka, basahin mo muna ng maayos!"
"I've read enough. Umalis kana."
"Grabe ka naman tumaboy Nyxx."
Parang mga bata itong nagtutulakan sa harap niya.
"Teka, Azul! Aantayin ko tawag mo." sigaw nito bago tuluyang pagsarhan ng pinto ni Nyxx.
Isang matalim na tingin ang pinukol sa kaniya ni Nyxx ng magtama ang mga mata nila. Tumikhim siya at bumalik na sa trabaho.
Bumalik ito sa sariling mesa at sinagot ang tawag nang biglang tumunog ang telepono sa tabi nito. Sinubukan na lamang niyang iibalik ang atensyon sa trabaho pero ilang minuto lang ang nakalipas narinig niya ang malakas na buntunghininga nito.
"Azul, will you please-"
Agad na nataranta siya ng marinig ang tawag nito.
"P-Pasensya na may tinatapos ako. Itawag mo na lamang kay Domeng yan." she cut him off at halos isubsob na ang mukha sa papel na nasa harap para ipakitang busy talaga siya.
Ramdam niya ang mga mata nito na nakamasid sa kaniya pero wala itong sinabi at tumayo na lamang saka lumabas para tawagin si Domeng.
Nang bumalik ito ay walang nagkibuan sa kanila pero hindi nakakaligtas sa kaniya ang malalakas at mabibigat na buntung-hiningang pinapakawalan nito sa sumunod na oras.
Ganoon ang nangyari sa buong araw niya. Hindi niya alam kung anong problema ng lalakeng yun at halos ilabas na nito lahat ng hangin sa tiyan kakabuntung-hininga, babalik sa trabaho, lalabas at tatapunan siya ng masamang tingin saka magsasalubong ang kilay.
Habang siya naman ginagawa ang lahat para iwasan ito. Baka bigla kasi siya nitong tanungin tungkol sa nangyari kagabi hindi pa siya handa para pag-usapan yun.
Sa tuwing naiisip niya yun hindi niya mapigilang mamula sa hiya.
Tahimik na tinatapos niya ang baon na tanghalian sa maliit na kusina ng ukitan nang iniliuwa ng pintuan si Nyxx. Napahinto ito ng makita siya na nasa loob.
Kasabay niyang kumain kanina si Tarah pero dahil nauna ang babae na matapos ay nauna na rin itong lumabas at siya na lamang ang naiwan doon.
Nailunok niya ng malaki ang pagkain. "K-Kain na."
Nakakahiya naman kung hindi niya ito kakausapin para imbitahin kumain.
Tahimik na tumango lang si Nyxx at tinungo ang ref. Siya naman ay nagkukumahog na kinuha ang pinggan at tumayo para ilagay iyon sa lababo.
Aalis na siya.
"Tapos kana?" isinara nito ang ref at sinulyapan ang plato niyang may pagkain pa.
"Oo." alanganin niyang sabi kahit ang totoo ay gusto niyang ubusin pa ang pagkain.
Tumaas ang kilay nito.
Nagexcuse siya sa lalake para kumuha ng tubig sa ref at tahimik na uminom.
"Iniiwasan mo ba ko?"
Naubo siya sa tanong nito. Hindi niya inaasahang magtatanong ito.
"A-Anong pinagsasabi mo diyan?"
"You're not good at lying, Azul."
Napaatras siya ng yumuko ito palapit sa kaniya.
"Now tell me, bakit mo ko iniiwasan. Hmm? Dahil ba sa nangyari kagabi?"
Umawang ang labi niya kasi nahuli sya nito. hindi niya alam kung humihinga pa ba siya sa oras na iyon dahil nai-intimidate siya sa titig nito. At pakiramdam niya hinihigop nito ang hangin sa katawan niya.
"K-Kagabi? Anong meron kagabi? wala akong maalala." Gusto niyang kurutin ang sarili ng mautal siya.
Nyxx smirked.
“Hindi mo naaalala?”
“Ganun na nga.” pagtango niya.
"You said you like me."
Automatic na tinakpan niya ang parehong tenga. At namumulang yumuko para makaiwas ng tingin dito.
“HAHAHA!” gusto niyang sabunutan ang sarili ng marinig ang tawa niyang parang sira.
"Hindi. H-Hindi ko yan sinabi." Iling niya.
Pero hinuli nito ang baba niya at tinitigan siya sa mga mata. Sinubukan niya uling iiwas ang mukha pero pinisil nito ang baba niya. Napasinghap siya.
"Sige lang, kumbinsihin mo ang sarili mo Azul. Diyan ka naman magaling."
Nakangising binitiwan nito ang baba niya at tumalikod na. “Tapusin mo na ang pagkain mo.” paalala nito bago isara ang pintuan.
