bc

BEYOND REASONABLE DOUBT - AGE GAP SERIES 3 (SPG/R18+)

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
age gap
opposites attract
playboy
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
witty
lawyer
like
intro-logo
Blurb

At twenty-one, Athena Jade Dela Victoria Montenegro has the world at her feet.

Feisty, brilliant, and the undisputed princess of a powerful elite clan, she has entered law school at the University of St. La Salle with one hidden goal: ang mapatunayan sa wakas ang sarili niya sa nag-iisang lalaking matagal nang kumukontrol sa kaniya nang patago.

At thirty-eight, Attorney Francis Deo Ledesma Araneta is a legal monster.

Isang kilalang top corporate defense lawyer na may dugong Filipino-Spanish, Deo carries that intimidating, old-money aristocratic aura that commands both the boardroom and the courtroom. He is the best friend of Athena’s uncle, Sagittarius Zobel Dela Victoria. He was supposed to be her Padrino, her protector, but instead, he spent years keeping his distance, hiding a dangerous and fiercely possessive love beneath a mask of cold professionalism.

Nang dumating ang isang nakagigimbal na trahedya, ang tatay ng best friend niyang si Mhaiila Angela na si Atanacio ‘Mang Nash’ Alunan ay maidiin sa isang high-profile na kaso ng pagpatay, minadali ng prosekusiyon ang paglilitis upang masigurong habambuhay itong makukulong.

Desperate and with her back against the wall, Athena realizes there is only one shark ruthless enough to tear the corrupted system to pieces.

She crawls to his penthouse office, swallowing her pride to beg for his brilliant legal mind.

But Attorney Araneta doesn’t give handouts. At lalong hindi niya kailangan ang milyon-milyong pera ng mga Montenegro.

He wants her.

In exchange for an innocent man’s freedom, Deo demands a scandalous retainer fee: Athena must become his secret lover. His bed warmer. Sa bawat tawag niya, kailangan ng dalagang sumagot. Sa bawat oras na gustuhin niya ito, kailangan nitong sumunod. She is completely stripped of her feisty defiance and bound to his rules hangga’t hindi natatapos ang laban sa korte.

Athena thinks it is just a predatory arrangement born of cold lust. Hindi niya alam na ang bitag na ito ay matagal nang inihanda ni Deo para sa kaniya. But inside his home and beneath his roof, the line between legal duty and forbidden obsession begins to blur, pulling them into a high-stakes trial where there is absolutely no room for doubt—or hesitation.

chap-preview
Free preview
Prologue
THE DELA VICTORIA MANSION, ILOILO CITY FIFTEEN YEARS AGO (1993) The sprawling Spanish-colonial Dela Victoria mansion in Jaro, Iloilo stood bathed in muted afternoon light, its grand halls carrying the familiar scent of polished narra wood, fresh white lilies, and the quiet gravity of old money—unchanged, as if time itself moved more carefully within its walls. Sa loob ng malawak na bulwagan ng mansiyon, dahan-dahang inayos ng dalawampu’t tatlong taong gulang na si Francis Deo Ledesma Araneta ang kuwelyo ng kaniyang barong habang bitbit ang mabibigat na law codals sa kaniyang braso. Dahil sa kaniyang pambihirang talino, maagang na-accelerate si Deo noong elementarya kaya naging magkaklase sila sa iisang high school batch ni Sagittarius Zobel Dela Victoria—kahit apat na taon ang tanda nito sa kaniya. At twenty-seven, Sagittarius was already based in New York working as an engineer, ngunit kasalukuyan itong nasa Iloilo para sa taunang bakasyon kasama ang pamilya. Si Deo naman, sa kabila ng murang edad, ay abala nang humaharap sa brutal na demands ng kaniyang huling taon sa law school. Dumaan lamang siya sa mansiyon ng mga Dela Victoria upang ihatid ang ilang legal corporate documents para kay Tatay Julio, ama ni Sagittarius at isa sa mga prominenteng negosyanteng nagsisilbing mentor niya sa corporate structures. “Deo! Bro, mukhang kukuha ka na ng bar exams sa lagay na ‘yan, a.” Masiglang bumungad si Sagittarius mula sa grand staircase, malapad ang ngiti nito habang pababa. “Relax ka muna. Mabuti na lang talaga at nakapagbakasyon ako rito galing New York. Come have a drink with me at the lanai.” “I can’t stay long, Sagittarius,” sagot ni Deo habang inaayos ang hawak na codals. “May Civil Law recitation ako bukas, and our dean is absolutely merciless.” Calm and controlled—Deo’s voice already carried the quiet gravitas of a man built for trial rooms and closing arguments. Ngunit bago pa man makasagot si Sagittarius, biglang bumukas ang mabibigat na double doors ng main living room. “Tito Rius! Catch me!” Isang maliit na ipo-ipo ng tulle at pink lace ang sumulpot sa hallway at tumakbo nang mabilis. She was six—porcelain-doll eyes, wild curls, and a fierce little pout that suggested she was used to getting what she wanted. Athena Jade. Anak ng kapatid ni Sagittarius na si Gemini, at sa tuwing nasa mansiyon, ito ang maliit na reyna ng Dela Victoria household. Ngunit sa gitna ng pagtakbo, hindi nito napansin ang bahagyang madulas na bahagi ng hardwood floor. Her tiny sneakers slipped. Napasinghap ito nang mawalan ng balanse at mabilis na tumagilid ang maliit nitong katawan patungo sa matalim na kanto ng isang marble side table. “ATHENA—!” sigaw ni Sagittarius, pero malayo ito. In a split-second reflex, instinct ang nangibabaw kay Deo. Walang pag-aalinlangang binitiwan niya ang mamahaling codals. Lumikha ang mga iyon ng ingay sa sahig, pero walang sinuman ang nag-abalang pulutin ang mga iyon. Deo lunged forward. Sliding onto one knee across the polished floor, he caught Athena by the waist and pulled her sharply into his chest—isang pulgada na lang ang pagitan ng ulo nito at ng marmol. Biglang namayani ang katahimikan sa buong foyer. Napakurap si Athena. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib nito, halatang nagimbal sa nangyari. Pero sa kabila ng takot, hindi ito umiyak. Instead, she slowly looked up, her dark eyes locking onto the sharp, handsome face of the young man holding her. Something tightened in Deo’s chest. Hindi siya mahilig sa mga bata. But this one—this small, defiant girl who refused to cry—hit something unfamiliar inside him. “Are you alright, little one?” mahinahong tanong niya. Lumambot ang kaniyang ekspresyon—ang dating seryosong mukha ay unti-unting nagbago habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok sa noo ni Athena. Napako ang mga mata nito sa mukha ni Deo, tila nahiwagaan sa lalim ng kaniyang baritonong boses. Then, with surprising calm, itinaas ni Athena ang maliit nitong kamay at tinapik ang panga ni Deo na nag-iwan ng bahagyang mantsa ng tsokolate mula sa kinain nitong meryenda. “You’re big,” seryosong deklara ni Athena. Maliit man ang boses nito, pero nakagugulat ang awtoridad na taglay niyon para sa isang anim na taong gulang. “Who are you?” Tila napako si Sagittarius sa kinatatayuan nito habang nakahawak sa sariling sentido. Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga bago mabilis na lumapit sa kanilang dalawa. Halatang nanghihina pa ang mga tuhod nito habang lumuluhod sa tabi ni Athena at hinahaplos ang buhok ng pamangkin, tila sinisiguradong ligtas nga talaga ang bata. “Santisima, Athena…” mahina ngunit nanginginig nitong sambit. “Muntik mo nang pahintuin ang puso ko.” Pagkatapos ay hinarap nito si Deo at kaagad na tinapik sa balikat. “Bro, salamat talaga,” sabi nito kay Deo, bago muling binalingan si Athena at inayos ang buhok nito. “Sweetie, this is Deo. My best friend. Siya ang padrino mo…” Ikiniling ni Athena ang ulo nito. “Pa-dri-no?” ulit nito na tila pinag-iisipan ang kakaibang salita. Then she smiled brightly, revealing a row of perfect little teeth. “Uncle Deo.” Something unexpectedly heavy settled deep inside Deo’s chest. Napatingin siya sa maliit na kamay na nakapatong sa kaniyang dibdib—diretso sa ibabaw ng kaniyang puso. “Yes,” mahina niyang tugon. Bahagyang humigpit ang hawak niya sa baywang ng bata bago ito marahang itinayo nang maayos. “Uncle Deo will always catch you, Athena. Remember that.” Tumayo siya at pinagpagan ang kaniyang pantalon. And without knowing it, he had just spoken a promise—one that would outlive logic, distance, and time itself. He just didn’t know yet that the little girl looking up at him with wide, unwavering eyes would one day become the only woman capable of breaking the order of his perfectly structured world.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.0K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
103.7K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
44.2K
bc

The Forgotten Wife

read
43.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.5K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.8K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook