LILAC POV “AKO na bahala sa iyo, Miss Lilac. Come on.” Hinawakan na niya ang kamay ko at lumakad kaming dalawa. Nakatingin lamang ako sa kamay naming magkahawak—kamay ngayon habang naglalakad kami palabas ng Flavor of the Month Bar. “S—saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya “Sa car ko.” Sa car niya? Teka sa mga sinasabi nina Zephanie and Umara ay doon daw madalas may nangyayari, ʼdi ba? Napalunok ako sa aking naiisip kaya jmjling na lamang. Nakalabas na kami at ngayon ay naglalakad pa rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan naka—park ang sasakyan niya. Hanggang huminto na siya sa paglalakad at nakita ko ang isang black car, thrice ko na ito nakita ngayong araw. Binuksan niya ang kanyang kotse at pinapasok niya ako sa passenger seat hanggang umikot siya sa kabila. Ang bang