Pigil at mahinang tumili siya saka itinampal ang basong may malamig na tubig sa pisngi niya at baka sakaling mabawasan ang pag-iinit nun. He knows her very well. Kaya nabasa agad nito ang ginagawa niya.
"Ma'am Azul?"
Nag-iwas siya ng tingin ng pumasok si Domeng sa loob na may pagtatakang tingin at nahuli siya sa ganoong pwesto parin. Isa pa to, sa lahat ng makakakita sa kaniyang namumula si Domeng pa!
"May problema ba? bakit namumula ka?"
Umiling siya at inayos ang sarili.
"Alergy sa pagkain?"
Sa ikalawang pagkakataon, umiling siya at inabala ang sarili sa paghuhugas ng plato na pinagkainan.
Ilang sandali pa nanahimik si Domeng na kinapagtaka niya kasi hindi naman niya ito naramdamang gumalaw kaya nilingon niya ito. Na sa tingin niya ay isang pagkakamali. Nang lingunin kasi niya ito ay may naglalarong ngisi sa labi ng lalake habang paturo turo sa kaniya at sa pintuan.
Ano na namang kalokohan naiisip ng isang to.
"Nakakatakot ka na Domeng. Ngumingiti kang mag-isa diyan."
Sabihan nga niya minsan si Tarah na ipacheck up ang lalake.
"Naisip ko lang naman, namumula ka hindi dahil allergy ka sa kinain mo... pero baka dahil kay Seniorito Nyxx? Siya lang naman ang nakasalubong ko na lumabas dito."
Gusto niyang sabuyan si Domeng ng tubig sa mga oras na yun.
"May magandang nangyari ba?" tinaas baba nito ang dalawang kilay at hindi mabura bura ang malaking ngisi.
"Ikaw Domeng napaka malisyoso mong tao! Kung ano-ano na naman sasabihin mo sa iba mamaya. Makakatikim ka talaga sa akin." inis niyang sabi.
Humalakhak ito. Kinurot niya ito sa tenga bago nilisan ang kusina.
"Salamat Raul."
Pasasalamat niya sa lalaki na isa sa sumama sa kaniya sa bayan. Kakarating niya lang mula sa pagdi-deliver ng finished product sa isang kliyente nila doon. Iyon ang huli nilang delivery sa araw na iyon at naging maayos naman kahit papaano.
Medyo natagalan nga lang hindi niya alam kung dahil sa tuwa nung kliyente nila at napakahabang papuri ang binigay nito sa kanila. Kung di pa siya binulungan ni Gelo kanina na pinapabalik na sila ni Nyxx ay hindi pa niya alam paano maka-kapagpaalam ng maayos sa matandang kliyente.
"Done?"
Pagod na tumango siya kay Nyxx ng maabutan niya itong kausap ang ilang tauhan na papauwi na. Agad na iniwas niya ang tingin sa mga ito.
Pumasok siya sa opisina at nilapag ang napirmahang papeles sa mesa nito. Naramdaman niyang nakasunod ito sa kaniya at dinampot iyon at tiningnan habang siya ay dumiretso sa sariling mesa para mag-ayos ng gamit. Uuwi na rin siya.
Napakuno't ang noo niya ng mapasulyap sa itaas ng computer niya. Wala na doon ang sticky note na may number ni Lorenzo. Ang pagkaka-alala niya doon niya ito dinikit kanina bago umalis.
Tinanggal ba niya? Pero saan niya nilagay? Personal na numero iyon ng lalaki kaya dapat pribado iyong nakatago.
Sinubukan niyang buksan ang drawer at tingnan kung naroon ba ngunit hindi niya ito makita doon. Wala rin sa trash can niya.
"Saan napunta yun?" she murmured.
"May hinahanap ka?"
Napa-angat siya ng tingin ng magtanong si Nyxx sa kaniya. Hindi niya alam kung kanina pa siya nito pinagmamasdan. Nakasandal na ang likod nito sa sariling mesa at nakaharap sa kaniya
"May nakita ka bang stick note dito?"
Baka nilipad. Yumuko siya at sinilip ang ibaba.
"Ah! yun bang pink na nakadikit sa computer mo?"
Napunta ang buong atensyon niya sa lalake. "Oo. Nakita mo?" isinara niya ang drawer.
Pinagkrus muna nito ang braso sa dibdib bago tumango. "Oo."
Buti na lang. "So, nasaan na?" inilahad niya ang palad.
"Tinapon ko na."
Her jaw dropped hearing what he just said.
"Ano?" pagkaklaro niya sa sinabi nito.
"Yung sticky note na may number ni Lorenzo ba hinahanap mo? Wala na, tinapon ko na."
"Bakit mo naman ginawa yun!" hindi niya mapigilang mainis dito. Bakit nangingialam to?
"You said you like me tapos tumatanggap ka ng kani-kanino lang na numero? Mali yun, Azul."
Napakurap siya ng ilang ulit. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Ano bang p-pinagsasabi mo diyan Nyxx?"
Bakit bino-brought up na naman nito ang nangyari nung isang gabi?
Umalis ito sa pwesto at lumapit sa kaniya. "What I am saying is, kung gusto mong makipag dinner magsabi ka lang. I'll take you to a fancy restaurant. Hindi mo na kelangang mag-aya pa ng iba."
Napapikit siya ng may idinikit itong kung ano sa noo niya.
"I am willing to be with you. All you have to do is ask."
Nagrambulan ang mga paru-paro sa loob ng tiyan niya idagdag pa ang lakas ng t***k ng puso niya dahil sa sinabi nito.
He then patted her head.
"Mag-ingat ka pauwi." he smiled.
Hindi niya alam kung ilang segundo siyang nakapikit dahil natatakot siyang makita nito ang reaksyon ng mga mata niya.
Nang marinig niya ang papalayo nitong yabag at pagsara ng pinto ay napahilamos siya ng mukha dahil ramdam naman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. Damn too much kilig will kill you. Kumalma ka, Azul. Wag kang marupok! Wag kang magpadala sa paglalandi nang isang yun.
Jusko Nyxx! Isa kang malandi at ako naman heto at kilig na kilig. Ugh!
Doon niya naalala ang sticky note sa noo niya. Nang basahin niya iyon ay naguluhan siya.
Nakasulat kasi dun sa papel ang isang pangalan ng sikat na restaurant sa bayan nila.
"Anong ibig sabihin nito?"
"Ugh! Lubayan mo ko."
Para siyang baliw na nagpaikot-ikot sa kaniyang kama kinagabihan. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ang sinabi ni Nyxx sa kaniya kanina. Hindi niya maintindihan ang sarili, sabi niya tama na pero heto siya at nababaliw na naman sa lalake.
"Ate? Hoy Ate!"
Napaaray siya ng makatanggap ng sipa sa kapatid.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Babae ka ba talaga? ang kalat ng kwarto mo." Agaw pansin nito sa mga unan niyang nasa ibaba na at kumot na magulo.
"Tumahimik ka nga, Pula. Bakit ka ba nandito?" iritable niyang tanong.
"Nasaan ang cellphone mo at hindi ka daw makontak?"
Umupo siya at naalalang naubos na ang baterya ng cellphone niya kanina dahil sa kakatawag sa kliyente at nakalimutan niyang icharge. Inilibas niya iyon sa bag at hinarap sa kapatid.
"Dead battery. Nakalimutan ko ring icharge. Bakit ba? dito lang naman ako a, kelangan mo pa ba akong tawagan?"
"Okay ka lang ba ate? Ba't naman kita tatawagan kug alam ko na nandito ka diba?" he looked at her like she's crazy.
Aba! sumasagot pa. Mga teenager ngayon ang galing sumagot.
"O, de para saan aber? Bakit mo hinahanap ang phone ko?" pagsusungit niya sa kapatid.
Bago pa man siya masagot nito ay umalingawngaw na ang malakas na boses ng Nanay nila sa ibaba.
"Red, ano na?! Pababain mo na yang kapatid mo! Pinag-aantay niyo sina Mam Claire!"
Nanlaki ang mata niya sa narinig. "O, Narinig mo na. bumaba ka na. May tawag ka sa ransyo."
Kahit na nagmamadali ay nagkaoras pa siyang pagpapaluin sa balikat ang kapatid.
"Bakit di mo agad sinabi!"
Nakakahiya! Ang dami pang commersial ng kapatid niya. Sarap kutusan.
Inambahan siyang papaluin ng sandok ng Nanay niya ng makababa siya pero nakuha paring iabot ang telepono.
"H-Hello?"
"Azul, iha!"
Ang mama pala ni Nyxx, si tita Claire.
"Tita, magandang gabi po." iwinasiwas niya ang kamay para paalisin ang Nanay niya na nakikirinig sa pinag-uusapan nila ng babae.
Umirap ito at bumulong ng 'KJ' sa kaniya bago bumalik ng kusina.
"Magandang gabi din sayo Azul. Wala kang trabaho bukas hindi ba?"
Day off niya bukas. Hindi na siya magtataka pa kung paano nito nalaman iyon. Hindi naman siya nagpapalit ng day off.
"Opo. May ipapagawa po ba kayo?" Tumawa ang babae sa kabilang linya.
"No, Hindi ano. Day off mo kaya bakit kita papatrabahuin."
Napangiwi siya. “Kung ganun, bakit po kayo napatawag?”
"I want to invite you tommorrow. May family lunch kami bukas and I want you to be there. Pasasalamat and to catch up also."
"Naku, nakakahiya naman po. Family lunch po ninyo iyon. Okay lang po ba na nandyan ako?"
"Ano ka ba. Para namang first time mo to no."
Well, tama ito. Ilang ulit na rin siyang nakasama ng mga ito sa dinner, lunch o minsan pa nga breakfast pero nahihiya parin siya sa mga ito.
"Saka Papa wants you to be there. Request niya talaga yun kaya hindi pwedeng humindi ka. Alam mo yun."
Napapakamot sa ulong tumango siya. Ang hirap tumanggi pag ang matandang Monteagudo na ang nagsabi.
"Oo nga po. Matagal na din akong iniimbitahan ni Don."
Noong huling tawag nito sa kaniya pinapabisita din siya nito sa mansyon na hindi niya nagawa.
She chuckled. "See? Hindi titigil yun."
"Sige po. Pupunta ako."
"Great!” nahimigan niya ng saya ang tinig nito. “Mas maganda kung nandito ka na ng medyo maaga pa. Gusto kong makipagkwentuhan sayo. It's been a while. Aasahan kita!"
Wala naman siyang balak gawin bukas kundi ang matulog at magpahinga kaya pagbibigyan na niya ito saka isa pa, hindi naman kada off niya nang-iimbita ang babae. Saka nakakahiyang tanggihan.
"Sige po, tita."
"Okay, okay. See yah!"
"Bye po."
Inantay niyang ibaba nito ang tawag bago sumunod. Napakagat siya sa labi. Siguradong magkikita na naman sila ni Nyxx doon. Diyos ko, pagpahingahin niyo naman ang puso ko.
Kinaumagahan, maaga siyang nag-ayos para pumunta sa Mansyon ng mga Monteagudo. Bitbit niya ang pinadalang bilao ng nanay niya. Kesyo dapat daw may dala siyang pagkain para sa mga ito. Malakas pa naman daw siyang kumain kaya dapat may pambawi daw siya na ikinasimangot niya habang pasakay ng tricycle.
“Sa Mansyon ng mga Monteagudo, kuya.” utos niya driver.
Kilala na siya ng guard kaya ng makita siya nito sa labas ay agad siya nitong pinagbuksan ng gate. Umusal siya ng pasasalamat dito at tinahak na ang daan papuntang pintuan ng mansyon.
Nakita niya si Patricia, panganay na anak ni Manang Lanie na nagdidilig ng bulaklak sa labas.
Narinig siguro nito ang kaniyang yabag kung kaya napalingon ito sa kaniya.
"Uy, Azul." Pinatay nito ang host at nakangiting lumapit sa kaniya.
Kaedad lamang niya ang babae at matagal na niya itong kakilala sa itinagal ba naman nito sa mansyon. Nakakasama niya rin ito palagi sa pagtutulong pag may okasyon sa dito.
"Magandang umaga, Patricia." bati niya sa babae.
"Ano ba, mas maganda tayo sa umaga no. Halika, pasok ka! Nagbilin na si Ma'am Claire kanina na darating ka."
Hinila siya ng babae sa loob. May dalawa siyang katulong na nakitang naglilinis sa sala. Ngumiti siya sa mga ito para sa pagbati.
"Sina Maam Claire?" tanong ni Patricia sa isa.
"Nasa likod, nag-aayos ng bulaklak."
Mabilis na tumango ang babae at sinenyasan siyang sumunod.
Malaki ang mansyon ng mga Monteagudo kakasya ang lahat pag umuwi ang anak at mga apo ni Don. Ang alam niya dati, hiniling ng matanda na doon na tumira ang pamilya ng apat nitong anak pero hindi pumayag ang dalawa at piniling magpatayo ng sariling bahay pero madalas parin namang dumadalaw. Ang mga apo ni Don Niccolo ang umuukupa sa ibang kwarto ngunit miminsan niya lang nakikita dahil na rin sa abala ang mga ito sa pagmamanage ng ibang business ng ransyo.
Lumiko sila at tinahak nila ang daan sa likod papuntang swimming pool. Nakasalamin ang bahaging yun kaya kita niya ang malawak na labas.
“Ma'am Claire.” tawag ni Patricia sa babae na abala.
Lumingon ito at nanlaki ang mga mata ng makita siya.
"Oh, nandito ka na pala Iha!" tumayo ang ginang mula sa sofang kinauupuan at hinalikan siya sa pisngi. Ngumite siya.