HINDI MAPIGILANG hindi mapangisi ni Mike habang nagmamaneho. Ano pa nga ba ang aasahan niya kay Liza? Kapatid ito ni Lorren, kapatid ng babaeng nanloko sa kanya. Hindi niya lubos akalain na ganun lang kadali kay Liza na ipagpalit siya. Ang masakit pa ay si Jared ang ipinalit nito sa kanya. Kaydaling magbago ng puso nito at ang target ay isa na namang Salazar. Napakalaki niyang tanga. Nabola na naman siya. "Ang tanga-tanga mo!" wika niya sa kanyang sarili. Galit na galit siya. Pakiramdam niya kanina ay sasabog ang kanyang dibdib sa selos. Paano nito ipapaliwanag ang kanyang nakita? Sa silid nito naligo si Jared? Like what the hell! Unang- una ay ano ang ginagawa nito sa bahay nito. Napailing na lamang siya. Hindi siya dumiretso ng uwi dahil sa labis na galit. Gusto niyang magwala. T

