Chapter 13: The Choice

2509 Words
CHAPTER 13 – THE CHOICE   SANDRO HERRERA’S POV     Hindi ko pinakinggan ang pagsusumamo ni Zie hanggang sa matapat ako sa kanya’t niyakap niya ako sa aking baywang... kitang-kita ko ang nagdurugo niyang kamao..   “Sandro... baby ko.. I love you.. I love you... kakalimutan ko na ang lahat.. basta’t buhay ka.. basta’t akin ka... akin ka lang Sandro....”   Papalapit na ang kundoktor, mukhang napansin niya ang nangyayari rito sa likod... “Usto atan ading ko.. uston.. nasayaat tay kumamet...” bigkas ni Kuya na nagsasabing “Tama na yan ading.. tama na.. okay sana tayo..”   “Bumaba kay ban?” bababa na ba kayo ang tanong ng kundoktor sa amin ni Miko.   “Opo kuya...” ang sagot ko habang yakap-yakap pa ako ni Zie.   “Bitawan mo si Sandro... bitawan mo ang boyfriend ko! You and Railey are the accomplice of his Uncle Ferdz para paghiwalayin kami... and you managed to do that! Enough na Zie!” bigkas ni Mikong nanlalaki ang mga mata kay Zie... I don’t know, I felt like betrayed... Halos bumagsak ang panga ko sa gulat nang malaman kong kasabwat ng Tito Ferdz ko si Zie upang mapaghiwalay kami ni Miko... Gustuhin ko mang umiyak sa narinig ko ngunit kulang pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa nalaman ko...   “I’m sorry kung nagpanggap akong patay na.. I did that dahil masyado mo akong nasaktan... Zie, please let go of me... hindi na kita mahal.....” habang pilit kong kinakalas ang mga kamay ni Zie sa aking baywang...   Napayuko ako’t tumulo ang mga luha ko sa nagdurugong kamay ni Zie...   “Ginawa ko lamang iyon Sandro dahil mahal na mahal kita... at dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, inilayo kita kay Miko... and for Miko’s sake... nangako ako kay General Herrera to protect you... at kailanman hindi naging kami ni Christian...” he cried.. at mas humigpit pa ang pagyakap niya sa akin...   “At kailanman hindi rin naging kami ni Johnson... hindi kita maintindihan... hindi na rin mahalaga kung naging kayo ni Christian o hindi....” mahina kong tugon kay Zie..   “Sandro, patawarin mo ako kung minahal kita ng higit pa sa buhay ko.... at nasaktan kita ng sobra.... nasaktan kita dahil mahal na mahal kita....” pagsusumamo ni Zie habang mahigpit itong nakayakap sa akin...   “I don’t get it Zie, please bitawan mo na ako.... parang-awa mo na... kung mahal mo ako.......... let go...” madamdamin kong bigkas at binitawan na rin ako ni Zie.. “Huwag ka nang sumunod....” tulo luha kong sambit... kita ko ang pag-tango niya... nangangahulugang pinapakawalan na niya ako... napalingon na lamang siya sa may bintana... at kitang-kita ko ang sabay-sabay na pag-agos ng kanyang mga luha, ang kanyang paghikbi, at ang kanyang paghagulgol habang hawak-hawak ni Miko ang kamay kong tinutungo ang pintuan nitong bus... “Paalam Zie... paalam...” sa aking isip...   ----- (I Won’t Give Up playing on the radio...)   When I look into your eyes It's like watching the night skies Or a beautiful sunrise There's so much they hold And just like them old stars I see that you've come so far To be right where you are How old is your soul? I won't give up on us, even if the skies get rough I'm giving you all my love, I'm still looking up And when you're needing your space, to do some navigating I'll be here patiently waiting, to see what you find 'Cause even the stars they burn Some even fall to the earth We've got a lot to learn God knows we're worth it No, I won't give up I don't wanna be someone who walks away so easily I'm here to stay and make the difference that I can make Our differences they do a lot to teach us how to use The tools and gifts we got yeah, we got a lot at stake And in the end, you're still my friend at least we did intend For us to work we didn't break, we didn't burn We had