LEVI POV “MARAVILLA University, huh?” Nakataas pa rin ang sulok ng aking labi. “Yes, Sir Levi.” Bigla kong naalala na magtuturo ako sa Maravilla University bilang substitute professor para kay Hanzel. Alam ko ay mangyayari iyon sa end of August. Malapit na. Kapag hindi ko pa siya nahanap, ako mismo ang hahanap sa kanya roon dahil mas malaki ang pagkakataon na makita ko ang babaeng iyon. “Maganda ang ngiti ninyo, Sir Levi,” sabi ni Dino sa akin. “By end of August... Magiging substitute professor ako sa Maravilla University... Pagkakataon na iyon na ako ang mismong maghanap sa kanya kung hindi pa natin siya mahahanap ngayong linggo,” sagot ko kay Dino. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero bigla rin iyon nawala. “Copy, Sir Levi.” Napahagod ako sa aking buhok. “Huwag ka pa rin tit

