AEESHA'S POV
we have fun sobra sa sa beach, aside from that foreigner photographer na yun wala naman ng nang istorbo or kahit sinong tao na lumapit muli. Nag enjoy kami sa pag Jetski namin, tanging si ashty lang talaga ang marunong sa Jetski kaya siya nagsolo talagagusto ko sana na umangkas na lang sa kanya kaso ang bruha takot kapag may angkas delikado daw at baka mapahamak niya ako lagot daw siya sa kambal pag nagkataon.
Kaya dun ako nakaangkas sa isang classmate namin na lalaki na invited din dahil pinsan pala ito ng groom. Dun na lang kami nagkita kita sa may Jetski banda. nagkagulatan pa nga kaming lahat dahil kahit Shaira walang kaalam alam na kamag anak pala to ng groom nag asaran pa nga baka mamaya may isa pang surprise at yung teacher naman nila parents pala ng groom kaya nagkatawanan na lang ang lahat.
Classmate lang naman namin kase sila Brylle at Kevin sa dalawang subject. iba kase ang course ng mga to Kami ni Ashty Architecture while Shaira is into industrial engineering at si Megan ito fashion design. lahat kami magkakaklase noong first year pero pagdating ng second year may ilang subjects kaming magkakahiwalay tanging kami lang ni Ashty ang madalas magkasama sa mga klase.
kinabukasan nakita namin ulit sila ng mag brebreakfast na kami kaya nagsimula na naman ng kalokohan si Megan, kahapon pa kase niya talaga pinagtitripan tong dalawa lalo pat para talagang pinagtatagpo sila ng pagkakataon. Sa school kase hindi naman namin madalas makausap tong mga boysa, lagi kaming umiiwas sa kanila dahil halos lahat kase ng classmates namin na may girlfriend mga war freak, umiiwas lang kami masabunutan ba bigla na lang. Ako nga madalas magka issue dahil magmula ng kumalat yung mga photos ko sa magazine ang dami ko ng bashers and mostly mga girls. mabuti na lang at dipa nila nakikita yung pinaka bago dahil super iksi ng palda ng school uniform kahit pa mahaba ang socks namin kitang kita pa din yung hita ko mabuti na lang medyo tago yung isang binti ko.
" girl baka si Brylle na ang destiny mo" ..bulong na wika ni Megan kay Shaira na may halong pang aasar. Gwapo naman si Bryle may pagka chubby kang ng konti pero compare last year ang laki ng pinagbago niya. May pagka mestiso kase kaya madami din ang nagkakagusto dito at balitang may girlfriend ito na member ng isang cheersquad sa school namin.
" Shut up! baka magulat na lang ako isang umaga wala na kong buhok no, knowing hes rumor gf grabe sa pagka selosa at yabang ng babaeng hiyang hiyang ako sa kapal ng foundation sa muka hahaha"..wika naman ni Shaira
" grabe siya o maka panlait hindi ba pwedeng nag mamadali lang kaya nasobrahan yung lagay ng foundation saka day wag lalang langin yun mahal yung foundation niya hahaha"...wikang dagdag ko sa oang ookray ni Megan, napansin ko namang masyadong tahimik si Ashty sa isang tabi yun pala walang tigil kakadutdot sa cellphone niya kanina pa, akala mo hindi na magkikita tong dalawa kagabi pato hawak yung phone niya.
"OMG! si Cardo!" ..biglang sigaw ni Megan sabay lingon sa likod at harap niya pati sa gilid
" Cardo? Cardo sa probinsiyano ? CoCo Martin!!!" ..biglang salita ni Ashty at tumigil sa pagtetext ang loka ng marinig ang sinabi ni Megan lahat naman kami napatingin din kung saan nakatingin si Megan
" si Cardo yung kapitbahay namin dati probinsiya" ..wika nito na pa iling iling kunwari pero nangingiti na at mukhang nahulaan naman ni Ashty na ginugudtime lang siya ni Shaira kaya binatukan niya ito.
" aray ko naman " Natawa na lang din pati yung mga guys sa kalokohan ni Shaira
" Hahahaa baliw ka talaga Shaira lakas ng tama mo."
" kase naman masyadong seryoso yung isa diyan kanina pa text ng text pero nang marinig pangalan mi Cardo ayun ang bilis naman bitawan ng phone niya."...natatawang wika ni Shaira, crush na crush kase ni Ashty si coco martin at walang palya sa panood ng probinsiyano kaya kapag narinig pa lang niya name nito kanina akala talaga niya si cardo na nang probinsiyano.