to learn how to bend without the world caving in I had to learn what I've got, and what I'm not and who I am I won't give up on us, even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up, still looking up. I won't give up on us (no I'm not giving up) God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved) We've got a lot to learn (we're alive, we are loved) God knows we're worth it (and we're worth it) I won't give up on us, even if the skies get rough I'm giving you all my love, I'm still looking up -----                                                              Habang kausap ni Miko ang kudoktor dito sa tapat ng driver.. kitang-kita ko parin si Zie sa likod... hindi man ito nakalingon sa amin pero kitang-kita ko mula rito sa may pintuan ng bus ang matinding lumbay sa kanya...   “Ginawa ko lamang iyon Sandro dahil mahal na mahal kita... at dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, inilayo kita kay Miko... and for Miko’s sake... nangako ako kay General Herrera to protect you... at kailanman hindi naging kami ni Christian...” Nagpa-ulit-ulit ito sa aking diwa na parang sirang plaka... hanggang sa lingunin ako ni Miko nang matapos na niyang kausapin ang kundoktor..   Pinakiusapan muna ni Miko ang driver at ang kundoktor ng bus kung pwedeng sumakay na lamang kami ng ibang bus ng Partas kahit hindi na ito super deluxe..   “Okay na Sandro.. tara na...” sambit ni Miko ngunit ang mga mata ko’y nakatuon parin kay Zie... napansin ni Miko ang pag-daloy ng mga luha sa aking pisngi...   Biglang sumaglit sa aking diwa ang huling sinabi ni Zie sa akin... “Sandro, patawarin mo ako kung minahal kita ng higit pa sa buhay ko.... at nasaktan kita ng sobra.... nasaktan kita dahil mahal na mahal kita....”   And Miko grabs my hand, at sumunod na rin ako sa kanya pababa ng hagdan kasama ang kundoktor...   Pagkalabas ni kuyang kundoktor ng aking maleta’y umakyat na ito ng bus... Sa highway tapat ng isang motel kami naibaba... Napayakap ako kay Miko... kitang-kita naming dalawa ang pagharurot ng bus papalayo...  At hindi na rin kalayuan ang mismong bayan ng Urdaneta dito sa lugar kung nasaan kami ngayon...   Hinalikan ako ni Miko sa aking ulo habang yakap-yakap niya ako “Sandro gusto mo munang magpahinga bago tayo sumakay ulit ng bus?”   “Saan hubby ko?” tugon ko’t napatango ako sa kanya..   “Diyan sa may motel...” bigkas ni Miko malapit sa aking tainga kasunod ng paghalik niya sa aking pisngi. “Enough with Zie... Magpahinga muna tayo...” dagdag pa ni Miko.. at muli niya akong hinalikan sa aking ulo...   Bumilis ang t***k ng aking puso... kasabay ng malalim kong paghinga, at muli akong napatingin sa kanyang mga mata... napakindat ang hubby ko.. napalunok ako sa kanyang pagkindat...  “S-s-sige M-miko...” tugon ko habang pabilis ng pabilis ang pag-t***k ng aking puso...   -----   “Diyan sa may motel...” bigkas ni Miko malapit sa aking tainga kasunod ng paghalik niya sa aking pisngi.   Bumilis ang t***k ng aking puso... lumalim ang aking paghinga, at muli akong napatingin sa kanyang mga mata... napakindat ang hubby ko.. napalunok ako sa kanyang pagkindat... “S-s-sige M-miko...” may halong kaba kong tugon...   “Tatlong oras pa raw bago dadaan ng Urdaneta ang kasunod ng bus natin kanina...”   “Okay... Mag-rest muna tayo hubby ko...”   “Ako na ang bahala sa inyo ng kasama mong photographer, may ibang way pa by ferry going to Batanes hubby ko...”   “Talaga??”   “Yes, sa Cagayan.. araw-araw may biyahe, hindi gaya sa Currimao na twice a week lang..”   “Ngayon ko lang nalaman ‘yan hubby, I’m searching sa internet ngunit sa Currimao lang ang nakita kong pwede..”   “Taga Norte ako hubby.. hindi ko pa na-try pero ang Mama ko’y parating pumupunta ng Batanes..”   “Mabuti naman.. sige hubby, salamat...”   “Sasamahan ko pa kayo sa Batanes if you want.. Magpapaalam lang ako sa amin...” I was so excited nang marinig ko ang sinabi ni Miko.   “Sure hubby ko... punta na tayo ng motel?”   “Sige, but before tayo pumasok ng motel hubby... kailangan ko munang magpa-load.. I need to call someone.. just to sa goodbye... iyong taong sinasabi ko sayo kanina?”   “Yes hubby, sige...” sagot ko’t tinungo namin ang sari-sari store na katabi ng motel.   Habang isinusulat ni Miko ang kanyang numero at kausap ang tindera napatanong ako sa kanya kung papaano niya nalaman ang ginawang pagsasabwatan nila Railey, Zie at ng namayapa kong Tito Ferdz..   “6 months ago nang huli kaming magkita ni Railey sa Laoag, isa ako sa mga nag-lakad ng hospitalization ng kanyang Mother papunta ng US... may rare neurological disorder kasi si Tita and ‘yong Director namin sa CIDG ay mayroong kakilala na dalubhasa kaya inilapit ko siya sa Director namin.. Sobra ang pasasalamat sa akin ni Railey hanggang sa aminin niya sa akin ang ginawa nila noon ni Zie and your Uncle Ferdz.. hiyang-hiya raw siya sa mga kasalanan niya sa akin, lalo na ‘yong pakikipagsiping niya kay Jenna... since that incident hindi ko na kinausap si Railey.. hanggang ngayon masama parin ang loob ko sa kanya... Kagagaling ko lang ng Itogon, Benguet nang magkita kami sa Laoag, kasama niya ang younger brother ko... at nagulat siya nang sabihin kong galing ako sa inyo upang magbakasakali na makita kita dahil kahit sa haba pa ng panahong lumipas umaasa parin akong makita ka Sandro... And Railey was so guilty... inamin rin niya na sila ni Zie ang may pakana ng photos natin doon sa Spade.. pinadala nila ang picture nating magkahalik sa Uncle mo...”   “I don’t know Zie that time.. but why?”   “Zie is spying you for a long time simula ng mag-aral ka sa UC... siya ang mata ng Uncle Ferdz mo sa school natin dati.. Railey told me everything... pero hindi sinabi sa akin ni Railey ang naging relasyon niyo ni Zie.. hindi rin niya siguro alam.. si Railey naman ang mata ng Uncle Ferdz mo sa akin...” and he paused, bumalik ang mga mata ni Miko sa loob ng tindahan “Wait lang hubby ko, antagal ng load ko..” kinausap nito ang tindera.. “Ading medyo delay lang ng kaunti ang Globe ngayon.. pakihintay na lang” ani ng ng Ale sa loob.   “Kaya pala nang magkakilala kami ni Zie ay nahahalata kong parang marami na siyang alam tungkol sa akin..” wika ko nang itinuon ni Miko sa akin ang kanyang mga mata.   “And he had the privilege to be with you for a long time... he had you Sandro...” may halong lumbay na pagkakasabi ni Miko.   “Miko kahit ang tagal-tagal na, hindi ko parin alam kung bakit mahal parin kita... kahit wala akong picture mo at halos makalimutan ko na kung ano ang itsura mo... subalit itong nararamdaman ko’y hindi parin mawala.. at umaasa na balang araw magkikita ulit tayo...”   “Maybe there is something a connection between us hubby ko...” bigkas ni Miko kasunod ng malumanay niyang pag-ngiti, at nilapitan niya ako’t niyakap. Umupo muna kami sa dalawang silya, mukhang hindi pa dumarating ang load ni Miko.   “Uhmmm, kapag nagagawi ka ng Itogon, ano naman ang ginagawa mo doon?”   “Pinupuntahan ko ang bahay niyo.. alam kong iba na rin ang nakatira sa inyo kaya doon ako sa tapat ng bahay niyo, sa Tita Brenda mo..”   “Si Tita Brenda nga ang tumawag sa akin kanina...”   “Sa ilang taon kong pagpunta ng Itogon... hindi ako binigyan ng impormasyon ng Tita Brenda mo...”   “Iyon kasi ang bilin namin sa kanya na kahit sino ang pumunta doon huwag magsasabi ng kahit anong impormasyon tungkol sa akin at aming pamilya... upang hindi na ako matunton pa ni Zie...”   “Iyong mga sulat ko sayo, pinapadala ko sa address ng Tita mo nang malaman kong iba na ang nakatira sa bahay ninyo dahil alam kong kamag-anak mo sila... mabuti at hindi niya sinabing sa akin na wala ka na..”   “Para kay Zie lang iyon...”   “Pero hubby ko... masakit din iyon para kay Zie.. pero hindi kita masisisi dahil mayroon ka ring rason...”   “Basta Miko, mas masakit pa sa pagpapanggap kong patay ang nagawa niya sa akin... ayoko na ring alalahanin.... ang mahalaga magkasama na tayo hubby ko...” sambit ko’t niyakap ako ni Miko...   “Miko kung gusto mo mauna na ako sa motel, at mag-inquire na ako kung mayroong available room sila?”   “Sige Sandro... ang tagal ng Globe.. kapag wala pa bili na lang ako ng card... at susunod na rin ako pagkatapos kong makatawag.. ” tugon ni Miko habang hinihintay ang pagdating ng kanyang load.   “Sige Hubby, dalhin ko na rin ang mga gamit natin..” bigkas ko’t inabot ni Miko ang mga backpack naming kanyang  bitbit.   Ninais kong mauna ng motel nang hindi ko narin marinig ang pakikipag-usap ni Miko sa kung sino man ‘yong taong ka-something niya.. I don’t know, I just don’t wanna hear him speaking with that person..     Pagpasok ko ng motel ay kaagad akong nagtungo sa kanilang reception. Nalaman kong may dalawang available room na lamang sila, ito ay ang mga suite room na aircon, ang pinakamahal ang rate... napaisip pa ako kung hihintayin ko pa si Miko bago kunin ang room dahil wala akong malaking cash na dala... o gagamitin ko na lamang ang aking card nang makuha ko ang room at makapasok na ako? Ramdam na ramdam ko na rin ang matinding pagod, at gustong-gusto na ng aking katawang mahiga...   I decided na kunin na ang room kaya inabot ko na ang aking card sa receptionist... Sinabihan ko ang receptionist na may kasama ako’t i-guide na lang si Miko ng room attendant dahil mauuna na ako sa kwarto... Nang okay na ang lahat ay sinamahan na ako papunta ng room attendant sa suite room dala-dala ang mga gamit naming dalawa ni Miko.   While walking towards the suite room... biglang nag-flash sa aking isipan ang mga sinabi ni Zie kanina... “Ginawa ko lamang iyon Sandro dahil mahal na mahal kita... at dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, inilayo kita kay Miko... and for Miko’s sake... nangako ako kay General Herrera to protect you... at kailanman hindi naging kami ni Christian...”   Hanggang ngayon, naguguluhan parin ako sa sinabi niyang ‘yon, palaisipan parin sa akin... napasapo ako sa aking noo, kasabay ng aking malalim na pagpikit at paghinga... Iwinaksi ko na lamang ito sa aking isipan, at nagpatuloy na ako sa paglalakad...   First floor ang suite room sa pinakadulo... pagbukas ng attendant ng pinto ay kita kong maluwag at maganda ang suite.. binuksan muna ng room attendant ang aircon bago inabot sa akin ang susi’t lumabas ng kwarto.  Queen size ang kama, may sarili itong couch na may flat screen tv sa tabi, mayroon ding maliit na dining table at isang fridge.. pagpasok ko ng banyo’y nakita kong may sarili itong bathtub at shower sa tapat.. Pagkalabas ko ng bathroom after I pee... biglang sumagi sa aking diwa ang nasabi sa akin ni Miko kanina sa loob ng bus...   “Hubby ko, remember I have an alter account.. and I’ll be honest with you.. I was so nasty in that account but I did not expose my identity.. I’ll take down my account for you hubby ko..  Lastly, I’ll just call someone and say goodbye to him..”     Muling kumirot ang puso ko.. I dunno, I felt jealous in my heart.. at bakit ko naman kailangang makaramdam ng ganito, kung ako rin naman ay may alter account? Maybe, I need to be even, kailangan ko na ring tawagan si Hugo, to say goodbye to him habang wala pa si Miko..   Pag-upo ko ng couch, I dialled Hugo’s number... and it was ringing...   “Hello, Santino?” Hugo answered my call..   “Hugo I have something to say...”   “Yes Santino, I’m listening...”       To be continued...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD