HINDI MAPIGILANG HINDI MAGALIT NI DYNA nang malaman niya na ikakasal na si Mike sa Liza na iyon. Hindi pwedeng mangyari 'yon dahil nagkabalikan na sila ni Mike. "Don't be ridiculous, Jared. Galit si Mike kay Liza at muli na naming naayos ang nasira naming relasyon," sagot niya kay Jared na galit na galit. Akala niya ay kung bakit ito tumawag. Gusto lang pala nitonsa sabihin sa kanya ang nasagap nitonf balita. "Huli ka na naman sa balita," natatawang wika ni Jared na ikinainis niya. "Hindi ako huli sa balita dahil ang alam ko ay nagkabalikan na kaming dalawa," sagot niya. "Kung ganun ay ginagamit ka lang niya upang pagselosin si Liza." "Hindi maaari. Nagsisinungaling ka lang!" "Call him para malaman mo ang totoo," sagot nito sa kanya. Mabilis niyang tinawagan si Mike pero hindi i

