BUMUHOS ANG LUHA na hinatid nila sa huling hantungan si Lola Katerina. Lahat sila ay hindi napaghandaan ang biglaang pagkawala nito. Dinagsa rin sila ng mga nakikiramay na mula pa sa matataas na antas ng pamilya, mga kilala sa lipunan. Ngayon sana nila higit na kailangan si Lola Katerina dahil sa pinagdadaanan ni Miko pero wala na ito. Isa lang naman ang gusto niyang sabihin sa abuela. Gusto niyang kausapin nito ang Diyos upang iligtas si Miko. Napakabata pa ni Miko upang mawala sa kanilang lahat. Hindi naman siguro kalabisan kung hilingin niyang magalingin nito ang kanyang kapatid. Buhat ni Mike si Miggy samantalang nasa tabi niya naman si Dyna. Si Mike kasi ay naka-wheelchair at si Arya naman ang nakaalalay rito. Palihim niyang hinanap si Liza at nakita niya itong katabi ni Jared. Hin

