LEVI POV TAHIMIK kong isinara ang pinto ng kʼwarto nina Cameron and Lauren nang makita kong mahimbing na silang natutulog. Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki dahil sa pagkakataon na ito. Nakita ko na muli ang mga anak kong mahimbing na natutulog. Kanina ko pa sila kinuwentuhan ng bedtime story hanggang sa tuluyan silang nakatulog. Ilang beses ko pang hinaplos ang kanilang buhok bago pa ako tuluyang lumabas. Pagkalabas ko sa kanilang room, nakita kong naghihintay si Dino sa hallway. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo nang tuwid. “Sir Levi.” Napatingin ako sa kanya. “May update na ba, Dino?” tanong ko sa kanya. Tumango sa akin si Dino. “Yes, Sir Levi.” Tinignan ko lamang siya. “Nabalita na sa buong Philippines na ligtas nang nahanap sina Cameron and Lauren.” sabi niya

