ANG MGA NGITI sa labi ni Dyna at Jared ay hindi mawala-wala. Dinala ni Jared si Dyna sa bahay niya at tulad ng inaasahab ay may nangyari na naman sa kanila sa tuwing na nagkikita sila. Nagbunga na rin ang kanilang mga plano. Na-set up nila si Mike at Liza upang tuluyang magkalayo ang mga ito at nagtagumpay naman sila. Panahon na para anihin nila ang bunga ng kanilang paghihirap. Hindi akalain ni Jared na ganun lang pala kabilis na paghiwalayin si Liza at Mike. Akala niya ay matatagalan bago nila mapaghiwalay ang dalawa. "Alam mo bang masasakit na ang kamay ko sa kakapintura sa bahay ni Liza? Kinakalyo na ako," reklamo niya kay Dyna. Minamasahe nito ang kanyang palad. Hindi naman siya sanay sa mabibigat na trabaho pero dahil sa plano nilang maging malapit siya kay Liza ay napilitan siyan

