Chapter 6

2592 Words
CHAPTER 6 ------------------ GED POV ------------------ Nung marinig nung babae yung sinabi nung guard ay agad syang lumapit sa amin. Tingin ko ay sya ang mayordoma dahil maliban sa sya ang mukhang may edad sa lahat ay naiiba din ang kulay ng uniporme nya. Asul iyon kumpara sa iba na kulay rosas naman. "Sige iwanan mo na sya dito at ako na ang bahala sa kanya," sagot naman nung tinawag na Guada. Tingin ko ay nasa kwarenta sya pataas. "Sandali lang hijo at maghuhugas lang ako ng kamay," nakangiting sabi nya sa akin na ipinakita pa ang gamit na kamay sa pagkain. "Kumain ka na ba?" Dagdag tanong pa nya. "Tapos na ho," sagot ko lang. "Ikaw pala yung ibinilin ni sir? Nako napaka gwapo mo naman! Sigurado ka ba na bodyguard ang pinapasukan mo at hindi pag aartista ha?" Sabat naman nung isang babae na tingin ko ay kinilig pa. "Oo nga ang gwapo!" Narinig ko naman na sabi nung iba pa. "Anong gwapo kayo diyan! Hala magsikain na kayo tapos ay linisin nyong mabuti itong lugar! Tandaan nyo dapat walang matitirang amoy ng kahit ano!" Naggalit galitan na sabi ni aling Guada. Pero imbis na magsisunod ang mga binawal nya ay mga nagkumpulan pa ang mga ito at kumaway kaway sa akin. "Halika na nga anak. Huwag mo ng pansinin ang mga babaeng iyan. Madalang kasi mga magsi- day off kaya madalang makakita ng lahi ni Adan. Iyan nga din ang hirap kung bakit ayoko sanang mag hire ng mga katulong na mga bata ang edad. Kaso ang gusto ni ma'am Brandee ay mga fresh looking. Ayaw nya kasi nakakakita ng mga hagard kaya ayaw nya sa mga may edad," madaldal na kwento nya. Nung marinig ko ang pangalang binanggit nya ay parang bigla akong may naalala. Hindi ko lang maisip kung saan ko narinig iyon. "Ah si ma'am Brandee yung nag iisang anak ni sir Ric. Dalawa lang naman silang amo natin dito," nakangiting paliwanag nya sa akin. Siguro ay naisip nya na baka malito ako sa mga kwento nya. "Ano nga pala ang iyong pangalan anak?" Maya maya ay tanong nya sa akin. Kasukuyan na kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng kabahayan. "Ged ho," tipid na sagot ko. "Mukhang bata ka pa. Ilang taon ka na ba?" Nakangiting usyoso nya. "Bente nueve po," sagot ko ulit. "Bata ka pa nga. Ako naman si Guada ang bagong taga pamahala dito sa bahay. Tiyahin ko talaga ang mayordoma dito pero dahil medyo matanda na sya at mahina na ang tenga, ayon at dispatcha este pinagpahinga na sya ni ma'am Brandee. Okay mag trabaho dito, malaki ang sweldo at maganda ang benepisyo. Kailangan mo lang talaga ang tumagal sa trabaho. At para mangyari yon kailangan mo lang tandaan ang mga allergies ni Ma'am Brandee," nakangiting inform nya sa akin. "Allergies? Saan ho ba sya allergic?" Curious na tanong ko. "Sa mga baduy at sa mga madudumi! Ayaw din nya ng hindi sya sinusunod kaya huwag na huwag mo syang makokontra dahil sa kangkungan ka talaga pupulutin," inform nya sa akin. Tumango lang ako bilang tugon. Wala rin naman kasi akong sasabihin. "Teka nandito na tayo. Sandali at maghintay ka lang dito," maya maya ay sabi nya sa akin. Pansamantala nya akong iniwan at kumatok sya sa isang silid. Nung bumalik sya ay tsaka nya ako pinapasok sa loob. Pagpasok ko ay tatlong pares agad ng mga mata ang nakatingin sa akin. Sa magiging amo ko at sa dalawang body guard na nakatayo sa gawing likuran nya. "Ikaw pala si Ged," narinig kong sabi ni Mr.Imperio matapos nyang basahin ang sulat na dala dala ko. "I heard a lot about you hijo. Halika at maupo ka muna dito," yaya pa nya sa akin sabay turo ng upuan sa harap ng kanyang mesa. Sa unang tingin ay mukha talaga syang mabait at maunawain. Taliwas sa