Chapter 3

2823 Words
CHAPTER 3 ----------------------- BRANDEE POV ----------------------- "Really? Bakit naman?" Walang kagana ganang tanong ko sa kanya. Nakakasawa na kasi, just how many times has someone approached me like him? Hindi ko na mabilang. "Well, I think I like you," straight forward na sagot nya sa akin. "Tingin ko din ay bagay tayong dalawa. Can you give me a chance to prove that to you?" Very confident na tanong nya. Sa tono ng boses nya, he seemed sure I would not reject him. "Ah, no! Sorry! I am not interested," seryosong sagot ko sa kanya. Disappointed na tinignan nya ako. For a moment ay hindi agad sya nakapag salita. Kitang kita ko din kung paano namula ang mukha nya sa pagkapahiya. "Hey! what's going on here?" Tanong sa amin ni Annika nung finally ay makabalik na sila sa pwesto namin. Nagtaka siguro sya kung bakit may mga kalalakihan ang nakabantay sa amin ni Millie. Napansin ko din na kakilala nya yung guy na nagpakilalang Kurt at mga kabarkada nito. Medyo lumayo sila sa amin at saglit na mga nag usap. Napapatingin pa nga sila sa gawi namin habang nag uusap sila. I just acted like I didn’t notice them. "Grabe ang charisma mo friend ha," natatawang biro sa akin ni Annika nung tinabihan nya ko. "Pati si Kurt na anak ni Senator dela Vega nabihag ng beauty mo. Ang dami kayang nagkakandarapa sa lalaking iyon. Tapos ikaw, you just rejected him? Wow! Haba ng hair!" "Anak pala sya ng Senator? Kaya pala maangas eh!" Salo naman ni Millie sa usapan habang apura ang kutkot nya sa cellphone nya. "Kahit kaninong anak pa sya wala akong paki alam. Basta I don't like him!" Honest na sagot ko lalo na at sa gilid ng vision ko ay nakikita ko na nakamasid sa akin yung lalaking iyon. "Anyway, huwag na natin syang pag usapan. Let's not talk about those men anymore okay? All girls night out natin to! Tayo lang dapat ang bida ngayon!" Sigaw ni Annika na may tama na ata ng espiritu ng alak. "Why don't we play a game?" Suggestion naman ni Charlene, isa sa sorority friend ni Annika. Sa sinabi nyang iyon ay nagtilian ang lahat ng game at mga nagsitaasan ng mga kamay. Habang yung iba ay nagpa ulan pa ng alak. Bali sampu kaming magkakasama at karamihan sa kanila ay may mga tama na. Ang lalakas kasing mga uminom. "Ano naman ang lalaruin natin?" Excited na tanong ni Ycel. "Bakit hindi dare games?"sagot agad ni Wenz na itinaas pa ang kamay na may hawak na bote ng alak. Sa lahat ay sya yata ang pinaka wild. Napansin ko kasi na tuwing pupunta ako sa CR ay nandon din sya at iba't ibang guy ang kahalikan. She doesn't even mind nga if nakita ko pa sya sa ginagawa nya. "You mean, ang walang kamatayang Truth or Dare?" Paglilinaw ulit ni Ycel tapos ay kanya kanya nang suggestion about sa games. Ang ingay ingay nga sa gawi namin. Si Annika ang namagitan hanggang sa magkasundo sundo na sa mga dapat gawin. In the end ay "Dare Game" din ang inayunan ng lahat. Here's how to play it. We will be using a cellphone application. I don't know what they call it basta alam ko para syang roleta. Wherein we will put our names don sa text slots tapos ay mapupunta na yung mga names namin sa roleta. Pag may nag push ng button, the wheel will revolve like a game of chance. Paghuminto ang pag ikot non it will bring up two names. The first name will automatically drinking a shot of tequila while the other will do the dare. Once the participant's name has been chosen pwede ng mag utos ang isa sa kasali. Ang taong magbibigay ng dare ay sya rin ang magbibigay ng perang maaring mapanalunan nung uutusan nya. Here's the catch, if the participant will not dare or failed to execute the instruction, dodoblehin nya ang amount na ibibigay dapat sa kanya nung nag utos. Pag nabigo ang participant, the one who ordered seems to be the one who has won. Personally, I'm not fond of games like this. Pero kung minsan lang naman at hindi