CHAPTER 12 – I WILL ALWAYS LOVE YOU
SANDRO HERRERA'S POV
“But before that Sandro.. I need to call someone...” kinuha nito ang naka-charge niyang phone sa aking power bank. Bigla akong nagtaka at kinabahan, sino kaya iyon? “May karelasyon kaya ngayon si Miko?” naglalaro sa aking isip. Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang aking iPhone, naalala kong kailangan kong i-text si Mama dahil kikitain niya ako sa San Fernando Partas bus terminal mamaya.
“Malakas ang power bank mo hubby ko..” si Miko.
“Fast charger ‘yan..” sagot ko’t matiim ko siyang tinignan. “Miko, sino pala ‘yang tatawagan mo?”
“Hubby ko, remember I have an alter account.. and I’ll be honest with you.. I was so nasty in that account but I did not expose my identity.. I’ll take down my account for you hubby ko.. Lastly, I’ll just call someone and say goodbye to him..” Kumirot ang puso ko nang marinig kong may something siya sa isang tao... pero it’s his private life before, nakarelasyon ko nga si Zie, and I have Hugo Champ as well.. maybe I really need to say goodbye kay Hugo, hindi ko na rin siya kikitain after my Batanes trip... At biglang namayani sa aking pandinig ang intro ng kantang Chasing Cars na ipinapatugtog sa radyo.. dito mas nanaig ang nararamdaman ko kay Miko, lalo akong nasabik sa kanya, at tumindi ang pagka-uhaw ko sa kanyang pagmamahal.. I want more.. I want more of him...
-----
(Chasing Cars by Snow Patrol playing on the radio)
We'll do it all
Everything
On our own
We don't need
Anything
Or anyone
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?
-----
Nang buksan ko ang aking iPhone, mayroon akong na-receive na isang text.
“Sandro, iho ang Tita Brenda mo ito sa Itogon.. tawagan mo ako pagka-nabasa mo itong mensahe ko..” Agad kong tinawagan si Tita Brenda ang pinsan nila Mama, at sumagot naman siya kaagad.
“Hello Sandro, hindi ko na kasi alam ang bago mong numero mabuti na lang naibigay sa akin ng pinsan mo.”
“Pasensya na po kung ‘di ko naibigay sa inyo itong number ko.”
“Sandro dalawang taon nang wala akong number at kumunikasyon sa inyo ng Mama mo at kina Auntie, hindi na kayo na-uwi rito... kaya ako nag-text dahil naipon na ang mga sulat mo dito sa bahay..”
“Sulat galing kanino po?”
“Galing sa isang Miguel Konrad Manalo.. halos buwan-buwan siya nagpapadala ng sulat.. anim na beses o mahigit na siyang nagawi rito iho simula nang lumipat kayo ng San Juan, La Union.. Hindi ko sinabi kung saan kayo nakatira dahil ito naman ang kabilin-bilinan ninyo....” hindi ko na narinig ang mga sumunod pang sinasabi ni Tita.. sa kadahilanang ito ang dahilan ko sa pag-iwas ko kay Zie, ito rin ang mas nag-layo sa akin kay Miko... umusbong na lamang ang aking mga luha habang nakatingin sa taong mahal ko... kay Miko...
“Bakit hubby ko..” concern na boses ni Miko and he wiped my tears..
“Naaawa na nga ako sa binata dahil last week narito na naman siya iho...” dagdag pa ni Tita..
“Isilid po ninyo ang mga sulat Tita, at kukunin ko po ang mga ito sa pagdalaw namin nila Lolo, Lola at Mama..”
“Nang nabubuhay pa ang Manong Ferdz natatandaan kong pumupunta-punta itong Miko na ito rito, hanggang sa pinagbantaan siya at binugbog ito sa harapan ng gate ninyo.. hindi ko narin nasabi iho dahil alam mo naman ang Tito mo baka kami ang pagbuntunan kapag nalaman niyang nakikialam kami sa inyo..”
“Sige po Tita.. tawag na lang po ako sa inyo ulit....”
Napahagulgol na ako sa harapan ni Miko... niyakap na lamang niya ako’t hinaplos ang aking likod..
“Shhh.. hubby ko... tahan na... hubby ko...”
“What’s wrong.. what happened?”
“Miko.. sorry.. sorry hubby ko... sorry....”
“Why?” tinignan niya ang mga mata kong punong-puno ng mga luha..
“You continue sending me letters right? Parati ka ring nagagawi sa amin?”
“Because I never stop loving you Sandro Herrera... I will love you until my last breath...”
Wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin siya ng napakahigpit... gustong-gusto ko siyang halikan ngunit tinatalo ako ko ng matindi kong emosyon... humahagulgol parin ako sa sama ng loob.. at hindi ko alam kung kanino isisisi ang lahat...
-----
(Chasing Cars by Snow Patrol playing on the radio)
All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes
They're all I can see
I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things
Will never change for us at all
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?
-----
“Hubby ko, stop crying na.. tahan na please... I’m here at hindi na ako mawawala pa sayo...”
Hindi parin ako mapatahan ni Miko.. wala na rin akong pakialam kung sumusulyap-sulyap sa amin ang ilang pasahero.. umiiyak parin ako.. para akong nagluluksa’t tinatanong ang tadhana kung bakit napaka-unfair nito sa aming dalawa.. All this time... I badly needed him when I was sick... I almost died...
-----
Hindi parin ako mapatahan ni Miko.. wala na rin akong pakialam kung sumusulyap-sulyap sa amin ang ilang pasahero.. umiiyak parin ako.. para akong nagluluksa’t tinatanong ang tadhana kung bakit napaka-unfair nito sa aming dalawa.. All this time... I badly needed him when I was sick... I almost died...
“Hubby ko.. tahan na.. or else hahalikan na kita.. at ipagsisigawan kong mahal na mahal kita..”
“Let me cry Miko...” bigkas ko kasabay ng aking paghagulgol...
At mas lalong nagpatindi ng aking emosyon nang marinig ko ang musikang ipinapatugtog sa radyo...
-----
(I’ll Always Love You by Nina playing on the radio..)
Standing by my window, listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself
I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go
And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you
-----
Talagang gagawin ng hubby ko ang lahat maging okay lang ako.. Nakatingin sa aming dalawa ang binatilyong kasama namin dito sa backseat, pakiramdam ko kanina pa niya kami pinakikinggan... Habang yakap-yakap parin ako ni Miko, natuon ang aking mga mata sa binatilyo habang tumatahan ako sa pag-iyak... ngumiti siya sa akin, at binigyan niya ako ng two thumbs up.
Sa pagiging emosyonal ko’y biglang nanumbalik sa aking balintataw ang mga paghihirap naming pinagdaanan sa kalupitan ng Tito Ferdz ko.. lalong-lalo na nang hiwain ng kutsilyo ni Tito ang pisngi ni Miko na siyang nag-iwan ng malaking pilat sa kanyang mukha...
“Boyfriend mo ba itong si Miko, Sandro??” galit na galit na boses ng tiyuhin ko.
“Hindi po...” nanginginig kong sagot.
“Mahal mo ba siya???” Hindi ako makasagot sa tanong.
“SANDRO!!! Mahal mo ba si Miko????”
“OPO, MAHAL KO PO SI MIKO, kaya huwag ninyo po siyang sasaktan!”
“Put*ng-ina mo BAYOT KA!” Sabay hiwa niya ng kutsilyo sa pisngi ni Miko.
“Aaaaaaaaaaaaaah...” Paghuhumiyaw ni Miko sa tindi ng sakit.
-----
I wish you'd never left me but love's a mystery
You can break a heart so easily
Oh the days and nights reveal how much I feel for you
Time has come for me to see how much your love has meant to me
And I'll always love you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you
-----
“Kahit anong ginawa sayo ng Tito ko, hindi ka parin sumuko hubby ko...”
“Shhh.. tahan na Chubby cheeks ko.. sige ka hahalikan na talaga kita’t ipagsisigawan kong mahal na mahal kita kapag hindi ka pa tumahan..” lalo akong naiyak sa sinabi ni Miko.. natigil na lamang ako nang mapansin kong pabungad na si Zie.. hindi ito pansin ni Miko dahil matiim siyang nakatitig sa aking mga mata...
Walang pasubaling hinalikan ako ni Miko ng buong pagmamahal, wala na kaming pakialam kung makita man kami ng ilan o ni Zie nang maupo ito sa tabi ni Miko.. ipinikit ko na lamang ang aking mga mata’t ginantihan ang paghalik ng maiinit na labi ni Miko sa aking mga labi..
-----
Time like a river keeps on rolling right on by
Nothing left for me to do
So I watch the river rise
And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will
And I'll still, I will love you
-----
“Diyos ko, mahal na mahal talaga ako ng lalaking ito... hinding-hindi ko na po siya bibitawan, dahil hindi ko na po kakayanin kung mawawala pa siya sa akin...” dalangin ko sa aking isip habang patuloy ko siyang hinahalikan... Para akong batang iyakin, hindi ko naman masisisi ang aking sarili.. nasasaktan lang ako sa mga pinagdaanan ng lalaking mahal ko.. dahil ang tagal ng panahon na kanyang hinintay....
Bumitaw si Miko sa aking mga labi, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, at matiim niya akong tinignan sa aking mga mata.. at kita niyang hindi parin matigil ang pagdaloy ng mga luha nito.. hanggang sa bigkasin ni Miko ang mga katagang lalong bumuhay sa matindi kong pag-ibig sa kanya..
“It pains me when I see you cry... Hubby, I’m here.. hinding-hindi na ako mawawala sayo.. I will never leave or give up on you... even if there are millions of reasons to give up, I will always find one reason to stay... no matter how hard the situation gets, even if this world is against us... 7 years.. I’m still loving you.. and I will always love you...”
“You never stop loving me Miko... and I’m sorry if I choose to let you go...”
“And I choose to love you Sandro.. no matter what happens.. no matter how hopeless.. At ito ang tatandaan mo, kahit sino pang tao ang dumating sa buhay mo... I will love you more than any of them...”
Kinuha ni Miko ang kanyang puting panyo sa kanyang bulsa’t pinunasan nito ang mga luha sa aking mga mata... Isinuot ko ang aking sunglasses at isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat..
“Pahinga ka na hubby ko... mahaba pa ang biyahe natin...” bigkas ni Miko kasabay ng paghawak nito sa aking kamay.
“Hindi rin ako makakapagpahinga.. gusto ko na lang munang sumandal sayo...”
“You will never think of me Sandro, the way I think of you.. and that kills me everyday... pinaniwala mo akong patay ka na...” maluha-luhang boses ni Zie...
-----
“You will never think of me Sandro, the way I think of you.. and that kills me everyday... pinaniwala mo akong patay ka na...” maluha-luhang boses ni Zie...
Hindi ko alam kung nagulat ako... ngunit kumirot itong dibdib ko nang marinig ko ang kanyang sinabi..
Nang makita ng kundoktor na nakasakay na ang lahat ng pasahero’y pinaandar na ng driver ang bus...
Napalingon si Miko kay Zie at nagsalubong ang mga kilay nito sa kanya.. ibinalik niya ang tingin nito sa akin at hinalikan niya ako sa aking ulo.
Ngunit nasundan pa ang unang paghahayag ng damdamin ni Zie.. at itong pagsasaad niyang ito ang aking ikinagulat.. at ni Miko...
“How stupid of me, to think I was the only man in your life.. I knew it, it was Johnson, kaya ka nakipaghiwalay sa akin 3 years ago.... and now you’ve managed to make me feel like a worthless piece of s**t again Sandro... dahil mahal na mahal parin kita hanggang ngayon.. na kahit alam kong patay ka na, mahal parin kita...” tulo luhang may hibla ng galit na pagkakabigkas ni Zie... at nasundan pa... “3 years kitang inalagaan... minahal... hindi mo lang alam Sandro, ikinubli ko ang sakit... knowing minamahal mo parin itong lalaking nasa tabi mo... sa tatlong taong naging tayo Sandro, tell me... sa mga nakita ko ngayon... mas minahal mo ang lalaking ito kumpara sa akin.... hindi ba??”
Parang wala akong lakas na iangat ang ulo ko mula sa pagkakadantay nito sa balikat ni Miko.. Gustong-gusto ko siyang sagutin ngunit hindi ko magawa.. dahil parang namanhid ang buong katawan ko sa mga sinabi’t pang-aakusa niya.... at nagpatuloy pa si Zie..
“Hanggang sa malaman kong wala ka na, hindi mo ako naringgan ng matinding pagseselos.. ni minsan hindi ko pinagselosan si Miko.. kahit may mga gabing magkatabi tayong natutulog.. binibigkas mo parin ang pangalan niya, and even the night we had s*x siya parin ang binabanggit mo sa pagtulog... At hanggang sa nagkamali ako... Pinatawad mo nga ako ngunit ipinagpalit mo ako kay Johnson...”
“Johnson is my private nurse that time..... He is not my lover.... H-hindi k-ka p-parin nagbabago Zie...” nanginginig at mahina kong boses.. hindi ko alam kung narinig niya ngunit dinig na dinig ito ni Miko..
And Zie continues... “I don’t hate you Sandro... I’m just disappointed you turned into everything you said you never be...” ang mabigat na dagdag ni Zie..
Napahinga ako ng malalim at naramdaman ko ang pagyakap ni Miko.... Muling namugto ang mga mata ko ng luha’t biglang nanikip ang dibdib ko sa mga binitawang salita ni Zie. Ramdam ni Miko ang panginginig ng aking kamao habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung galit, sama ng loob o matinding puot itong nararamdaman ko ngayon, ngunit hindi ko alam kung bakit ganito ang namamayani sa aking puso.. dahil alam kong napatawad ko na si Zie noon..
Ramdam na ni Miko ang aking paghikbi.. hindi na ako makapagsalita.. hindi ako makaganti kay Zie... hindi ko maipagtanggol ang sarili ko..
Hindi rin makapagsalita si Miko... hindi rin nito alam kung anong sasabihin niya sa mga narinig niya kay Zie...
Napaangat ako mula sa balikat ni Miko.... tinanggal ko ang sunglasses ko’t napalingon ako sa bintana.. huminga ako ng malalim holding on my anger and gritting my teeth... “
“Hubby are you okay?” concern na boses ni Miko’t napasulyap ang namumugto niyang galit na mga mata kay Zie.
At ibinuhos pa ni Zie ang matinding lungkot na kanyang nararamdaman... “Nang una kitang makita kanina... gustong-gusto kong umiyak but I was quiet, but I was not blind and you’re with him.... Alam kong ikaw ‘yan Sandro..... alam ko ang bawat hibla mo sa katawan, ang amoy at hininga mo...” tuluyan nang bumagsak ang mga sunod-sunod na butil ng luha ni Zie, ngunit siya’y nagpatuloy parin.. and he is feeling helpless already.. “And it kills me right now to see you kissing him... I felt like I was betrayed...” napahinga siya ng malalim at pinunasan niya ng kanyang panyo ang mga tumutulo niyang luha... “Sandro... Baby ko... some days I can’t stop thinking about you... You know what? It hurts to let go... hindi mo ba alam na papunta ako ngayon ng Ilocos Norte.... sa Paoay Lake kung saan isinaboy daw ang mga abo mo.... just to say goodbye to you.. because it is hurting me more... holding on... loving you... kahit alam kong wala ka na...”
“Bro, stop it!” napagtaasan ng boses ni Miko si Zie, nakita kong inangat niya ang mga gamit naming dalawa “Manong PARA.. PARA MANONG!” malakas na pag-para niya ng bus at nahinto naman ng driver ang pagmamaneho.. and then he put our backpacks on his shoulders, and grabs my hand. “Tara na Sandro.. let’s get out of this bus..” pagkatayo ni Miko ay napako ang aking mata sa duguang kamay ni Zie.. at sariwa pa ang pagdurugo nito.. “Oh my God... sinuntok nito siguro ang pader ng banyo...” sa aking isip, at ako’y napatayo na lang nang hilain na ako ni Miko..
“Hubby let’s go” matapang na boses ni Miko na nagmamadali.
Hindi inalintana ni Zie si Miko’t nagpatuloy parin siya...
“Sandro.. Let him leave.. stay with me baby ko... magsimula ulit tayo...”
Hindi ko pinakinggan ang pagsusumamo ni Zie hanggang sa matapat ako sa kanya’t niyakap niya ako sa aking baywang... kitang-kita ko ang nagdurugo niyang kamao..
“Sandro... baby ko.. I love you.. I love you... kakalimutan ko na ang lahat.. basta’t buhay ka.. basta’t akin ka... akin ka lang Sandro....”
To be continued...