HINDI ALAM NI MIKE kung bakit muli silang ipinatawag ni Lola Katerina. Ang library room dati ng kanyang ama ay si Lola Katerina na ang gumagamit. Si Liza pa ang nagsabi sa kanya na pinapatawag sila ng abuela. Kung dati ay kinakabahan ito ngayon ay panatag na ang loob nito kay Lola katerina. Kumatok muna siya bago niya binuksan ang pinto. Magkasama silang pumasok ni Liza sa loob. Nakangiting binati sila ni Lola Katerina. "Siguro naman hindi ka'na kinakabahan ngayon Liza?" tanong ng kanyang abuela kay Liza. "Slight po," sagot ni Liza na ngumiti. Natutuwa siya at nakakasundo nito ang kanyang abuela. May inabot na tig- isang brown envelope sa kanila si Lola Katerina kaya napakunot noo siya. "Buksan ninyo," nakangiting utos ni Lola Katerina. Naunang binuksan ni Mike ang envelope na haw