" Now I know na kaya mo palang palitan ang jowa mo at ipagpalit ang oras mo sa kanya hahaha alang alang kay Cardo"..natatawang wika ko kay Ashty
" Ano ba kayo, Si Coco Martin pantasya ko lang yun pero yung boyfriend ko true to life story yun hahaha"
" actually madami namang artista dito e, hindi ko lang talaga kilala yung mga name nila pero pamilyar sila sakin, siya nga pala meron ka pang di nakukuwento sa amin ha about dun sa latest mong photo sa magazine diko pa malalaman kung di lang nangulit yung photographer na yun kahapon"...wika naman ni Megan
" wow really? may lumapit sa inyong photographer?" ..singit ni Brylle sa usapan namin halos magkadikit lang kase yung mga table namin.
" Yes at nangulit na parang si Aeesha nga daw yung nakita niya, tapos ayun lumapit dala na yung magazine kaso ang lola mo deadma ayaw pang umamin."..wikang pagbibida ni Shaira sa mga boys
" wala naman kaseng dapat pag usapan dun, nag momodel lang ako hindi naman ako artista saka alam ko na kasunod nun magbibigay ng calling card kukunin ka kuno nila papasikatin ka nila, something like that, kaso wala sa vocabulary ko ang mga ganung bagay. enjoy lang ako at masaya nako sa minsan minsan lang na pagpost sa camera."
" haba ng buhok mo te, tarayan yung foreigner, ganda ka, but in fairness maganda ka naman talaga inggut nga ako sayo e, kaya pahiram muna ng ganda mo te ako na lang ang tatanggap ng mga nag ooffer sayo." ...pang aasar na wika ni Megan.
Megan is pretty too maliit nga lang siya shes only 4'11 pero ayaw na ayaw niya sasabihan siyang 4"11 dahil 5 flat daw ang height niya. she had a small face at mahaba ang pilik mata, at sa aming apat siya ang magaling mag ayos at hindi papasok sa school yan hanggat hindi nakaka pag eyebrows, manipis kase ang kilay ng lola kaya muka daw siyang bakla ayon sa kanya kapag wala siyang eyebrows. siya ang maayos at mapustura sa aming apat.
kung ako kahit lipbalm lang sa pagpasok lalo nat kadalasan late nako nakakapasok kaya talagang lipbalm lang at sa kotse nako nag aayos ng buhok ko. si Ashty naman dating mapustura dupin ito laging naka make up pero magmula ng bawalan ng jowa niya na mas gusto nito yung simpleng babae lang ayun hindi Nag make up ang lola pero hindi pwedeng papasok siya na walang contour at lipstick ang lola at light eye shadow ang ginagawa niya.
Inamin kase ng jowa nito na dati ako daw ang crush niya kaya ang lola nakikipag tagisan sa akin kapag may nakikitang bago akong ginagamit or kung ano yung mga make up na ginagamit ko sa pictorial ay kailangang ganun din daw ang gamitin niya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na mas maganda yung dating siya na hindi niya na kailangan pang baguhin kung ano siya. Pero ang lola kapag mag pictorial ako talagang sumasama para ngang siya na yung PA ko dahil laging nasa tabi ko pero wag ka nagteteyk down note ang lola sa mga cosmetics na ginagamit sa akin. chinichika nito yung make up artist ko.
" Your really one of a kind Aeesha, kaya madami ang nagkaka crush sayo sa school e yung iba kapag ganyan talagng sila pa ang nangungunang magsabi sa mga friends nila at kapag may lumapit na kunwari agent naku ang bilis nila pero ikaw andiyan na konti na lang sikat na sikat kana. wala ngang nakaka alam sa school na model ka e. kung hindi pa nag congratulate yung isang prof. natin hindi ko malalaman e."..wika ng isang classmate namin na lalake na si Kevin
" yeah me too, ako kung diko nakita yun sa magazine ng kapatid ko diko malalaman na ikaw pala yun e."..wika naman ni Brylle
" talaga? sa kapatid mopa pano mo naman nalaman na siya yun?"...wika naman ni Shaira
" nanood kami sa bahay tapos may commercial break sabi ko na lang parang kilala ko yung girl tapos nagsalita yung kapatid ko sabi nga niya yan yung babaeng nasa magazine kanina tapos pinakita nga niya sakin tapos nakita ko name mo.".
" Ganyan yan di talaga nagsasalita, kahit kami na mga friends niya di rin namin alam basta nagsabi lang siya na di siya muna sasama samin kase may raket siya. akala naman namin kung anong raket ng bruha malaman laman lang namin yun pala yun nga sa commercial, sabi niya extra lang daw siya dun. tapos sunod sunod na raket niya pero etong isa ang malala kase international na kilala na ang bruha sikat na"
" sikat ka diyan, trabaho lang kase yun, diko naman kailangan pang ipagkalat kase sakin kase yung pag momodel parang trabaho lang. katulad lang yan nang matanggap ka sa inaplyan mo tapos yun na nagtatrabaho ka na, kailangan pa bang sabihin mo yun sa lahat na nagtatrabho kana sa lahat ng kakilala mo diba. "
" kunsabagay may point ka diyan. pero wait lang Kevin ha mabakik tayo sa sinabi mong maraming nagkakagusto sa friend namin sino sino ba sila ha.? " pangungulit na wika ni Megan kahit kailan talaga walang paliligtasin ang isang to e
" hahah yung mga classmate natin at saka yung ibang section and course siyempre nagtatanong sila madalas kung ano ang number ni Aeesha at kung classmate ko daw ba."
" binigay mo naman ba?" ..wika naman ni Ashty sabay kindat sakin."
" hahaha ako nga hindi ko kako alam ang number ni Aeesha e pano ko bibigay sa kanila"....wika ni Kevin sabay apir nila ni Brylle natigil lang kami sa tawanan ng dumating yung groom at pinakilala kami ni Brylle bilang mga bridesmaid sa kasal nila at mga classmate na din, Di rin makapaniwal yung pinsan ni Brylle na magkaklase kami.
Isang Congressman ang mapapangasawa ng kapatid ni Shaira, nasa 39 na idad nito pero hindi mo mahahalata sa idad niya akala ko nga nasa 26 lang siya masyadong baby face ang brother in law ni Shaira, kapag magkatabi sila ni Brylle aakalain mo na halos magkasing idad lang ang mga ito, malaking tao kase si Brylle din at chubby na nakadagdag ng maturity looks niya. but over all parehas silang gwapo.
mamayang gabi na nag kasal bandang 6pm kaya andito na kami at isa isa nang nakabihis tapos ng ayusan sila Shaira at Megan at kasakukuyang si Ashty naman ang inaayusan habang ang buhok ko ay inaayusan naman ng isang hairstylist. dalawa ang kinuha nilang mag aayos sa amin para sa mga brides maid at groomsmen. nakita namin kanina ang venue nakaayos na at napaka ganda.
" Sis kanina pa yung photographer na yun picture ng picture sa atin nahahalata ko na siya lahat ng angle kinukunan niya talaga pati pagtawa natin pati yun kinukunan niya." .bulong na wika ni Megan, kaming tatlo kase lang ang magkakatabi dito dahil mga brides maid kami si Shaira kase ang maid of honor kaya sa iba siya nakaupo banda
" loka, malamang bayad yan kaya kuha ng kuha ng picture yan wag ka na magniarte diyan baka naman hindi ikaw ang kinukunan ng litrato baka itong si Aeesha. Ganda kase nito ngayon e, muntik mo nang sapawan ng eksena yung bride hahaha." wika ni Ashty, nahiya naman ako sa sinabi nito kanina kase walang tigil ang bulong bulungan ng mga tao pag pasok pa lang namin sa venue actually pagbaba pa lang namin kanina sa elevator dami ng nakatingin sa akin kinabahan naman ako bigla dami nag pipicture na sa amin at sa akin preferably sa mga cellphone celphone nila sila nagpipicture kaya tong dalawa wala ng ginawa sakin kundi mang asar.
hanggang sa matapos ang kasal at nasa reception na kami ay hindi pa din tumitigil ang mga photograher at yung video man naman sakin na din nakatutok kaya nahihiya nako baka mamaya magalit sakin yung family ng couple dami pa namang politicians na bisita.
kaya ng maghahagis na yung kapatid ni Shaira ng flowers ay hindi ako sumama, though at first hindi talaga kami pinasali dahil daw baka nga ikasal agad kami at mga bata pa daw kami kaya yung mga friends of the bride lang ang pinasali pero dahil pasaway si Megan at naki ayon naman yung ibang bisita ay pinasali kami ayoko sana dahil nga kasal na ako alam ni Ashty yun kaya natatawa na lang to at sinabing maki ride on na lang ako
" OMG ang dami niyo palang fans ,kaya naman pala nagpipilit yung mga kalalakihan natin dito dahil napakagaganda pala ng ating mga single ladies dito e." ..wika naman ng EMCEE sa kasal nila at dahil dun naghiyawan ang lahat karamihan ang mga lalaki. lalo na si Brylle na siyang nakasalo ng hinagis ng groom kanina kaya ang lahat ay excited kung sino ang makakasalo sa babae now. binaligtad kase ng emcee ang tradition na ang bride ang unang maghahagis ng boquet niya kaya naman lalong na excite ang lahat ng tumayo na kami. feel ko tuloy sa akin nakatingin ang kahat.
" sis kapag hinagis sa atin yung flower ilag tayo ha hayaan natin si Shaira makasalo hahah si Brylle ang nakasalo diba hayaan natin sila"..wika ni Megan na pinagtripan naman muli si Shaira.
" hahaha sige sige"
" pano gagawin natin."
" sa likod natin papuwestuhin si Shaira para pag dating sa tin mabilis nating ilagan"
Kaya nang nasa gitna na kaming lahat ay ganun nga ang ginawa namin. Alam kong sa akin babagsak ang bulaklak kaya mabilis akong umilag at sakto kay Shaira yung bulaklak hawak hawak niya ito kita ko ang panlalaki ng mata ni Shaira sa akin at lakas ng hiyawan ng tao. kaming tatlo kase ang umiwas kami kase yung nasa harapan dun talaga kami nilagay ng EMCEE kanina. pero hindi nila alam na may balak na kaming tatlo sa kaibigan namin.
Tawa kami ng tawa at lumapit si Kevin sa amin sila ni Brylle.
" ang daya niyong tatlo ha kitang kita ko yung ginawa niyo hahaha" wika ni Kevin
" galing mo talaga umiwas Aeesha haha talagang ilagan yung bulaklak "
" hahaha ano kaba sakit kaya mabato ng boquet sa mukha, nakita mo yung muka ni Shaira pagkasalo niya ng bulaklak? hahah ang bigat nun."
" sabihin mo napagkaisahan niyo na naman yung isa" ..naiiling na wika ni Kevin at si Brylle naman ay tinawag na sa entablado para isuot ang garter sa legs nito.
Kita ko yung kung muka ni Shaira na nagbablush nang ilagay na sa binti nito yung garter at nang matapos ay hinanap nito kami at nang makita niya kami ay inambahan niya kami ng suntok kaya naman nagtawanan ang crowd sa inasta niya.
Naging masaya ang kasalan at nag enjoy kami sa food at magmula ng araw na yun naging parang close friend na din namin sila Brylle at nalaman namin mismo sa kanya na wala naman siya umanong girlfriend pa pero totoong nanliligaw siya dun sa isang member ng cheering squad. nagpalitan kami ng number kaya naman binalaan ko silang dalawa na wag ipapamigay ang number ko and let me know first kung sino nanghihingi ng number ko.
********************************
DAE HYUN POV
" appa! Look! omma was on the internet look! ..." Wika ni Adien sa akin, at first hindi ko sana titignan dahil busy ako sa pagbabasa ng script ko for my up coming drama series sa SBN. Pero ng binanggit niya na nasa internet na naman si Aeesha ay mabilis akong napatingin sa ipad ng anak ko.
" wow! Look at this dad, omma was really sexy in this picture. the beach was amazing! " ...wika ng anak kong babae
Shes beautiful sa photo, mukhang hindi niya alam na kumukuha sa kanyang larawan halos lahat ay candid shot lalo na yung nasa Jetski sila, at napataas ang kilay ko sa isang larawan niya na nakatayo sa Jetski habang may isang lalaki na nagmamaneho nito.
" Mommy says she will come po and make sundo to us daddy"..wika ng anak kong lalaki magkausap kase sila niyo kagabi sabi ng daddy ko at naka usap nga din niya si Aeesha at sinabing pupunta ito sa Korea na siya namang kinabahala ko lalo pat unti unti na siyang nakikilala ngayon.
alam ko na ang kasunod nun baka later on yung mga bata naman ang makita ng media. kaya dali dali akong tumawag pero out of reach yung phone niya kaya naman ang iwan na lang ako ng mensahe sa phone nito.