LILAC POV “LILAC... Anak... Gumising ka dʼyan.” Nakaramdamn ako ng pagtapik sa aking balikat habang marahan din akong inaalog. Napakunot—noo ako at dahan—dahang gumising dahil paulit—ulit kong naririnig ang boses na iyon. Nanlalabo ang aking mga mata pero agad kong nakita ang mukha ng gumigising sa akin. “M—Mama?” mahinang tawag ko sa kanya. Bumungad sa akin ang mukha niya, pero jmbes na nakangiti siya ay halatang natataranta ito. “Ma, a—anong nangyayari?” tanong ko sa kanya. Nakahiga pa rin ako sa kama ko. “Anak...” mahinang tawag niya sa akin. “May naghahanap sa iyo sa ibaba.” Tuluyang nawala ang antok na nararamdaman ko. “Ha? Ano po?” malakas kong tanong habang nakatingin pa rin sa kanya. “May naghahanap sa iyo, Lilac.” mahinang sabi niya sa akin. “Naghahanap po sa akin?

