
BLURB:Dala ng kahirapan pinilit si Cherry Pie na magpakasal sa manliligaw niyang Afam. Bale ang Nanay nito at ang kano ang siyang nagkasundo sa nasabing kasalang magaganap. At labag sa kalooban iyon ni Pie subalit wala na siyang nagawa pa dahil marami na ang nakuha ng kanyang Nanay sa nasabing kano. Nasa Isla kasi sila nakatira dinarayo ng mga turista ang kanilang lugar dahil sa maganda nitong kapaligiran. Subalit sa araw ng kasal nina Pie at ang kano ay bigla na lamang siyang kinuha ng nga armadong kalalakihan. At mas magulat pa si Pie nang dalhin siya sa isang simbahang may ikakasal din at siya ang bride. Sino ang lalaking pangalawang groom ni Pie? At bakit siya biglang kinuha mula sa Kanong pakakasalan niya? Ano ba talaga ang nangyayari?
