FMS2: Ignoring Ms. Perfect
midnyt_princess
CHAPTER 2
-------------------------------
BRANDEE POV
Pagka sabi ko non ay alam ko na nagkatinginan silang dalawa.
And I know why, kasi nga ay isa si Annika sa mga pasaway kong kaibigan. And as much as possible Daddy doesn't want me to go out with Annika and her group. Last time kasi ay nakasama ako sa mga inimbestigahan dahil namatay yung isang kasama namin habang nasa party.
Imagine how shocking that was? Nasa isang kasiyahan kami tapos ay may magkaka severe allergic reaction at biglang mamatay? Worst, the police suspected us of using drugs.
My God! I haven't lost my mind to use something like that.
"Why? May problema ba kayo?" Nakataas ang mga kilay na tanong ko sa dalawang kasama ko nung hindi pa rin umuusad yung sasakyan.
"Ma'am kabilin bilinan po kasi ni sir ay.."
"I know and I don't care!" Putol ko sa mga sasabihin pa ni Manong Bryan sa akin. "Sandali lang ako kila Annika, may kukunin lang ako. So anong problema nyo?" Pagsusungit ko pa.
"Wala po ma'am!" Halos magkasabay na sagot nilang dalawa. Tapos ay automatic na umandar na yung sasakyan.
Naiiling na kinuha ko ang chanel pocket mirror ko from my super expensive Chanel "Diamond Forever" handbag. Then I began to look at my reflection.
"Buti nalang at maganda ko," bulong ko sa sarili ko. If not, I'm sure na obvious ang pagiging stressed ko because of annoying people around me.
Kung hindi kasi mga inggitera ang problema ko ay tungkol lang iyon sa pagiging mahigpit sa akin ni Daddy. I understand naman that he just wants to protect me pero kadalasan ay nakakainis na.
It's not like I'm a minor na kailangang i-monitor ang mga kilos at mga pupuntahan ko di ba? Hello! I'am already 23 years old for God sake. At sa edad ko ngayon, promise! hindi pa ako naka alis ng walang bantay. Maliban nalang kung tumatakas ako.
Ewan ko ba? I believe naman, I am a woman of ability. Tingin ay kaya ko naman ang sarili ko. Sa katunayan nga ay iniisip ko na mamuhay na ng mag isa. Sana nga lang ay maging matagumpay ang sarili kong negosyo.
I'm in a clothing business right now. Since graduate ako ng Bachelor of Science in Fashion design and Merchandising at sobrang hilig ko talaga sa mga fashion trends ay ito ang pinasok ko.
"Brandee, are you in or out?"
Basa ko don sa kadarating lang na text message ni Annika nung tumunog ang cellphone ko.
"Ofcourse I'm in! Tuloy ang plano, I'm on my way!" Reply ko agad sa message nya.
Pagdating namin sa mansion nila Annika ay sinalubong nya agad ako. She was so happy to see me kaya niyakap nya ko agad. Sa totoo lang, simula nga nung nangyari ang insidente dati ay matagal na kaming hindi nagkaka kwentuhan ng personal at hindi na rin nakakagala.
Maganda rin si Annika and she's also slim. Unlike me na long hair, nasanay sya na maikli ang buhok nya. Kaya more often than not ay napagkakamalan syang tomboy. Buti nga ay hindi na ngayon dahil may fiance na sya.
Nagkamustahan muna kami hanggang sa mapagkasunduan na namin na isinakatuparan na ang planong sinasabi ko.
"Operation Alis Bantay" ang tawag namin dito. Actually ay plano ito ng boyfriend ni Annika. Simpleng tricks lang ito para makasama ako sa gimik nila mamaya. At mangyayari lang iyon kung wala ang presensya ng driver at ng bodyguard ko.
So ang nangyari, habang kunyari ay busy kami ni Annika na nagkwe-kwentuhan sa may sala. Yung dalawang maid nila na parehong sexy at maganda ang e-entertain sa dalawang kasama ko. Ofcourse, we also just hired those women and they are not really maids kaya magaling talaga silang mambola. Ang goal lang nila ay mapa merienda ang mga inaaliw nila and most specially ay makarami ng juice na nainom which is may pampatulog.
Alam ko na mahina sa magagandang babae ang dalawang iyon kaya agad na nagtagumpay ang mga maids kuno sa pagpapatulog sa kanila.
"Sa dami ng mga nainom ng mga iyan I'm sure bukas na sila gigising," natatawang sabi sa akin ni Annika.
Nung tignan ko si Manong Bryan at Manong Boy na parehong mapayapang natutulog at medyo mga naghihilik pa nga ay gusto kong matawa. Pero syempre ay medyo naaawa rin ako sa kanila dahil sa pagpayag ko sa planong ito.
"Come on, let them sleep well," yaya sa akin ni Annika. "Malay mo bukas hindi na sila makatulog ng maayos dahil wala na silang trabaho paggising nila," biro pa nya.
"I will not let them lose their jobs. Dito rin ako uuwi sa inyo mamaya para kasama ko rin silang dalawa pabalik sa amin," seryosong sabi ko.
"Okay, joke lang naman iyon!" Bawi nya agad sa sinabi nya dahil alam nyang mabilis akong mawala sa mood. "Chill ka lang okay? I will make sure na mag eenjoy tayo mamaya. And besides, may sorpresa ko sayo!" Ngiting ngiting sabi nya sa akin.
----------------------------
IMPERIAL NIGHT PALACE
----------------------------
10:00 PM
Pagpasok ko palang sa entrance ng lugar ay muntik ko ng mayakap ang sarili ko. Gosh! The air conditioning is so cold lalo na nga at medyo daring pa ang outfit na suot ko.
I chose a red plunging halter neck bodysuit paired with a black high waisted skirt. And ofcourse a gorgeous heels para mas kumpleto.
"Welcome to Imperial, one of the city’s top nightlife destinations. This place is a playground for the city’s glamorous party people. Our cosy space is ultra luxurious, with 37 sofas and 12 cocktail tables spread over two levels that you can really enjoy and ahmm,..."
Narinig kong intro nung isang staff ng bar sa mga bagong dating na tulad ko. Okay na sana ang pagbi-build up nya nung lugar nila pero bigla syang natahimik.
"Sorry, napaka ganda kasi ni Ma'am kaya nawala ako sa concentration ko," natatawa at kakamot kamot sa ulo na pag amin nung staff.
Nung sinabi nyang "ma'am" ay automatic na nagtinginan sa akin yung mga kasama ko.
"Grabe talaga ang beauty mo Brandee!" Panunudyo sa akin ni Annika at bahagya pa akong siniko.
I was about to react sa sinabi nya nung may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Nung bumukas kasi ang main door ng club ay automatic na lumabas din yung ingay ng music at ng mga tao sa loob. So naging mahina tuloy ang reception ng pandinig ko sa boses nung tumatawag sa akin.
"Brandee! Hoy! Ano ka ba?" Natatawang kalabit sa akin nung babaeng may ari ng boses.
Nung makilala ko sya ay nagulat pa ko.
"Surprised!" Sigaw nya sa akin at nagyakap agad kami. Sya siguro yung sinasabi ni Annika na sorpresa nya sa akin.
"Oh my God! Millie? Shocks! Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas? Your so madaya! Hindi ka nagsabi ha!" Kunyari ay pagtatampo ko sa kanya tapos ay niyakap ko ulit sya.
Isa si Millie sa mga childhood friends ko na nakagaanan ko ng loob. Madalas kaming magkasama nung mga bata kami dahil naging magkaibigan ang mga nanay namin. Pareho kasing may sakit ang mga ito so whenever they attend therapy, Millie and I come to play.
Naging magka-klase din kami ni Millie nung elementary, hanggang grade 6. When her mother died ay sa ibang bansa na siya nanirahan at doon na rin sya nagpatuloy ng kanyang pag aaral.
Ilang taon din kaming walang communication. Until magkita kami accidentally sa United Kingdom when we're 17. Nung umuwi sya sa Philippines ay naging schoolmate kami ulit at naging super close. Sadly ay kinailangan nya ulit umalis ng bansa because of personal reasons. So eto nga, after five long years ay umuwi pala ulit sya.
"Bruha! Sorpresa nga eh!" Tatawa tawang niyakap nya ulit ako. "Kakainis ka ha, ang ganda ganda mo talaga!" Puri pa nya sa akin.
"Yeah right! I know!" Natatawang pagsang ayon ko. "Ikaw din naman, mukhang blooming ka ngayon. Don't tell me may bago ka na?" Tudyo ko sa kanya.
Maaga kasi syang nagpakasal but unfortunately it turnout na fake lang pala yung kasal nila. Sayang nga, nalaman nya iyon kung kailan mahal na mahal na nya yung husband nya.
"Wala akong bago! Si Cef pa rin!" Natatawang pagko-correct nya sa akin sabay pakita ng kamay nya na may suot na magandang singsing.
"Oh my God! For real?" Kinikilig na tinignan ko yung kamay nya na may suot na singsing. "I'm so happy for you!" Honest na sabi ko at nagyakap ulit kami.
"Girls! Can we go inside first? Tapos doon nalang tayo mag chikahan sa loob habang inuubos natin ang tinda nilang alak?" Natatawang interrupt sa amin ni Annika na pareho pa kaming inakbayan.
"Alright! Let's party!" Sang ayon ko at napa kembot pa ko sa excitement.
Pagpasok namin sa loob ng bar ay medyo matagal bago masanay ang mga mata ko sa madilim at pakundapkundap na mga ilaw. Ganon din ang mga tenga ko sa lakas ng ingay ng music at ng mga taong naghihiyawan.
"Tara sa dance floor!" Yaya sa amin ni Annika after naming makapag kwentuhan. Nagpaunlak naman kami ni Millie na makisayaw sayaw sa kanila.
Bukod kasi sa amin ay kasama din ni Annika ang mga kaibigang babae ng fiance nya. Mostly ay mga kasamahan nya sa sorority noon.
Sayaw sayaw lang kami sa gitna ng mga nagkakaingay na mga party people. Hiyawan at yugyugan to the max ang peg namin.
Nung medyo mapagod ay isa isa na kaming nagbalikan sa lugar namin kanina.
"Grabe! I really enjoy being with you guys!" Natutuwang sabi ko na medyo hinihingal pa.
"You’re just happy because you don’t have a guard, right?" natatawang pagko-correct sa akin ni Millie. Alam na alam nya kasi na wala akong kalayaan. Unlike her na namuhay ng mag isa sa ibang bansa.
"Yeah right!" Pag sang ayon ko naman agad sa kanya at nag appear pa kami.
"And of course, I think you would be even happier if you had a boyfriend like me," sabi ng isang lalaki na nakatayo sa gawing harapan namin.
Ewan ko ba, sa entrada palang nya feeling ko na agad ay mas mahangin pa sya sa mga bagyong papasok ng Pilipinas.
Looking at him irritated me immediately. Lalo na at he's confidently smiling habang may hawak pa syang bote ng alak. Tapos para syang leader ng isang gang cause he even had friends with him na nakasunod sa kanya.
Nagkatinginan kami ni Millie.
"By the way, I'm Kurt, this is Bojo, Frank and Jazz," pakilala nya sa sarili nya at sa mga kasama nya. "You are?" baling nya kay Millie at iniumang ang kamay nya to offer a shake hands. Hindi naman sya binastos ni Millie. Nagpakilala din ito at saglit na nakipag kamay.
"And you are Brandee right?" Nakangiting tanong nya sa akin. "I didn't know I would see you here, sa totoo lang noon pa talaga kita gustong makilala," dagdag pa nya nung hindi ako sumagot.
Itutuloy...