bc

Fake Marriage Series 2: Ignoring Ms. Perfect

book_age16+
7.6K
FOLLOW
76.1K
READ
contract marriage
love after marriage
drama
comedy
bxg
humorous
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

"I was born rich and beautiful! I get everything I want and I am not accustomed to being rejected especially by men! Ikaw lang ang tanging tao na namahiya sa akin! And I swear! You will pay for ignoring me, Ged Ramirez!" - Brandee Nice Imperio

After the attempt on her life, Brandee left her luxurious life to run away from the people who wanted to kill her. She went with her bodyguard, Ged Ramirez to his province to hide.

To avoid confusion and questions, the two pretended they were already married.

Now that they live under the same roof, for how long can a man ignore an almost perfect girl? And how this girl could be in love with his bodyguard?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FMS2: Ignoring Ms.Perfect midnyt_princess CHAPTER 1 ------------------------------- IMP Textile Company Home Office Manila ----------------------------- BRANDEE Point of View "WOW! Sino sya?" "Artista ba sya? Ang ganda naman nya at ang sexy!" "Baka model?" "Look at her, sana all ay may magandang kutis tulad nya." Blah blah blah... Ilan lang iyan sa mga salitang narinig ko habang naglalakad ako sa hallway ng company namin. Compliments I used to hear sa mga taong nakakakita sa akin. Well, I'm not bragging pero nakasanayan ko na rin ito. During the 23 years of my existence I'm used to people staring at me. Yung iba ay humahanga at yung iba naman ay naiinggit. Is it my fault that I was born rich and beautiful? Hindi naman di ba? And honestly, hindi madali ang maging isang Brandee Nice Imperio. Because everyone has high expectations of me. Yung dapat lagi akong maganda at mukhang smart sa mata ng mga nakakakilala sa akin. Why? It's because I am the only child of Mr.Enrico Imperio III, a well-known business tycoon and the late Esmeralda Yugore Imperio, a former beauty queen. Kahiya hiya naman kung mukha akong loser di ba? So eto, pinangangatawanan ko nalang ang pagiging Miss Perfect ko. ******** Miss Perfect Beauty Measurement of the Day. Hair- perfectly healthy, long dark straight hair. Makeup - perfectly natural glam makeup look. Skin- perfectly glowing and flawless white skin Attire & Accessories - perfectly fitted and match, expensive current fashion trend. Result: Perfect ********** With that in mind, I walked with full confidence and carries myself with poise. Automatic din na nahawi ang ilang tao na nakaharang sa daraanan ko. Thanks to my bodyguard "manong Bryan" at alam na alam nya na ayaw kong naiistorbo. "Sya ba yung sinasabi nila na dumating kanina na mukhang artista?" narinig kong tanong nung isang girl sa katabi nya. Sa itsura nya ay mukha talaga syang intrimitida habang kanda haba ang leeg nya sa paghagod ng itsura ko. Nagkataon kasi na nakahinto na ako sa harapan ng elevator at pare-pareho naming hinihintay na mag open ito. Nasa gawing left side ko sila. At kahit naririnig ko ang mga bulungan nila ay dinedma ko nalang sila. Immune na rin kasi ako sa mga insecure na katulad nila. "Oo sya nga! Totoo pala ang chismis, ang ganda ganda nya noh? mukha syang barbie," humahangang sabi naman nung kausap nya. "Paano nyo nasabing maganda? Eh nakatakip yung mata? Malay natin kung banlag o duling sya di ba? Besides, madali lang naman magpaganda basta may pera ka. Tsaka hello, kung totoong maganda sya, bakit hindi sya mag artista?" narinig kong sagot ni ate girl. Hindi ko alam kung sinadya nya iyong iparinig sa akin or kung ano. Basta ang alam ko ay napataas nya talaga ang kilay ko. Kahit kasi naka suot pa ko ng sunglasses at medyo madilim ang tingin ko sa mga hindi kaputiang katulad nya ay hindi pa rin nakaligtas sa mga mata ko ang pag irap nya sa akin. Attitude si girl? Hello, hindi sya kagandahan! "Bakit? Retokada kaya?" bulong ng kausap nya at pasimpleng tumingin sa akin. "Malamang! Feeling perfect eh," pasaway na sagot pa ulit ni ate girl na nakarating na naman sa pandinig ko. Sa gilid ng vision ko ay nakita kong lumakad si Manong Bryan. I'm sure na pupuntahan nya ang babaeng nag ba-badmouthed sa akin at babawalin. Pero bahagya kong isinenyas ang kamay ko. Which gave him the idea na ayaw ko sa gagawin nya kaya automatic na bumalik nalang ulit sya sa pwesto nya. "Huwag ka namang maingay, baka marinig nya tayo," nahihiyang bulong nung kausap nya. "Ano naman? Wala namang masama sa sinabi ko di ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo!" inis na sagot pa nito. Maya maya ay nakita ko na lumapit na sila sa gawing pintuan nung elevator. Malapit na kasi itong mag open. Kaya ang ginawa ko, lumapit na rin ako don. Nung bahagyang bumukas yung pintuan nung elevator ay pinindot ko agad yung close button don. Automatic na nagsara ulit yung pabukas na pintuan. "Ano ba? Bulag ka ba? Kung anu ano ang pinipindot mo!" Singhal sa akin ni ate girl nung pangalawang beses ko na yung ginawa. Hindi tuloy sila makasakay sakay. "I'm not blind, it's medyo dark lang ang tingin ko," sagot ko sa kanya sabay tanggal ko ng sunglasses na suot ko. Inumang ko iyon sa ere at automatic naman na kinuha iyon ni Manong Bryan. Nung maalis ko ang sunglasses na suot ko ay napatitig sa akin yung dalawang babae. I know right, siguradong pati sila ay humanga sa gandang nakita nila. I'm sure maiisip nila na mas maganda pa ako sa mga artista na sinasabi nila. "Oh my God, mali nga pala ako ng pinipindot kanina. I thought yung tingin ko yung madilim eh, it's you pala?" kunyari ay surprised na sabi ko kay ate girl na automatic na nanlaki ang mga mata. Looking at her ay masasabi ko na may sinabi rin sya sa buhay. Because otherwise she won't be able to wear branded clothes like she has now. "Ang yabang mo! Kung makapintas ka, akala mo kung sino kang perfect?por que maputi ka okay mo ng laitin ang balat ng iba?" Inis na sagot nya agad sa akin. "Aileen, tama na yan," pabulong na bawal sa kanya nung kasama nya. Siguradong nag aalala na ito sa pwedeng kalabasan ng usapan namin. Buti pa yung kasama nya may utak. Sya wala. "Anong tama na? Nakita mo nga kung paano mamintas tong babae na to!" Pikon na sagot nya sa kasama nya sabay point pa sa akin. "I'm not namimintas or what so ever," sagot ko agad sa kanya sabay palis ng daliri nyang naka point sa akin. "And besides, wala namang masama sa sinabi ko di ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo?" panggagaya ko sa dialog nya kanina tapos ay humalukipkip ako sa harapan nya. "Wow ah! Ang yabang mo talaga! Bisita ka lang dito tapos ang tapang mo? Pumunta ka lang ba dito para maghanap ng away?" Singhal pa nya sa akin. "Precisely!" nakangiting sagot ko sa kanya. Ngiti na agad ko ring pinaglaho. "Ganyan ba kasama ang mga ugali ng mga nagta-trabaho dito sa mga bumibisita sa kanila? Wow! I'm so disappointed, lalo na sayo," naiiling na sabi ko. Sasagot pa sana si ate girl dahil nakita kong bumuka ang bibig nya. Hindi lang nya naituloy iyon dahil humahangos na dumating si Mr. Garry sa eksena, isa sa assistant ni Daddy. Tapos may kasama syang isang may edad na lalaki, naalala ko na sya si Mr.Alarcon, manager sya sa accounting department. "Tama na iyan please," awat sa amin ng mga bagong dating. Nung tignan ko si ate girl ay automatic na nagliwanag yung mukha nya. Tapos nag sumbong agad sya sa mga lalaking lumapit sa amin. That's when I realize na anak pla sya ni Mr.Alarcon. No wonder ma attitude si ate girl, malakas pala ang kapit ng bruha. Well, sorry nalang sya dahil of all people ay ako pa ang kinalaban nya. Nung malaman ni ate girl kung sino ako ay tuluyan na syang nawalan ng kibo. Anyway, hindi ko naman sya masisisi kung hindi nya ako kilala. Only few in the company know me, mostly ay mga officers lang. "Bumalik na kayong dalawa sa department nyo," utos sa kanila ni Mr. Alarcon after nilang humingi ng dispensa sa akin. Walang choice na sumunod naman