maiiwasan, I guess, I have no choice but to participate too. Nagsimula ang Dare Game namin. Tuwing maglalabas ng names yung roleta ay nagkakatinginan kami ni Millie. Parang ayaw ko kasi sa mga ipinapagawa nung mga nag uutos. I'm sure na ganoon din ang nararamdaman ni Millie. Some of the dares are: For 30 thousand pesos, take a selfie with someone you don’t know. For 40 thousand pesos, go to the hottest guy you see and slap them on the ass! For 50 thousand pesos, give somebody a lap dance. For 60 thousand pesos, Take off your bra and give it to a stranger in the club. "Are you still okay Bran?" Nag aalalang tanong sa akin ni Millie after kong inumin ang pangatlong shot ko ng tequila. Ewan ko ba naman kasi at ang swerte ko ngayon. 3 out of 7 draws ay laging nakakasama ang pangalan ko sa slots. "Yeah I'm okay," sagot ko nalang sa kanya upang hindi na sya mag alala. "Next time na matawag pa ang pangalan mo, ako na ang iinom ng tequila na yan," console pa nya sa akin at tinapik ako sa balikat. Then ibinalik na namin ang pansin namin kay Annika na kasalukuyang ginagawa yung dare sa kanya. For 100 thousand pesos, kailangan nyang ayaing sumayaw ang isa sa bartender. At pag nasa gitna na sila ng dance floor kailangan nyang tanggalin ang pang itaas nyang damit hanggang sa naka bra nalang dapat sya. Grabe ang sigawan at tilian nung sumama kay Annika yung napili nyang bartender. At lalo ng nagkaingay nung maghubad nga sya nung damit nya at sumayaw ng naka bra. I know it's just a game that I should have to be sports. Kaya lang ay baka mag dalawang isip pa rin ako na i-dare ang sarili ko kung ganito ang magiging utos nila. "Brandee it's your turn! Come on!" Natatawang kalabit sa akin ni Annika. Nung una akala ko ay nagbibiro lang sya. Pero nung isinisigaw na nila ang pangalan ko at nakita ko nga na iyon ang nakasulat sa roleta ay tsaka ko lang na-realized kung ano ang ibig nilang sabihin. "I dare you Ms.Barbie doll!" Narinig kong sigaw ni Wenz while raising her hand. Sa uri ng pagkakatingin nya sa akin parang sigurado sya na hindi ko magagawa ng maayos yung ipapagawa nya. Something I want to prove her wrong. Ako si Brandee Imperio, kung kaya ng iba, I can do better! Ako pa ba? Mapagpatol akong tao at ayaw ko na minamaliit ako! "Challenge accepted, whatever it is!" Very confident na sagot ko sa kanya. Lalo tuloy nagtilian yung mga audience naming mga bruha. "Alright, for 250 thousand pesos: I dare you to introduce yourself and request a kiss on the lips to whoever is the first man to enter that door, agree?" naghahamon ang tingin na tanong nya sa akin habang tinuturo nya ang specific door na gusto nya. "Pwede mo namang hindi gawin," nag aalalang bulong sa akin ni Millie. "Don't worry I can do it!" Sagot ko naman sa kanya. The moment na sumang ayon ako kay Wenz ay lalong napuno ng sigawan ang bulwagan. Actually ay hindi nga ako sigurado kung ano ang mas malakas ang tunog. Kung yung ingay ng crowd o yung t*bok ng puso ko as I walk near that door. I'm not nervous because natatakot ako na baka hindi ako halikan ng lalaki na susulpot sa pintong iyon. Dahil imposible na may tumanggi sa akin. Ang kinatatakot ko lang talaga ay kung ano ang itsura ng lalaking swe-swertihin na halikan ako. Paano kung matanda? Paano kung panget? Paano kung bungi na nga ay bad breath pa? Grabe! Ang iww kaya non di ba? Maya maya ay natigil ako sa pag iisip ko nung napansin ko na gumalaw yung pintuan. Buhat sa pagkakapinid non ay dahan dahan iyong bumukas at iniluwa ang isang matangkad na lalaki. He's wearing a black shirt with a leather jacket and fitted pants. At first glance, I can say that his body build is good. Hindi ko lang masabi kung ano ang itsura ng mukha nya because he was wearing a black cap at medyo natatakpan ang view ko don. But does it matter anymore? Hindi naman kasi ako makakapamili. "Come on! Lapitan mo na!" Out