LILAC POV NAPATAYO na kaming lahat nang marinig ang bell, hudyat na lunch break na namin. “Lucky! Gutom na gutom na ako!” Napalingon ako kay Zephanie nang marinig ko ang malakas na reklamo niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. “Hey, dalian ninyong magligpit, Lilac and Umara!” malakas niyang sabi sa amin. Hindi pa siya nakuntento dahil hinila pa niya kami ni Umara palabas sa classroom namin. Nakita kong tumawa si Umara habang hinihila pa rin kami ni Zephanie. “Ikaw talaga... Pagkain agad ang iniisip,” sabi ni Umara. “Hey, hindi ako gaano nakakain kaninang breakfast sa amin... Si dad kasi ay panay ang panunumbat na naman sa akin na maghanap na ako ng matinong boyfriend... Hello? Matino naman ang boyfriend ko, ha?” Napatingin siya sa amin ni Umara pero walang sumagot sa aming dalaw