inaasahan kong itsura nya. Sa edad nyang sisenta ay mukha pa rin syang bata. "Mabuti at pinaunlakan mo ang paanyaya ko hijo. By the way, maari ka na bang magsimula ngayon? Parating na rin ang aking anak, mas mabuti kung makikilala ka na nya," narinig ko pang sabi nya. "Mawalang galang na po pero ang akala ko po ay..." "The original plan was that you belong to my guard. Pero mas okay sa akin kung mapo-protektahan mo ang taong mas importante pa sa aking buhay, ang aking nag iisang anak," seryosong sabi nya sa akin sabay tapon ng makahulugang tingin sa dalawang lalaki sa tabi nya. Na nung marinig nila ang mga katagang yon ay sabay pa silang napayuko. "You see, may katigasan ang ulo ng aking anak. Kasalanan ko din naman dahil pinalaki ko syang spoiled brat," narinig ko pang sabi nya sa akin. Natigil ang pagku-kwento nya nung lumapit yung isang lalaki at bumulong. Nakita ko na napatango tango si Mr. Imperio tapos ay may kinuha syang kung ano sa loob ng drawer nya. Remote control iyon ng telebisyon na nakakabit sa may pader ng kwarto kung saan naroon kami. Nung i-on nya yon at mag play ang isang video ay pinigilan ko ang sarili ko na mapamura. Video kasi yon ng mga nangyari kagabi sa eskenita. "Luckily ay buo ang nag iisang Cctv sa area na yan at nakuha namin ang kopya. Natutuwa ako dahil hindi ka pa man nakakapaglingkod sa akin ay nakagawa ka na ng kabutihan para sa aking anak," nasisiyahang sabi pa nya. Hindi ako nakakibo sa nalaman ko. Ibig sabihin pala, ang maingay na babaeng iyon ay ang kanyang anak. At sya rin ang amo na pakikisamahan ko? Kaya pala kako parang pamilyar sa akin ang kanyang pangalan. Nung maalala ko kung paano umasta ang babaeng 'yon ay parang ayaw ko na yatang mag trabaho. "Inaasahan ko ang iyong katapatan Ged," maya maya ay sabi sa akin ni Mr.Imperio. "Si Bryan na muna ang bahala sayo." "Bryan, sige at samahan mo na muna sya sa quarters ng mga security," baling naman nito sa isa sa mga lalaking kasama namin sa silid. Tumango yung lalaki tapos ay nag paalam na kami upang lumabas ng silid. "Ged ang pangalan mo hindi ba? Ako si Bryan isa sa pinaka matagal na security dito," sabi ng kasama ko na nakipag shakehands pa sa akin. Tumango ako bilang tugon. "Hindi sa pagmamalaki bata pero ako ang pinaka mabait dito kaya huwag kang mag atubili na lapitan ako kung may mga tanong ka," nakangiting dagdag pa nya. Sa itsura palang nya ay mukha naman talaga syang mabait at approachable. Nasa tindig din nya ang pagiging isang alagad ng batas. Ang alam ko kasi lahat ng mga security nila dito ay pawang galing sa mga bigating ahensya. "Hindi ko na itatanong kung saan ka galing Ged. Sa tiwalang ibinigay sayo ni sir Ric kanina ay alam ko na may ibubuga ka. Kaya buong tiwala ko ding ibinibilin sayo ang pag aalaga kay ma'am Brandee," seryosong sabi pa nya sa akin. "Alam mo kasi kahit may pagka pasaway ang amo nating iyon ay halos tatlong taon din akong nag serbisyo sa kanya. Pagse-serbisyo na nagtapos na kagabi dahil sa isang insidente na alam mo na," kwento pa nya. Nung hindi ako sumagot ay nagdire-diretso lang sya sa mga sinasabi nya. Nalaman ko nga na natakasan sila nung babae na yon kagabi kaya natanggal sila sa trabaho. Pero kataka takang masaya pa yata sya. "Sa pagbabantay ko kay ma'am Brandee ay marami akong natutunan. Tatlong taon din na buhay na buhay ang dugo ko dahil sa kanya. At ngayon nga ay mukhang may pag asa na ring bumalik sa normal ang buhay ko. Ngayon na nakabalik na ako sa pagiging security ni sir Ric," dagdag pa nya na parang nabunutan ng isang malaking tinik sa lalamunan. "Sa totoo lang napakabait ng amo natin. Ang magiging