bc

ANGKININ MO KO, DADDY LEVI (SPG)

book_age18+
61
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
escape while being pregnant
teacherxstudent
age gap
fated
second chance
powerful
single mother
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
serious
office/work place
love at the first sight
professor
actor
like
intro-logo
Blurb

Lilac Zamora, 20 years old. Isang mahinhin, maganda at palaban na babae. Pangarap niyang magkaroon din ng boyfriend katulad ng love life na mayroʼn ang dalawang kaibigan niya. Pero, mahiyain siyang babae kaya kapag may kumakausap na lalaki sa kanya ay umiiwas agad siya.

Isang araw ay may napanood si Lilac na balita, may nawawalang kambal na anak ng isang bilyonaryo na si Mr. Parker. Magbibigay ng rewards kung sino man ang makakakita sa kambal niyang anak. Pinicture—an ni Lilac iyon. Sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang campus, may nakita siyang dalawang bata na nakasiksik sa isang food cart, napansin niya ang damit ng dalawang bata na napanood siya sa television kanina. Tinignan niya iyon at nalamang heto ang pinaghahanap.

Kinuha niya ang kanilang loob at dinala sa police station, sa pagmamadali ay iniwan na niya ang dalawa sa police station at pumasok sa loob ng campus nila. Nalaman ni Lilac na nakuha na ang kambal na sinagip niya.

Ilang araw ang nakalipas nang papasok na siya ay biglang may tao sa sofa, naka—business attire. Nagpakilala ang lalaki bilang Levi Parker ang ama ng kambal na tinulungan niya. Akala ni Lilac ay magpapasalamat lamang ang lalaki pero nabigla siya nang marinig sa bibig nito na,

“Gusto kitang maging girlfriend, Ms. Zamora. Tinatanggap mo ba ang alok ko?”

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LILAC POV “ANAK, galingan mo sa pag—aaral, ha?” Napangiwi ako sa sinabi ni Papa, sobrang lakas pa naman ang boses niya. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Alam ko po iyon, Papa! Sige na po, umalis na po kayo at baka may pumasok ng booking sa inyo,” mahinang sabi ko sa kanya. Rider ang papa ko sa isang food delivery app. Kaya sinasabay na niya ako papunta rito sa Maravilla University, para hindi na rin ako gumastos ng pamasahe. “Mahal ka ni Papa, anak!” Napatingin sa amin ang ibang estudyante kaya ngumiti ako sa kanya at pinapaalis na siya. Hindi pa rin siya tapos kumaway sa akin kaya lalo akong napangiwi sa kanya. Si Papa talaga. Hindi ko na lamang siya pinansin at naglakad na ako papunta sa loob ng Maravilla University. Maaga pa lamang ay puno na ng mga estudyante ang paligid ng campus. Naglalakad na ako at ibaʼt ibang grupo ng students ang nagku—kʼwentuhan na, nagmamadaling pumasok sa kani—kanilang classroom, habang ang iba naman ay abala sa pag—inom ng kape bago magsimula ang kanilang klase. Halos ang bench dito ay puno rin. Lalo kong niyakap ang bitbit kong makapal na book sa isang subject namin. Napaiwas ako ng tingin nang makita may nakatingin sa side ko. Alam ko naman agaw ako ng pansin, pero nahihiya ako May mahaba at itim akong buhok na nakalugay ngayon, unat na unat din ito, may kaputian ang aking kutis, at may isang dimple ako sa kaliwang side ng aking pisngi. At may kalakihan din ang aking hinaharap, iyon ang napapansin ng mga kalalakihan sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng malaking osus, ha? Napailing na lamang ako at mabilis pang lumakad para makarating ako sa classroom namin. Nahihiya na talaga ako. Kilala ako sa Maravilla University bilang isang magandang babae, matalino at mabait. Ngunit higit sa lahat ay sobrang mahiyain ako lalo na kapag may lalaking lalapit sa akin at magtatangkang kausapin ako, automatic na umiwas ako or nagtatago ako sa likod nina Zephanie and Umara. Napahinto ako nang hindi ko napansin na may lalaking nakatayo sa harapan ko. Mahigpit kong hinawakan ang aking libro at handa na akong ipalo sa kanya ito. “Excuse me, Miss... Pʼwede bang hingi ang number mo?” Tinignan ko siya habang may malaking ngiti sa kanyang labi. “Hinarangan niya si Lilac. Sure ba siya sa ginagawa niya?” “First year... Kaya naman pala.” “Baka tumakbo niyang si Lilac dahil sa ginagawa niya.” Napalunok ako nang marinig ang bulungan sa paligid ko. “Ah... S—sorry po!” malàkás kong sabi sa kanya. Mabilis akong yumuko at halos patakbong lumayo sa kanya “Sabi na nga ba.” “Hindi na natuto.” “Hala! Tinakbuhan na naman ako!” Narinig ko rin ang boses ng lalaking kumausap sa akin, pero hindi ko yon pinansin dahil may narinig akong nagtatawanan. Paniguradong trending na naman ako. Napahinto na rin ako nang nandito na ako sa tapat ng building ng Marketing Department. Napahawak ako sa aking puso dahil hiningal ako sa pagtakbo ko “Grabe... Kinakabahan talaga ako kapag may kumakausap sa akin na lalaki,” kausap ko sa aking sarili. Pumasok na ako sa building namin at nagulat ako nang may dalawang babaeng yumakap sa aking magkabilang braso. “Lilac!” Napangiti ako nang makita ko ang dalawang matalik kong kaibigan. Si Zephanie Valdez, isang kikay, cheerful at hopeless romantic na halos araw—araw ay ka—video call ang kanyang boyfriend. Hindi pa naman niya pinapakilala sa amin dahil pabago—bago rin siya ng boyfriend. At si Umara Alcatraz, isang prangka, funny, at independent na babae. Alam ko ay may gusto siya sa brother in law niya. Not sure pa ako roon. “O, ano na naman ang kailangan ninyong dalawa?” natatawang tanong ko sa kanila. Napabuntong—hininga si Zephanie. “Hay naku! Kagabi kasi ay sinurprise ako ng boyfriend ko! Pinuntahan niya ako sa bahay namin dala ang favorite kong flowers and milk tea kaya ayon nagalit na naman si dad,” nakangiting sabi niya sa akin. “Wow!” Hindi ko alam pero naiinggit ako sa kanyang sinabi. Nakita kong ngumiti rin si Umara habang ipinapakita ang wallpaper ng cellphone niya. “Tapos ako naman, sinundo ako kanina ni brother in law! Hinatid pa ako rito sa university. Sweet, ʼdi ba?” Hindi ko napigilang mapanguso. “Sana all.: Nakita kong nagkatinginan sina Zephanie and Umara bago sabay na tumawa. Tinignan ko silang dalawa. “Huwag kayong tumawa,” sabi ko at naupo sa upuan ko. “Lilac, paano ka magkaka—boyfriend kung lahat ng lumalapit sa iyo ay tinatakbuhan mo?” natatawang tanong ni Zephanie sa akin. “Oo nga. Kahit gwapo pa ʼyang nasa harapan mo ay para kang nakakita ng multo kung makatakbo,” dagdag ni Umara. Namula ang pisngi ko sa kanilang sinabi. “H—hindi ko naman kasalanan. Nahihiya lang talaga ako,” pag—amin ko sa kanila. “Paniguradong may tinakbuhan ka na naman kanina, ano?” Napahinto ako sa kanyang sinabi. Hindi ako sumagot sa tanong ni Zephanie. “Mayroʼn nga ulit!” “Twenty years old ka na, girl!” natatawang sabi ni Zephanie at inakbayan niya ako. “Malay mo, future husband mo na pala ang susunod na kakausap sa iyo... Tapos tatakbuhan mo lang,” dagdag na sabi ni Umara. Agad akong umiling sa kanilang dalawa. “Huwag muna. Hindi pa ako ready.” Narinig kong nagtawanan sila. “Anong hindi pa ready? Twenty years old ka na katulad ng sinabi ni Zephanie kanina, Lilac. Pʼwede ka ng mag—asawa! At hindi lang iyon... Pʼwede ka na rin mabuntis!” Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “A—ang bunganga mo, Umara,” mahinang sabi ko sa kanya at tumingin sa paligid. “Totoo naman kasi ang sinabi ni Umara, Zephanie...” Sinindot niya ang aking dimple. “Ang ganda mo... Pero umiiwas ka naman. Ano ba ang tipo mo sa lalaki, ha?” tanong niya sa akin. Napalunok ako sa kanyang sinabi. “Namumula si Lilac, Zephanie. Mukhang may ideal man siya.” Hinaplos ni Umara ang aking buhok. “So, ano ang ideal man mo?” Akala ko naman ay hindi na sila magtatanong pa. “Um, m—mas matanda sa akin, mas matangkad then—” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang mag—bell na, simula na ang first class. “Argh, nag—bell na! Later na lang ulit tayo mag—usap, Lilac!” Nakahinga akong maluwag nang marinig ang bell. Hindi rin naman nagtagal ay lunch break na namin. Lumakad na kami papunta sa canteen at mukhang nakalimutan na talaga nila ang tungkol sa tanong nila kung ano ang ideal man ko. Mabuti naman kung ganoʼn. “Ang daming tumitingin sa iyo, Lilac. Ang ganda mo naman kasi...” “Iyon nga lang, Zephanie... Mahiyain ang best friend natin.” Tinulak ko na silang dalawa para lalo kaming mapabilis sa paglalakad, pero ang dalawang ito ay nagpapabigat pa lalo. Kainis talaga. Nang makarating sa cafeteria ay naghanap na kami ng pʼwesto at sa tago kami naupo. “Paano ka hahanap ng mas older sa iyo at mas matangkad sa iyo, Lilac... Kung nandito tayo sa tago naupo?” tanong ni Zephanie at lumingon sa paligid. “Aha! Baka sa OJT natin siya maghahanap ng boyfriend. Tama ba ako, Lilac?” “Huwag na muna natin pag—usapan ninyo. K—kumain na muna tayo lalo naʼt next semester pa naman ang OJT natin,” pag—iiba ko sa usapan namin. “Oo. So, anyway... Nabalitaan ninyo ba ito, ha?” Nagulat ako nang may ipakita si Umara sa amin thru his phone. “Anong mayroʼn dʼyan?” tanong ni Zephanie sa kanya. “Hindi ninyo pa ba nababalitaan ang tungkol dito?” “Nababalitaan? Ano iyon?” tanong muli ni Zephanie. Nakatingin lamang ako sa kanila habang kumakain, nakikinig din. “May dalawang batang nawawala raw. Ilang araw na silang makita. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap.” Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “Kawawa naman ang parents nila,” komentong sabi ko. Tumango si Umara sa akin. “Sabi pa raw rito ay malaking reward ang ibibigay sa sinumang makakatulong na mahanap sila.” Napabuntong—hininga si Zephanie. “Sana safe lang sila.” Tahimik akong tumango habang kumakain pa rin. Sana talaga ay safe sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
750.4K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
983.4K
bc

A Warrior's Second Chance

read
362.1K
bc

Not just, the Beta

read
349.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook