HABANG NASA sasakyan siya ay hindi niya mapigilang hindi umiyak. Hindi katanggap-tanggap ang mga sinasabi ni Mike. Bakit kay tigas ng puso nito? Bakit ibinibintang nito sa kanyang mga bagay na hindi niya naman ginagawa? Ganun ba talaga kapag mayaman? Kay daling pagdudahan ang kapwa, lalo na pagdating sa pera? Alam niya naman nagmula ito sa pamilya ng mga bilyonaryo pero kahit minsan ay hindi niya inisip na makuha ang yaman ng mga ito. Wala siyang pakialam sa pamilya nito. Nabigla nga siya sa binigay ni Lola Katerina. Malaking halaga iyon. Kung siya ang masusunod ay ayaw niya 'yong tanggapin pero pinilit siya ni lola Katerina. Pinahid niya ang kanyang luha, gusto niyang makalimutan ang naging pag-uusap nila ni Mike. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niya nang makalimutan si Mike per