problema mo lang talaga ay ang anak nyang si ma'am Brandee," bulong pa nya sa akin. "Bakit naman ho?" curious na tanong ko. "Naku may pagka mahirap espelengin! Maliban sa napaka estrikta ay palaging wala sa mood! Kailangan laging aktibo ang isip mo! Kumpas lang dapat ng kamay nya alam mo na. Pag sinabi nyang upo kailangan umupo ka! Pag sinabi nyang tayo dapat tumayo ka! Pag hindi ka sumunod at hindi nya nagustuhan ang ugali at kilos mo mag paalam ka na sa trabaho mo! Mabilis uminit ang ulo nya kaya araw araw may bago syang empleyado!" "Daig pa pala nya ang hari, utos hindi nababali," biro ko. "Oo parang ganoon na nga!" Natatawang sang ayon naman sa akin ni Mang Bryan. "At itong tandaan mo Ged, dapat ma'am ang tawag mo sa kanya. Ayaw nya ng buddy buddy lang kayo. Ayaw na ayaw din ni ma'am Brandee na may nakabantay sa kanya kaya lagi mong paghahandaan ang pagtakas nya! Pag nalingat ka aalis talaga yon at malaking problema!" Seryosong paalala nya. Naalala nya siguro yung mga panahon na nalulusutan sila ng babaeng 'yon. "Tatandaan ko. Salamat ho sa mga paalala Mang Bryan," sagot ko naman. Kasalukuyan kaming naglalakad sa may hallway palabas ng kabahayan nung makarinig kami ng mga ingay. Sabay pa nga kaming dalawa na napatingin sa gawing iyon. "Nandiyan na ang demonyita!!!" Malakas na sigaw nung isang babae. Tapos mapapansin talaga na hindi sila mapakali. "Dumating na si ma'am!" May pagka alertong inform sa akin ni Mang Bryan. "Halika dito tayo!" Yaya pa nya sa akin tapos ay nagmamadali kaming lumakad sa kabilang daan. Tapos ay parang mga tanga na nag cover kami sa isang malaking pader. Buhat sa kinatatayuan namin ay kitang kita ang entrance ng kabahayan. Kaya nakita ko din kung paano magkumahog ang anim na maid upang luminya sa gilid ng pasukan. Kabilang na din sa umpukan si Aling Guada na mayordoma. Hindi naman nagtagal ay may huminto ang dalawang magagarang sasakyan sa harapan. Mabilis na bumaba ang tatlong lalaki sa back up. Tapos yung isang lalaki ay mabilis na pinagbuksan ng pintuan yung sakay. Buhat don ay lumabas ang isang balingkinitang babae na naka kulay puti ng damit. Mahaba ang buhok nya kaya alam ko na sya na yung babae kagabi. Kahit nakasuot sya ng sunglasses ay halatang halata sa aura nya ang pagiging sopistikada. Nung makita sya nung mga naghihintay sa kanya ay otomatic na bumati at yumukod ang mga ito. Sa isang kumpas ng kamay nung babae ay may lumapit sa kanya at kinuha ang bag na dala nya. Yung isa naman ay kinuha ang sunglasses na suot nya. Hindi ko nakita na bumuka ang bibig nung babae kaya nakakagulat talaga ang routine nila. Lalo na nung para syang isang prinsesa na dumaan sa gitna nilang lahat habang niyuyukuan sya. Hindi makapaniwalang nasundan ko sya ng tingin. Salamin kasi ang karamihan sa pader ng bahay dahil napaka moderno nito. Kaya kahit nakapasok na yung babae sa loob ay natatanawan ko pa sya. Nakita ko na paalis na sya at iiwan na nya ang mga kasambahay nya nung bigla nalang syang bumwelta. Bumuka ang bibig nya tapos nataranta na lahat ng kasama nya. "Halika na muna Ged," yaya sa akin ni Mang Bryan. " Mas makakabuti kung hindi ka na muna magpapakita ngayon. Mainit na naman pala ang ulo nya, mahirap na at baka tayo pa ang mapagbalingan," natatawang biro pa nya. "Mukhang may giyera nga ho yata," sang ayon ko naman. Bago ko iwan ng tingin yung babae ay nakita ko pa na kumukumpas kumpas ang mga kamay nya sa ere na parang nagmamando. ----------------------- BRANDEE POV ----------------------- "Oh my God! Look oh! Sya yung napahiya kagabi sa bar!" Narinig kong sabi ng isang babae sa katabi nya. She's not actually pointing at me pero I'm sure na ako talaga yung pinag uusapan nila. "Yeah! Sinabi mo pa! I saw it! Grabe nakakahiya! Bakit naman kasi ang lakas ng loob nyang magpahalik sa isang random guy di ba? Akala ba nya lahat ay type sya? Hello! Asa?" Tatawa tawang sabi naman nung isa. Sa narinig ko ay nag init agad ang ulo ko so I plan to approach them then balak ko silang sitahin at awayin. Kaso before ko magawa yon ay bigla nalang nagbago ang paligid ko. Sa isang iglap ay bumalik na naman ako sa senaryo sa bar. Sa part na nagsasayawan kami at nagpupustahan. Tapos ay nakita ko ang sarili ko na palapit sa may lalaki sa pintuan. Of course alam ko na ang susunod na mangyayari so I was so shocked and surprised at the moment that I cannot speak. Gusto kong pigilan ang sarili ko na huwag ng ituloy ang pag approach sa damuhong lalaki na yon nung biglang kaharap ko na sya. And it's too late para pigilan ko pa ang mga susunod na pangyayari dahil nasabi ko na! I already said "kiss me!" Ugh! those f*cking words! I really hate it! And I really hate the scene na pumikit na ako para tanggapin sana ang halik ng lalaking yon. Tapos binaliwala lang nya ko! "It looks like you've been rejected barbie doll. Too bad!" Narinig kong dialog na naman ni Wenz, yung babaeng naghamon sa akin. Then nagtawanan sila ng mga friends nyang feeling magaganda. As in hindi lang sila ang tumatawa kundi lahat ng mga nakakita. My God! First time kong napahiya and I don't like it! Feeling ko ay mamamatay na ko sa kahihiyan! "No please stop! Please stop!" Paki usap ko sa kanila habang tinatakpan ko ng both hands ko ang aking mga tenga. Pero para silang mga walang puso na patuloy lang sa pambu-bully sa akin. "Stop!!!! I said stop!" Galit na sigaw ko sabay balikwas ng bangon. Ugh! Napahawak agad ako sa ulo ko. Bigla ang p*******t non kung kaya't agad din akong bumalik sa pagkakahiga. "My God!" Napapikit ako. No wonder ay butil na butil ang pawis ko and I'm so out of breath. Nananaginip pala ako ng masama. "Just a dream right?" Pilit ko pang kumbinsi sa sarili ko. I stayed in my position for a minute at nag isip ako. Ewan ko ba... Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko ay talagang it really doesn't feel right! Alam ko kasi na hindi lang yon basta isang panaginip! When the realization hit me ay napakagat labi ako. Kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ay ang pagbugso ng limpak limpak na pag aalala dito. "Oh my God! Nakakahiya talaga! Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa mga friends ko nito! Ano nalang ang sasabihin at iisipin nila sa akin?" Naiiyak na tanong ko sa sarili ko. Nasa moment na nag ha-heart to heart talk ako with myself nung biglang mag ring ang phone ko. And it's not just once ha kundi paulit ulit! What the f*ck? Just how many times do I have to say that no one will make tawag to me during umaga dahil nasisira ang beauty rest ko? Kaya kung sino man ang paulit ulit na tumatawag sa cellphone ko ng ganitong oras ay humanda talaga sa akin! Tamad na tamad na kinapa ko sa bed side table ko ang bwisit na cellphone. Nung makuha ko yon ay pinilit kong idilat ang isang mata ko so I can see the caller's name. Nung makita ko ang pangalang "Estelle" sa screen ng phone ko ay lalo akong nainis. Sya kasi ang assistant ko sa office, I mean sa sarili kong business. Syempre of all people ay alam ko na kabisado nya ang lahat ng ayaw at gusto ko. So why is she calling me now? Is she going crazy? "Teka nga! Gusto yatang mawalan ng trabaho ng gaga na to eh," naiinis na kausap ko sa aking sarili. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD