MINABUTI na munang umuwi ni Mike dahil muling natulog si Miko. Iniwan niya na muna si Arya sa tabi ni Miko. Nadatnan niya ang kanyang ina at ama sala. Umiiyak pa rin ang ina at inaalo naman ng kanyang ama. Nilapitan niya ang mga ito. "Gising na si Miko," pagbabalita niya sa mga magulang kaya napatingin ang mga ito sa kanya. "Kumusta siya? Anong masakit sa kanya?" tanong ng ina. Mugto na ang mga mata nito. Umupo siya sa sofa sa harapan ng mga ito. "Sinabi ko sa kanya na iuuwi ko siya rito kapag pwede na siyang lumabas ng ospital," wika niya sa mga magilang. "Bakit si Miko pa ang kailangan magkasakit Lucas? Hindi ko kakayanin kapag isa sa mga anak natin ang mawala. Mamamatay ako," wika ng kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa ina. Maging siya ay nagtatanong kung b