of nowhere ay narinig ko na may humiyaw sa crowd. I don't know who that is, pero nakakainis sya! Lalo tuloy akong kinabahan! "No Brandee! Huwag kang kabahan! Sa sexy at sa ganda mong iyan, tanga na lang ang lalaking tatanggihan na halikan ka!" Kumbinsi ko pa sa sarili ko. So with that in mind ay very confident akong naglakad palapit don sa lalaki. Nung makalapit ako sa kanya ay hindi nya ko agad napansin because he seems to be looking for someone else. Pero ako, mukha nya talaga agad ang sinipat ko. Most specially yung bandang lips nya. Syempre sya ang sinuwerteng lalaki para mahalikan ako. It's only natural for me to check the condition of his mouth kung nakakadiri ba. "Excuse me, are you looking for someone?" Tanong ko sa kanya para mapansin nya ako. He looked at me tapos ay napakunot noo sya. Sa ingay pala ng paligid ay hindi nya ko narinig so I have to repeat my question. "If you want I can help you," sabi ko ulit sa kanya nung tumango sya sa unang tanong ko. "I mean, pwede kitang tulungan hanapin yung taong gusto mong makita. By the way, I'm Brandee," pakilala ko sa sarili ko. I gave my best smile para mapansin nya ang kagandahan ko tapos ay inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. "And you are?" While I wait for his response ay nagkaroon na naman ako ng chance para pagmasdan yung mukha nya. Well, cute naman sya at mukhang hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Kung tutuusin ay okay na rin na payagan ko syang halikan ako kaysa naman matapat pa ko sa isang matanda or worst ay sa may mabahong hininga. Traumatic experience iyon pag nagkataon! "Anong pangalan mo?" Tanong ko ulit sa kanya nung tingin ko ay wala yata syang balak makipagkilala. Medyo nag alala ako dahil naalala ko na maraming nanonood sa akin at ayaw kong mapahiya. "Ged," napipilitang sagot nya. Pati ang pakikipag shakehands nya sa akin ay halatang napipilitan lang sya. "Great name!" kunyari ay puri ko sa kanya. "At dahil maganda yung pangalan mo, I will let you kiss me," straight forward na sabi ko sa kanya. Medyo matagal na kasi ang palabas ko so I want to end it. "Come on kiss me," alok ko pa sa kanya sabay pikit ko at umang ng lips ko sa harap nya. Naturally any man would not resist such an offer lalo na kung kasing ganda ko pa ang hahalikan nya. Kaya nga nagtaka ako nung ilang segundo na akong nakapikit ay wala pang labi ang dumadampi sa labi ko. Nung makarinig ako ng mga tawanan ay automatic na idinilat ko ang mga mata ko. At ganoon nalang ang pagkapahiyang naramdaman ko nung makita ko na wala na pala yung lalaki sa harapan ko. "Did he just... just ignore me?"hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko as I gasped for air. Sa sobrang shock ko ay hindi ako makapag isip ng mabuti. "Stupid bastard!" Paulit ulit na mura ko as I clenched my fist. Nasaan na kaya ang bwisit na lalaking iyon?! "Bran, halika umupo na tayo," yaya sa akin ni Millie na hinawakan pa ako sa mga braso. Alanganin akong tumingin sa kanya. She knows very well that I will not just sit around and let anyone shame me. "Saan nagpunta yung hinayupak na lalaking yon? Nakita mo ba kung saang gawi?" Inis na tanong ko kay Millie. Hindi ko alam kung napapansin nya ang pamumula ng mukha ko cause now I feel very hot. As in hindi lang ang pisngi ko ang mainit dahil sa pagkahiya kundi ang buong ulo ko. It's like all my blood went up to my brain cells at kung hindi ako makakaganti ay bigla nalang akong sasabog. "No! Ano ka ba? What are you planning to do? Kumalma ka muna. Halika umupo na tayo," yaya nya ulit sa akin. Ang malakas na tugtog at pakundap kundap na ilaw ay lalong nakadagdag sa iritasyon ko. Ayoko nga sanang sundin si Millie kaya lang paglingon ko naman sa mga tao sa paligid namin ay nahuli ko silang nagbubulungan at nagbubungisngisan habang nakatingin sa akin. Automatic na tumaas ang presyon ko. "Anong tinitingin tingin nyo diyan? Umalis nga kayo diyan!" Singhal ko sa kanilang lahat habang hinahawi ko sila upang makaraan ako. I don't care kung may masaktan pa ako o may ma offend ako. Basta ako naiinis! Tapos! Nagma-marcha na bumalik ako sa pwesto namin. Pagkaupo ko ay ininom ko agad ang alak na nasa harapan ko. "Bran huwag ka ngang magpaka lasing! Ano ka ba?" Sita sa akin ni Millie na kinuha sa kamay ko yung baso ng alak. "Easy ka lang okay? Pag usapan natin 'to. Wait, I'll get some water to calm you down," paalam nya tapos ay iniwan muna nya ko. "What the f*ck?" Inis na tanong ko sa sarili ko. I don't understand what I feel right now. Sobrang banyaga sa akin ng pakiramdam na ito. This is so overwhelming. I feel so bad. It's like I want to cry while my body trembles in annoyance. "Well well well.." Narinig kong sabi ng babae na nakatayo sa harapan ko. When I looked to see who spoke ay si Wenz yon. Ang bruha na nag dare sa akin kanina kasama ang dalawang alalay nya. "It looks like you've been rejected barbie doll. Too bad, mukhang ang gwapo pa naman sana nung lalaki kanina," kunyari ay nanghihinayang na sabi nya though alam ko na naman na inaasar lang nya ako. "I guess, not all men want someone like you. Akala mo kasi kung sino kang perfect eh! Masyado kang nagma-maganda at ume-eksena so ayan napahiya ka tuloy! Alam mo kung type ka nung lalaki kanina he wouldn't have rejected you---" "No one rejects me! Huwag ka ngang delusyonal!" Putol ko sa mga sasabihin nya. Pagtayo ko ay kinuha ko agad yung baso na may laman na alak tapos ay sinaboy ko yon sa mukha nya. Sa ginawa ko ay napatili sya habang nanlalaki naman ang mga mata ng mga kasama nya. Well, pasensyahan kami dahil wala talaga ako sa mood. At lalong wala akong baon na pasensya para sa mga b!tches na katulad nila. "Shet! What the hell!?" Gulat na sabi ni Wenz sabay tingin nya ng masama sa akin. "Baliw ka talaga! Baliw!" Inis na sabi pa nya sa akin habang pinupunasan ang basa nyang mukha. Nakita ko na gusto sanang umalma nung dalawang kasama nya kaso ay mukhang natakot sa masamang pagkakatingin ko. "Hoy! Don't you dare call me a baliw! Kung may baliw sa ating dalawa, ikaw lang 'yon!" Singhal ko sa kanya. I know that they came to me to take the money I lost in the bet. So agad akong kumilos upang kuhanin ang ATM card ko sa may pouch na hawak ko. It's just 500 thousand! Pera lang iyon at marami ako non kaya walang problema kung babayaran ko sila. "O etong premyo mo! Nasa likod ng card na ito ang password. Sayo na lahat ng cash nyan tutal mukha ka namang gahaman! At yung sobrang pera huwag mong kalimutan na ipang bayad sa mental hospital!" Gigil na sabi ko sabay tampal ko ng Atm card sa may gawing dibdib nya. Then walang lingon likod na umalis na ako sa lugar na yon kahit naririnig ko pa ang pagputak nila. Dahil sa kanila ay lalo lang akong nainis! At mas nainis pa ako nung maalala ko ang pamamahiya sa akin nung lalaki kanina. Napapikit ako ng mariin while clenching may fist again. No one rejects me! No one ignores me! No one! Never! Sya lang! Sya lang talaga! At kailangan ko syang makita dahil kung hindi ay hindi ako mapapakali hanggat hindi ako nakakaganti! I stopped walking then huminga ako ng malalim as I looked around. Ewan ko ba at sa kabila ng madilim ang paligid ay parang natanawan ko yung lalaking hinahanap ko sa isang gilid. It seems like may sinusundan syang kung sino. Kumulo lalo ang dugo ko so I didn't hesitate to follow him. Papunta na sana ako sa gawing exit para sundan yung lalaking iyon nung bigla namang may mga humarang sa akin. "Leaving so soon Ms. Beautiful?" Nakangising tanong sa akin ni Kurt. Pagkakita ko sa kanya ay napabusangot talaga ako. Kung kailan kasi ako nagmamadali ay tsaka naman nakapalibot sa akin ang mga kasama nyang kung makangisi ay parang mga aso. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD