LEVI POV KINABUKASAN, maaga akong nagising para pumasok muli sa company ko. Hindi pʼwedeng hindi ako mag—trabaho. “Daddy, balik ka na ulit sa work?” tanong ni Cameron sa akin. Nandito kaming tatlo sa dining hall. “Yes, Cameron. I am. Kailangan ko muli. Kailangan ako sa company natin kaya papasok na ulit ako today,” sabi ko sa kanila. “but donʼt worry dahil nandʼyan naman sa tabi ninyo ang nannies ninyo. Hindi kayo pababayaan niyan, ha? May tiwala ako sa kanila na kayo mapapahamak kapag kasama ninyo sila.” Tinapik ko ang kanyang balikat. “I know naman, daddy! Mabait si ate Bebeng po! Tapos galing tumalon!” malakas na sabi ni Lauren. Mukhang nakasundo na niya talaga ang kanyang Nanny. “Opo, daddy. Si ate Tina rin po ay galing din niya po! Kapag dumating si uncle Sebi, papabugbog ko siy

