AEESHA'S POV
Hinatid ko sa airport ang mga anak ko kasama yung mga yaya nila, hindi na natuloy pumunta yung pinsan ni Dae Hyun na supposed to be susundo sa kanila dito sa Pilipinas, dahil may emergency na nangyari sa husband nito kaya nakiusap na lamang ito na ihatid sa airport or kahit sumama na lamang ako sa kanila sa kOrea. Pero dahil sa may klase ako at exam ko that day at hinatid ko na lamang sila sa airport ng mas maaga sa klase ko.
" anak mag ingat kayo dun ha, say hello na lang for me kila lolo at lola mo ha, yung mga bilin ko sa inyo ha."
" yes mom, bye bye!" ....paalam ng mga anak ko bago sila tuluyang pumasok sa loob ng airport, mabuti na lang at may kakilala kami sa loob kaya pinayagan nila akong makapasok at maayos ko kung saan sila pipila, although this is not the first time na mag travel sila na kasama ang mga yaya lamang nila. Kampante naman ako dahil yung pilot ng airplane ay kamag anak ko kaya siya na mismo ang mag guguide sa mga bata sa loob.
kung wala lang akong exam sumama na ko talaga para makadalaw na din sana sa tito ko. mataga na din akong di nakaka punta sa kanya, ng malaman nito na nagsisimula na akong muling tumanggap ng offer ay nagulat din ito, lagi din itong updated sa mga photo at videos ng twins ko kaya excited itong makita nila. nangako naman si Dae Hyun na dadalhin niya ang kambal sa tito ko para makita ito ng personal.
this is the first time na makikita nila ang kambal kaya excited sila makita ang mga anak ko. Isa din ang tito ko sa hindi pabor muna sa pagbabalik ko sa korea, matindi daw kase ang mga media ngayon mag expose ng baho ng mga artista at karamihan sa mga artista ay talagang nagkakaroon ng depression at nauuwi sa pagpapakamatay. Natatakot siguro siya na baka magaya ako sa mga yun.
" call me anak once you landed and with your aunty already ha?"
" yes mom, i love you" ..wika ng anak kong lalake
" i love you mom" ...wika din ng anak kong babae at tumakbong muli sa akin para akapin ako at halikan sa labi, kaya nakigaya din ang isa kahit kelan talaga hindi nagpapalamang ang isat isa.
" ingat anak ha, your tito Dave will waiting in the plane now, hes texting na sige na. kayo nang bahala sa mga bata ha."...wika ko sa dalawang tagapag alaga ng mga anak ko.
Nakakalungkot lang isipin na uuwi ako mamaya sa bahay nang wala sila, sobrang tahimik ng bahay kapag wala mga anak ko tatlo lamang kami ng mga katulong sa bahay ngayon. Ngayon pa lang nalulungkot na ako paano pa pag laki nila at tuluyang sa Korea na sila manirahan.
" sorry sis ha, di ako pwede tonight sa bahay mo alam mo na may date ako at sa batangas pa yung pupuntahan namin ni Dexter, pasensiya na ha diko naman alam kase na ngayon pala yung alis ng kambal akala ko nung isang araw pa."
" okay lang no, alam ko namang mas masaya kang kasama yung jowa mo kesa sa akin, kahit kailan naman hindi ako ang pipiliin mo." ....madiin na wika ko kunwari naggalit galitan ako sa kanya sabay ismid ko
" taray, gumaganyan kana ngayon? ano yan praktis lang at mag audition ka na din sa pagiging artista haha di bagay sayo , kumanta kana lang baka sumikat kapa hahaha"..tawang wika nito lakas din makapang okray ng kaibigan ko kahit kelan.
" baliw ka talaga wala ka talagang ka support support sa best friend mo"
" hahaha, yun nga e kase nga BBF kita kaya nagsasabi ako ng totoo sayo hahaha, wala ka kaseng K sa aktingan day, pwede pa sa kantahan at rampahan talagang number one fan mo ako."
" oo na salamat ha ang bait mo talaga, kaya mahal na mahal kita e, kaya halika na tayo na lang iwan mo na yung jowa mo ako na lang ang jowain mo"..wika ko sa kanya sabay yakap ng madiin at kunwari hahalikan ko siya sa labi pero ang lokaret umiwas sa akin na akala mo diring diri.
" diring diri yarn? arte mo a choosy kapa ayaw mo pa sakin parang kailan lang ikaw tong nagsasabi na kapag hindi ka pinatulan ni Dexter tayo na lang hahahaha"....wikang pang aasar ko sa kanya, naalala ko pa kase last year ata yun sobra sa pag iyak ang lola dahil talagang mahal na mahal nito si Dexter masyado kaseng pakipot ang mokong pero halata naman na gusto din niya ang best friend ko masyadong pa hard to get kaya ang siste sobra sa pag iyak at nagbiro pa na kapag hindi pa naging sila ni Dexter ay kaming dalawa na lang daw.
" di tayo talo tol pasensiya kana, lalaki pa din ang kailangan ko yung magpapaligaya sa akin at magpaparamdam ng kasiyahan hahaha" ..wika nito na umaarte din at mukhang nahawa na din ata sa kadramahan ko dahil ang bruha kung makatingin sa akin mula ulo hanggang paa tapos tatawa.
" iwwwww...your so grosss "..wika ko habang nakangiwi magsalita natigil lang kami ng mag ring yung phone ko at nang makita ko yung number ng anak ko ay dali dali ko itong sinagot.
hi ! mom ! lolo dady say's you can come with us naman daw tutal vacation mo rin naman daw next week pwede kang sumunod sa amin dito para sabay sabay na tayong babalik diyan.What do you think mom? you want to come with us"?-...wika ni Ady habang naka video call kami at panay ang kaway naman ng kapatid nito sa likuran niya banda nakita kase nito si Ashty sa tabi ko na kaway din ng kaway.
" I dont think so baby, kase diba may defense pa ako sa isang subject ko by next week pero check ko sched ko baka ako na lang ang susundo sa inyo diyan pag uwi niyo. pakisabi kila lolo daddy mo thank you kaso may klase pa akong isa at ito yung pinaka importante sa lahat e." ..paliwanag na wika ko sa anak ko, kahit gustuhin ko man alam naman nila na hindi ako close sa kanila at wala ako ni isang kakilala sa kanila hindi lamang ako makakakilos ng maayos pag dating ko dun.
" okay mom ill tell them na lang po. ingat kayo diyan, hello tita pretty Ashty ikaw muna bahala sa mommy namin ha dadalhan kita pasalubong "..wika ng anak ko napailing na lamang ako dahil sa tawag nitomkay Ashty na talagang may pretty pa sa umpisa si Ashty kase nagpa uso nun lagi daw talagang may pretty sa umpisa tawag sa kanya na kinasanayan naman ng mga bata talaga.
" woow so sweet naman ng inaanak ko, wag kang mag alala ako muna ang bahala kay mommy niyo dito enjoy lang kayo diyan"...
" yes tita pretty Ashty"
" don' t worry about me son, im a big girl na kaya ko na po ang sarili ko, ingat kayo diyan ha and be a good boy and girl to them okay."
" yes mommy, sige na po lolo daddy call us na e bye bye po, i love you mom i love you tita pretty ashty?" wika ng anak ko sabay flying kiss pa.
" see you mga inaanak i love you both"..wika naman ni Ashty at maya maya ay tumatawag na yung sundo niya kaya naman ang hitad nag retouch agad at nagpa bango at nakalimutan na atang nandito ako sa tabi niya. Dahil dire diretso na agad umalis.
talaga to pag nandiyan na yung jowa niya nakakalimutan ang best friend niya. pero maya maya naman ayun at nagtext na puro tawang emoticons at sinabing nakalimutan niya mag kiss sakin at paalam. nag reply lang ako ng sad emoticons at salitang cheater.
Naalala ko na naman bigla yung alok ng father ni Dae hyun, dati rati yung mother lang nito ang nagsasabi na pumunta kami but now yung father naman niya .Alam kong hindi lang ako mag eenjoy at baka maging killjoy pako kung sakaling sumama ako sa kanila sa Korea, dahil siguradong ayaw naman akong makasama ni Dae hyun at baka may maka kita pa sa akin dun na kasama ko yung family or even relatives niya kung sakali , tutal may plano din naman ang friends ko after the defense na pumunta ng amang pulo, kasal kase ng kapatid ni Irene invited kaming tatlo at isa kami sa brides maid ng kapatid nito. naging ka close din namin kase yung ate niya dahil madalas kapag may projects kami siya ang gumagawa at dun kami natutulog.
Ako lang naman ang hindi natutulog dun dahil hindi ako pwede walang kasama ang kambal isa pa malamang tatawag lang ng tatawag ang dalawang yun sakin hanggang sa makatulog sila. mabuti na lang at magaling magsinungaling si Ashty at nagagawan niya ako ng alibi kaya hindi ako nakakatulog dun. and besides kami ang naging tulay sa love story ng kapatid niya at pati sa proposal nito ay kami ang naging tulay sa surpresa para sa kanya.
matagumpay ko namang na discuss ang thesis namin kaya lahat kami ay sabay sabay namili ng mga dadalhin namin sa amang pulo. nakuha na din namin yung mga gown na susuutin namin sa kasal kaya habang nag eempake ako ay tinawagan ko ang mga bata pero walang sumasagot kaya yung yaya nila ang tinawagan ko.
wala pala sa bahay ang mga bata at low batt ang ipad nila kaya hindi nila dinala na. may pinuntahan daw ang mga ito kasama ang mga lolot lola nila. nagbilin na lamang ako sa kanila na bantayan nag mga bata for me. dahil baka hindi na ako makatawag mamaya dahil maaga kaming aalis papunta ng amanpulo.
" wow , this is so beautiful, this is like a paradise...kapag ikinasal ako gusto ko dito Ang honeymoon namin..-." Wika ng kaibigan kong si Maegan na isa din sa close friend ko.
" sira , honeymoon ka dyan, ni hindi ka nga pinapansin ng crush mo, saka wala ka pangang bf no.."...pang aasar na wika ni Shaira kay Maegan kahit kailan sila ang akala mo laging magka away lagi kasing kontra sa isat isa ang dalawa nagkatinginan na lamang kami ni Ashty at napailing sa dalawa.
" Siya nga pala Shaira magkakasama ba tayong apat sa room?" wika ni Ashty kay Shaira na siyang kapatid ng bride.
" Kayong tatlo lang kase ang ate gusto niya magkasama kami sa room e alam mo na last bonding na namin at last moment na magkasama kami sa room kase after this baka hindi na maulit na magkatabi kami dahil may asawa na siya."
" ah okay, tara na at maayos na natin tong gamit natin sa taas." wika ni Shaira at sabay sabay na kaming umakyat sa taas.
" sya nga pala girl, mabuti naman nakasama ka sa min ngayon, mabuti at nakawala ka sa mga Smart mong bantay....".. Natatawang wika ni Megan, kilala kase nito ang kambal pero ang alam nila aside from Ashty na kapatid ko lang yung dalawa. Nagkatinginan na lang kami ni Ashty at natawa lang ito.
" oo nga , dati kada aya namin sayo laging yung kambal ang nasa isip mo, napaka swerte Ng mga yun sayo kahit step sister and stepbrother mo lang yung mga yun..." wika naman ni Shaira na sinamahan kami sa room namin muna.
" sino ba namn kasi makakatanggi sa twins na yun, very smart kids, ang liliit na tao kung makapagsalita Akala mo mas matanda pa sa atin kung umasta...-" nakangiting wika ni Asthy sabay kindat sa akin
" ahh! Wala sila nasa Korea dun sa mga lolo nila nagbakasyon..-"
" lolo nila as in sa side ng father nila"
" ah oo sa kabilang side kaya free ako today tomorrow at sa isang araw ahhhaha"
" kaya pala naka sama ka sa amin ngayon no, kasi day off mo day! Hahaha! Mabuti naman pinag binigyan Ka nya ng day off.." -wikang pang aasar ni Megan
Sila ang pinaka close at lagi kong kasama sa school lagi aside from Ashty na nakakaalam ng sikreto ang pinaka close ko dahil siya ang una unahang babae na lumapit sa akin at kahit magka away kami nung una dahil sa crush niya na sakin nagka gusto at nang lumaon siya pa naging BFF ko.
hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, alam kong magagalit sila at magtatampo sa akin once they found out about the twins identity. lalo pat si Ashty lang ang nakakaalam, aksidente lang naman ang pagkakaalam niya ng lahat dahil ang loka diko alam na sumunod pala sa akin sa bahay at dahil bago pa lamang yung mga katulong ay punapasok ito at dun nakita at narinig niya na mommy ang tawag sakin ng dalawa pati na din Ng usapan naming tatlo kaya on that day pinakiusapan ko siya na kung pwede ay ilihim niya ito sa lahat.
" wow ang daming foreigners , ang daming koreano talaga dito no, karamihan dito puro Artista e at foreigners talaga..--Pagpapa cute ni Shaira habang nakatingin sa mga dayuhan pag baba namin the wedding will be held two days from now kaya may oras pa naman kaming mag enjoy.
" tara girls jet ski tayo...--Pang yaya naman ni Ashty
" halika lets go"
May lumapit na mga foreigner sa amin at ito talagang mga friends ko ayun kinikilig. at walang tigil sa pagpapa cute ako naman nag tetext sa mga anak ko dahil hanggang ngayon diko pa sila nakakausap.
" excuse me your familiar, have we met before"?...wika ng dayuhan na lumapit sa akin dito sa kinauupuan ko
" no im not" ..wika ko naman sa kanya
" Oh I remember i saw you lately on the magazine wait! " ..wika nito at dali daling umalis
" ay naku style ng foreigner na yun bulok"..bulong na wika naman ni mEgan sabay tawa ni Ashty ako naman parang biglang kinabahan sa sinabi niya at maya maya ay bumalik nga yung foreigner at dala dala ang isang magazine.
" it you right? this is you! " wika ng foreigner na mukhang chinese or japanes ata to, hirap siya sa english din kase. Napangiti lang ako at sasabihin ko sana na hindi ay biglang nagsalita tong si Megan
" yes thats her, why?"
" Im a photographer and talent agent too in Chinese here is my card if you want i can make you star"..wika nito at napailing na lang ako.
" Im sorry sir im not interested, being a model is the only thing i like to do. and besides id already have a manager." wika ko sa foreigner pero talagang makulit ito at nahalata na ata ng tatlo na malapit na akong mabwisit kaya sinalo na ni Ashty ang pakikipag usap.
at kunwari may kausap ako sa phone at mabilis akong nag excuse kita ko na hinahabol pa din ako ng tingin ng photographer na yun kaya mabilis kong tinext sila na mag jetski na lang kami para makaiwas sa foreigner na yun.
Sobrang napagod ako sa ginawa naming pag jejetski at paglalakad kanina sa tabi ng dagat kaya hindi ko na kaya ang antok ko kanina pa pumipikit ng kusa ang mga mata ko. Halos wala din kasi akong tulog ng mga nagdaang araw dahil after ng pictorial ko ay bumiyahe na kami papunta dito sa amang pulo...
At lingid sa kaalaman ko at na feature na naman ako sa internet .......