sila. But then, nahuli ko pa syang tinapunan ako ng masamang tingin. Pasaway talaga! "Hoy!" Tawag ko ulit sa kanila nung nasa loob na sila ng elevator. Automatic na pinindot ni manong Bryan ang open button para manatiling nakabukas iyon. "Girl, let me clarify three things to you," simula ko. "Una hindi ako retokada. Pangalawa, hindi totoo na lahat ng may pera automatic na maganda. At pangatlo, feeling ko kahit gumastos ka pa, ganyan nalang talaga ang itsura mo. Kaya mas mabuti pa, makuntento ka kung anong mayroon ka. At huwag kang basta basta maiinggit sa iba! Okay?" Pangaral ko sa kanya sabay irap ko sa kanila. Nung pakawalan ni Manong Bryan yung button at magsimulang sumara ang pintuan ay narinig ko pa ang inis na inis na sigaw nung babae. Lihim akong napangiti. Feeling ko ay nanalo ako. Walang lingon likod na lumakad na ko papunta sa kabilang direksyon. Iniwan ko na rin si Mr.Garry at si Mr.Alarcon ng walang paalam. I don't care if isipin nilang bastos ako. I was born like this and I have no intention of adjusting or changing for others. "Wait Ms.Brandee, aalis ka na ba?" Narinig kong tanong sa akin ni Mr.Garry habang nakasunod sya sa akin. "Ofcourse! Ano pa nga ba ang gagawin ko dito sa office nyo? Looks like daddy isn't coming right?" Sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa paglakad ko. I decided to just use the stairs, wala na kasi akong gana mag elevator. Actually ay birthday ngayon ni daddy. I would have liked to surprise him kaya nag effort ako na magpa decor sa board room nila. Kinuntsaba ko pa nga ang secretary nya pati ang assistant nya para sa schedule ng pagdating nya. Pero in the end, he suddenly went somewhere else at nakalimutan ng bumalik sa office. So eto after two hours, I decided to leave. I don't like waiting, feeling ko ay nakakapangit iyon. "Pero paano na ang inihanda mong sorpresa? Sayang naman. I'm sure matutuwa ang daddy mo sa gagawin mo na pagbati sa kanya lalo na at hindi nya maisingit sa schedule nya ang birthday celebration sana nya," apila pa rin nito sa akin while following me. I stopped walking. Kaya automatic na huminto din yung kausap ko. "Ssshhh," singit ko sa mga sinasabi nya sabay lagay ko ng hintuturo ko sa labi ko para patahimikin sya. Sa ginawa kong iyon ay napatitig sya sa akin. And yeah I know, he finds me attractive. Kitang kita ko iyon sa mga mata nya at sa pisngi nya na medyo namula. Alam ko din na crush ako ni Mr.Garry. Kaya nga sya ang laging pinipili ko na lapitan pag may kailangan ako dahil alam ko na hindi nya ako matatanggihan. Well, bata pa rin naman sya at may itsura, iyon nga lang he's not my type. "I'm leaving at hindi mo na ko mapipigilan. But anyway Mr.G, can you do me a favor?" hiling ko sa kanya. "Fe-favor? Ano ba iyon ms.Brandee?" Kanda bulol na tanong nya sa akin while he couldn't take his eyes away from me. "Regarding sa girl na kausap ko kanina. I want her to leave the company as soon as possible. Pwede mo ba iyon gawan ng paraan?" seryosong tanong ko sa kanya. "Pero, anak sya ni Mr.Alarcon and..." "I don't care. Just do it for me please?" malambing na hiling ko pa. Katahimikan. "I know you can do it Mr.G," malambing na sabi ko sa kanya nung hindi agad sya nakakibo. "Parang ang hina ko naman sayo nyan kung hindi mo iyon magagawa hindi ba? Do it for me please?" "Okay, I'll do it," parang nahihipnotismong sagot nya. "Good, I'll expect that," nasisiyahang sabi ko sabay kindat ko sa kanya. I got what I wanted kaya automatic na tinalikuran ko na agad sya. I head toward the exit. Paglabas ko ay sya namang pagparada sa harap ko ng isang itim na Rolls Royce. Agad na binuksan ni Manong Bryan ang pinto ng passenger seat upang makasakay ako. Tapos ay sumakay sya sa tabi ng driver. "Saan po tayo ma'am?" Tanong agad sa akin ng driver ko na si Manong Boy. "Sa bahay nila Annika," tipid na sagot ko. Pagka sabi ko non ay alam ko na nagkatinginan silang dalawa. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook