KANINA PA KINAKABAHAN si Liza dahil kanina pa may nakasunod sa kanyang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Malakas ang kutob niyang sinusundan siya nito. Binilisan niya pa lalo ang kanyang pagpapatakbo. Abot langit ang kanyang kaba lalo pa at parang lumilipad sa kalsada ang sasakyan na humahabol sa kanya. Akala mo ay nakikipagkarera ito sa daan. Hindi niya alam kung ano ang kailangan sa kanya at kung bakit siya sinusundan. Isa pa ay wala naman siyang atraso. "Alam niya kaya na may fifty million ako sa bangko?" tanong niya sa kanyang sarili. Iyon lang ang tanging naisip niya na kailangan sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mapraning. Natitiyak niyang hindi ito si Mike dahil alam na alam niya ang mga sasakyan ng Salazar, isa pa bakit naman siya hahabulin ni Mike? Dalawang linggo

