LILAC POV NANG matapos may nangyari sa aming dalawa ni daddy Levi ay nagpahinga na muna kami sa sofa, yakap ang isaʼt isa. Ganoʼn lang ang ginawa naming dalawa hanggang nagpasya na kaming maligo muli, hindi kami sabay. Bandang hapon, alas—dos ng hapon ay lumabas na kami sa penthouse ni daddy Levi. Kailangan na naming umalis lalo naʼt pupunta pa raw kami sa hospital. Suot ko na ang dress ko dahil nilabhan pala ni daddy Levi ang dress ko kagabi pa, kaya pala hindi ko makita—kita sa room niya kung saan kami nagtalik. Nasa loob na kami ng elevator muli habang inaayos ko ang laylayan ng aking dress. “Thank you, daddy Levi.” “Thank you for what?” mabilis na tanong niya sa akin. Tinignan ko ang aking dress. “Um, about sa dress ko. Thank you dahil nilabhan mo ito,” sabi ko sa kanya. “Hindi

